When Two Broken Souls Collide...

De 2KG4LOFBLOOD

2.1K 64 2

Where do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there... Mais

Prologue
WTBSC 1
WTBSC 2
WTBSC 3
WTBSC 4
WTBSC 5
WTBSC 6
WTBSC 7
WTBSC 9
WTBSC 10
WTBSC 11
WTBSC 12
WTBSC 13
WTBSC 14
WTBSC 15
WTBSC 16
WTBSC 17
WTBSC 18
WTBSC 19
WTBSC 20
WTBSC 21
WTBSC 22
WTBSC 23
WTBSC 24
WTBSC 25
WTBSC 26
WTBSC 27
WTBSC 28
WTBSC 29
WTBSC 30
WTBSC 31
WTBSC 32
WTBSC 33
WTBSC 34
WTBSC 35
WTBSC 36
WTBSC 37
WTBSC 38
WTBSC 39
WTBSC 40
WTBSC 41
WTBSC 42
WTBSC 43
WTBSC 44
WTBSC 45
WTBSC 46
WTBSC 47
WTBSC 48
WTBSC 49
WTBSC 50
WTBSC 51
WTBSC 52
WTBSC 53
WTBSC 54
WTBSC 55
WTBSC 56
WTBSC 57
WTBSC 58
WTBSC 59
WTBSC 60 | Finally Whole Again
Epilogue | Final Collision
Special Chapter

WTBSC 8

26 2 0
De 2KG4LOFBLOOD


Maria Bella

"Naiwan ka na ba?" Napawi ang ngiti ko sa sinabi nyang 'yon.

"Naiwan saan Sir? Sa gala po ba? Naku di naman po ako Sir mahilig gumal-"

"Nevermind." Pinutol na nya ang sasabihin ko.

"Bakit Sir? Naiwan ka na ba?" Seryoso nang tanong ko sa kanya. Hindi parin nya ako nililingon kaya hindi ko malaman kung anong ekspresyon nya.

"Oo. Isang beses." Simpleng sagot nya pero ramdam ko na may nagtatago sa likod ng boses nyang 'yon.

"Sa paanong paraan?" Tanong ko sa kanya habang ang isip ko ay binabalikan na ang panahon kung paano nga ba ako iniwan ni Cohen.

"Sa pinaka masakit na paraan." Sagot nya sa akin at ramdam ko na sa boses nya na bumibigat ang pakiramdam nya at humihina na ang boses nya.

"Kung ganon ay bakit hindi mo sya pinigilan?" Yan rin ang tanong ko sa sarili ko. Bakit nga ba hindi ko sya napigilan na iwan at ipagpalit ako?

"Dahil imposible."

"Walang imposible kapag gusto mo. Palaging may paraan." Sabi ko sa kanya ng may ngiti kahit na di nya 'yon nakikita. Gusto kong maramdaman nya na positibo lang.

"Yan ang akala mo. But it's not easy as like that. You don't understand." Sabi nito sa akin at ngayon at humarap na sya gamit ang seryoso nyang mukha. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nya.

"Bakit? May dahilan ba sya para iwan ka?" Seryoso nang sabi ko sa kanya dahil naiisip ko si Cohen.

"Nothing."

"Kung ganoon ay bakit ka nya iniwan?"

"Because we ran out of time." Sigaw nya sa akin at napapitlag naman ako sa lakas ng boses nya. Nakita ko naman na napahawak sya sa ulo nya at naffrustrate na ibinalik ang tingin nya sa view mula dito sa opisina nya.

"Go back to your work Bella. Don't talk to me I'm tired." Sabi lang nito sa akin na nakapagpabalik sa pwesto ko.

Tinanaw ko sya mula sa kinauupuan ko dito sa table ko at di ko alam kung ano ba ang malalim na iniisip nya. At sa tingin ko kung ano man yon ay siguradong mabigat.

Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa ginagawa ko hanggang sa di ko na namalayan ang oras. Pagtingin ko sa orasan sa dingding ng opisina ay nakita kong mag-aalas onse y media na ng tanghali.

"Ah Sir Damon papadalhan ko na po ba kayo ng lunch dito?" Pag interupt ko sa kanya dahil nakasandal lang sya sa swivel chair nya habang nakapikit. Alam kong gising pa sya dahil nakita kong gumagalaw ang daliri nya na tumatama sa hand rest ng upuan nya.

"Just fucking eat Bella don't mind me. Get out I want peace." Sabi lang nito sa akin kaya nahihiya akong lumabas ng opisina nya.

Pagsakay ko ng elevator ay agad kong tinawagan si Addison para yayain naglunch sa cafeteria. Sinagot naman nya agad 'yon pagkatapos ng ilang ring.

[Oh Bella? Maglalunch ka na?]

"Oo sana. Ok lang ba na sumabay ako sayo?"

[Oo naman. Nandito na ako sa cafeteria pumunta ka na lang dito kasama ko ang ibang katrabaho ko ipapakilala kita sa kanila.]

"Ahh sige pupunta na ako dyan." Sabi ko kay Addison at ibinaba na ang tawag saka ako nagderetso sa cafeteria kung nasaan sila. Agad namang kumaway si Addison nang makita ako kaya di na ako nahirapan na hanapin sila. Itinuro ko lang ang counter para sabihin na oorder ako at tumango lang sya sa akin.

"Isang F1 lang po at ice tea." Sabi ko sa babaeng nasa counter. Kinuha naman nya agad ang order ko at iniabot 'yon sa akin.

"148 pesos iha." Sabi nito sa akin at medyo nagulat ako sa presyo ng binili ko. Napaka mahal naman nito. Isang kanin lang at isang platito ng ulam at isang ice tea 148 pesos na agad? Sa probinsya namin 25 pesos lang ang order ng ulam at 10 pesos lang kanin tapos 15 pesos lang ang ice tea.

"Ano iha? Magbabayad ka ba o hindi?" Nawala ang iniisip ko ng marinig ko na magsalita ulit ang babae sa akin. Agad naman akong kumuha ng pera sa wallet ko at inabutan sya ng 150 pesos.

"Wala ka bang company card iha?"

"Bago lang po ako kaya wala pa po ako."

"Tsk." Sabi nya sa akin at hinablot na sa kamay ko ang 150 pesos. Inilagay nya na ang pera sa kaha at mukhang wala na syang balak na suklian ako.

"Ah manang may sukli pa po akong 2 pesos."

"Iha 2 pesos lang di ka pa magpatawad? Walang barya sa susunod na lang kita susuklian. Akala mo naman ikakayaman mo ang dalawang piso." Malakas na sabi nito sa akin kaya napahiya ako at napatingin sa akin ang ilang tao na nandoon din sa counter.

"Kahit talaga isang kusing di nya pinapaligtas."

"Look at her itsura palang gold digger na."

"Grabe galit na galit sa 2 pesos?"

"Baka patay gutom? Hahahha."

Madami pa akong narinig na kung ano ano sa mga taong nandoon pero di ko na lang pinansin. Tumungo na lang ako sa kanila at kinuha ang order ko saka ako nagderetso sa table nina Addison. Araw araw kayang ganito ang mga tao dito?

"Oh bakit ang tagal mo yata?" Tanong sa akin ni Addison ng makita ako.

"Mahaba kasi ang pila." Sagot ko sa kanya pero tumawa lang ang ilan sa mga kasama nya.

"Ngayon lang humaba ang pila sa cafeteria ah?" Sabi noong isang lalaki sa akin na nandoon din sa mesa.

"Hayaan mo na lang sila Bella. Maupo ka na dito." Si Addison at tinapik pa nya ang upuan sa tabi nya.

"Salamat."

"By the way guys, this is Bella. Bago lang sya dito at kasama ko rin sya sa bahay."

"Hi Bella, I'm Remy." Pagpapakila naman ng babae sa akin na may pagkamaitim ang kutis at kulot.

"I'm Russell." Sabi naman ng maputing lalaki na may kulay ang buhok.

"I'm Jacques nice to meet you Bella." Pag-abot din ng kamay ng isang lalaki na maputi rin pero itim ang buhok at may hikaw sa kaliwang tenga.

"I'm Analee. I'm please to meet you Bella." Sabi naman sa akin ng babae na katapat ko sa lamesa. Mukha namang mababait silang lahat kaya nginitian ko silang lahat.

"Ilang taon ka na Bella? You look so young?" Tanong sa akin nang nagpakilalang Analee.

"27 na ako." Nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Talaga? Anong sekreto mo? You look so young. Mukhang nasa 20 ka lang." Sabi nito sa akin kaya natawa lang ako.

"Ganyan din ang sabi ko sa kanya nang una ko syang makita." Sabi naman ni Addison.

"Probinsyana ka ba?" Tanong naman ni Jacques.

"Oo. Taga Batangas ako." Sagot ko naman sa kanya.

"Kaya pala." Sabi naman nito sa akin.

"Naku Jacques huh?! Wag tong kaibigan ko iba na lang." Si Addison.

"Wala naman akong ginagawa ah?" Sabi naman noong Jacques kaya natawa ako sa kanila dahil mas nag-asaran pa sila.

"Ngayon oo pero naku Jacques huh? Sinasabi ko sayo." Si Addison.

"Bakit ba ang sama ng tingin nyo sa akin?" Asik naman nito kina Addison.

"Eh kasi babaero ka!" Halos sabay sabay na sabi ng nga kaibigan ni Addison. NTawa naman ako sa kakulitan nila.

"Oh Bella? Tahimik ka yata may problema ba?" Tanong sa akin ni Addison.

"Ah wala naman medyo nasungitan lang ako ni Sir Damon kanina. Mukhang masama ang mood nya."

"Naku ganon lang talaga si Sir Damon minsan pero mabait naman 'yon." Sabi naman sa akin ni Remy at sumang ayon ako sa kanya. Totoo naman na mabait talaga si Sir Damon siguro ay sadyang masama lang ang mood nya ngayon.

"Nakita ko kanina 'yong anak ni Mr.Onido ano kayang ginagawa nya dito? Tinanggap na ba nila ang partnership?" Napatingin naman ako may Analee dahil sa sinabi nya.

"Siguro." Sabi naman ni Russell. Mukhang sya ang pinakatahimik sa kanila at seryoso.

"Buti naman tinanggap na nila malaking kompanya rin ang MI Incorporated di ba?" Sabi naman ni Addison.

"Tinanggap na nila ang deal kahapon." Simpleng sagot ko sa kanila at nagtanguan naman silang lahat.

"Bakit mo alam?" Si Remy.

"Lutang ka ba Remy? Eh di ba sya na ang bagong secretary ni Sir Damon?" Sabi naman ni Addison dito.

"Sorry di ko naman alam." Naka peace sign na sabi nito kay Addison. Nagpatuloy lang kami sa pagkain namin at halos hindi ko na namalayan ang oras. Ang lunch namin ay humaba dahil mukhang hindi sila nauubusan ng kwento.

"Oh paano Bella? Kita na lang tayo mamaya?" Pagpapaalam sa akin ni Addison at tumango naman ako sa kanya bago sya umalis kasama sina Remy. Nagderetso naman na ako pabalik sa opisina ni Sir Damon. Pagpasok ko ay di ko sya nakita sa table nya.

"Gaano ba kadami ang kinain mo at inabot ka ng halos isang oras?" Napapitlag naman ako sa gulat dahil sa boses na 'yon. Nakita ko si Sir Damon na nakaupo doon sa sofa at umiinom ng kape.

"Pasensya na p-" Natutop ko agad ang bibig ko dahil sa mapapa po nanaman ako.

"Tsk. Ako na ang nagtimpla ng kape ko dahil napakatagal mo." Tonong naiinis na sabi parin nya sa akin.

"Hindi na mauulit Sir." Paghingi ko sa kanya ng sorry pero umiling iling lang sya sa akin.

"It shouldn't be Bella because I hate wasting time. Go back to your work." Sabi nito sa akin kaya napatango na lang ako at nagmamadaling bumalik doon sa table ko. Binuksan ko ang laptop ko at nakita ko doon ang ilang email galing sa iba't ibang kompanya pero isa lang ang naka-agaw ng pansin ko at 'yon ang galing sa isang @RV.ONIDO.


@RV.ONIDO
Can I get your number?



Napalaki naman agad ang mata ko sa nakita ko sa screen ng laptop ko. Anonng ibig nyang sabihin? Nahingi ba sya ng number sa STL? Mukhang tumataya rin sya ah? Pero mayaman na naman sila bakit kaylangan pa nyang tumaya dito? Nagtype ako para sa reply.



To:@RV.ONIDO
12.14 Sir lucky numbers ko yan kaso di pa po tumatama.



I typed and pressed the send botton. Bakit hihingi na lang sya ng number sa STL kaylangan naka-email pa. Ganito yata kapag mayayaman na katulad nila walang social media o kahit na anong pang-text. Pagkatapos kong i-send 'yon ay nagcheck na ako ng iba pang email pero ilang minuto lang ay may bagong email na nag-pop up sa screen.



@RV.ONIDO
What are you talking about? What I mean is your phone number. Tsk pabo.


Ano daw? Pabo? Ano 'yon? Yun ba 'yong parang manok sa probinsya namin na lumalapad ang balahibo sa pwet kapag hahabulin ako? Pero bakit nya hinihingi ang number ng phone ko?


To:@RV.ONIDO
Aanhin nyo po ba Sir? May kaylangan po ba kayong sabihin kay Sir Damon? Galit po sya sa inyo.


I replied. Ano kayang kaylangan ni Sir Ravanni. Kanina ay hindi naging maganda ang tagpo nina Sir Damon at naging ako. Napakayabang nyang nilalang. At isa pa ay bakit niya ako gustong maging secretary? Wala bang nag-aapply sa kanya?



@RV.ONIDO
Your contact number Bella. I want to see you day forward. Let's have a date.


Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa 'kong 'yon. Hindi naman ako ganon kainosente para hindi malaman ang salitang date. Crush ba ako ni Sir Ravanni kung ganon?

Magtatype na sana ako ulit ng reply nang marinig ko ang malakas na tunog na nanggaling sa table ni Sir Damon.

"Sir Damon b-bakit?"

"You think I can just watch my employee take advantage on my company?"

"What do y-you mean Sir?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil parang high blood nanaman sya.

"I can see your response messages Bella. Ano itong pinag-uusapan nyo ng Ravanni na 'yon? Ibibigay mo na ba ang number mo sa kanya at makikipag-date ka? Huh! Magsama kayo ni Onido!" Malakas na sigaw nya sa akin saka sya dumeretso sa pinto at pabagsak na isinara 'yon nang makalabas sya.

"Anong problema non? Crush mo rin ba ako Sir Damon at nagseselos ka sa amin ni Sir Ravanni? OMO hindi ko pa kayang magpaligaw ulit." Nasabi ko na lang at pabagsak akong napa-upo sa swivel chair ko. Bakit ganito ang mga taong 'to? Ganon ba talaga kapag mayayaman?













xyvil_keys

Continue lendo

Você também vai gostar

391K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
6.8K 523 33
Luna Eloise was living happily and contented with her family. Not until one day,when she found out that her sister was sick and when she met this man...