My Bipolar (Forbidden Love Se...

By MauR13S

108K 5.5K 518

Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
AUTHORS NOTE
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHARACTER'S PROFILE
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
LAST CHAPTER
EPILOGUE
ABOUT SERIES 2
SPECIAL CHAPTER 1
Series 2
Related Stories
SPECIAL CHAPTER 2

CHAPTER 20

1.6K 114 5
By MauR13S

HALOS gusto ng mag takip ng tenga ni Michael sa sobrang lakas ng tugtog. Wala na siyang makitang kumakain ng pag kain dahil puros alak o wine na ang hawak ng mga bisita. Maging sila nga rin ni Allen ay ganoon ang hawak. Kita ni Michael kung paano nag sasayaw ang mga naroon ang iba ay naka bikini o shorts pa at nasa pool. Ngayon ay silang dalawa ni Allen at si Afro na lamang ang natitira sa table. Dumating kanina si Afro kalhating oras bago nag simula ang "tunay na party" kuno na sinasabi ni Axcel.

Gusto namang mag tanong ni Michael kay Afro king ganito ba talaga ang party sa syudad ay hindi niya magawa dahil hindi lamang sila mag kakarinigan. Sumisim na lamang si Michael sa hawak niyang wine. Ang totoo niyan ay kanina pa iyon pero hindi pa rin inuubos ni Michael dahil natatakot siyang malasing.


Kita naman niyang pang ilang baso na ni Allen at medyo namumula na ang mukha nito. Maya-maya ay nag bago na ang tunog ng music, kung kanina ay rock naging mas soft na ito.

"Sir Allen, tama na yan" sambit ni Michael but Allen just ignored him at binottoms-up pa ang wine na kasasalin lang ng waiter. Tumayo na si Michael upang kuhain na ang baso ni Allen pero tinabig lang nito ang kanyang kamay at sinamaan ng tingin.

"Lasing ka na Sir. mapapagalitan ako ni Ma'am Christine." Sambit uli ni Michael. Tumingin naman uli sa kanya si Allen at sarcastic na tumawa.

"So?" Allen mocked at nag pasalin pa uli ng wine.


"Michael, may problema ba?" tanong naman ni Afro.

"Ayaw kasi tumigil uminom" sambit ni Michael. Hindi naman siya mapakali dahil baka talaga malasing si Allen kaya muli niyang tinangka kuhain ang baso. "Sir Allen, tama na yan" sambit uli ni Michael. Malakas na tinabig muli ni Allen ang kamay ni Michael at tinulak siya dahilan para mapa upo ito. Agad namang lumapit si Afro upang daluhan si Michael. Nakita naman nilang umalis si Allen at nag lakad patungo sa likurang bahagi ng bahay.


Agad namang tumayo si Michael at pinag-pagan ang likuran. Nakita naman niyang lumapit rin sina Keith sa kanila at nakatingin din ang ibang bisita sa kanila. Ngumiti lang siya ng alanganin sa kanila.


"Anong nangyari?" tanong ni Keith.


"Ayaw kasi tumigil sa pag iinom. Teka sundan ko muna." Hindi na inintay ni Michael ang sagot ng mga kaibigan at agad na tumakbo kung saan nag punta si Allen.

"Sir Allen." Agad siyang lumapit kay Allen nang makitang nakaupo ito sa bench. Siguro ay nasa garden sila dahil maraming bulaklak sa gilid.


"Sir Allen gusto niyo na bang mag pasundo tayo?" tanong niya at humawak sa braso ni Allen. Tinabig naman yun niya yun na ikinagulat ni Michael.


"You know what? Stop acting like you care for me okay?! Tayo na lang naman dalawa rito at wala ng makaka kita na wala kang pakielam sakin!" Sigaw ni Allen. Nasaktan si Michael sa mga salitang sinambit ni Allen.


"A-ano? H-hindi..." hindi makapag salita ng maayos si Michael dahil pakiramdam niya na kapag nag salita pa siya ay babagsak lamang ang mga luha niya.


"Oh? You can't say anything? So you just admitted it that you only show your care for me because my Mom paid you right?" sambit ni Michael. Walang lumalabas na mga salita sa bibig niya tanging mga iling lamang.

"What?! Say something!" galit na sambit ni Allen at niyugyog ang balikat ni Michael.

"M-mali ka! H-hindi totoong wala akong p-paki sayo!" Na nginginig Sambit ni Michael, tumutulo na ang mga luha niya ngayon.

"Ow really?then why its so easy for you to ignore me like wala tayong pinag samahan?" napatingin naman si Michael kay Allen nang marinig na lumambot ang boses nito.


"Hindi---"hindi na natuloy ni Michael ang sasabihin nang matumba si Allen pabagsak sa kanya. Nakapikit na ang mga mata nito. Napabuntong hininga na lamang si Michael at inalalayan si Allen, inihiga niya ito sa bench at ipinatong ang ulo nito sa hita niya para maging unan.

Binuhay ni Michael ang kanyang phone at idinial ang number ni Kuya Vicente at nag pasundo. Napa buntong hininga siya at mahinang hinaplos ang buhok ni Allen.


"Grabe away niyo..." napalingon si Michael sa gilid niya nang makita na naroon ang apat. Sigurado siya na narinig ng mga ito ang usapan nila kanina base sa sinabi ni Axcel.

"Ayos lang ba siya?" tanong naman ni Afro. Tumango naman si Michael.

"Nawalan lang siya ng malay, nalasing siguro." Sambit ni Michael.

"Ayusin niyo na yan habang maaga pa" sambit ni Clark.

"I have feeling that it's just a misunderstanding" sambit naman ni Axcel. Napatingin naman si Michael nang makita naka pasan sa likod nito si Keith na mukhang tulog na dahil sa kalasingan.


"Ang totoo niyan ay mas mabuti na siguro 'to..."





INI-UNAT ni Michael ang mga kamay pag ka gising niya. Kinusot-kusot muna ang kanyang mga mata at bumaba na sa kama. Kumuha na agad siya ng damit at dumeretso sa banyo para mag hilamos. Alas-sais pa lang ng umaga. Na alala naman niya ang mga nangyari kagabi pag kauwi nila. Akala niya ay mapapagalitan siya ni Ma'am Christine dahil nalasing si Allen pero hindi, bagkus ang sabi pa nito ay ayos lamang daw yun para naman maranasan ng anak niya.

Samantala, hindi pa rin ma alis sa isipan ni Michael ang mga sinabi ni Allen sa kanya kagabi.

"You know what? Stop acting like you care for me okay?! Tayo na lang naman dalawa rito at wala ng makaka kita na wala kang pakielam sakin!"

"Oh? You can't say anything? So just admitted it that you only show you care for me because my Mom paid you right?"

Hindi alam ni Michael kung bakit o saan nanggaling ang mga sinabi ni Allen. Umiwas lang naman siya dahil sa mga sinabi ni Kurt na kaya lang daw ganun si Allen sa kanya ay dahil nag papakita siya ng pag aalaga, pero bakit parang iba ang ipinapakita ni Allen sa kanya? Dapat bang nakinig siya kay Kurt? Mga tanong na nag lalaro sa isipan ni Michael. Mas lalo na siyang naguguluhan.

Pag katapos niyang mag hilamos ay lumabas na si Michael sa kwarto para mag punta sa garden ngunit napahinto siya nang maka salubong si Mira, may hawak-hawak itong tray ngunit tila ba hindi mapakali ang dalaga.

"Good morning Mira. Oh bakit ganyan mukha mo?" tanong ni Michael.

"Buti naka salubong kita Michael. Pwede ba ikaw muna mag dala nito sa kwarto ni Sir Allen? Sumasakit na naman kasi tiyan ko eh!" Mabilis na sambit ni Mira at agad na inabot kay Michael ang tray wala naman nagawa ang binata kaya kinuha niya na, agad na kumaripas ng takbo si Mira.

Napailing na lamang si Michael. Tiningnan niya ang hawak na tray may laman itong isang bowl ng sopas, isang baso ng tubig at gamot sa sakit ng ulo. Siguradong para ito sa hangover ni Allen. Huminga ng malalim si Michael at umakyat na sa hagdanan papunta sa kwarto ni Allen.
Nang makarating sa tapat ng kwarto ay agad na kumatok si Michael. Maya-maya ay binuksan na ito ni Allen na bahagyang nagulat nang makita na siya ang may dala ng pag kain. Pumasok na si Michael sa loob at inilapag ang tray sa may lamesa sa gilid ng kama.

"Kain na sir Allen. Para ma alis ang hangover niyo..." mahinang sambit ni Michal sapat na para marinig ni Allen. Wala namang imik na umupo sa gilid ng kama si Allen at nag simulang kainin ang sopas.


Tahimik lamang ang buong kwarto hanggang matapos kumain si Allen. Kukuhanin na sana ni Michael ang tray nang biglang humarang sa tapat niya si Allen at bigla siyang niyakap. Tila naman napako sa kanyang pwesto si Michael, hindi siya maka galaw o itulak manlang si Allen ang tanging alam niya lang ay kung gano kalakas ang tibok ng puso niya ng mga sandaling 'yon.

Maya-maya ay narinig ni Michael ang mahinang pag hikbi ni Allen. Napalinok siya dahil 'di malaman kung ano bang dapat niyang gawin.

"P-please s-stop i-ignoring m-me babe" Allen said in between his sobs. Parang umakyat ang dugo ni Michael sa kanyang mukha dahil sa 'babe' sa sinambit ni Allen. "I can't t-take it anymore...please don't make me realize na t-tama ang sinabi ni Kurt sakin..." Napatigil si Michael nang marinig ang huling sinambit ni Allen.


"A-anong s-sinabi niya sayo?" tanong ni Michael. Kumalas na sa yakap si Allen at hinila siya paupo sa kama.


"He said that you only care for me because my mom pays you" sambit ni Allen na huminto na sa pag iyak.

So kay Sir Kurt pala nanggaling...

"Teka...kaya naman kita nilayuan kasi sabi ni Sir Kurt ay ganyan ang trato mo sakin dahil nag ca-care ako sayo...at wala ka talagang nararamdaman" sambit ni Michael. Kita niya kung paano napakunot ang noo ni Allen dahil sa sinabi niya.

"So all this time this misunderstanding is his fault, that ass*ole!" galit na sambit ni Allen. Agad namang hinawakan ni Michael ang kamay ng binata para pakalmahin ito.


"Kalma, kapatid mo pa rin yun." saad ni Michael.


"That's the point. He is my brother but he's ruining my happiness again." saad naman ni Allen.

Again daw?

"Pero malay mo...ginagawa lang niya 'to para din sayo kasi siguradong magagalit si Ma'am pag nalaman niya" sambit ni Michael.

"But still, he does something wrong to us. And now, you know the truth. Are you still going to ignore me?" napalunok naman si Michael sa sumunod na sinabi ni Allen.


"Anong truth?" Maang na tanong ni Michael.


"I like you...do you like me too?" napatitig na lamang si Michael sa binata dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya. Huminga muna siya ng malalim para mag ipon ng lakas ng loob.


"Oo...pero paano kung malaman---" hindi na naituloy ni Michael ang sasabihin ng dumampi sa kanya ang labi ni Allen.

"I like you and you like me too, that's all that matters now. Lets just enjoy ourselves for now..."


Dapat ba akong sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan at alam ko na ang kakahinatnan?


Sige tataya ako...dahil alam kong kasama ko si Kian sa bawat taya ko...kahit na matalo kami sa huli ang mahalaga ay masaya ako...kami...sa naging proseso.

****

Don't forget to leave a vote.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
108K 5.5K 56
Synopsis Juan Michael Bueno the Industrious guy from the province of Batangas. He always dreamt to be a successful lawyer so he didn't think twi...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...