Narito't umaasang maaabot itong mga bituin
Gabi na't nagtataka kung sila'y sinasaksihan din
Ngunit 'di na itutuloy sapagkat malayo ka sa'kin
Libong milya ang distansiya't oras ay 'di atin
Walang ni isang paboritong alam,
Dahil 'di nakakausap, unti lamang ang paramdam
At lagi't lagi'y ibinubulong mga hiling sa buwan
Sana'y matupad mga pangakong iniwan
Na sa iyong pagdating, sa akin ka uuwi
Tropeyo'y ikaw sa paghihintay gabi-gabi
Bawat araw at oras ay hindi na hati
Sawakas, ngayon ay ako naman ang pinili