Escaping the Darkness

By katanaxtrigger

2.9K 455 7

Katana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gaga... More

Escaping the Darkness
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Pagtatapos
Note

Kabanata 29

31 5 0
By katanaxtrigger

Kabanata 29

"I'm sorry Ms. Mendez, pero tanggal ka na sa mga Dean's Lister." mapait na saad ng professor ko. "I warned you. Sinabi ko lahat ng mga kakulangan mo, but then..." umiling siya.

Suminghap ako.

"It's okay, Miss. Babawi na lang po ako."

"Alam mong hindi ka na makakabawi, Katana. You can't do anything about this anymore. This is the last. You failed this year. Hindi ka na makakabawi. Wala ka nang ibang gagawin kung hindi umulit next year.

Dire-diretsang aniya pa. Tumataas na rin ang boses niya dahil alam kong sobrang dissapointed siya sa akin. I'm one of the Dean's Lister of our batch. Straight Dean's Lister and running for Summa Cumlaude next year and yet anong ginawa ko?

"Or else, mag-take ka ng acceleration exam next month.  You choose, Ms. Mendez."

Today is May 10, Calyx's birthday. Next week ay closing na ng school year na 'to. My professor wants me to take the acceleration exam para hindi ako mapag-iwanan. Malaki ang tiwala niya sa akin, ganun din ang expectations niya. Kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganito na lamang ang naging reaction niya.

Maging ako ay nalungkot din. At alam kong mas grabe pa sa reaksiyon ng professor ko ang magiging reaksiyon nina Daddy. Lalong-lalo na ang mga Ramirez.

"I'll try, Miss." paalam ko.

Pero hindi. Hindi ako magti-take ng exam. Pinili kong gawin ito. Pinili ko ang direksyong ito. Ito lang ang naiisip kong paraan para hindi ako umalis. Magagalit sina Daddy sa'kin, oo. Pero okay lang iyon. At least madi-delay ang pag-alis ko.

Alam kong sobrang katangahang paraan 'to pero anong magagawa ko? Sobrang desperada na ako.

Napangiti na lang ako ng pilit. Sinadya ko ito pero ang sakit pa rin. Ang sakit sa pakiramdam. Bumagsak ako sa kursong gustong-gusto ko. Ang matagal ko ng pinapangarap.

Pinarada ko ang kotse sa grocery store.

Naisipan kong i-surprise si Calyx ngayong birthday niya. Naging okay rin agad kami ni Calyx. Hindi ko na siya nagawang komprontahin noon dahil inisip kong baka business partner niya lang. Kahit na hindi naman mukhang business partner, tanga na lang ang maniniwala.

Pero... iintindihin ko na lang.

Hindi ako bihasa sa pagluluto pero para sa kaniya, gagawin ko. Magpapatulong na lang ako kay Marza. Kung sana okay kami ni Carliyah, mas mapapadali sana ito ngayon. Kung sana lang talaga.

Matapos ang pamimili ay umuwi na rin ako para makapag-prepare na.

"Ayos na ba 'to?" I asked Marza.

Nilapitan niya ang hinahalo ko at saka tinikman.

"Okay na!" aniya at napapalakpak pa.

Ngumiti ako bago tinanggal ang apron na suot.

I checked the time and it's alreay 4 pm. Tinulungan ako ni Marza sa pag-aayos. Abala kami sa paglalagay ng table napkins nang mag-ring ang phone ko.

Natigilan ako ng makita kung sino ang tumatawag.

"Hello, Dad?"

Hindi muna siya nagsalita kaya nakaramdan ako ng kaba.

"Umuwi ka ngayon." malamig na aniya.

Ako naman ngayon ang hindi nakasagot. Napatingin ako sa inaayos na table bago bumaling sa nakamasid na si Marza.

"Bakit po?" pinigilan ko ang magtunog-takot.

"Just do what I said, Katana Saphira. Umuwi ka ngayon din!" mariing aniya bago binaba ang linya.

Napapikit ako sa nerbyos dahil alam ko na kung ano ito. Alam ko na kung bakit at alam ko na ang mangyayari. Ako ang may gawa nito eh, kaya dapat lang na harapin ko 'to ngayon.

"Ayos lang ba talaga, Marza? Sorry ah, emergency lang talaga."

"Ano ka ba! Okay lang talaga, promise. Ite-text kita kapag dumating na si Calyx. Pero sana naman nakabalik ka na bago pa siya makarating." aniya.

I kissed her cheek before leaving.

Nasa daan pa lang ako patungo sa mansyon ay sobra-sobra na ang takot at kaba ko. Para akong maiihi sa nerbyos. Gusto kong 'wag na lang tumuloy pero sigurado akong mas sobra sobra pa ang aabutin ko kapag ginawa ko 'yon.

Mas lalo akong pinagpawisan nang makita ang pamilyar na chevy sa harap ng mansyon ngayon.

Ito na... Ito na talaga, Katana.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumungad sa akin pagpasok ko sa loob. Nadatnan ko silang lahat sa sala, halatang inaabangan ang pagdating ko. Si Mommy, Tito Arthur, Dylan, Kuya, Daddy, and Tita Thelma.

Hindi pa ako nakakapag-mano ay nagsalita na si Mommy.

"Bumagsak ka." mahinang saad niya.

Hindi ako nakapagsalita, yumuko lang ako.

"Why? What did you do!? Bakit ka bumagsak? Bakit ngayon pa!?" tumaas na ang boses ni Mommy.

"Isang taon na lang, Katana. Isa na lang... Magse-senior ka na, bakit ngayon pa?"

Napansin kong pinigilan siya ni Tito Arthur pero hindi rin ito nagtagumpay.

"Nariyan ka na nga sa kursong bihasa ka, bumagsak ka pa? Third year ka pa lang, nursing pa lang 'yan. Papasok ka pa lang sana sa med school, bumagsak ka na! I can't believe this! I am so dissapointed! This is such a big disgrace to our family!" nanggagalaiting sigaw niya sa akin.

"Emerald! Baka nakakalimutan mong wala ka sa teritoryo mo! Maghunos-dili ka-"

"You have no right to educate me, Thelma. Wala akong pakialam kung teritoryo mo 'to kaya 'wag kang maki-alam sa amin dahil usapang mag-ina lang 'to!" putol ni Mommy kay Tita.

"Huwag kang magsimula, Emerald." si Tito naman ngayon.

"Manahimik kayo!" ma-awtoridad na sigaw ni Daddy bago ako binalingan. "What did you do, Katana? Ang laki ng binaba ng grado mo kumpara sa grado mo noong nakaraan. Paano nangyari ito?"

Hindi ako nagsalita.

Umismid si Mommy.

"Nag-aral ka pa, babagsak ka rin lang pala. Kung sana sumama ka na lang sa'kin sa mga business trips ko, o 'di kaya pumasok na lang sa modeling. Akala ko ba matalino ka? Anong nangyari ngayon? Where did your brain go? Did you lost it somewhere? Ba't puro kamang-mangan na lang ang natira? Saan mo ba namana 'yan? As far as I know, walang bobo sa mga Ramirez-"

"Mommy! Stop it!" saway ni Dylan.

"What? Stop butting in, Dylan Walter." mas mataray na saad ni Mommy.

Napahilot na lang sa sintido si Daddy at Tito Arthur.

Ang sakit. Kung gaano kasakit masabihan ng mga masasalitang salita sa mga kaibigan mo, mas masakit pa rin pala talaga kapag mismong nanay mo na ang nagsabi ng mga ito. Hindi lang doble, triple, o kahit ano pa.

It's a million times painful.

Pinisil-pisil ko ang palad ko, in that way, nako-comfort ko ang sarili ko.

Binalingan ko si Kuya na tahimik lang pero nababasa ang pag-aalala sa mukha niya. Gusto kong sumabat at nakikiramdam.

Nginitian ko siya to assure him that I'm okay. But truth is, deep inside my heart I am dying. Ayaw ko rin naman po nito. Hindi ko rin naman matanggap na ganyan ang nangyari. Kung gaano kayo kagalit sa akin ay mas galit pa ako sa sarili ko.

"Dapat talaga noon pa lang ay hindi na ako pumayag sa nursing nursing na 'yan! Kung sana ay nagbusiness ka, mas mapapakinabangan mo pa. Ang lakas lakas ng loob mong pasukin ang kursong 'yan, hindi mo rin pala kayang ipasa. Ha!" suminghap siya.

Tumingin ako sa taas para mapigilan ang pag-iyak.

Okay lang 'yan, Katana. Normal na reaction lang 'yan ng isang ina. Ayos lang 'yan. Sana.

Pero...

Nakakainis! Nakakagalit! Sobra na siya. Wala naman siyang pakialam sakin ah? Bakit ngayon ay umaarte siyang parang isang ulirang ina?

"Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na isang Ramirez bumagsak sa ikatlong taon sa college, uulit pa! Ang masama, anak ko pa! Did you know how shameful it is? It's embarrassing, Katana. You put a shame on my name!"

"Bakit, Mommy? Kailan ba ako hindi naging nakakahiya para sa'yo?" wala sa sariling tanong ko.

"Anong sabi mo?" hindi makapaniwalang saad niya.

Kapansin-pansin rin ang pagkagulat sa mga mata nilang lahat.

Bakit? Dahil ba ngayon ko lang nasagot ng pabalang ang nanay ko? Oo, ngayon lang nga. Dahil sobra na. Hindi ko na talaga kaya.

"Hindi ba't nasa loob pa lang ako ng sinapupunan mo ay ikinakahiya mo na ako?"

"Katana Saphira!" sigaw ni Daddy.

"'Di ba, Mommy? You only see me as a disgrace and a dissapointment, kahit noong hindi pa ako naisisilang. Kaya bakit ngayon ka pa magrereklamo na nilagyan ko ng kahihiyan ang pangalan mo kung dati pa lang, ganun naman na talaga ang tingin mo sakin?"

She then slapped me.

"Ate!"

"Bastos ka!" sigaw niya.

"Emerald! Huwag mong saktan ang bata!" si Daddy at Tito.

Agad akong dinaluhan ni Kuya.

"Ganiyan ba ang natututunan mo sa pamamahay na 'to? Ang bastusin ang sarili mong ina? Ang taong nagbigay ng buhay sa'yo? Instead of being thankful for having this luxurious life and being happy because you always get everything what you've wanted, nagkakaganyan ka pa? Nagrerebelde ka pa!?"

"And who will I thank for this fucking life? Ikaw ba, Mommy? Ano pang silbi ng pagkabuhay ko sa mundong ito kung araw-araw niyo rin naman akong pinapatay? I was like invisible to all of you tapos ngayon gusto niyong ipagpasalamat ko pa ang buhay kong ito? Sana hindi niyo na lang ako binuhay kung ganun!"

"Katana..." si Daddy.

"Ate, don't say that!"

"'Katana, huwag namang ganiyan," si Kuya at niyakap ako.

Kumalas naman ako dito.

"All my life I've never experienced to be cared and to be loved by you, Mommy. I am always longing for your love... Kayo ni Daddy. Kasi ganun naman talaga dapat hindi ba? Sa pagkaka-alam ko responsibilidad iyon ng isang magulang... Pero bakit hindi niyo man lang maibigay? Kahit katiting na pagmamahal niyo lang ni Daddy hindi niyo man lang maibigay. 'Yon lang naman 'yong gusto ko eh, not those fancy things. Not your money, Daddy... Mommy..."

Suminghap ako.

"Alam niyo po ba kung ano ang nararamdaman ko? Tinanong niyo po ba ang gusto ko? May alam po ba kayo sa'kin bukod sa marka at behaviour ko sa school?" Bumaling ako kay Daddy. "Ayaw kong umalis, Dad. Ayaw kong umalis ng bansa." Si Mommy naman ngayon ang tiningnan ko. "Hindi po ako bumagsak lang. Sinadya ko po 'yun para hindi ako makaalis ng bansa. Kasi iniisip ko na baka kapag ginawa ko 'yon ay mapakinggan niyo rin ako. At sa pagkakataong 'yon ay masabi ko kung ano ang gusto ko. Kung ano ang nararamdaman ko."

Pinunasan ko ang mga lumandas na luha sa mata ko.

"Iyon po ang totoo. Binagsak ko po ang sarili ko para makuha ang atensyon niyo. Alam ko pong mali iyon pero desperada na po ako. Iyon po ang alam kong magpapasaya sa akin. Ang manatili dito at huwag nang umalis. Mali po bang piliin ko ang kasiyahan ko kahit isang beses lang? Mali po bang sarili ko muna ang isipin ko at hindi po ang masasabi niyo sa akin?"

I bit my lips. "Kasi kung mali pa rin po, hihingi na lang po ako ng tawad. Sorry po kung naging makasarili ako. Sorry kung hindi ko inisip ang pamilya niyo. Hindi ko po inisip ang magiging kahihinatnan ng reputasyon niyo. Pasensya na... pero hindi po ako nagsisising piliin ang gusto ko."

"Buong buhay ko sinisikap kong maging perpektong anak sa inyo. Nagpapakahirap ako dahil ayokong ma-dissapoint ko kayo. Palagi akong sunod-sunuran sa mga gusto niyo nagbabakasaling mapansin n'yo na ako bilang anak n'yo. 'Yon lang naman po 'yong gusto ko. Ang simple simple lang. Pero hindi niyo kayang ibigay. 'Yon lang ang bagay na hindi nabibili ng yaman niyo... Now tell me, am I really having the life that I want?"

Ang sakit isipin na 'yong bagay na responsibilidad naman talaga dapat ng isang magulang para sa kanilang anak ay hirap na hirap akong makamtan. Para akong nanlilimos sa katiting na pagmamahal na ipinagkait sa akin.

Naawa ako sa sarili ko.

"That's not true! You don't know what you are saying, Katana Saphira!" may hinanakit sa boses ni Mommy.

"Ah oo nga po pala. Naalala ko, hindi niyo talaga maibibigay 'yon dahil para sa inyo, isa lang akong malaking pagkakamali. A big big mistake! Kaya hindi niyo maatim na makita ako dahil naaalala niyo sa'kin ang mga pagkakamali niyo sa nakaraan. Pero nakakatawa lang dahil bakit ako ang nagbabayad sa mga mistakes niyo. Bakit, po ako ang kailangang magdusa, Mommy? Bakit po ako?"

Hindi nakapagsalita si Mommy.

"Hindi. Hindi ka pagkakamali, Katana. Sinong may sabi sa iyo 'yan!?" iiling-iling na saad ni Daddy.

"You're not a mistake because what I did in the past was the true mistake. Ang mahalin ka, Ricardo. Iyon ang pagkakamali."

"Emerald!" si Tito Arthur.

"That's the reality. Noong pinagtaksilan niyo ako ni Thelma, ang matalik na kaibigan ko. Doon ko na napagtantong mali pala na minahal kitang taksil ka!"

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanila.

What? H-Hindi ba... Sila ni Daddy ang nagtaksil kay Tita Thelma? Kaya nga nabuo ako di ba? Dahil sa pagkakamali nila.

"Look how miserable our daughter is! This is all your fault, Ricardo! Kung hindi ka lang nangaliwa! Kung nakuntento ka lang sana! She won't be this miserable, Ricardo! This is all your fault! Kasalanan niyo 'to ni Thelma!"

"Hanggang ngayon ba naman hindi mo pa rin nakakalimutan 'yan, Emerald? May pamilya ka na't lahat ang pagkakamali pa rin ni Ricardo ang inaalala mo?" si Tito Arthur.

What does this mean? Ano ang mga 'to?

Nilingon ko si Daddy at Tita Thelma na parehong hindi makapagsalita. Si Kuya naman ay nag-iwas ng tingin. Kami lang ba ni Dylan ang walang alam dito?

"And what are you all expecting? Kalimutan ko na lang lahat lahat ng iyon, ganun ba? Ha! There's no way I can forget that. Hindi ko makakalimutan lahat ng mga nagkasala sa'kin. Lalo ka na, Thelma. Lalong-lalo ka na. No matter how many times you are reborn. You'll eventually have to pay for what you've done in the past." Galit na sigaw niya.

"Mommy! What are you saying? Bakit si Tita Thelma ang sinisisi mo dito!?"

Ako naman ngayon ang nilingon niya.

"Oh, right. Hindi nga pala alam ng anak ko ang ginawa ng estupidong ama niya-"

"Emerald!" pigil ni Tito Arthur.

"Yes, Katana. Your precious Tita Thelma and your Dad did me wrong. While I was away reaching my dreams, my lover and my bestfriend is having a secret  affair. Niloko nila ako, niloko nila akong dalawa, Katana. Siguro kung sa ibang babae niya ginawa 'yon matatanggap ko pa. Pero hindi eh, sa matalik na kaibigan ko pa talaga siya lumandi."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Mommy ngayon. Nilingon ko si Tita Thelma para kumpirmahin ito pero humagulgol na lang siya. Kaya dali-dali siyang inalalayan ni Kuya. Si Daddy naman ay tiningnan lang ako gamit ang nagmamakaawang tingin.

Putangina.

"Hindi ko pa malalaman kung hindi ako umuwi... Wala man lang... Wala man lang nagsabi sa'kin.... Kahit sa mga kaibigan namin, wala man lang naglakas loob na magsabi sa'kin. But did you know what is the most stupid things that I did? I... I forgave them, Katana... I forgave them... S-Sabi ko, alang-alang sa pamilyang pinapangarap ko, para rin 'to sa'kin, sa amin... Ngayon lang naman 'to, pagkakamali lang iyon at kayang-kaya no'n burahin ng pagmamahal sa'kin ng Daddy mo... Pinatawad ko silang dalawa dahil matapos no'n, nangako si Thelma na lalayo na siya." Mommy smiled.

Para siyang nagsusumbong sa'kin. Nanghihina ang boses niya at anytime alam kong mapapa-upo na siya sa kinatatayuan niya dahil sa panghihina. Ngayon ko lang siya nakitang mahina. This is the first time I've witnessed my mother break down. At sa harap ko pa talaga. I cannot believe that the strongest woman I know can be the weakest woman I've ever seen.

Nasasaktan ang Mommy ko ng sobra sobra. Anong ginawa n'yo sa kaniya? Masakit makita ang sarili kong ina sa ganitong sitwasyon, ang sakit. Ang sakit sobra.

"But years later, may bahay na kami ng Daddy mo. Sobrang successful na kaming dalawa. Nasa'min na lahat. That's when we decided to get married and build our own family... But then, a sick four year-old boy and a familiar woman arrive. That's Thelma Alcalde, my bestfriend and Sebastian Caliber Alcalde, Ricardo's first born. Can you believe that? Ang sinasabi kong simpleng pagkakamali lang nila, nagbunga."

Hindi na napigilan ni Mommy ang mga hikbi niya. Napaupo na rin siya kaya dali-dali ko siyang dinaluhan at niyakap. She cried on my shoulder while they were just looking at us emotionally.

Kahit na tinitingnan ko lang si Mommy ay ramdam na ramdam ko ang sakit na pinagdaraanan niya. Noon hanggang ngayon.

"Enough, Emerald." pigil ni Daddy.

"N-No, Ricardo... Katana deserves... to know the truth." si Tita Thelma na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.

Hindi na nagsalita pa si Daddy. Walang sinuman sa kanila ang nagsalita pa. Hinayaan na lang nila si Mommy.

"W-We almost got married, Katana. Malapit na kaming ikasal. T-Tapos... Tapos may nangyaring ganito? Ang sakit... Sobrang sakit."

Humigpit ang yakap niya sa'kin kaya nagpaubaya na lang ako.

"The wedding was called off, of course. I'm so proud of myself 'cause I know I did the right decision... I didn't regret making our wedding not happen, Katana. Kaya sila ang ikinasal... But then, a week after their wedding? I found out that I'm two months pregnant." she smiled bitterly.

Doon na rin ako napahikbi.

"I-Is that... true, Daddy?"

Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ako pero umiwas ako.

"I-I'm so sorry, Katana. I'm so sorry, anak."

Doon na bumuhos lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.

So, hindi ako anak sa pagkakamali? Hindi naging kabit ni Daddy si Mommy. Hindi 'yon kailanman naging ganoon. Okay, I get it now.

But I didn't say it doesn't hurt anymore. I'm still hurt. Seeing my mother in this kind of situation makes my heart ache so much. By just imagining what my Mommy suffered in the past makes my heart burst into tears. Plus the things I've been suffering because of my messy family.

At idagdag mo pa ang problema ko sa mga kaibigan ko, at sa pinsan ko. Ano pa ba? Sobra naman na yata.

"Now tell me, Katana. Masisisi mo ba ako kung bakit naging ganito ako kalupit ngayon?"

Right, she is just hurt. And suffered a lot. Her life back then is in chaos and it still is.

Nakakatawang isipin na nagpunta ako dito para lang sa diskusyon sa pagiging bagsak ko pero napunta na lahat sa ganito.

What a life.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
18.4K 441 38
Samantha Evilana Rutherford, isang dalagitang nabubuhay sa isang magulo at madugong pamilya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng dalawang makapangya...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...