A Hopeless Wind (NEUST Series...

Af JdAnnnnn

89.5K 2.4K 204

| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is j... Mere

Warning!
A Hopeless Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
For You
Author's Note

Chapter 16

2K 60 4
Af JdAnnnnn

Pagkatapos magpalit ng uniform ay sandali kaming umupo sa baitang ng hagdan dito sa may gilid ng open-gym. Ilang sandali lamang ay lumapit sa aming gawi si Paul.

"Kamusta, ilan ang nadakma mong palaka, Paul?" Humagikgik si Chelsea, tila nanga-asar pa.

"Bakit ba kasi nangyari iyong kanina?" tanong ko naman.

"Seriously, hindi mo alam Hulya?"

"Pwedeng napalakas iyong suntok ni Esguerra, pwede din naman na sinadya niya." Tumayo si Chelsea mula sa kaniyang pagkakaupo.

"At bakit si Jandred, ang sinisisi mo huh?" Paul tilted his head, pagkatapos ay isang ngisi ang sumilay sa kaniyang labi ng magtama ang paningin nila ni Chelsea.

"What's with you and Jandred, Chelsea? In fairness palagi ka kampi sa kaniya." Napatitig ako kay Chelsea.

"You, crazy man!" Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo at inawat si Chelsea.

"Magkakasakitan na naman kayo dahil sa asaran niyo." Bahagyang ngumiti sa akin si Paul ng magawi sa akin ang kaniyang tingin.

"Just forget it Juliana, sige at aalis na ako. Iwasan mo ang pagiging mainit ang ulo, Chelsea. Mas lalo lang ako nahuhulog sa iyo." Napamaang si Chelsea, habang ako naman ay unti-unting lumapad ang ngisi sa aking labi.

"Kahit kailan talaga ay pinapakulo niya ang dugo ko!" Humalukipkip siya, salubong ang kaniyang mga kilay habang hinahabol ng tingin si Paul.

"At bakit ka nakangisi diyan?" She looked at me with irritation in her eyes, nagkibit-balikat na lamang ako.

"Huwag ka agad naniniwala sa sinasabi ng lalaki na iyon, hindi kapani-paniwala." Mahina akong natawa, napatitig ako sa kaniya.

"Pero, hindi ba siya tama?" Napalingon siya sa akin.

"Tama saan?"

"Iyong mayroon sa inyo ni, Jandred." Nag-iwas ako ng tingin, kaagad kong naramdaman ang paghampas niya sa aking braso.

"Gusto mo ba tawagin ko si Jandred ng malaman mo ang sagot diyan?" Malalim ang kaniyang naging pagbuntong-hininga.

"Hulya, ini-stress mo ako. Bwisit kasi iyong Paul Rul na iyon, dapat lang sa kaniya iyon, dapat nga ay nilakasan pa ni Jandred, iyong hindi na siya makakalakad pa."

"Parang mali naman ata." Napa-irap siya.

"Kung ako sa iyo ay iwasan mo si Paul, kasi mapagi-initan talaga iyon ni Jandred, syempre magseselos." Napa-iling ako, natawa sa kaniyang sinabi.

"Jandred!" May kinawayan siya sa aking bandang likod.

"Hindi pa ba kayo babalik sa COED building?" tanong niya.

"Babalik na din," tugon ni Chelsea, nagtama ang aming paningin, ngunit ang nasa isip ko, ay ang katanungan kung sadya niya kaya ang nangyari kanina?

"Sinadya mo ba iyong nangyari kanina?" Hindi ko napigilan na lumabas sa aking bibig ang katanungan na ito, his lips became half-open, naging malamig din ang kaniyang tingin, na naging dahilan naman upang mapalunok ako bigla.

"I-I mean..." Kumapit sa aking braso si Chelsea, akala ko ay tutulungan niya akong makalusot ngunit hindi.

"Oo nga, nakita ko kasi napalakas talaga iyong suntok mo, kung wala nga suot na head gear si Paul ay baka may pasa iyon sa mukha." Mahinang natawa si Chelsea.

"Yeah, sinadya ko." Nabigla ako sa sinabi niya.

"Oh, dapat nga ay nilakasan mo pa, nakakainis kaya iyon." Bahagya kong siniko si Chelsea.

"Hindi mo ba alam na mali iyong ginawa mo? Buti nalang at hindi ka niya sinumbong sa Professor natin." Bumagsak ang kaniyang balikat, kasabay ng pag-alon ng kaniyang adam's apple.

"I know."

"Bakit mo nga, ginawa?" I pursed my lips, he massage the temple of his nose, pumikit siya ng mariin at nang magbukas muli ng mga mata at magtama ang aming paningin ay wala na akong emosyon na makita doon.

"I want to punch him, not only that time." Napamaang ako.

"I want to punch him so bad because it's really pissed me off, everytime I remember your moments with him, that you're happy with that man. Sobra akong nai-inis tuwing nakikita kong malapit kayo sa isa't-isa!" He blurted out, makailang ulit ako na napa-kurap ng aking mga mata, humigpit pa ang hawak ko sa kamay ni Chelsea.

"Bakit ka mai-inis sa kaniya? Ano ba ang nakakainis? Bukod sa hindi naman tayo, ay hindi mo naman ako gusto." Napalingon ako sa aking braso ng marahan niya iyong hawakan. My knees is trembling, and my heart's racing, tila habol ko na naman ang aking paghinga.

"Let me tell you, that I like you. Hindi, tayo?" Marahan nitong tinaggal ang kaniyang palad sa aking braso.

"Then wait, and I'll make you mine. Only mine, Juliana Pamintuan."

Halos lumundag sa plato ni Chelsea ang tinolang manok, buti na lamang at hindi napapalingon sa amin ang mga katabi namin na kumakain dito sa may canteen ng COED.

"Ito ang movie ng taon na inaabangan ko, nangyari na kanina iyong trailer." Halos masamid ako sa aking pagkain ng dahil sa kaniyang sinabi, hindi ko maiwasan na matawa.

"Huwag na muna siguro tayo mag-isip ng kung ano, pwede naman na trip niya lang iyon." She rolled her eyes. Tinusok niya ng tinidor ang manok sa kaniyang plato.

"Stop being irony Hulya, taliwas ang sinasabi mo, pero tingnan mo nalang iyang labi mo, halos hindi na ngumuya, gusto ay naka-ngiti na lang." Pinigilan ko ang aking pag-ngiti, ngunit hindi ko iyon nagawa.

"Kung nakita mo lang reaksyon ko kanina, nakanganga nalang ako sa gilid mo." Humagikgik siya. Uminom ako ng tubig at pinunasan ang aking labi.

"I can't really believe that it's happening Chelsea, ang buong akala ko ay hanggang imahinasyon ko lang lahat ng ito, na sa libro lang nangyayari." Napatitig ako kay Chelsea, ngumiti siya sa akin.

"Ang nakatatak na kasi sa isip ko, basta gusto ko ay hindi mapapasaakin, maging bagay man ito o tao, pero heto at tila nagkakatotoo ang isang akala ko'y hanggang panaginip ko lang."

"Maybe you're different Hulya, you're not that jolly or friendly, but look, you have me, you have Jen. Maybe you're not as pretty like other girls you encountered, but see? Nagkagusto sa iyo si Jandred, kasi hindi naman lahat ng lalaki sa panlabas na anyo bumabase." Ibinaba niya ang hawak na kutsara.

"Totoo nalang siguro iyong, kahit ano ka pa, maging sino ka man, mayroon at mayroon tao na mamahalin at tatanggapin ka. It's like we all have eyes to see, but we have different viewpoint when it comes to a person." Hinawakan niya ang aking kamay.

"That's why be yourself Hulya, because whatever and whoever you are in this world, there's always a person who'll find a way to judge you."

Chelsea's also like the opposite of me, back when I was in highschool life, marami akong naging kaibigan na halos kabaligtaran din ng aking pagkatao, ngunit hindi ko sa kanila naramdaman ang pagka-kaibigan na mayroon ako sa kaniya at kay Jen. Maybe along our journey there's always be a person who'll treat us genuine, and someone who'll just only take us for granted.

It was monday, I woke up with a different feelings, an excitement with a blend of nervousness, ganoon pa man ay naging normal ang pagpasok ko sa Unibersidad. May ilang mapanghusga tumingin, may ilang palangiti sa daan, but I don't mind them, itinatatak ko na lamang ang mga sinabi sa akin ng mga taong nagmamahal sa akin at tanggap ako.

Malapit pa lamang ako sa classroom ng may naririnig na akong ingay, nagulat pa ako ng bago ako makarating sa may pintuan ay bumungad sa akin si Chelsea.

"This is real!" Ito ang salitang maka-ilan niyang inulit sa akin.

"What? I know that this is real Chelsea, malamang ay nasa reyalidad tayo." Bahagya akong natawa, umiling siya at hinila na ako papasok sa classroom. Pagpasok na pagpasok ko ay may ilan na tumili, ang iba naman ay nagvi-video pa, nakita ko naman sa gilid si Eileen na umirap at lumabas ng classroom, sumunod ay si Paul na bahagyang ngumiti sa akin at sinundan siya.

"A-Ano ba 'to?" Nau-utal na tanong ko. Mabilis ang tibok ng aking puso, ini-isip ko pa lamang kung sino ang maaaring nagbigay ng tatlong sariwang pulang rosas, at isang tila letter sa aking desk, ay gusto ko ng tumalon sa tuwa. Nakakatanga pala ito, tila alam ko naman ang aking nakikita ay napapatanong pa ako.

"It's October nineteen, year twenty-twenty. My first day on courting you, from now you're forbidden to accept any suitor." My knees became jelly, I felt drunk in happiness. Mula sa aking likod ay naramdaman ko ang presensya niya, nagtama pa ang aming paningin ni Chelsea, na sagad hanggang mga mata ang ngiti.

"Picture naman kayo, guys!" sigawan ng ilan namin na kaklase, si Chelsea ay bahagya pa akong itinulak kay Jranillo. Nagtama ang aming paningin. Affection glowed in his eyes.

"I told you, I'll make you mine." I bit my lower lip, hindi ko mapigilan na mapa-ngiti, it feels like I'm floating.

Masayang-masaya ako, ganito pala ang pakiramdam na mayroong nanliligaw sa iyo, para tila ba ikaw na ang pinaka-magandang tao sa buong mundo. Gusto ko kurutin ang aking sarili, hindi kaya panaginip lang ito o kaya naman ay nakapasok ako sa libro na aking binabasa?

"Don't cry, or else you'll going to have your first kiss." Namayani ang tilihan, bahagya ko siyang hinampas. If it's too obvious that I like him that much, I don't care now.

Most people know this feeling of having someone who likes and courting them during their highschool life, but I'm different.Natapos ko ang sekondarya na sa imahinasyon lamang nagkakagusto sa akin ang lalaki na aking hinahanggaan.

Tanging taga-masid lamang ako kung paano ngumiti ang ilang babae sa tuwing nakakatanggap sila ng mga bulakalak, tsokolate at bears sa kanilang manliligaw. Isa lamang ako sa mga babae na nasa gilid at pinagmamasdan silang tuksuhin. I'm just the reader of those confessions of someone on a secret files page of our school for the person they admire.

I have never been the one courted by a boy, someone you can see on those secret files shouting out by an unknown admirer, or a girl spotted as one of the most gorgeous students on our campus. I'm just a wind passing by and dream to have my fairytale someday, until he comes.

Pinunasan ko ang nanggigilid na luha sa aking mga mata, napayuko pa ako dahil biglang gumapang sa akin ang hiya.

"C'mon, I'll take you a picture together." Jranillo held my hand, napatingin ako doon.

"One, two, three, smile!"

Nasa likod ako ng aming bahay, papalubog na ang araw, hawak ko ang isa sa pinakapaborito kong libro, A Walk to Remember by Nicholas Sparks, though it is a tragic one, I love the ending. Kinuha ko ang tatlong rosas sa aking gilid, ang dalawa ay inipit ko sa magkaibang pahina ng libro, at ang isa mamaya ay ilalagay ko sa poon na nasa gilid ng aking kwarto.

Binuksan ko muli ang maliit na envelope, kinuha ang isang maliit na kulay pink na papel at binasa ang nakasulat dito.

"Loving you is my choice, Hulya. Don't doubt it, because it's real." The smell of October wind, the rustless of the grass with the sound of the birds in the redish color of the sky. Kinagat ko ang pang-ibaba ko na labi, inilagay sa bandang dibdib ang munting papel, at tila yinakap ko ito.

"Rosas ba ito? Sino ang nagbigay?" Namilog ang mga mata sa akin ni Ate, tumabi siya sa akin.

"Oh my gosh! May manliligaw ka?" Nangi-ngiti akong tumango.

"Who? Tell me Hulya!" Kuminang ang kaniyang mga mata, tila gusto talagang malaman kung sino ang lalaki na nanliligaw sa akin.

"It's Jandred, my classmate."

"Jandred?" Tumango ako.

"Jranillo Esguerra," sambit ko. Napa-takip siya sa kaniyang bibig, yinugyog niya ako, sa tingin ko pa ay mababali ang aking balikat.

"Mayaman iyon ah, iyong step father niya ay nag-donate sa campus na tinuturuan ko."

"Step father?" Tumango siya, napa-isip ako. Its been a months since we became close, ngunit wala pa nga akong masiyadong alam tungkol sa kaniyang pamilya, at siguro ay kasalanan ko din, I'm not talkative that's why there's still a lot of things that I don't know about him.

"He's a handsome guy, right?" Ngumisi sa akin si Ate, Jranillo's face flashed in my mind, at pagkatapos ay gumapang ang init sa aking pisngi.

"G-Gwapo naman." Kinaliti ako ni Ate sa aking tagiliran, kaya naman napalayo ako ng kaunti sa kaniya, maya-maya ay kinuha niya ang papel sa aking gilid.

"Hey, Ate give it back to me!" I pouted my lips, tumawa siya at tumakbo palayo sa akin, kaagad ko kinuha ang libro na pinag-ipitan ko ng mga rosas at hinabol siya.

"Loving you is my choice, Hulya. Don't doubt it, because it's real," pagbasa niya, napa-takip ako sa aking mukha, napapadyak pa dahil hindi ko siya mahabol.

"Oh, how sweet!" She chuckled.

To someone like me, too petite, anti-social, doesn't have a nice body figure,

shy, it's hard to believeall of this, but Jranillo taught me that it's possible.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
17.8K 618 45
Vinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's t...
9.9K 454 45
Sarinah Franshey Monteverde has this life that every girl dreams to have. She can easily get what she wants with just one snap of her finger. She has...
346K 23.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...