Just Your Liability (Accounti...

By xxialej

462K 13.9K 3.3K

Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all th... More

Just Your Liability
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Wakas
Accounting Series PREORDER

Chapter 23

9.8K 375 109
By xxialej

Magmula noong araw na iyon ay hindi na ako nag-expect ng kahit ano pa mula kay Luke. As much as possible, ayaw ko munang ma-stress. Ilang beses niya akong sinubukang kausapin nang maayos ngunit umiiwas ako.

Alam ko na naman ang mangyayari, eh. Paulit-ulit na cycle na lang. Mag-aaway kami, magso-sorry siya at papatawarin ko naman. Magiging okay kami tapos paglipas na naman ng mga araw ay babalik ulit sa dati. Nakakapagod na ang ganoon kaya hahayaan ko na lamang siya. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong mararamdaman kong parang nanlilimos lamang ako ng oras sa kaniya.

Kaya kung paglalaanan niya 'ko ng panahon, edi salamat. Kung hindi naman, okay lang din. Salamat pa rin. Hindi naman siya nagkukulang sa pagbibigay ng sustento at araw-araw pa rin siyang pumupunta rito sa bahay, iyon nga lang, sa tuwing tatawagan siya ng Mommy niya ay nagkukumahog siyang umalis.

Mabilis lamang lumipas ang mga buwan. Parang kailan lamang ay naglilihi pa ako tapos ngayon ay malapit ko na masilayan ang anghel ko. Nae-excite na 'ko at kinakabahan at the same time. Gustong-gusto ko na makita at malaman kung anu-ano ang mga namana niya sa 'kin. Sana ay lumaki siyang matapang kagaya ko, huwag sanang makuha ang kaduwagan ng kaniyang magaling na ama.

Umikot ako sa harapan ng salamin at hindi ko mapigilan ang mapangiti. Halatang-halata na ang baby bump ko dahil kabuwanan ko na. Simpleng itim na bestida na hanggang tuhod at flat shoes lamang ang suot ko pero pakiramdam ko'y mas lalo akong gumaganda.

Mayroon akong mahalagang kikitain ngayong araw. Actually, hindi ko ine-expect na makakatanggap ako ng text mula sa kaniya kaya naman noong sinabi niya na pupuntahan niya ako at magkikita kami ay hindi na ako nagdalawang isip na pumayag.

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi at kulang na nga lang ay mapunit iyon. Ramdam ko ang mala-lawing tingin ni Bluie sa akin pero hindi ko siya pinansin. Ni isa sa mga kaibigan ko ay walang alam kung sino ang kikitain ko. Hindi na naman nila kailangan pang malaman iyon.

Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Oh tingin-tingin mo riyan? Gandang ganda ka na naman sa 'kin no? Hindi mo matanggap na kahit mukha na akong nakalunok ng pakwan dahil sa tiyan ko, mas maganda pa rin ako sa 'yo?" I scoffed.

Umingos siya at napasimangot sa sinabi ko. "Hindi ko naman tinatanong."

"Aba't!" Napailing na lamang ako sa ugali niya.

Tamad siyang tumayo at kinuha ang hoodie niya sa cabinet. Isinuot niya iyon at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.

"May pupuntahan ka rin?" taka kong tanong.

She then glanced at me and nodded. "Ihahatid kita."

"Huh?!" My forehead knotted with what she had said. "Huwag na! Kaya ko na ang sarili ko. Diyan lang naman ako sa malapit, eh."

"Utos sa akin ni Luke–"

"Tss. Bakit kailangan pa niyang iutos sa iba kung puwede naman niyang gawin?" pagputol ko sa sinasabi ni Bluie.

Kumurap-kurap siya at mukhang natakot yata sa tono ng boses ko. Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga at tumayo na.

"Oh siya na! Ihatid mo na 'ko!"

Sa isang maliit na karinderya malapit sa amin kami magkikita. Nakatanggap na rin ako ng text mula sa kaniya na naroon na siya't naghihintay. Hinatid ako ni Bluie pero hindi ko na siya hinayaan pang pumasok. Nagdadalawang isip pa nga siyang umalis ngunit agad ko na ring itinaboy para hindi na mangulit pa.

Hawak ko ang aking tiyan nang pumasok ako sa loob ng karinderya. Sinalubong agad ako ng mainit na singaw ng paligid. Pinunasan ko ang namumuong pawis sa aking noo at inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Hindi naman ako nabigo.

I saw him seating near the electric fan. He was wearing a faded blue button-down shirt paired with denim pants and class A shoes. Kahit ilang taon kaming hindi nagkita ay alam ko pa rin ang tindig at pustura niya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. Maingat akong lumakad patungo sa direksyon niya at hinawakan ang kaniyang balikat.

Tiningala niya ako at sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Rose. . ." he whispered emotionally.

"Papa." My lips curve upward.

Tumayo siya at akmang yayakapin ako nang maalala niya na hindi niya magagawa iyon dahil sa malaki kong tiyan. He laughed and held his nape. Instead of hugging me, nagulat ako nang masuyo niya akong hinalikan sa noo bago inalalayang umupo sa katapat niyang upuan.

With his simple gestures, my chest tightened and I really wanted to burst into tears. Bumuhos ang mga alaala namin ni Papa noong mga panahong okay pa ang lahat at kompleto pa ang pamilya namin.

"Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin?" maingat na tanong ni Papa at umiling naman ako.

"Hindi ho. Busog pa ako." I smiled a little.

Ramdam na ramdam ko ang matinding awkwardness sa pagitan naming dalawa. Magkasalikop ang mga kamay ko sa ibabaw ng lamesa, nakaiwas din ng tingin sa kaniya habang siya naman ay nakahalukipkip at titig na titig sa akin.

To be honest, wala akong ideya kung bakit gusto niyang makipagkita sa akin. Nagbyahe pa talaga siya mula sa probinsyang kinaluluklukan niya ngayon para lamang puntahan ako and the last time I checked, hindi kami okay na dalawa. Nagalit siya sa akin simula noong iwan kami ni Mama at mas lalong tumindi ang galit niya noong natanggal siya sa trabaho dahil sa kagagawan ng Mommy ni Luke.

I took a glance at my wristwatch then cleared my throat.

"Anong gusto mong pag-usapan natin, Pa?" Binasag ko na ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

I heard his deep sigh. Pinagsalikop niya rin ang mga kamay niya sa ibabaw ng lamesa at mataman akong tinitigan.

"Sa totoo lang anak, gusto lamang kitang dalawin at kumustahin." He nervously laughed. "Nabalitaan ko kasi sa Tita mo iyong kalagayan mo ngayon na magkakaapo na 'ko." Muling dumako ang mga mata niya sa aking maumbok na tiyan.

"Buti pinayagan ka noong asawa mo na puntahan ako?" I couldn't hide the bitterness in my voice.

Natigilan siya saglit at umawang ang labi sa pagkabigla. Kapagkuwan ay nagkibit balikat siya at binago na ang usapan. Hindi ko na rin siya kinulit pa dahil sa totoo lamang ay wala naman akong pakialam sa bagong pamilya niya ngayon.

Marami kaming pinagkwentuhan at humingi rin siya ng tawad sa mga pagkukulang at mga maling nagawa at nasabi niya sa 'kin. Mabait si Papa. Nagbago lamang naman ang ugali niya magmula noong makilala niya iyong bago niyang asawa.

Gusto kong maiyak sa sobrang saya at hindi naman ako nagdalawang isip na tanggapin ang kapatawarang hinihingi niya. Masaya siyang nagkwe-kwento tungkol sa mga pangyayari sa kaniyang buhay. Habang tinititigan ko siya, tila nagflashback sa utak ko ang lahat ng mga masasayang alaala naming dalawa.

Iyong mga panahon na sa tuwing paggising ko ay palagi nang may nakahain na pagkain sa lamesa dahil bago pa man siya pumasok sa trabaho ay pinagluluto na niya agad kami ni Mama. Ayaw niya akong makitang umiiyak at nasusugatan. Sa tuwing pinapagalitan at pinapalo ako ni Mama ay siya lagi ang kumakampi at sumasangga sa akin. Palagi kong inaabangan ang pag-uwi niya sa hapon dahil alam kong mayroon siyang dalang pasalubong para sa akin.

Lumaki akong mahina, lampa at palaging nakadepende sa kaniya kasi 'di ba bakit kailangan ko pang maging malakas kung nariyan naman siya para palagi akong ipagtanggol? At alam kong puwede kong sandalan anumang oras? Bakit kailangan kong matakot sa tuwing nadadapa, eh alam ko naman na nariyan palagi si Papa para itayo ako at gamutin ang sugat ko?

But then, the realization hit me when Mama and Papa separated their ways. Nahirapan akong bumangon, umusad at tumayo dahil pakiramdam ko'y nawala ang lahat sa akin. Nawala si Mama, nawala rin si Papa. Nawala iyong mahalagang tao sa buhay ko na itinuturing kong tahanan.

Na-realize ko na sarili ko lamang pala ang masasandalan ko. Hindi si Papa, hindi si Mama at mas lalong hindi ang ibang tao. Na-realize ko na kapag nadapa man ako, ako lamang ang bukod tanging magtatayo sa aking sarili at gagamot sa mga sugat ko. That was the reason why I pursued myself to become strong and independent. Gusto kong patunayan sa mga taong kaya ko kahit wala sila. Kaya kong ipamukha at isampal sa kanila na kaya kong mabuhay kahit mag-isa lamang ako. Pinilit kong tumayo gamit ang sariling mga paa. Naging pananaw ko sa buhay na hindi ako puwedeng umiyak dahil ang pag-iyak ay sumisimbolo ng kahinaan at pagiging talunan.

"Sinusubukan kong tawagan ang Mama mo para sabihin ang kalagayan mo pero hindi ko na siya ma-contact. . ." Papa said.

Bakas sa mga mata nito ang lungkot at hindi ko maipaliwanag na emosyon.

Mapait akong napangiti at umiling sa kaniya. "Hayaan mo na siya, Pa. Masaya na siya sa buhay niya kaya ikaw maging masaya ka na lang din sa bagong pamilya mo. Magfocus ka sa mga anak mo." I held his hand tightly and smiled genuinely at him.

Tumitig siya pabalik sa akin. Kumikislap ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang luha. "P-Paano ka, anak?" Nabasag ang kaniyang boses.

Natawa ako nang may biglang pumatak na ang butil ng luha mula sa aking mga mata. Binitawan ko ang kaniyang mga kamay at marahas na pinunasan ang pisngi.

"Papa naman! Pinapaiyak mo naman ako, eh." I bit my lower lip and sniffed. "Okay lang ako, Papa. Huwag mo na akong isipin. Kaya ko na ang sarili ko at saka. . ." Wala sa sariling bumaba ang kamay ko sa aking tiyan at bahagyang hinimas iyon. Ang anghel ko.

"May pamilya na 'ko, Papa." I murmured.

He grinned. "Anong gender nga pala ng apo ko?"

Mas lumawak ang ngiti ko sa labi. "Lalaki po."

"Anong ipapangalan mo sa kaniya?" he asked without leaving his gaze to my tummy.

"Luc–aray!" Nasapo ko ang aking tiyan nang humilab ito.

My father creased his forehead, confused. "Lucaray? Ang pangit naman. Wala ka bang taste sa pagpili ng pangalan?"

Sinamaan ko siya ng tingin habang hinihimas-himaspa rin ang aking tiyan. "I mean, Luca–aray! Shit!" Muli na naman itong humilab sa sakit at naramdaman ko ang pagputok ng panubigan ko. Umaagos ang tubig pababa sa hita ko. "P-Papa, manganganak na yata ako!"

Nanlaki ang mga mata niya at natatarantang tumayo. Lumapit siya sa direksyon ko ngunit hindi naman malaman ang gagawin.

He stared at me for a while. A big smile formed to his lips.

"Magiging lolo na 'ko!" he shouted and jumped in happiness.

Nagpalakpakan ang mga taong nasa loob din ng karinderya. Mas lalong lumakas ang daing ko sa sakit at napakapit ng mahigpit sa dulo ng lamesa. "Tangina! Mamaya ka na magsaya riyan, Pa! Dalhin mo muna ako sa hospital!" sigaw ko, dumadaing pa rin.

Tila natauhan naman siya pati na rin ang ibang taong naroon. Agad nila akong binuhat at isinakay sa tricycle. Nakaalalay sa akin si Papa at pinapakalma ako.

Tangina naman! Akala ko masakit na iyong ma-virgin-an, mas masakit palang manganak!

"Anak kalmahan mo lang. Malapit na tayo," pag-aalo sa akin ni Papa. Hinawakan niya ang tiyan ko at kinausap. "Kari, mamaya ka na lumabas. Malapit na tayo. Huwag kang excited makita ang outside world. . ." aniya sa masuyong boses.

"S-Sino si Kari, Pa?" nahihirapan kong tanong, kunot na kunot pa ang noo.

He smiled proudly at me. "Iyang apo ko. Si Kari."

"H-Huh?"

He nodded proudly at me and said, "In short of Karinderya."

Napaungol ako nang mas lalong tumindi ang paghilab ng aking tiyan. Mariin kong naipikit ang aking mga mata dahil sa pinaghalo-halong sakit, kaba at pagkairita kay Papa. 

Continue Reading

You'll Also Like

781K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
4.1K 177 40
A story of a college instructor, Nita, who doesn't want to commit with anyone.
4.7M 315K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...