Escaping the Darkness

By katanaxtrigger

2.9K 455 7

Katana Saphira R. Mendez is entitled as the Mendez' princess. Tinitingala at kinaiinggitan ng karamihan. Gaga... More

Escaping the Darkness
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Pagtatapos
Note

Kabanata 16

37 10 0
By katanaxtrigger

Kabanata 16

"The purpose of life, after all, is to live it, to taste experience to the utmost, to reach out eagerly and without fear for newer and richer experience." basa ko sa isang quote na nakita ko sa internet.

To live it? Okay, got it. Pero for what? Just for experiences? No way. I want to live for myself. Not for those damn experiences. Mas masarap mabuhay kapag para sa sarili mo, hindi for experience lang. Like what happened last night. It was one of million reasons to live for yourself. For happiness.

Napapangiti ako habang tinatahak ang daan papuntang Adamson. This is the last day of the sports meet at nakakalungkot na hindi na kami kasali. Manonood na lang.

I wear our gray Damsonian shirt to support my school.

Nagtext na rin si Carli sa akin kagabi ng makauwi ako saying she's home at tumambay lang daw sa Colgar Pub. I felt relieved kasi sa Colgar siya tumambay. We know the owner of the pub and we're close to him. Sinabi niya ring pupunta siya mamaya dito sa Adamson

"Katana!" si Ellie habang kumakaway sa akin.

Lumapit ako sa kanya habang nakangiti.

"Alone?" tumango siya.

Nakakapanibago. Hindi niya yata kasama si Dahlia? Halos araw-araw ngang sila ang magkasama nitong nakaraan. At isa iyon sa kinainisan ko.

Masama ba akong tao kapag sasabihin kong nabubwisit ako sa babaeng 'yon kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin? Nakikita ko pa lang ang mukha niya ay nasisira na ang araw ko. Hindi ko alam kung anong nakita ni Ellie dito.

Ipinagkibit-balikat ko iyon.

"Tara, manood tayo ng basketball!"

Hinila niya ako papasok sa gym. Humingi pa siya ng balloons sa mga taga AU. Maraming props ang mga manonood ngayon dahil championship. Saint William ang kalaban nila at sigurado akong magiging exciting ito.

Nasa labas pa lang ay rinig na rinig na ang hiyawan ng mga tao saa loob. Mas lalo tuloy kaming na-excite ni Ellie kaya nakipagsiksikan kami sa pagpasok at pumwesto na sa harap.

Mabilis na nag-umpisa ang laro at talagang dikit na dikit ang laban. Naka-focus ang lahat sa paglalaro at hindi man lang nagawang pansinin ang mga naghihiyawang manonood hindi kagaya sa mga nagdaang araw.

Pinanood ko si Calyx at ayun na naman siya sa paglalaro sa pang-ibabang labi niya. Nakapameywang itong naglalakad habang ang tingin ay nasa bola. Napakaperperkto ng mga panga niya at bumagay talaga sa mukha niya. Napangisi siya nang maka-score at naglabasan ang mga mapuputing ngipin niya na ikinalakas ng sigawan ng mga manonood.

Binalingan ko si Ellie na focus rin sa panonood at talagang nakikisabay pa sa pagchi-cheer.

"AU! AU! AU!"

"SPA! SPA! SPA!

"GO CALYX!"

"GO HARVEY!"

"BRYCE!!!"

"GO, GO, MIGO!!"

"LET'S GO, AU!"

"FIGHT, SPA! SPA!"

Halo-halo ang sinisigaw ng mga tao. Ngunit kahit gaano pa man kaingay ang gym ay talagang hindi natinag ang mga players at mainit pa rin ang labanan nila. 76 na ang score ng kalaban at 74 naman ang AU. Nag-tie ang score ng maka-shoot na naman ang AU.

"Ayan na, tie na! Let's go, AU!" sigaw ni Ellie sa tabi ko at iwinagayway pa ang balloon na hawak.

"Pro-AU, ah?"

"Aba siyempre! Proud Damsonian!" nag-finger heart pa ito.

Tinawanan ko siya at binalik ang tingin sa harap at ayun si Calyx, sinusuklay ang buhok gamin ang mga daliri. He licked his lips before running towards the ball. Nakuha niya ito at ni-shoot. Pasok!

"WAAAH! ANG GALING!"

"GO CAPTAIN JIMENEZ!"

"I LOVE YOU, CALYX!"

"AU! AU! AU!"

Sigawan na naman ng mga tao. Napapangiti pa ako habang nanonood.

From: Kuya Caleb

Meet me at the canteen.

Nagtipa ako ng ire-reply kay Kuya.

To: Kuya Caleb

What time?

Wala pang ilang minuto ay naka-reply na siya. Hindi siya busy ngayon ah?

From: Kuya Caleb

Right now.

Kumunot ang noo ko dito. What's the matter? Tsk! Nanonood ako eh! Kainis naman.

To: Kuya Caleb

Pwedeng later na lang? Nanonood ako ng game, Kuya.

From: Kuya Caleb

May class ako mamaya. It's my vacant right now, kaya ngayon na.

Tsk! Wala na talaga akong magagawa.

"Ellie, may pupuntahan lang ako ah? Text na lang kita."

"Ha? Sa'n ka pupunta? Hindi pa tapos ang game, oh."

"Nag-text kasi si Kuya, pinapapunta ako sa canteen. Ngayon na daw." Napairap pa ako.

"Ganon? Sige. Text me na lang."

Tumingin pa ako sa relo ko. It's 10:46 am.

"I-text mo sina Audrey, sabihin mo sabay-sabay tayong mag-lunch later." Tumango naman siya kaya nagpaalam na ako.

Pahirapan pa ang paglabas ko sa gym dahil talagang punong-puno ito. Paano ba naman, championship eh. May mga nakasalubong pa akong kakilala kaya wala akong choice kundi mag-stop kapag kinakausap ako. Ang iba ay nginingitian ko na lang.

"Ang tagal mo." reklamo agad ni Kuya ng makarating ako sa canteen.

Napanguso ako.

"Bakit kasi tinawag mo ako eh nanonood ako doon." nguso ko pa sa gym.

"Sino namang pinapanood mo doon?"

"Basketball." Sagot ko.

Natawa siya. "Sino, Katana."

Tumalim na naman ang  tingin ko sa kaniya.

"Anong sino na naman?"

Umiling siya saka tumayo at umorder.

He ordered pasta and chicken sandwiches. Bumalik pa siya para kunin ang pineapple juice. I looked at him curiously.

"Ang dami naman?"

"Nagutom ako."

"Ikaw lang ang nagutom, bakit sinasali mo pa ako?"

"Then don't eat, as simple as that, Kat." sabi niya bago umupo at magsimulang kumain.

"What do you need, Kuya?"

Sumulyap muna siya sa akin bago sumubo ng pasta. 

"Explanations."

"About what?" taas kilay na tanong ko.

"Anong oras ka umuwi kagabi?"

"11?"

Sumama ang mukha niya.

"Why?"

Pinangunutan ko siya ng noo.

"Tatay ba kita?"

"Hindi, pero kuya mo ako."

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hindi na siya pinansin.

Hindi ako makapaniwalang iyon lang pala ang dahilan kung bakit niya ako inivite dito? Sebastian Caliber is really unbelievable!

"What do you think you are doing?"

I heard a voice from somewhere near.

"Ano ba, Calyx! Let go of me!"

It was a girl's voice.

"You shouldn't have done it! Fuck, Astrid! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?"

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na iyon.

Calyx and Astrid.

Imbis na lumayo ay mas lumapit pa ako sa pinanggagalingan ng boses.

It was on the back of the comfort room.

"Anong pakialam ko sa sasabihin nila? At bakit ba nagagalit ka? Hindi iyon ang unang halik na'tin Calyx."

My eyes widened on what she had said.

They kissed!?

"We already broke up!"

"But I'm back! Babalik na ako, Calyx. Babalik na ako sa'yo..." 

"Ast-"

Hindi naituloy ni Calyx ang sasabihin dahil sinunggaban na siya ng halik ni Astrid.

Awtomatikong natutop ko ang bibig ko at tumakbo palayo doon.

What was that?

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi ko matagalan iyon. Nandidiri ako. Gusto kong umalma pero para saan? Wala hindi ba? Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako.

Ang daming tanong sa isip na gusto kong masagot ngayon din.

Ano iyon? Anong meron sa kanila? Mag-ex pero naghahalikan? Pwede pala 'yon? Ito ba ang sinasabi ng mga kababaihan noong isang araw?

Astrid and Calyx, for real!

Noong isang araw lang ay umamin sa akin ang gagong iyon ah? Tapos mahuhuli kong nakikipaghalikan na sa iba ngayon? Matapos niya akong halikan kagabi? Gago ba siya? Nasaan na ang ipinaglalaban niyang nararamdaman niya noong nakaraan? Wala na agad? O wala naman talaga?

Kalalaking tao, napakalandi.

Natagpuan ko ang sarili kong nasa loob na ng sasakyan ko at dina-drive na ito. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng gas ko.

Nakakatawang isipin na wala naman dapat akong pakialam sa nakita ko pero sobrang ginugulo nito ang isipan ko.

Ano nga ulit 'yon, Katana? Susugal ka na? Hindi mo na pipigilan ang nararamdaman mo? Kanino? Kay Calyx?

You're stupid!

"Rayi! Ang alaga mo!" dinig kong pagtawag ni Yolo sa kay Tito Rayi.

Hindi ko ito pinansin at isinalampak ang sarili sa highchair sa bar island dito sa pub nila. Idinukdok ko ang ulo ko sa lamesa. Narinig ko pa silang nagbulungan.

"Class hours. At bakit nandito ka?" Si Tito Rayi.

Nag-angat ako ng tingin at ngumuso lang.

Suminghal naman si Tito.

"Kagabi ay si Carliyah ang narito, broken hearted ang eksena. Ngayon ang Katana naman?" si Yolo.

"Ang kwento niya ay nakipaghiwalay ang binatang Sarmiento sa kaniya. Iyak ng iyak ang gaga. Ikaw? Sino namang nakipaghiwalay sa'yong maldita ka?"

"Wala nga akong boyfriend, Tito." umirap ako.

"Oh eh anong ginagawa mo dito? Wala kang klase?"

Ano nga bang ginagawa ko dito? Broken? Duh? I am not. Hindi ako pwedeng magmukmok dahil ako si Katana. And anong pakialam ko sa kanila? Tsh!

"Sportsfest, Tito. Sasamahan kong magmukmok si Carli." 

Natawa naman sila. Inosente akong nag-angat ng tingin sa lahat. Hindi ko nasamahan si Carli kagabi kaya ngayon ko na sasamahan.

"Nasaan ang sinasabi mong sasamahan mo, aber?"

"Ite-text ko pa lang."

Ipinakita ko ang phone ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya, hindi makapaniwala. Si Yolo naman ay tatawa-tawang nanonood sa amin.

"Naloloka ako sa inyong mga Ramirez kayo. Dati ay kay Emerald ako namo-mroblema ngayon ay sa inyo naman. Diyos ko! Patahimikin niyo naman ako."

Nag-serve siya ng beer at chips.

"At ikaw bata ka, kakadisi-otso mo pa lang, madalas ka na dito."

Marami na ngang text sa akin si Ellie, hinahanap ako. Sinabi kong hindi masama ang pakiramdam ko kaya umuwi muna ako.

Si Carli naman ay hinahanap din ako.

To: Carliyah

I'm at Colgar. Be here as soon as possible.

"Ayaw mo na ba sa'min, Tito?" tatawa-tawa kong tanong. 

"Iyon nga ang nakakainis, kahit na ang hihirap niyong pagsabihan, ang titigas ng mga ulo niyo, ay ayaw ko pa rin namang abandonahin kayo."

"OA naman sa abandonahin, 'te!" angil ni Yolo. 

Napasimangot naman ang Tito Rayi.

"Maaga akong tatanda sa inyo! Diyos ko, ayaw ko pang tumanda at hindi ko pa nahahanap ang forever ko!" nilagyan pa niya ng action ang sinasabi niya, natawa na naman ang lahat.

"Ayan si Yolo oh."

Nanlalaki ang mga matang tumingin sila sa akin bago nagkatinginan, nandidiri sa isa't-isa!

"Kilabutan ka naman sa sinasabi mo, Katana! My God!"

"Mas gusto ko na lang tumandang dalaga kaysa naman... Alam na." angil ni Tito.

"Dalaga?" pambabara ko sa kaniya at pinandilatan naman niya ako ng mata.

Malakas na tumawa si Yolo at sila na ngayon ni Tito ang nag-asaran.

Tito Rayi and Yolo are business partners. Si Tito ang owner ng pub at si Yolo naman ang manager.

I've known Tito Rayi since then. Magkaibigan sila ni Mommy, at alam kong maraming alam si Tito Rayi kay Mommy na hindi ko alam. Maya-maya pa'y nariyan na nga si Carliyah.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. 

"Sasamahan kita dahil magmumukmok ka ngayon!"

Pumalakpak pa ako, tuwang tuwa sa sinabi ko.

"What?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Hindi ko na siya sinagot at pinaupo ko na siya sa katabing highchair. Hindi naman siya nagreklamo. Habang tumatagal ay sumali na rin sina Tito at Yolo sa usapan namin ni Carli. Nagiging hard drinks na rin ang sineserve nila.

"I really can't believe na makikipaghiwalay sa akin si Archie." naiiyak na patuloy ni Carliyah sa kwento niya.

Hindi ko alam na pagkaalis at pagkaalis pala ng dalawa ay nag-usap pa sila at naghiwalay na nga. Naawa ako sa pinsan ko, gusto kong sisihin si Arch pero para saan? Inilayo niya lang ang sarili niya sa kahihiyan at para na rin iyon kay Carliyah. Ayaw niyang itakwil ito ng pamilya niya.

"Bakit mo ba naman kasi dinala ang boylet mo kagabi? Ang tanga mo naman, 'te." komento ni Yolo at nag-iwas tingin naman ako.

"Because I want to make it official. Ayoko nang nagtatago kami. Gusto kong kapag magkasama kami ay malaya kami. Iyong hindi kami nagtatago sa mga kakilala."

Hindi na muna ako nagsalita. Kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko dahil akala ko ay dahil iyon sa mga sinabi ko noong nakaraan. Hindi pala. Pansariling kagustuhan pala nila.

"Knowing Laarni, talagang magagawa niya iyon..."

Pagtukoy ni Tito Rayi sa sinabi ni Tita Laarni na itatakwil nito ang anak.

"She will do everything for the Ramirezes. Lalo na ang mga grandparents niyo."

"Ang unfair ni Mommy. Kaya niyang gawin ang lahat para sa pamilya pero para sa mga anak niya?" umiling siya.

Bumuntong hininga ang dalawang bakla.

"You have to understand your Mom, Carli. She's just protecting you..." si Yolo, hindi naman nakasagot si Carliyah.

"Noong nagkakagulo na kayo, anong ginawa ni Emerald? Kasi si Marcela understood na talagang walang magagawa iyon. Eh ang Mommy mo?" baling ni Tito sa akin.

Nahihiya naman akong yumuko kahit na wala na dapat ikahiya dahil alam na ni Tito ang ugali ni Mommy. Nagkatinginan ang dalawa saka nagbuntong-hininga. Nakuha na agad ang ibig kong iparating.

"I really hate Mom!" sigaw pa ni Carliyah saka humagulgol.

Hinayaan ko siyang magkwento dahil alam kong iyon lang ang makakapagbawas ng sama ng loob niya.Hindi ko na rin ikinwento ang dahilan ng pagpunta ko rito dahil bukod sa nahihiya ako ay hindi rin naman nila alam kung ano ang namamagitan sa amin ni Calyx.

At isa pa, wala akong pakealam no!

"You know what's going on between the Ramirezes and Sarmientos, dapat ay naging sensitive ka, Carliyah." si Tito Rayi.

"Anong kinalaman namin doon, Tito? Hindi naman si Archie ang may gawa noon. And it's all behind the past. Why can't they just move on and start a new? Nakakainis naman eh!"

Pinanood ko siya habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha. Kahabag-habag ang itsura ng pinsan ko.

I really pity her.

Nakakawa siya to the point na pati ikaw ay maiiyak na rin sa lagay niya.

Ayokong magaya sa kaniya. Ayokong dumating ang araw na ako naman ang magkakaganiyan. Ayokong kaawaan ako kaya gagawin ko ang lahat para hindi matulad sa kaniya. I won't go crazy over a man. Kahit sinong lalaki man iyan. Sila dapat ang mababaliw, hindi ako. Sila dapat ang maghihirap, hindi ako.

Hinding-hindi ako papayag na maging katulad ako ni Carliyah.

I was amazed at her because when she love, she loves purely and sincerely. She will gave everything kahit pa wala nang matira para sa sarili niya. And that makes her a wonderful woman.

But still, I will never be like her.

"Ikaw naman? Anong problema?" baling ni Tito sa akin.

"Wala ah. Sinamahan ko lang si Carli..."

Nag-angat ng tingin si Carliyah sa akin.

"Bigla-bigla kang nawawala. Ang sabi ko ay magkikita tayo sa AU. Pagdating ko doon, narito ka na pala." humikbing aniya.

Naghihintay naman ng sagot ang dalawa.

"Wala naman. Nabored lang."

"Tsh. Hinahanap ka kanina ni Calyx..."

Agad na napasulyap ako kay Carli.

Ano daw? Hinahanap ako ni Calyx? Bakit naman? Anong dahilan? Matapos makipaghalikan, hahanapin niya ako?

Nakakainis lang dahil may parte sa akin ang nabuhayan sa sinabi niya.

"T-Talaga? Bakit daw?" nagkunwari akong walang pake alam.

"Sinong Calyx?" tanong naman ng mga bakla.

"Calyx Jimenez. Captai-"

"What!?" gulat na tanong nila.

Takha naman kaming sumulyap sa dalawa, nagtatanong.

"Calyx Jimenez... sinong hindi makakakilala sa kaniya? He's so popular kahit na saan magpunta, and he's the only child of Evangeline and Matteo."

"Don't tell me you're close with his parents?" tanong ko.

"Naman!" aniya at pumutik pa sa ere. "So... why is Calyx looking for you? Ha?" nang-iintrigang tanong ni Tito Rayi.

Ako man ay hindi ko alam ang sagot. Napatingin kaming tatlo kay Carliyah na ngayon ay tulog na tulog na! Sinubukan namin itong gisingin, kating-kating malaman ang dahilan ng paghahanap sa akin ni Calyx ngunit ang gaga, wala na talaga. Lasing na.

Bwisit na buhay 'to! Pahirapan na namang iuuwi ang isnag 'to! Nakakainis din dahil hindi nasabi ni Carliyah ang dahilan ng paghahanap ni Calyx sa akin kanina. Hindi ako makakatulog nito!

Damn you, Carliyah!

Continue Reading

You'll Also Like

350K 23.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
19.3K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
5.6K 62 4
It was in early 2000's when transnational criminals opted Phillipines as their transit-hub for illegal drugs. A syndicate that has connection with el...