Just Your Liability (Accounti...

By xxialej

462K 13.9K 3.3K

Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all th... More

Just Your Liability
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Wakas
Accounting Series PREORDER

Chapter 22

9.9K 338 124
By xxialej

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito? Titigil ka muna sa pag-aaral mo?" mahinahon ngunit bakas ang panghihinayang sa boses ni Sir Condino, isa sa mga mababait kong Professors.

"Opo, eh. Maging ako'y nanghihinayang din po pero mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ng baby ko." Hinimas ko ang aking tiyan. Hindi pa naman masyadong halata ang baby bump ngunit kailangan kong maging maingat.

Knowing my course, sobrang stressful nito at ayaw ko namang ipagpilitan na makapagtapos kung ang magiging kapalit man noon ay kaligtasan ng anak ko.

"Babalik naman po ako sa pag-aaral kapag okay na lahat, Sir. Kaya chill ka lang diyan! Huwag mong ipahalata sa akin na mamimiss mo 'ko." I laughed.

He wrinkled his nose, disgusted with what I said. Ikinumpas niya ang kaniyang kamay na para bang itinataboy ako. "Oh siya! Umalis ka na nga!"

"Basta kukunin kitang Ninong nitong anak ko, ah!"

"Gaga, ninang dapat!" pabalang na asik niya at inirapan ako.

Tatawa-tawa akong lumabas ng faculty room. Inilibot ko ang paningin ko sa corridor upang hanapin si Luke. Ang sabi niya kasi ay maaga raw matatapos ang klase niya kaya susunduin niya 'ko at pupunta kami sa OB-Gyne ko dahil mayroon akong schedule ng check-up ngayon.

"Nasaan na ba iyong lalaki na 'yon?" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon at nagtipa ng mensahe para sa kaniya.

Naghintay pa ako ng ilang minuto sa kaniya dahil baka naman nag-overtime lang ang kaniyang Prof pero lumipas pa ang mga sandali ay napagtanto kong mag-iisang oras na pala akong nakatanga. Namumuti na ang mga aking mga mata sa sobrang inip na sinabayan pa ng pangangalay ng paa kaya nagdesisyon muna akong umupo sa hagdan.

I checked my phone again. Napabuntonghininga ako nang wala pa rin akong nakuhang mensahe mula sa kaniya. Tumayo na ako at akmang ihahakbang na ang mga paa paalis nang matanaw ko si Damian na tumatakbo papalapit sa akin.

My forehead knotted.

Humahangos itong tumigil sa harapan ko at itinungkod ang mga kamay sa kaniyang tuhod.

"Sorry, ngayon lang ako. Marami kasi akong ginagawa kanina at hindi kaagad ako nakaalis sa presinto–"

"Teka lang, teka lang!" Pigil ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong.

Gulong gulo ako. Bakit siya ang narito? Eh, hindi naman siya ang hinihintay at inaasahan kong dumating? I was waiting for Luke, not Damian.

Bahagya siyang natawa at umiling. Umayos siya ng tayo, may maliit na ngiti pa rin sa labi.

"Sinusundo ka?" patanong niyang sagot kaya mas lalo akong naguluhan.

I was about to say something but he cut me off. "Hindi ba sa iyo sinabi ni Luke na hindi ka na niya masusundo?"

Umiling ako at nagtiim bagang naman siyang tumango.

He heaved a deep sigh. "Nagtext siya kanina sa akin, ah. Ang sabi niya, ako na raw muna ang bahala sa iyo dahil nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Tumaas daw ang presyon ng Mommy niya kaya nagmamadali siyang umuwi kanina. Akala ko naman alam mo na."

Mayroong sumakal sa aking dibdib at tila ba mayroong bumara sa aking lalamunan. Hindi ko na alam ang isasagot ko kaya naman pinilit ko na lamang ngumiti at tumango sa lalaking nasa harapan ko.

Ang plastic ko naman kung sasabihin kong okay lang ako at hindi ako disappointed. Malinaw sa usapan naming dalawa na susunduin at sasamahan niya ako sa check-up ko ngayon. He was the one who insisted it. Siya ang nagpumilit at hindi ako.

Hindi lang ito ang unang beses na ginawa niya sa akin ang ganito. Maraming beses na ngunit pinalampas ko lang.

His reason? "Sorry, si Mommy kasi eh ganito, ganiyan."

Ano ba namang magagawa ko, 'di ba? Ano bang laban ko ro'n?

Sa huli'y si Damian ang sumama sa akin sa check-up. Nakakatuwa nga siya pagmasdan kanina dahil sobrang attentive niya sa pakikinig sa lahat ng bilin noong Doctor kanina. Nagta-take down pa siya ng notes sa likod ng notebook niya.

Matapos nang check-up ay inaya niya akong pumuntang mall para mamasyal at kumain. Napapailing na lamang ako sa mga katangahang ginagawa niya para mapatawa ako.

"Itigil na nga natin 'to. Ang sintunado mo naman, Dammy. Kumain na lang tayo." Inagaw ko sa kaniya ang mic na hawak niya at ibinigay doon sa barkadahang kanina pa nag-aabang na matapos kami.

Tumawa siya at inakbayan ako.

"Ang harsh mo naman sa 'kin. Pinapasaya lang kita."

Buti ka pa pinapasaya ako, iyong isa riyan puro sama ng loob ang binibigay sa akin.

"Alam mo ba kung bakit Damian ang pangalan ko?" tanong niya at nagsalubong naman ang kilay ko.

"Malay ko ba sa history ng pangalan mo? Ako ba nagbigay niyan? Tanong mo sa nanay mo."

"Aysh! Tanungin mo na lang kung bakit! Ang dami mo pang sinasabi," reklamo niya.

Umirap ako at pinagkrus ang mga braso ko sa dibdib. "Fine! Bakit?"

"Kasi ipinanganak ako para damian ka. . ." pagbibiro pa niya at kinikilig na kinurot ang braso ko.

Mas lalo akong napasimangot. Tinampal ko ang kaniyang kamay at lumayo sa kaniya.

"Alam mo, hindi nakakagaan sa loob iyang joke mo. Nakakairita!"

Tumawa siya nang napalakas. Mas binilisan ko pa ang lakad ko palayo sa kaniya kaya sinigawan niya 'ko.

"Huy buntis, magdahan-dahan ka nga sa paglalakad! Baka madulas ka riyan!" saway nito sa akin.

Umirap ako sa kawalan. Nagdesisyon kaming dalawa na sa BonChon na lamang kumain ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakahakbang papasok sa loob ay natanaw namin si Luke na nakaupo sa pinakadulong bahagi ng restaurant at dumako naman ang mga mata ko roon sa babaeng kasama niya.

I gritted my teeth and clenched my fists. Awtomatikong kumulo ang aking dugo at ramdam ko ang paggapang ng inis sa aking buong sistema.

"Gusto mo bang sa iba na lang tayo kumain?" maingat na tanong ni Damian at hinawakan ang braso ko.

I shook my head violently. "Hindi, dito na tayo. Ba't tayo aalis? Wala naman tayong ginagawang masama."

Dire-diretso akong pumasok sa loob, binalewala ang nakangiting bati sa amin noong crew. Dumiretso ako sa table kung nasaan si Luke.

I clapped my hands slowly while shaking my head, there was a hint of sarcasm in my smile.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Umawang ang kaniyang labi at napakurap-kurap pa. Bumakas ang pagkataranta sa kaniyang mga mata at nang makabawi ay gulat siyang tumayo pati na rin ang babaeng kasama niya.

"Love, akala ko may check-up ka?" Nanginig ang kaniyang boses sa takot at kaba.

"Oh? Ang akala ko rin ay may emergency ka?" I mockingly asked him. "Kaya nga hindi mo 'ko nasundo at nasamahan sa check-up ko,'di ba?"

He licked his lips and shook his head. "N-No. I was–"

Hindi natuloy ni Luke ang sasabihin niya nang magsalita si Ria para magpaliwanag kaya naman pinanlisikan ko siya ng mga mata.

"Sorry, Rose. Noong nalaman ko kasi ang nangyari kanina kay Ninang, nag-alala ako. Dumaan muna ako sa hospital bago pumunta rito sa Mall–"

I cut her off. "Puwede ba? Wala akong pakialam sa 'yo. Hindi kita kinakausap at ayaw kong kausap ka."

"Rose, ano ba?!" Luke went to me and held my arms gently. "Inutusan lang ako ni Mommy na samahan siya rito dahil mag-isa siya. Hindi sumasagot sa mga text at tawag niya si Kuya Miguel. . ." mahinahong paliwanag ni Luke ngunit hindi ako natinag.

Hearing those explanations coming from him, hindi ko maiwasang mas lalong sumama ang loob sa kaniya. Iwinaksi ko ang braso kong hawak niya at pagak akong tumawa. Gusto kong sumigaw at singhalan siya pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang sumbatan ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

"Sinabi ko namang wala akong pakialam sa paliwanag ng ninuman sa inyo." My face remained stoic as I looked at Ria. "Alam mo ikaw Ria, hindi ko alam kung pinanganak ka ba talaga sa mundong ito para manira buhay at relasyon ng ibang tao!" Dinuro ko siya gamit ang aking hintuturo.

"Rose! Stop it!" Pigil muli sa akin ni Luke pero hindi ko siya pinakinggan.

Yumuko si Ria at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata niya. "Ano bang sinasabi mo, Rose? Kahit kailan hindi ako nanira ng relasyon o buhay ng ibang tao."

"Oh? Talaga ba?""I laughed and shrugged my shoulders. "Sige, sabi mo eh."

"Rose, I said enough!" Luke's voice echoed the whole place. Mabilis ang paghinga nito at mariing pinisil ang kaniyang ilong sa pagtitimpi. "Saang parte mo ba hindi maintindihan na walang kasalanan si Ria rito?!"

I was taken aback with his voice. Umawang ang labi ko't hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. He opened his eyes and when our gaze met, I could see the disappointment and irritation in his eyes.

Lumapit sa amin ang isang crew pero pinigilan siya ni Damian.

Bumuga ako ng hangin at natatawang umiling. Nag-init ang dalawang sulok ng aking mga mata at hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagpatak ng luha.

"I was the one who's saying that to you, Luke. . ." Tumikhim ako para itago ang panginginig at unti-unting pagkabasag ng sariling tinig. "Sa ating dalawa, ikaw ang tumigil. Sumusobra ka na, Luke. Hindi na kita kayang intindihan pa."

"Rose," pigil sa akin ni Damian ngunit itinulak ko siya palayo.

Umiling ako habang hindi pa rin inaalis ang titig kay Luke na ngayo'y nakatanga na sa harapan ko.

"Paano mo nagagawang samahan ang ibang tao habang ako'y hinahayaan mong mag-isa? Paano mo nasasabing hindi ko maintidihan kung sa ating dalawa ako iyong mas hindi mo naiintindihan? Paano mo nagagawang mag-alaga ng ibang tao habang ako'y hinahayaan mong alagaan ng iba?" Hinayaan kong lumandas ang masasaganang luha mula sa mga mata habang binibigkas ang bawat salita.

He shook his head and tried to hold my hand but I immediately refused. I smiled bitterly at him.

Marahas kong pinunasan ang basa kong pisngi bago marahas na bumuga ng hangin. Muli akong nag-angat ng matapang na tingin sa kaniya. "Huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin kung ganitong trato lang din naman ang ibibigay mo. Kaya kong wala ka, Luke. Hindi ko kailangan ng isang lalaking duwag at hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal sa akin," may pinalidad kong saad at tumalikod na.

Hindi na ako nag-abala pang lumingon nang tawagin niya ang pangalan ko. Sinubukan pa niya akong habulin ngunit agad din naman siyang pinigilan ni Damian. Walang ekspresyon ang mukha kong lumabas ng pesteng restaurant na iyon! Nakasalubong pa namin si Miguel na papasok sa loob ng BonChon para siguro puntahan iyong buang niyang kinakasama.

"Damian? Rose? Anong ginagawa niyo rito?" gulat at naguguluhan niyang tanong.

Binangga ko lamang ang kaniyang balikat at nilampasan siya.

"Saka na tayo mag-usap, bro! Una na kami!" dinig kong sagot ni Damian at nagmamadaling hinabol ako. 

Continue Reading

You'll Also Like

88.4K 2.7K 94
an epistolary ; sittie and dravis [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
781K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...