Defy The Game (COMPLETED)

By beeyotch

12.2M 536K 445K

(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue (Part 1 of 5)
Epilogue (Part 2 of 5)
Epilogue (Part 3 of 5)
Epilogue (Part 4 of 5)
Epilogue (Part 5 of 5)

Chapter 44

166K 8.4K 4.4K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG44 Chapter 44

Parang tumigil ang mundo sa pag-ikot nang marinig ko kung ano iyong nangyari. Parang hindi ako maka-paniwala na naka-tayo si Tali sa harapan ko—puno ng luha iyong mga mata niya. Na para bang kahit siya ay hindi maka-paniwala na pwede pa lang mangyari iyon...

Na mayroon pala talagang mga tao na kayang gumawa ng ganoon...

"Tali—"

Mariin siyang umiling. "No," mabilis niyang sabi. "I'm so—" pagpapa-tuloy niya at agad siyang natigilan. Kita ko iyong pangingilid ng luha sa mga mata niya—iyong panginginig ng mga kamay niya. Pilit siyang huminga nang malalim, pero hindi niya magawa. "I'll talk t-to the j-judge for re-sched..." hirap na hirap na sabi niya. "I won't let them get away with this. Fuck. Tangina. Fucking devils."

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

Kitang-kita ko kung paano niya pilit na pinapa-kalma ang sarili niya. Iyong bawat paghugot niya ng malalim na hininga at pagpigil sa sarili niya sa pag-iyak.

"I'll get you out of here, you hear me? I'll get you out of here, Assia. I fucking mean it," sabi niya bago ako iniwan at lumabas. Naiwan ako roon na naka-tingin kay Vito. Pati siya ay hindi makapagsalita na para bang gulat na gulat pa rin siya sa pangyayari...

"I..." sabi niya sabay tigil. "I don't know—"

Parang biniyak iyong puso ko nang makita ko iyong pagtulo ng mga luha sa mga mata niya. Tuluy-tuloy at parang walang katapusan.

"Vito—"

"Those people have families, Assia... What the fuck did I do?"

Ramdam na ramdam ko iyong pagka-basag ng boses niya...

Iyong hirap...

Iyong pagsisi sa sarili...

"Vito, hindi mo kasalanan..." paalala ko sa kanya gaya ng pagpapa-alala niya sa akin palagi na hindi ko kasalanan... Na hindi naman ako ang gumawa... Pero alam ko na kahit gaano mo sabihin sa sarili mo, mahirap tanggapin... Kailangan mo ng panahon para maghintay...

"Twenty-five—twenty-five people are missing, Assia. I feel like I'm losing my mind."

Parang walang sapat na salita...

Tumayo ako at saka niyakap siya.

Hinigpitan ko.

Para alam niya na gaya niya, nandito rin ako para sa kanya...

"They're all dead... I know they're all dead..."

"Wala pa namang nahahanap..."

"Where could they have gone? All this for what? To stop her from testifying?"

Bakit ganoon sila?

May mga ganoon pala talagang tao...

Tama nga si Tali—may mga tao na handang gawin ang lahat para lang ma-protektahan ang pangalan nila... Sila iyong pinaka-nakaka-takot dahil hindi mo alam kung saan ang hangganan... kung mayroon bang hangganan...

"Vito, sila Sancho—"

Pagbanggit ko ng pangalan ay agad na bumitaw si Vito sa yakap namin. Pinahid niya iyong luha niya at pilit na pinantay ang paghinga. Iyong mga mata niya... ayoko talagang nakikitang umiiyak...

"I need to see them."

Tumango ako. "Balitaan mo ako..."

"I'm sorry..."

"Hindi mo kasalanan," pagpapa-alala ko sa kanya.

Umalis si Vito at muli akong naiwanan. Hinatid ako pabalik sa selda. Mula sa pwesto ko ay rinig na rinig ko iyong balita—kung paanong biglang nawala iyong van kung nasaan iyong primary witness para sa kaso ni Arthur Villamontes kasabay ng dalawa pang SUV.

Dalawampung katao.

Nawala.

Ng ganon na lang.

Bakit kaya ang liit lang ng halaga ng buhay para sa iba? Para sa mga mayayaman? Na para bang pyesa lang sa laro nila? Na ganoon kadali alisin kapag naka-harang sa daan nila?

Kasi ganoon din sila Niko noon... Nung balak nilang kumuha ng inosenteng tao para pagtakpan ang nagawa ko...

Mas malaki lang 'to... pero ano ang pinagka-iba?

Pareho lang ang tingin sa buhay na bagay na pwedeng itapon basta-basta.

* * *

Ilang linggo pa ang lumipas. Halos wala akong narinig mula sa kanila. Alam ko naman na marami silang ginagawa... nakaka-rinig pa rin ako ng balita sa TV...

Nakita na iyong mga sasakyan.

Nasa isang malaking hukay.

Tinabunan na para lang silang basura.

Paulit-ulit kong iniisip, pero hanggang ngayon, hindi ko magawang intindihin kung paano maaatim ng isang tao na gawin lahat ng 'to?

"dela Serna."

Agad akong tumingin sa bantay. Matagal na nang huli kong marinig ang pagtawag sa akin, pero naiintindihan ko dahil may mga bagay na mas mahalaga ngayon... At mas mapapanatag ako na alam ko na kasama ni Vito sina Niko at Sancho...

"Abogado mo."

Agad akong lumabas. Nakita ko si Tali. Malaki iyong ipinayat niya at para bang pagud na pagod siya. Pero agad na nagkaroon ng maliit na ngiti sa mga labi niya nang makita ako.

Gusto kong tanungin kung kamusta ba siya... kung ayos lang ba siya... kung ano ba ang nangyari sa kanya dahil hindi maganda iyong huling kita ko sa kanya...

"We're just waiting for the order, but you'll be getting out. Like I promised."

Agad na napa-awang ang labi ko.

Parang sumikip iyong dibdib ko.

"P-paano?"

Muli siyang huminga nang malalim. "I knew they'll try something... They're not the Villamontes if they wouldn't try to sweep this under the rug... As a precaution, aside from the sworn statement, nagrecord din kami ng testimonial evidence kung saan sinabi niya lahat ng dapat ay sasabihin niya sa harap ng judge." Tumigil siya sandali at saka humugot nang malalim na hininga. "It was only supposed to be a back-up... just in case..."

Hinawakan ko iyong mga kamay niya.

Gusto kong malaman niya na wala rin siyang kasalanan.

Bakit ba namin sinisisi iyong mga sarili namin sa bagay na iba ang gumawa? Na iba ang may kasalanan?

"Since Patricia is..." Muli siyang napa-pikit nang sandali. "She's gone... but we still have her testimony... Zaldival agreed to drop the charges. But since he's already burning in hell, we can't file a criminal charge anymore. I'm still studying if we can file civil case for damages para doon sa mga ibang biktima. The least that devil of a family can do is to compensate them financially sa lahat ng ginawa nila."

Parang galit na galit siya.

Dahil sa nangyari.

Nandoon kasi dapat sila.

Pero sa kung anumang dahilan, nagka-sundo sila na sa mismong korte na lang magkikita.

"I'm sorry, I'm just so worked up," sabi niya. "But... you're going out, Assia."

"Tapos... na?" hindi maka-paniwala kong tanong. Na tapos na ba itong bangungot ko? Pwede na ba akong gumising? Pwede na ba akong magpa-hinga? Kasi pagod na ako...

"Hell fucking no," mabilis na sagot niya. "They did all this to clear his name? I'm gonna make it my life's mission to drag their name in the mud—starting with petitioning para matanggal sa Roll of Attorneys iyong rapist na 'yun."

Napa-awang iyong labi ko. Muli siyang huminga nang malalim na para bang nagpipigil. Pilit siyang ngumiti.

"I just came here to tell you that. But your paper works is already in the process... Vito will pick you up tomorrow, okay?" tanong niya at dahan-dahan akong tumango. "Gusto mo bang makita rin bukas iyong pamilya mo? I can tell—"

Mabilis akong umiling.

Tuwing naiisip ko ang Maynila, puro gulo at problema lang ang pumapasok sa isip ko. Ayoko na silang pumunta rito... Ako na lang ang uuwi sa kanila...

"Okay, then," sabi niya. "I'll see you tomorrow?"

Tumango ako. "Salamat. Mag-iingat ka..."

Ngumiti siya. "Sila ang mag-ingat sa 'kin," sabi niya bago umalis.

* * *

Hindi ako naka-tulog.

Sabi ni Tali ay lalabas na raw ako bukas.

Buong gabi ay naka-dilat lang ako at tahimik na bini-bilang iyong bawat segundo. At nang tawagin ang pangalan ko ay mabilis akong tumayo. Naka-tingin sa akin iyong bantay.

"Alam mo na siguro?" tanong niya sa akin. Tumango ako. Alam ko na isa siya sa mga tao na binayaran nila Vito para masigurado na walang mangyayari sa akin dito...

Tama si Tali—swerte ako dahil sa kanila.

Na hindi ako nagaya sa ibang mga babae rito...

Pero sana hindi na lang ako swerte—sana hindi na lang ganito iyong nangyayari.

"Sige na at may mga pipirmahan ka pa."

Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad palabas. Katabi ko si Tali. Kahit wala siyang sabihin ay ramdam ko na mayroong nag-iba sa kanya—hindi na siya iyong Italia na nakilala ko noon na magaan sa pakiramdam... parang biglang ang bigat ng dina-dala niya.

"Walang mga reporter?" tanong ko dahil naninibago ako... Nitong mga naka-raang linggo ay maraming pilit kumausap sa akin para hingin ang panig ko sa nangyari. Pero hindi ako nagsalita dahil wala naman ako roon at hindi ko alam ang nangyari... Baka maka-sira lang ako sa kaso na gagawin nila Tali...

"No," sagot niya. "Your release is confidential due to the circumstances," sabi pa niya.

Natigilan ako nang makita ko si Vito.

"I'll leave you two," sabi ni Tali.

"Salamat," sagot ko at tumango lang siya.

Pina-nood ko ang bawat paghakbang palapit sa akin ni Vito. Pumayat siya kumpara nung huli ko siyang nakita... gaya ni Tali ay iba na rin sa pakiramdam si Vito...

"Hi."

"Hi," sagot ko sa kanya.

"You're finally free."

"Pero ang daming nangyari."

Hindi siya sumagot.

Pareho sila ni Tali.

Sobrang... dina-dala nila iyong nangyari.

"Where do you wanna go?" tanong niya nang kunin iyong hawak kong maliit na supot kung saan nandoon iyong mga gamit na dala ko nang sumuko ako.

"Pwede bang puntahan natin sila Niko at Sancho?"

"I don't think that's a good idea."

Natigilan ako.

"Sinisisi ba nila ako?"

"No," mabilis niyang sagot. Binuksan niya iyong sasakyan at pumasok doon. Mabilis akong sumunod—naghihintay sa susunod na sasabihin niya. "No one's blaming you... it's just hard to process."

"Gusto mong pag-usapan?"

Umiling siya. "Not now."

"Okay... Kung gusto mo na, nandito lang ako... Kahit makikinig lang..."

Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti. "Thank you, Assia."

* * *

Halos hindi kami nag-usap ni Vito sa buong byahe pauwi sa Isabela. Tatanungin niya lang ako kung nagugutom na ako o kung gusto ko bang huminto. Pero ang totoo ay gusto ko lang siyang kausapin dahil baka sinisisi niya iyong sarili niya dahil ganoon din ang pakiramdam ko dati.

Pero ano ba ang karapatan kong magsalita sa kanya?

Pakiramdam ko sira pa rin ako.

Na simpleng pagkatok sa pinto ay kinakabahan ako.

"Alam ba nila Tatay?" tanong ko nang malapit na kami.

"They called, worried, when they learned about what happened in the news... They wanted to come but Tali said—"

Tumango ako. "Mas mabuti na na hindi na sila lumuwas," sabi ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita pang muli. Hanggang sa maka-hinto kami sa harap ng bahay namin ay tahimik pa rin siya. "Vito, sorry kung nadamay kayo sa lahat ng problema ko..."

Tumingin siya sa akin, pilit na ngumiti, pero napa-awang ang labi ko nang magtubig iyong paligid ng mga mata niya. Parang pini-piga ang puso ko kapag ganito siya.

"Everything will be okay, right?"

"Hindi ko alam... sana..."

Inabot ko iyong kamay niya at hinawakan. Hinigpitan. Sana ramdam niya na kahit ano ang mangyari, nandito lang ako.

"I have to go back to Manila," mahinang sabi niya.

"Pupunta rin ako..."

Umiling siya. "No. Stay here. It's safer."

"Pero sila Sancho..."

"I'll look after them," sagot niya. Pinagpalit niya iyong pwesto ng mga kamay namin at siya ang humawak. "Assia, I'm happy you're out... but I can't be fully happy knowing everything that had to happen just to get you out. I feel... suffocated. I feel very responsible. I feel everything and I feel like I'm really going insane this time. My conscience won't let me sleep at night knowing all those people died... when I promised them nothing will happen..."

Mabilis kong tinanggal iyong seatbelt at niyakap siya. Ramdam ko iyong panginginig ng mga balikat niya at iyong luha niya sa balikat ko.

"I'm going fucking crazy..." paulit-ulit na sabi niya.

"Wala kang kasalanan..." paulit-ulit na sagot ko kagaya ng sinabi niya sa akin dati na wala akong kasalanan, na kung sino iyong gumawa, siya ang may kasalanan...

Humiwalay siya sa yakap ko.

Tumingin nang diretso sa mga mata ko.

"I have to fix this," sabi niya. "I have to."

Tumango ako. "Nandito lang ako..." Tumitig siya sa akin. "Kapag kailangan mo ako, tawagan mo lang ako... pupunta ako agad sa 'yo. O maghihintay ako rito. Kahit ano. Basta nandito lang ako. Hihintayin kita."

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Continue Reading

You'll Also Like

106K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
11.7M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...