A Hopeless Wind (NEUST Series...

By JdAnnnnn

89.7K 2.4K 204

| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is j... More

Warning!
A Hopeless Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
For You
Author's Note

Chapter 12

1.9K 69 2
By JdAnnnnn

Huminto ako bago kami makarating sa classroom namin para sa subject na mayroon kami ngayong araw na ito.

"Mauna na kayo sa classroom. I'm just going to restroom, tutal ang sabi niyo ay wala naman iyong unang Professor namin." Tipid ang aking naging pag-ngiti.

"Samahan na kita, labs." Umiling ako kay Chelsea, nagtama pa ang paningin namin ni Jranillo, bumilis ang tibok ng aking puso, kasabay ng pag-kirot nito. Nag-iwas ako ng tingin. I waved my right hand and start to stepped forward away from them.

Pagdating ko sa second floor, sa restroom ng COED ay walang estudyante doon, naisip ko tuloy kung alam ba ng pagkakataon ang aking nararamdaman ngayon.

Binuksan ko ang gripo, sumahod ng tubig doon at hinilamos sa aking mukha. Napatitig ako sa salamin, my throat tightened, pain gripped my heart.

"It's fine," I whispered, but as I tried to explain to myself that there's no wrong, I felt more that I'm not good enough.

Why people love to judge someone? Hindi ba nila alam kung gaano maaaring sirain ng simpleng salita ang buhay ng isang tao?

Nang makarating na ako sa aming classroom ay kaunti lamang ang nakita kong mga kaklase ko, marahil ay nasa canteen ang iba dahil wala naman kaming Professor.

"Hulya!" Kumaway sa akin si Chelsea, nagtungo ako mula sa kaniyang kinau-upuan.

"Bakit ang tagal mo?" tanong niya, napalunok naman ako.

"Ang dami kasing estudyante." pagsisinungaling ko, bahagyang naningkit ang kaniyang mga mata.

"Umiyak ka ba?"

"Umiyak? Sino ang umiyak?" Halos manigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang presensya ni Jranillo mula aking likod.

"Itong si Hulya, tingnan mo namumula ang ilong." Pumunta sa aking harapan si Jranillo, he tilted his head and leaned closer to me, he has this blank expression, tila ba nangungusap ang kaniyang mga mata.

"Umiyak ka ba?" Mariin ang tingin niya sa akin, iniwas ko ang aking mukha, nahagip ng aking paningin si Chelsea na nagpipigil ng ngiti.

"Hindi, minsan talaga namumula ang ilong ko, kumakati kasi siguro ay dulot ng hangin." Hindi niya tinanggal ang tingin sa akin. I don't even know how to avoid his gaze, kaya naman labis ang aking pasasalamat kay Paul.

"Hulya, do you want to come with me? Pupunta akong library." Hindi na ako nag-isip pa, tumango na ako agad bilang pagsang-ayon.

"Hindi pwedeng kayo lang, sasama ako," kaagad na sabi ni Chelsea.

"Ikaw Jandred, sasama ka din?" Napalingon ako kay Jranillo ng hindi ko kaagad narinig ang tugon niya.

Their both expression hardened, Jranillo's muscle in his jaw twitched, habang tumatagal naman ay nagsasalubong ang kilay ni Paul. Nagpabalikbalik ang tingin namin ni Chelsea sa dalawa.

"Ano ba iyan, ang init!" Chelsea fanned herself, tila may ibang laman ang kaniyang mga salita.

"T-Tara na," pagsasalita ko naman, tsaka palang tila nawala ang tensyon na tila meron sa pagitan ng dalawa.

Uwian na ng magpasama muna sa akin si Chelsea dahil nai-ihi na daw siya. Nakasandal ako malapit sa pintuan ng restroom, sa hindi kalayuan ay si Jranillo, hinihintay namin lumabas si Chelsea. Naglakad siya palapit sa akin, bahagya akong ngumiti sa kaniya, para naman hindi niya masiyado mahalata na iwas ako sa kaniya.

"Hintayin sana ulit kita bukas." I took away my sight at him.

"H-Hindi naman na kailangan, tsaka huwag mo na sana ako hintayin." Mabilis ang tibok ng aking puso ng ibaling ko muli ang paningin ko sa kaniya. Itinikom niya ang kaniyang labi ng mariin, tila may gustong sabihin ngunit ngumiti na lamang.

"Hmm. Okay, as you wish," kalaunan ay mahinang sambit niya. Hindi na alis agad sa kaniya ang aking tingin, his eyes seems suddenly turned dulled.

"Let's go!" Napalingon kami kay Chelsea na kakalabas lamang sa restroom.

"Paano ba iyan Jandred, bukas naman ay makikita mo ulit si Hulya!" Chelsea giggled, bahagya ko naman siyang siniko

"You're right, hindi naman ako papayag na hindi siya makita." Nag-init ang aking magkabilang pisngi. Nang magpaalam ako sa kaniya ay hindi ko na siya nilingon pa dahil baka mapansin niya lamang ang hindi mapigilan na pag-guhit ng ngiti sa aking labi.

"Ikaw naman Hulya, wala ka man lang pa-flying kiss kay Jandred!" Humagikgik si Chelsea, napa-ngiwi naman ako, bahagya pa napa-angat ang aking kilay.

"Why would I? Hindi naman ako baliw para gawin iyon." Bahagya akong natawa.

"Sabagay, hihintayin ka naman niya ulit bukas."

"Sinabi ko sa kaniya na huwag na akong hintayin."

"Ha? Ano ka ba Hulya! Sayang kaya iyon. You like him right? Dapat nga ay matuwa ka sa mga nangyayari, kung ako iyan ay baka hindi na matapos ang pagtili ko dahil sa labis na kilig." Napakagat ako sa ibabaw ng aking labi.

"I'm not taking it as a chance, Chelsea. Siguro ang tamang gawin ko ay tulungan ang aking sarili na patayin ng tuluyan ang nararamdaman kong pag-asa para sa kaniya." Hinampas niya ako.

"Iyan ang huwag mo gagawin." I shrugged my shoulder, hindi na lamang ako nagsalita.

Kinabukasan, hindi nga siya naghintay, kahit paano ay dumaan sa akin ang lungkot, ngunit ako din naman ang may gusto nito. Pagkatapat na pagkatapat ko sa guard house ay narinig ko ang boses ni Paul.

"Wait for me, Juliana." Nilingon ko siya at huminto naman ako sa paglalakad.

"Hey," bati ko sa kaniya at ngumiti.

"Hmm, buti naman at hindi mo na kasabay si Jandred." Itinuon ko naman ang aking paningin mula sa malayo.

"Nakakahiya din naman kasi sa kaniya kung hihintayin niya ako palagi, buti nga ikaw hindi mo itinuloy pa iyong sinabi mo na palaging sabay na lang din tayo maglakad papuntang COED building."

"I was about to, kaso nakita ko sina Jandred at Chelsea, and Chelsea said that I just better to go first, wala naman na akong nagawa kaya hindi na rin kita nahintay, kilala mo naman ang kaibigan mo." Bahagya siyang tumawa, gulat naman akong napatingin sa kaniya.

"Hindi nabanggit ni Chelsea na nakita ka pala nila." Tumango naman siya.

"Hmm, ganoon ba?" Tumango ako. Pinadaanan niya ng kaniyang mga daliri ang ibabaw ang kaniyang buhok.

"Actually they looked really close when I saw them yesterday, sa tingin ko nga ay may something sa dalawa na iyon, what do you think?" Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya, napahawak ako ng mahigpit sa strap ng aking bag.

"M-Maybe, hindi naman malabo. They looked better with each other."

"I'm so excited with our P.E next week." I pouted.

"It's the opposite of what I'm feeling about that, sa tingin ko ay mababali ang lahat ng buto ko." Kapwa kami natawa, ngunit unti-unti akong napatikom ng aking bibig ng matanaw ko sa harap ng COED building si Jranillo.

Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa strap ng kaniyang bag. Napansin ko din ang unti-unting paglaho ng ngiti sa kaniyang labi, naging malamig ang tingin niya, pagkatapos ay walang kibo na tumalikod na at pumasok sa loob ng department namin. I suddenly felt guilty without knowing why.

"Hmm Juliana, mauna ka na sa loob may dadaanan pa kasi ako."

"Oh, okay!"

Pagpasok ko sa classroom ay sadyang tumama ang aking paningin kay Jranillo, he's leaning on his chair, with a slightly knitted brow, a tight lips, while massaging the temple of his nose slowly.

Nang mapansin na magmumulat na siya ng kaniyang mga mata ay napayuko ako at dali-dali ng tinungo ang aking upuan, at doon ko napansin na wala pa si Chelsea.

"Hulya, sa ibaba ako maglilinis." Narito kami sa library, pinaglilinis ang section namin ngayon dito dahil ayon sa aming Professor ay may darating na bisita mamaya.

"Bakit doon pa? Dito ka nalang din oh." Hawak nito ang walis tambo.

"Si Sir. kasi may pinapalinis sa akin doon sa first floor." Napakamot ako sa aking sintido.

"Hmm, okay."

I can't help but to smile while cleaning the bookshelf, kung minsan ay binubuklat ko pa ang ilang libro na tila may magandang nilalaman. Inaayos ko na lamang ang mga libro ng sandali akong natigilan ng maalala si Jranillo.

Ipinagsi-sigawan ng aking puso na mayroon akong pag-asa sa kaniya, na maaaring mayroon din siyang nararamdaman para sa akin, ngunit nasasaktan lamang ako tuwing naiisip ko na imposible iyon, na katulad dati ay hanggang tingin lamang ako, na mananatili lamang lihim ang aking nararamdaman.

Bahagya akong pumikit ng mariin, ipinilig ko ang aking ulo, bago dahan-dahan na magmulat muli ng aking mga mata. Bumuntong-hininga ako ng malalim at nagpasya na lumipat sa susunod na bookshelf para iyon naman ang linisin kung hindi pa iyon tapos, ngunit napahinto ako ng makitang si Jranillo ang nandoon.

"M-May naglilinis na pala." Napalunok ako ng tumama ang tingin niya sa akin.

"S-Sige sa i-iba nalang ako." I stuttered, tila naging iba pa ang ibig sabihin sa akin ng aking nasabi, tumalikod na ako habang damang-dama ko ang paglukso ng aking puso.

I was about to step away when he softly grabbed my wrist, and gently pushed me to the side of the bookshelf, I felt my whole body suddenly freeze. He tilted his head, mariin siyang napapikit.

"J-Jandred baka may—" he cut what I'm going to say.

"Why don't you want me to wait for you? Yet I always see you with Paul?" Nagmulat siya ng kaniyang mga mata, napatitig ako doon, lalo na sa mahahaba niyang pilik-mata.

Naramdaman ko ang panlalambot ng aking mga tuhod, tila naririnig ko na ang tibok ng aking puso.

"I-I just don't want you to get bored, and it's not a big deal, k-kaya bakit ka ba ganiyan?" Yumuko ako, ayaw na mapansin niya ang aking pamumula.

"Do you really want to know the reason why, huh?" He leaned closer to me, kahit na may aircon naman dito ay parang kay lapit ko ng sobra sa isang pugon.

"L-Lumayo ka kaya." Nanginginig ang aking boses ng sabihin iyon, ni hindi ko alam ang eksaktong nadarama, ngunit labis akong natatakot na baka mayroong makakita sa amin.

"I'm asking you, do you want to know?" pabulong na sabi niya, napalunok ako at tumango na lamang.

"Because I don't want you being close with other man, Hulya." Napaawang ang aking labi sa sinabi niya, at natulala na lamang ako dahil sa mga nangyari, habang siya ay naglakad na palayo sa akin.

"Hulya?" rinig kong tawag sa boses ko ni Chelsea, kaagad kong pinunasan ng panyo ang aking mukha at napa-buntong hininga ako ng malalim.

"H-Hey." Salubong ko dito.

"Ibang section na daw magtu-tuloy nang paglilinis, kaya pwede na tayong magpahinga."

"Ayos ka lang ba?" Napa-titig siya sa akin, napa-kurap naman ako ng makailang beses.

"O-Oo naman." Hinawakan nito ang aking kamay.

"Hulya ang lamig mo, namumutla ka, are you sure, ayos ka lang?" napa-kagat ako sa ilalim ng aking labi at hinila na ito palabas sa library.

Naka-takip ang aking palad sa bibig nito ng biglaan siyang tumili matapos kong sabihin sa kaniya ang nangyari.

"Chelsea, don't be so loud please." Bahagya kong pinipisil ang nanlalamig ko pa rin na mga kamay.

"My gosh Hulya! Road to forever na ito." Tumawa siya, hindi na ako naka-imik, I can't move on from what Jranillo said, ni hindi ko alam kung panaginip o halusinasyon lamang ba lahat ng iyon.

"I told you girlbJandred, have a feelings for you. Ulitin mo nga ulit iyong kwento mo, dali!" Nata-tawa akong tiningnan siya.

"Bakit parang mas kini-kilig ka pa kesa sa akin?" Yumakap siya sa aking braso, hindi matanggal ang ngiti sa aking labi.

"Just do a flashback in your mind again Hulya, hindi ba at nakaka-overload kilig!" Nilingon ko ang kabuuan ng oval mula dito sa itaas ng grandstand, dito namin naisipan na magtungo pagkatapos namin umalis sa like library.

"Sa tingin mo Chelsea, hindi ko na ba talaga pipigilan na umasa?" Bahagya ako nitong kinaliti sa aking bewang.

"Bakit mo naman kasi pipigilan, lalo na kung may pag-asa?"

"I'm so excited! Ngayon palang ay nai-isip kong ikina-kasal ka na." Nanliit ang aking mga mata at natawa sa sinabi niya.

"Tama na nga Chelsea, baka wala lang naman iyong nangyari at mga nasabi niya kanina."

"Paanong wala? Hindi ako naniniwala sa iyo Hulya. Why don't you admit it, na kinikilig ka na ng sobra diyan? Ikaw pa kaya na hopeless romantic. Panigurado mas maganda itong istorya niyo ni Jandred kung iku-kumpara sa mga nababasa mo." Hindi ko na napigilan pa ang mapa-ngiti.

I really admire Jranillo, binali niya ang pangako ko sa aking sarili na hindi ko na ito muling hahayaan pa na umasa. Jranillo made me feel that I'm not a hopeless one. Siya ang isa sa dahilan kung bakit hindi lamang si Raldon ang masasabi kong tanging lalaki na nagkaroon ng espesyal na espasyo sa aking puso, kun'di siya na rin. Kaya sana, tama ang desisyon ko na umasa sa sinasabi kong imposible.

Continue Reading

You'll Also Like

33.6K 1K 31
in which anikka was invited to do a web series with his famous ex boyfriend, Brent Paraiso.
15.9K 186 38
| This story is dedicated to those people who are always separated by boundaries. | Judith Ryca Salazar, decided to study at Nueva Ecija University o...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
600K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...