A Hopeless Wind (NEUST Series...

By JdAnnnnn

89.6K 2.4K 204

| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is j... More

Warning!
A Hopeless Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
For You
Author's Note

Chapter 11

2.1K 79 8
By JdAnnnnn

Sa maingay na classroom namin ay inayos ko ang mga test paper na ipina-check sa akin ng isa sa aming Professor. Nilingon ko si Chelsea na nasa banda nina Jranillo at nakikipagbidahan doon. Kinuha ko sa aking bag ang aking cellphone.

"Hulya, saan ka pupunta?" tanong ni Chelsea, napalingon din sa akin si Jranillo.

"Pupunta ako sa Faculty, ibibigay ko lang ang mga ito kay Ma'am Shane."

"Samahan na kita." Mula sa aking gilid ay naramdaman ko ang presensya ni Paul, kasabay ng pagtayo mula sa kaniyang kinau-upuan ni Jranillo.

"Ano kayo, bodyguard ni Juliana?" natatawang sambit ni Liah, si Chelsea naman na nahagip ng aking tingin ay malaki ang ngisi sa kaniya labi.

"Ako na lang ang sasama sa iyo, tutal dadaan din naman akong restroom," pagsasalita muli ni Paul. I saw Jranillo's brows knitted, magsa-salita pa sana siya ng humarang na sa kaniyang paningin si Eileen. Iniwas ko na rin ang aking paningin sa kanila.

"S-Sige Paul, tara na." Ngumiti naman siya, at ako ay hindi na nilingon pa ang banda kung saan nandoon si Jranillo.

"Dapat iyong quiz na lang natin iyong ipina-check sa iyo ni Ma'am, para sana nakita namin." Bahagya siyang tumawa, ganoon din ako.

"Sinadya siguro ni Ma'am na sa ibang section ipa-check iyong sa atin, baka na-sense niya na titingnan mo kasi iyong score mo." Pinagtaasan niya ako ng kaniyang kilay. Bahagya ko naman tinakpan ng panyo ang kalahati ng aking mukha dahil natatawa ako sa kaniya.

"You know, you look like a modern Maria Clara." Ilang sandali lang din ay nakarating na kami sa Faculty. Nakita ko rin kaagad ang Professor namin kaya hindi rin kami nagtagal.

"Mauna na ako sa classroom?" tanong ko, umiling naman siya.

"Akala ko ay pupunta ka sa restroom?" Ngumisi siya sa akin.

"Sino nagsabi na totoo iyon?" Mahina siyang tumawa, bahagya naman naningkit ang aking mga mata.

"Sadyang kumakalat na talaga ang mga baliw ngayon." Humalakhak siya at dahil nga hindi naman pala siya pupunta talaga sa restroom ay dumiretso na kami pabalik sa classroom. Kapwa pa kami tumatawa ng maka-balik, paano ba naman kasi puro biro ang nalalaman nitong si Paul. Now, I can surely say that first impression is not really last.

My eyes first darted on Jranillo's side, he's leaning at the back of his chair, while his right hand's playing the tip of its finger on the desk. Our eyes met, and I noticed the frosty look he has now. Napalunok ako sa hindi malaman na dahilan, tila nataranta pa akong bumalik na kaagad sa aking upuan.

"Lagot ka!" pabulong na salubong sa akin ni Chelsea.

"Huh?"

"Bakit hindi mo isinama si Jandred?" tanong niya.

"What's wrong with that? It's not my responsibility to take him with me all the time, and he's busy with Eileen, why bother him right?" Bahagya niya akong siniko, gumuhit muli ang ngisi sa labi niya, the corner of her eyes crinkled when she giggled.

"Someone's being jealous here."

"Dapat nga ay ini-iwasan ko na lang siya, napa-paasa niya ako ng hindi niya nalalaman."

"Napaka-negative mo naman Hulya, alam mo ikaw lang ang nagi-isip na hindi magkaka-gusto sa iyo si Jandred, hindi mo ba napapansin?"

"Stop giving me false hope, Chelsea." I forced myself to smile. It's easy to think that the person we like admires us too. But then, when reality slaps you, it hurts everytime you realized that it's impossible, na sa panaginip lang pala tila magkakagusto sa iyo ang tao na matagal mo ng hinahangaan.

"Trust me, kung sa isipan mo walang pag-asa na magustuhan ka ni Jandred, nagkakamali ka, baka nga pinagpapantasyahan ka na niya!" bulong niya sa akin, pinanliitan ko siya ng aking mga mata, dahil sa kaniyang sinabi ay nagi-init ang aking pisngi.

"Ano? Sa panaginip niya ay isa akong poste?" Bahagya siyang natawa, habang ako ay simpleng napa-irap na lamang.

The next day I was walking in the campus pathway bound to the COED building when Paul suddenly bumped beside me. Halos mapatalon pa tuloy ako, kaya naman mahina ko siyang nahampas.

"Napakahilig mo manggulat." Tumawa siya, may nakasalubong naman kaming dalawang babae na napatitig sa amin.

"Girlfriend ba iyon ni Salonga?" rinig ko pa na tanong ng isa sa kaniyang kasama bago sila tuluyang makalampas sa amin, naging dahilan iyon upang maglagay pa ako ng distansiya sa pagitan namin ni Paul.

"Mayaman ka naman, dapat ay nagtra-tribike ka na lang," maya-maya ay mahinang sabi ko sa kaniya.

"Madalas naman talaga nagtra-tribike ako, ang kaso nakita kita kaya naglakad na rin ako." Nilingon ko siya, kasabay ng kaniyang pagkindat. Napailing na lamang tuloy ako.

"Nitong mga nakaraan na linggo napapansin ko na mas lumalapit ka sa akin kaysa kay Chelsea. Aminin mo mga sa akin, magpapalakad ka ba sa kaibigan ko?" Napatitig siya sa akin kalaunan ay tumawa.

"Bawasan mo ang mga pinapanood at binabasa mo."

"Bakit naman?" Bahagyang naningkit ang aking mga mata.

"Maniniwala ka ba, kung sasabihin ko na engaged na ako?" Kaagad akong napalingon muli sa kaniya.

"Totoo? Kanino naman?" Tipid ang naging kaniyang pag-ngiti. Napansin ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"It's a secret." Tumawa siya, napangiwi naman ako, ngunit hindi kalaunan ay napa-ngiti na din.

"I didn't expect that it was still possible for someone like me to be close to a man like you."

"Bakit naman? You're approachable Juliana, siguro sa unang tingin ay parang suplada ka, pero kapag naumpisahan na kausapin ay mabait naman pala."

"Hindi lang naman iyon, alam mo na introvert ako, most of boys kasi ayaw sa ganito, hindi ba?" Isinuksok niya sa isang bulsa ng pants niya ang kaniyang kaliwang kamay.

"That's the point, most of the boys, not all."

"You're like a unique book for me Juliana, an old history book, kahit luma na ay magiging interesado pa din akong buklatin at basahin." Napatitig ako sa kaniya, napa-ngiti ako sa kaniyang sinabi, na hindi ko namalayan na halos katapat na pala kami ng aming classroom.

"Oh, na-fall na ba si Paul?" I pursed my lips, kaagad kong pinutol ang tinginan namin ni Paul ng marinig ang boses na iyon ni Eileen.

"Nagkasabay kayo?" si Chelsea, tumango naman ako, napansin ko na katabi niya sa kaniyang gilid si Jranillo, his jaw clenched when our eyes met.

"I saw Juliana, so I decided not to ride in a tri-bike, naisip ko nga na hintayin ko nalang siya lagi sa harap ng campus para sabay na lang kami maglakad papunta dito sa building." Sumulyap siya sa akin.

"Tsk!" Napalingon akong muli kay Jranillo ng marinig ko ang pag-asik niya. This time his expression hardened, humiwalay na ako kay Paul at tumabi kay Chelsea.

Nakatitig lamang ako ngayon sa kisame ng aking kwarto. It was already nine-forty-five in the evening when my phone suddenly rang, napatitig ako doon ng makitang si Jranillo ang tumatawag.

"Hello?" bungad ko, bahagya ko naman nailayo sa aking tenga ang cellphone ng may marinig akong ilang ingay galing sa boses ng mga lalaki.

"Bagal mo pre!" rinig kong sabi ng isa.

"Both of you, shut your mouth!" dinig ko pa na mahinang sambit ni Jranillo, ilang sandali ay tumahimik na din sa kaniyang linya.

"Hmm. Good Evening, Hulya." A smile danced on my lips. His voice strikes my heart to beats magically.

"H-Hey, bakit napa-tawag ka?" tanong ko.

"Ita-tanong ko sana kung mga anong oras ka bya-byahe bukas papuntang University?"

"Ha?" Narinig ko ang pagtikhim niya.

"Sabihin mo na kasi kung bakit!" rinig kong sigaw ng isang lalaki, may narinig pa akong tawanan.

"I'll wait for you, sabay na tayong maglakad papuntang COED building." My eyes blinked as I process in my mind what he said, mahina akong tumawa.

"Hindi naman na iyon kailangan, ayos lang kung mauna ka na," tugon ko, habang ang aking kanan na kamay ay nakahawak sa aking bandang dibdib, dinadama ang mabilis na tibok ng aking puso.

"Just answer my question, please." I bit my lower lip, masiyadong nawiwili ang aking labi sa pag-guhit ng ngiti.

"Eight-fifteen in the morning ako aalis dito sa amin, since thirty minutes ang biyahe kapag hindi traffic, mga bago mag-alas-nuebe ay nasa Sumacab na ako."

"Oh, thanks. I'll wait for you then, just please let me." Madiin na ang kagat ko sa aking labi, tila gusto kong maglulundag at tumili, ang kaso nga lang ay hindi pa rin natatapos ang tawag.

"Sige, ikaw naman ang may gusto niyan." Napa-ngiti ako at napa-buntong hininga ng malalim.

"See you tomorrow, Hulya."

"O-Okay. Goodnight." Nang maputol na ang tawag ay nayakap ko pa ang aking cellphone, sandali akong pumikit at tila inulit sa aking isipan ang kaniyang boses at ang mga salitang kaniyang sinabi.

"I can't resist it!" Lumandag ako sa aking kama, yinakap ang aking unan at nagpa-ikot-ikot pa. I gazed at my room's ceiling, as the feeling of joy overwhelmed me.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, ngunit tinanghali din ako ng pasok dahil kinailangan ko tulungan si Ate na magluto sa babaunin ni Tatay sa bukid dahil doon ito matutulog ngayon.

Habang nasa jeep ay hindi ko maiwasan na isipin si Jranillo, ngunit marahil mauna na ito at hindi na ako mahintay pa, ni hindi ko nga rin maisip kung bakit gusto niya na sabay na kami maglakad patungo sa COED building.

Pagbaba na pagbaba ko sa jeep ay halos takbuhin ko ang overpass, habol ko ang aking paghinga ng tumama ang aking paningin kina Chelsea at Jranillo na masayang nagu-usap, my lips parted, pinunasan ko ang pawis sa aking noo, kasabay ng pag-iwas ng aking paningin sa kanila.

"Here you are!" Tumakbo papunta sa aking gilid si Chelsea at kumapit sa aking braso.

"Kanina ka pa namin hinihintay ni Jandred, actually kanina pa ata siya dito, nakita ko lang, hihintayin ka daw niya, kaya ganoon na din ang ginawa ko." Tumawa siya. Nagawi na ang aking tingin kay Jranillo na ngumiti naman sa akin. Pinilit ko ang ngumiti, hindi ko alam kung bakit tila bumigat ang aking pakiramdam ng dahil sa aking naabutan.

Naglalakad na kami sa pathway, walang tigil sa pagsasalita si Chelsea, si Jranillo naman ay hindi din mapigilan na tumawa dahil sa kaniya.

"Ang tahimik mo naman, Hulya." Bahagya niya akong siniko, dahilan upang magkadikit ang aming mga braso ni Jranillo, kaya naman kaagad din akong lumayo.

"Wala lang akong masabi." Ngumiti ako kay Chelsea, iniwas ko sa kaniya ang aking paningin.

"Siya nga pala, sana ay hindi niyo na ako hinintay, nakakahiya tuloy, lalo na sa iyo, Jandred." Nagtama ang aming paningin, his gazed is like he's scrutinizing me. But as long as I'm looking at him, the more I'm feeling the hopelessness.

"Ikaw kasi Chelsea, dapat inaya mo na din siya na sabay na kayong maglakad kanina." Nagawa ko pa na tumawa, pagkatapos ay itinuon ang aking paningin sa malayo. Nang may makakasalubong kami na ilang grupo ng kalalakihan ay napayuko ako.

"Ayos lang, tsaka may nag-chat sa gc wala iyong Professor sa first subject natin ngayon."

Suddenly, I felt blue. Parang sa pelikula ako iyong tanawin na naging panira sa isang maganda at gwapo na bida. Ang makasama si Chelsea at Jranillo ng ganito ay tila isang sampal sa akin, na hindi ko dapat hinahangad ang isang katulad niya, parang mas lalo ko napagtanto na para siyang isang batas na ipinagbabawal, na tila isang malayong bituin na hindi imposible na aking maabot.

Marahil may mga galaw at mga sinasabi siya na para sa akin ay mayroong espesyal na kahulugan, ngunit siguro nga ay normal lamang iyon. There's a lot of girls much better than me, and maybe it's not really going to be me, ang luma ay hindi na pwedeng isama sa bago dahil makakasira lamang ito sa paningin ng ibang tao.

Maybe it's not me, instead, it's my friend, Chelsea or it can be the queen like Eileen. It's not me, someone that's nothing but just like a hopeless wind, and that thought felt like a knife to my heart.

Parang dinudurog ako sa katotohanan na hindi niya naman ako magugustuhan, na hanggang sa imahinasyon lamang ako. Those imagination that even it made me smile, at the end it still made me feel this sadness in my heart.

"Hey, Jandred!" bati kay Jranillo ng isang lalaki.

"Sino mga kasama mo?" tanong ng lalaki.

"Girlfriend mo ba itong si Miss ganda!" Pagtukoy niya kay Chelsea.

"We're just friends." Tumawa si Chelsea.

"Sino nga iyong girlfriend mo? Don't tell me..." Nilingon ako ng lalaki, sa klase palang ng kaniyang pagtingin at bahagyang pagtawa ay mayroon ng pamimintas, ganoon pa man ay ngumiti na lamang ako.Magsasalita sana si Jranillo, ngunit inunahan ko na siya.

"I'm their classmate."

It hurts you know, to just smile even you're tearing inside, ang hirap magpanggap na hindi apektado, dahil ang totoo kahit pilit kong ini-iwasan, nasasabi ko sa aking sarili, na sana katulad na lang din ako ng iba na halos perpekto na.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 64 8
HUE SERIES #4 Mirn had a huge crush on car racer Marcus Spencer. She went to great lengths to get Marcus's attention, even sliding into his DMs and s...
633K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
28.8K 1.2K 22
AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE NATIONWIDE FOR ONLY PHP195.00! Chinky eyes, quirky smile, and ambiguous attitude. Sometimes he's nice, sometimes not...
600K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...