Golden Scenery of Tomorrow (U...

By 4reuminct

73.8M 2.9M 10.5M

UNIVERSITY SERIES #5. Ever since they were kids, Avianna Diaz from UST Architecture and Larkin Sanchez from... More

PROLOGUE
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

02

1.5M 64.2K 235K
By 4reuminct


"Ah! 'Yung baon ko! Bakit?! Huwag naman ganoon!" 


Tinulak ko ang pagmumukha ni Arkin habang nilalagay ko ang pagkaing niluto ko sa dalawang lunchbox. Dahil hindi ko na kailangang pagbaunan si Arkin ay 'yung white na lunch box na lang ang ibibigay ko para kay Mira. Mas gusto niya ang white kaysa blue, tsaka para hindi na rin sila mag-away ni Ysha sa color pink. Ako na lang ang kukuha ng blue. 


"Masaya akong may kaibigan ka na pero... Teka, sa kwento mo, hindi mo naman tinanong, ah! Ang usapan natin kapag tinanong mo. Kusa 'yon, e!" Sinubukan niya pang i-salba ang pustahan naming dalawa. 


May point siya pero umiling ako. "A deal is a deal... At huwag ka nang maingay. Baka magising si Aidan," pag-bawal ko sa kaniya. 


Monday na naman at sobrang aga ni Arkin pumunta sa bahay. 8 AM ang pasok sa amin pero 6 AM pa lang ay narito na siya para maki-kain din ng breakfast. Palibhasa kasi alam niyang 6 AM ay gising na ko't nagluluto na rin para sa mga kapatid ko at para kay Papa. Kung siya ang nagbabayad ng pinapamalengke ko ay okay lang kahit maki-lamon siya rito, pero hindi, e! Pa-epal lang talaga siya! 


"Sa susunod, bumili ka na lang ng breakfast mo," sabi ko pagka-lapag ng plato niya sa lamesa. Sinara ko na rin ang mga lunchbox at nilagay sa mga bag ng dalawa kong kapatid. Napangisi si Arkin at sinimulan nang kumain ng fried rice, egg, at hotdog. 


"Mas gusto ko ang luto mo," sabi niya sabay ngisi pa sa 'kin. Wala akong naging reaksyon at napailing na lang. 


Lumabas na rin ako ng kusina at umakyat sa kwarto para maligo. Ayaw ko nang makitang kumakain si Arkin ng luto ko dahil mas nabibwisit lang ako. Wala na ngang lunch, gusto pang maki-breakfast! Kung hindi lang talaga sila close ni Papa, matagal ko na siyang pinagbawalan makapasok sa bahay... Kaso hindi, e. Si Papa pa mismo ang gustong dito kumakain si Arkin. Sabagay, marami na ring natulong ang magulang niya sa amin. 


Ginising ko muna ang mga kapatid ko para maka-kain na sila bago ako naligo at nag-bihis na ulit ng uniform. Nag-lalagay pa lang ako ng necktie ay pumasok na si Arkin sa kwarto ko kaya nagulat ako at napalingon. Dahil nagulat ako, nagulat din siya sa reaksyon ko. Parang siraulo lang talaga. 


"Ako na mag-tali." Pumunta siya sa harapan ko at inayos ang necktie sa leeg ko. 


Sobrang lapit niya sa 'kin pero hindi naman na bago para sa akin ang presensya niya. Kailangan ko nga lang siyang tingalain dahil mas matangkad siya sa 'kin. Mukhang seryosong seryoso naman siya sa pagsusuot ng necktie sa akin. 


Binitawan niya kaagad ako pagkatapos kaya umupo na ulit ako sa kama ko para i-suot ang medyas ko. Lumabas na rin siya para mag-toothbrush sa C.R kaya pumunta na lang ako sa kwarto nila Papa para kuhanin si Aidan na kakagising lang. Binuhat ko siya at bumaba sa kusina. 


"Aalis ka na, Pa?" Tanong ko nang makitang nag-susuot na siya ng sapatos. "Teka lang. 'Yung lunchbox po." Kinuha ko ang lunchbox at inabot sa kaniya habang buhat ko pa rin ang inaantok kong kapatid. Maaga raw kasi si Papa ngayon dahil may interview siya kaya ako na ang maghahatid kay Aidan sa kapitbahay. 


"Oo, anak. Gagalingan ko sa interview." Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko pagkatayo. 


Naghahanap kasi siya ng isa pang trabaho bukod sa construction para raw sa college tuition ko kahit matagal pa 'yon. Bale, mas gagabihin na ang uwi niya o kaya naman baka madaling-araw na siyang umuwi. Against ako sa idea na 'yon pero wala naman akong magagawa dahil 'yun ang gusto niya. 


"Kino, alis na 'ko, ha. Ingatan mo ang mga prinsesa ko," pagbibiro ni Papa nang makita si Arkin na pababa ng hagdan. 


"Yes, Pa." Sumaludo pa si Arkin bago pumuntang kusina, dala-dala na ang mga bag ni Mira at Ysha. "Male-late na kayo. Tara na, dali. Suot n'yo na 'to," rinig kong sabi niya sa mga kapatid ko. 


Pagkaalis ni Papa, umakyat na rin ako at sinuot ang bag ko bago kami sabay-sabay lumabas para masara ko ang pinto. Akala ko hindi na 'ko mag-aalala sa oras ng pasok ko pero nang ihahatid ko na si Aidan, ayaw niya akong bitawan. Umiyak pa siya noong makitang papaalis ako. 


"Babalik si Ate," paulit-ulit na sabi ko sa kaniya. 


"Papa..." Umiiyak na siya ngayon kaya mas nahiya ako sa kaibigan ni Papa dahil parang naiiyak din siya sa kapatid ko. Alam kong hindi niya kami nakakasama madalas pero wala naman akong magagawa dahil nag-aaral ako. "Mama..." Natigilan ako nang si Mama na ang tawagin niya. 


"Babalik si Ate." Iyon na lang ulit ang sinabi ko sa kaniya dahil hindi ko naman pwedeng sabihing babalik si Mama. Hinalikan ko na lang siya sa noo bago nagmadaling umalis. 


Naghihintay na sila Arkin sa labas. Naka-piggyback pa nga si Ysha sa likod ni Arkin habang naglalakad kami papunta sa school nila. Nang mahatid na namin, nag-abang na ulit kami ng jeep. 


Ito na naman ako, nag-aalala sa oras. Palagi na lang ganito kahit maaga naman akong gumigising! Siguro... May malas sa aming dalawa. Siguradong hindi ako 'yon! 


"Malas ka siguro, 'no?" Tumingin ako kay Arkin. 


Napakunot kaagad ang noo niya at tinanggal ang dalawang kamay na nakahawak sa likod ng ulo para singhalan ako. Hindi niya alam ang sasabihin niya at umakto pang sobrang na-insulto sa sinabi ko. 


"Grabe, ganiyan ba ang ugali mo, Via?!" Hindi makapaniwalang sambit niya sa 'kin. 


Hindi ko siya sinagot dahil huminto na ang jeep sa tapat naming dalawa. Nauna siyang sumakay at talagang hinarangan niya pa ng kamay niya ang space sa tabi niya para hindi maagaw ng naunang sumakay sa akin. Nang makapasok ako ng jeep ay ngumiti siya sa 'kin at tinuro ang space na sinave niya para sa 'kin. Napailing na lang ako at umupo roon. 


"Sigurado kang wala kang binaon para sa 'kin? Yie, siguro nahihiya ka lang. Sige na, hindi naman kita aasarin. Aminin mo na," pagpupumilit niya pa pagkatapos mag-abot ng bayad. 


"Hindi ka kasama sa budget ng pamilya," seryosong sabi ko sa kaniya. Hindi ko man lang siya tinignan dahil abala ako sa pagrereview. May quiz kasi kami sa first subject kaya kabadong kabado rin akong ma-late. 


Sinilip niya ang binabasa ko. "Kay Sir Roy 'yan 'no? 10 items lang 'yung quiz. Multiple choice. Nag-quiz na kami last week," sabi niya. "Madali lang." 


"O, kung madali lang, anong nakuha mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. 


"Ewan ko. Hindi pa binabalik 'yung result, e. Hinulaan ko lang 'yun pero sigurado masasagutan mo 'yon! Mas matalino ka sa 'kin! Hindi naman ako nag-aaral, e!" Parang proud pa siya roon. Matagal ko tuloy siyang tinitigan, hindi maipinta ang mukha ko. 


Napatitig din siya sa 'kin nang mapansing matagal akong nakatingin sa kaniya. Natauhan lang siya nang pinitik ko ang noo niya sa sobrang inis. Napahawak kaagad siya roon, sakit na sakit na akala mo'y hinampas ko ng bakal ang ulo niya. 


"Mag-aral ka nga nang mabuti." Pinagalitan ko siya. "Puro kasi tropa mo at away ang inaatupag mo." Bumalik na ulit ako sa pagbabasa. 


"Nakakatamad kasi," sabi niya sabay silip ulit sa binabasa ko. "Ah, kaya ka siguro nag-luto ng hotdog tsaka itlog para 10 ang score!" Malakas siyang tumawa. 


"Paano naging 10 'yon?" Nagtatakang tanong ko. 


"Siyempre shape ng hotdog 'yung one, tapos 'yung itlog, zero. Kapag pinagsama mo, e 'di ten! Ano ba 'yan, basic Mathematics," pagyayabang niya sa 'kin. "Hayaan mo at tuturuan kita sa susunod-"


"Puro kalokohan lang tinuturo mo sa 'kin," pag-putol ko ng sasabihin niya. Basic Mathematics? Hotdog at itlog? Ten? Bwisit na Kino 'to. Ang daming alam sa buhay. 


Nang makarating kami sa school ay hinatid na naman niya 'ko sa room! Mabuti na lang at sa labas lang at hindi na siya nagpumilit pumasok sa loob para makipag-kulitan sa tropa niyang kaklase ko rin. Pagkapasok ko ng room ay dumiretso na 'ko sa upuan ko at nag-suot ng jacket. Mabuti na lang at may 15 minutes pa bago mag-bell. 


"Via, hi!" Nagulat ako nang umupo ulit sa harapan ko si Luna, hawak ang notebook niya. "Reviewin kita, gusto mo?" Nakangiting offer niya. 


Si Luna. Honor student. Pareho sila ni Kierra. Honor student din naman ako last quarter pero mas mataas si Luna sa akin, lalo na sa recitation. Siguro, pwede na siyang matawag na teacher's favorite dahil palagi siyang active. Kung sa ibang section ay kinaiinisan nila ang ganoon, wala sa classroom ang galit kay Luna dahil kaibigan niya lahat at mabait siya. Si Kierra ang tamed version niya. 


Tatanggi na sana ako pero magkaibigan na pala kami kaya kailangan ko ring gumawa ng effort. Tumango ako kaya sinimulan niya na 'kong tanungin ng kung ano-ano sa lesson. Ang iba, hindi ko alam kaya tinuruan niya 'ko ng tricks para maalala ko. Nilagyan niya pa ng acronym para sa 'kin. 


Laking gulat ko dahil lahat ng nasa notes ni Luna, lumabas sa quiz. Napadali tuloy ang quiz para sa 'kin. Pagkatapos noon ay pinag-check kami ng papers. Dahil marami-rami pang oras, kami na rin ang pina-check ng quiz ng kabilang section. 


"Via, palit tayo, gusto mo? Ito ata paper ng kaibigan mo." Lumingon sa akin si Kierra. 


Talagang nagugulat pa ako tuwing kinakausap nila ako bigla dahil hindi naman ako sanay. Tumango na lang ako at nakipag-palit sa kaniya. Tinignan ko ang pangalan ng papel para makita kung kay Arkin nga 'yon. 


Larkin Olivier D. Sanchez. 


Tama. Sa kaniya nga. Kinuha ko ang red ballpen ko at nag-check habang inuulit ni Sir ang mga tamang sagot. Napakunot ang noo ko dahil wala pang mali si Arkin. Ang sabi niya kanina ay... Hinulaan niya lang daw? Napailing ako. 


Matagal ko nang alam na matalino siya. Mas matalino raw ako? E, siya nga, kahit hindi siya masyadong nag-aaral ay alam niya ang isasagot niya? Ganito naman siya palagi. Hindi lang siya aware sa sarili niya. Tignan mo at naka-perfect pa sa quiz. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, e. 


Nang matapos ang first period, tinago ko na ulit ang libro sa bag ko. Nang umayos ulit ako ng upo, napakunot ang noo ko dahil iba na ang katabi ko. Napalingon ako sa paligid para hanapin ang totoo kong katabi pero naroon na siya sa dating upuan ni Luna. 


"Nakipag-palit ako!" Ngumiti si Luna sa 'kin habang nakapahalumbaba sa arm chair. 


"Pwede ba 'yon? Baka pagalitan ka ni Ma'am," sabi ko naman. 


"Hindi 'yun!" Ngumuso siya at tinuro kaming dalawa ni Kierra. Nasa may tapat ko kasi ang upuan niya, e. "Baka mapag-iwanan ako kasi magkalapit kayo ng upuan! Kaya lipat na lang ako rito! Mamaya, may pag-usapan kayo tapos hindi ako kasama!" Para siyang bata na nagmamaktol. 


Hindi na lang ako nagsalita dahil dumating na ang teacher. Madaldal si Luna kaya kinabahan ako dahil katabi ko siya. Mabuti na lang at mas madaldal siya kaka-recite kaya nakapag-focus na rin ako sa lesson. Tinutulungan niya rin ako mag-recite at talagang sinasabi na sa akin ang ire-recite ko para raw may plus points. 


Pagkatapos noon ay recess na. Masyado naman atang isinabuhay ni Luna ang pag-sabing hindi niya 'ko iiwan dahil hanggang canteen ay hinatak-hatak niya ako kahit hindi naman ako nagugutom. Nanghihingi ako ng tulong kay Kierra pero tinatawanan niya lang ako. Baka excited lang masyado ang pinsan niya dahil may bago siyang kaibigan... Baka naman lilipas din 'to! Tama. 


Binitawan niya lang ako nang dumating ang boyfriend niya at pumila silang dalawa para bumili ng pagkain. Sumama na lang ako kay Kierra paupo sa table. Dala-dala ko ang baon kong biscuit kaya iyon na lang ang kinain ko habang naghihintay. 


Natanaw ko si Arkin na kasama ang mga tropa niya sa iisang table. Puro sila lalaki. Nakaupo pa siya sa may table at nakikipag-tawanan sa mga kaibigan niyang nakakatakot. Nakahubad pa nga ang necktie niya at nakabukas ang dalawang butones ng polo dahil naiinitan sa canteen. 


Napansin niya atang nakatingin ako kaya napatingin din siya sa gawi ko. Ngumiti siya sa 'kin pero umiwas ako ng tingin, umaaktong hindi ko siya nakita dahil alam kong lalapit siya sa table namin kapag sinagot ko pa siya ng ngiti. 


"Sure kang hindi ka gutom, Via?" Nilapag ni Luna ang tray niya sa table. Ganoon din ang ginawa ng boyfriend niya. Uupo na sana sila sa tapat namin ni Kierra pero napatigil nang marinig ang galit na sigaw ng babae sa kabilang table. 


"Ikaw ba 'yon?!" 


Napakunot ang noo ko at napatingin sa katabing table namin. Mga second year naman 'yon kaya hindi ko sila masyadong kilala. Agaw-pansin lang talaga ang babaeng mahaba ang buhok at matangkad. Siya ang sumigaw, nakaturo pa nga sa isa pang babaeng mukhang anghel. 


"Ikaw ba 'yung Samanthang nagkakalat ng kung ano-ano tungkol sa 'kin?!" Sigaw ulit ng babae sabay hablot pa sa I.D ng isa pang second year. Mukhang gulat ito at hindi makapagsalita. 


"W-what?" Naguguluhang tanong ng babae. 


"Sino 'yon?" Nagtatakang tanong ni Kierra. "Anong mayroon? Bakit nag-aaway?" Actually, 'yon din ang tanong ko. Pati nga ang grupo nila Arkin na mahilig makipag-away ay napalingon din sa table na 'yon para maki-chismis. 


"Ah, si Yanna. Anak 'yan ng porn star." Ngumisi si Lance at tumawa. Napalingon kaming lahat sa kaniya dahil sa sinabi niya. 


"Anong nakakatawa?" Tanong ni Luna sabay kunot ng noo. 


Napaawang ang labi ko dahil mukhang mag-aaway na ulit sila sa harapan ko. Napakagat ako sa biscuit ko. Bakit ang daming nag-aaway? Napalingon tuloy ulit ako sa kabilang table at nakitang naglalakad na paalis 'yung galit na babae habang 'yung kaaway niya ay gulong gulo pa rin at gulat na gulat. Inalo pa nga ng mga kaklase dahil mukhang paiyak na. 


"I don't even know her," rinig kong sabi nito. Ganoon sila kalapit sa amin. 


Napalingon ulit ako kay Luna at Lance na nag-aaway na rin ngayon. "Bakit? Totoo naman, ah? Kalat kaya sa school. May magazine nga si Jerick tapos Mama niya 'yung cover. Gusto mo makita?" Tumawa pa si Lance. 


Parang may kung ano sa loob ko na nagagalit sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang tono. Hindi ko gusto 'yung tao. Si Lance. Hindi ko talaga siya gusto. Bakit siya pa ang boyfriend ni Luna? Hindi man lang ba siya pipili ng maayos na lalaki? 


Napatingala ako nang may mag-lapag ng tatlong biscuit at isang juice sa tapat ko. "Kumain ka nang maayos. Hindi ka nag-breakfast kanina." Iyon lang ang sinabi ni Arkin bago bumalik sa mga tropa niyang palabas na ng canteen. 


"Huh?" Naguguluhang tanong ni Kierra. "Sure kang hindi kayo?"


"Hindi! Promise!" Tanggi ko ulit. "Magkaibigan lang kami. Ganiyan lang talaga siya." 


"Sige na, Luna. Lagi naman akong mali, e. Lahat na lang ng ginagawa ko mali sa 'yo," rinig kong sabi ni Lance bago siya tumayo at naglakad paalis, dala-dala ang tray niya. 


Napatingin ako kay Luna, hindi alam kung anong gagawin ko. Halatang galit siya pero nang magtama ang tingin namin ay ngumiti siya sa 'kin at sinabihan akong kumain nang marami... Pero buong araw na siyang tahimik pagkatapos noon. Nakakainis. Nakakainis ang boyfriend niya. 


Malakas ko tuloy hinampas ang bola nang ako na ang magse-serve. Lumipad 'yon sa kabilang court. Nakikihati na naman kami sa basketball players dahil mainit naman daw sa labas. Lilipat din kami roon kapag lumubog na ang araw. 


"Aray!" Sigaw noong matangkad na basketball player last time. Tumama kasi ang bola sa likod niya kaya napahawak siya roon. 


Tumakbo ako at kinuha ang bola. "Sorry," sabi ko sa kaniya. 


"Nabali buto ko roon, ah." Tumawa pa siya habang hinihimas ang likod niya. Naka-sando siyang itim at may hawak ding bola ng basketball. "Galit na galit ka po?" Pang-aasar pa niya. 


"Ano na, Camero? I-shoot mo na, aba!" Sigaw ng ka-team niya kaya nawala na ang atensyon niya sa 'kin. Cue ko na 'yon para tumakbo pabalik sa side namin. 


Lumingon ulit ako sa kaniya nang effortless niyang shinoot ang bola kahit ang layo niya sa ring. Balita ko ay malakas daw ang basketball team ng school namin. Nakakarating ngang Palarong Pambansa. Hindi na 'ko nagtataka dahil mukha naman silang magagaling. Mga halimaw sa basketball. 


Hinintay ulit ako ni Kino hanggang sa matapos ang training. Mas ginabi kami ngayon kaya nag-text siyang sa music room na lang daw siya maghihintay. Nag-palit lang ako ng shirt at pumunta na 'ko roon para tignan kung umalis na siya o hindi. Mabuti pinapayagan pa rin siya rito. Baka dahil member naman siya ng music club at may susi siya roon? 


"Kino?" Luminga ako sa paligid pagkapasok ko sa loob. Napatigil lang ako nang makita ko siyang naka-dukmo sa may lamesa at hawak pa ang cellphone niya. Nakatulog na pala siya kakahintay. 


Lumapit ako at nilagay ang kamay ko sa ulo niya habang natutulog siya at nakaharap sa side. Yumuko ulit ako, pinag-iisipan kung gigisingin ko na ba siya o ano. Ang aga niyang pumunta sa bahay kanina kaya siguro puyat siya. 


"Larkin, tara na. Umuwi na tayo," sabi ko sa kaniya pero hindi siya gumising. 


Kumuha ako ng upuan at hinatak patabi sa kaniya. Nag-alarm ako para in 5 minutes, magising na siya. Sumandal na lang ako habang ang kamay ko ay nasa buhok niya pa rin. Nilalabanan ko ang kagustuhang batukan ang ulo niya para magising siya. 


Tahimik lang akong naghintay na magising siya. Nag-sagot na rin ako ng assignment saglit dahil madali lang naman 'yon at wala rin naman akong ginagawa. 


"Putek..." Inalis ko kaagad ang kamay ko nang bigla siyang magising dahil sa alarm. Pinatay ko 'yon at tumayo para ayain siyang umuwi. Natawa pa ako sa itsura niya dahil mukhang naguguluhan siya kung nasaan siya. 


"Nasa langit na siguro ako. Ikaw bumungad sa 'kin, e..." Ngumisi siya bago tumayo para kuhanin ang bag niya. 


Napairap ako at nauna nang maglakad paalis. Narinig ko pang sinigaw niya ang pangalan ko para hintayin siya pero tuloy-tuloy lang akong naglakad. Nakahabol din naman siya kaagad at sumakay kami ng jeep pauwi. 


"Umuwi ka na kaagad para makatulog ka. Mukhang pagod ka, e," sabi ko habang naglalakad kami pauwi sa bahay. Kakababa lang namin ng jeep. 


"Doon muna ako sa inyo." Ngumuso siya at parang tutang nagpaawa. 


Umiling ako. "Umuwi ka na. Gagawa rin ako ng assignment." 


"Paturo na lang ako! Gagawa rin ako ng assignment, e! Malay mo pareho tayo ng gagawin!" Pagpupumilit niya pa. Napatitig ako nang matagal sa kaniya, iniisip ang score niya kanina. Sa akin pa siya magpapaturo kahit ang talino na niya, ha? Sigurado akong gumagawa lang siya ng excuse. 


"Perfect ka sa quiz. Kami nag-check kanina," balita ko sa kaniya. 


"Hmm... Sabi sa 'yo madali lang, e." Mukhang hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. Napataas lang ang kilay niya at prenteng nilagay ulit ang dalawang kamay sa likod ng ulo habang naglalakad. 


Gaya ng sabi ko, umuwi na rin siya pagkatapos niya 'kong ihatid sa bahay. Alam kong inaantok na siya kaya kailangan na niyang magpahinga. Wala naman masyadong nangyari sa mga susunod na linggo. Mas naging busy lang kami dahil malapit na ulit ang exams. Ang nabago lang ay... 'Yung mga nadagdag kong kaibigan. 


Nasa library ako, nag-aaral habang sila Luna ay nasa canteen para kumain. Binilisan ko talaga ang kain ko para rito na 'ko tumambay. Nabibingi ako kapag kasama ko si Luna. Hindi pa talaga ako sanay na may maingay sa tabi ko maliban kay Kino. Dahil nga lunch break, halos walang tao sa library. May isa lang student na nagbabantay habang naglulunch 'yung librarian namin pero mukhang wala rin naman siyang pakialam. 


Napakunot ang noo ko nang may marinig akong hikbi sa likod ng shelf habang nakaupo ako at nag-aaral. Hindi ko na 'yon pinansin dahil wala naman akong pakialam... Pero hindi ako makapag-aral nang maayos dahil naririnig ko pa ang iyak niya. Napabuntong-hininga ako at tumayo, dala-dala ang bottled water na kakabili ko lang sa canteen at hindi pa nabubuksan. 


Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko 'yung babaeng galit sa canteen dati. 'Yung second year. Nagulat din siya nang makita ako kaya agad siyang lumingon sa kabilang side para itago ang mukha niya. Nakaupo siya sa sahig at yakap ang tuhod. Nakapalda siya pero wala siyang pakialam dahil wala namang tao. Tinignan ko na lang ang I.D niyang nasa sahig. 


Ashianna Kim Fernandez. 


"Tubig." Nilapag ko ang tubig sa sahig dahil ayaw niya 'kong tignan. Matagal akong nakatayo roon habang patago niyang pinupunasan ang luha niya gamit ang sleeve ng jacket na suot niya. 


Napansin kong may sugat ang tuhod niya at medyo magulo ang buhok niya... Mukhang napaaway na naman siya. Hindi ko na concern 'yon kaya naglakad na lang ulit ako pabalik sa table ko at umaktong wala akong nakita dahil mukhang wala rin naman siyang balak magsalita. 


"Sabi na nga ba, e! Nandito ka lang sa library!" Nagulat ako nang biglang lumitaw si Arkin sa tabi ko. Kumuha pa siya ng upuan at naglapag din ng libro sa table. Akala mo talaga ay mag-aaral siya, e. 


"Narito ako kasi tinataguan kita." Napairap ako at nagbasa na lang ulit. 


"May exam ka sa next subject? Sinong teacher n'yo? Reviewin kita, gusto mo?" Sunod-sunod na tanong niya. Napatahimik ko nga 'yung umiiyak, may pumalit namang makulit dito. 


Hindi ko na lang siya sinagot at tinulak ang pagmumukha niya paalis para sabihing busy ako. Ngumuso siya at sinandal na lang ang isang pisngi sa table habang nakaharap sa 'kin, bored na bored sa buhay. 


"Larkin, sa kabilang side ka humarap. Hindi ako makapagbasa nang maayos," utos ko. Nakaka-distract 'yung paawa niyang mukha na parang aso. 


Sumunod nga siya kaagad at 'yung isang pisngi ang sinandal sa table. Doon na siya humarap sa kabila para hindi ako ma-istorbo. Napangiti tuloy ako habang nagbabasa. 


Nang mag-bell, niligpit ko na ang gamit ko at bumalik ng room para mag-exam. Medyo mahirap nga, tama sila... Pero kahit papaano ay may nasagot naman ako. Hindi lang ako sigurado sa iba pero ang mahalaga tapos na. Wala na 'kong magagawa roon kaya hindi ko na iisipin. 


"Via! Wala kang training?! Kain tayo!" Umakbay si Kierra sa 'kin pagkalabas ko ng room. Tinignan ko ang phone ko at nakitang wala namang text si Arkin. Sinabi ko na lang sa kaniyang kakain muna ako sa labas. 


"Sama!" Hinabol kaagad kami ni Luna at siniksik ang sarili niya sa gitna namin ni Kierra. "Sama ako! Saan tayo?!" 


Sa haba at layo ng nilakad namin, napunta lang kami sa hilera ng mga kainan sa gitna ng mga schools. Magkakalapit lang kasi ang Valeria High, Lopez, at Heinrich kaya naman siguradong magandang location 'to ng mga kainan. 


"Ang daming taga-Lopez High. Puro lalaki," sabi ni Luna pagkapasok namin sa kainan ng wings. 


"Malamang, Luna. All-boys school nga, e," pambabara ni Kierra. 


Tumawa ako saglit dahil sa usapan nila bago kami umupo sa isang table. May mga pumasok ding taga-Heinrich. Ang dali lalong malamang taga Heinrich International School sila dahil sa uniform. White short-sleeved polo, black slacks, striped necktie, at may vest pang navy blue. Madalas naiinitan sila sa labas kaya hinuhubad nila ang vest. 


"Shut up, Lim. I just graduated. Why the hell should I wear this uniform?" May pumasok na nakasuot ng uniform na tinukoy ko. 


"Easy, Cy. I think I saw my brother here. Find someone wearing the Lopez uniform." 


Kung ano-anong usapan ang naririnig ko sa iba't ibang table. I felt so out of place. Pakiramdam ko ay hindi ko lugar ang inuupuan ko ngayon, lalo na't alam kong mayayaman ang nasa Heinrich. Hindi rin ako sanay na ang daming estudyante galing sa ibang school. Sarili ko ngang schoolmates, hindi pa ako sanay, e. 


"Ang ingay ng mga lalaki," bulong ni Kierra sabay hawak sa tenga. "Lipat na lang kaya tayo?" Aya niya sa amin. 


"Mabuti pa!" Tumango si Luna at kinuha ang gamit para lumipat kami ng kakainan. Nabunggo pa niya ang isa pang taga-Heinrich nang papalabas na kami. "Sorry!" Sabi niya at sinuot na ulit ang bag niya. 


"Sorry," sabi ko rin nang pulutin ko ang naiwang panyo ni Luna sa sahig. Hindi tuloy nakaalis 'yung lalaki sa pinto. Tumango lang siya sa akin bago ako sumunod kila Luna. 


Bandang huli, nauwi lang kami nila Luna sa fishball-an sa gilid ng school. Okay lang naman sa 'kin at nagtitipid din naman ako. Mukhang wala ring kaproble-problema 'yung mag-pinsan. Hindi halatang... malayo silang dalawa sa 'kin. Dahil sa inaakto nila, mukha ngang madalas sila rito kumain, e. Kilala na nila ang nagtitinda. 


"Viaaa!" Napapikit ako nang mariin nang maudlot ang pag-kagat ko ng fishball dahil narinig ko na ang sigaw ni Arkin. Lumingon ako at nakitang tumatakbo na siya papunta sa 'kin na parang bata. "Pahingi ako!" 


Napatingin si Luna at Kierra sa akin at sunod naman kay Arkin. Pareho silang ngumunguya ngayon. Napagtanto ko lang din na hindi ko pa maayos na pinapakilala si Arkin sa kanila kaya hindi nila alam kung paano aakto sa isa't isa. 


"Arkin, si Luna at Kierra. Luna, Kierra, si Arkin, best friend ko," maikling pagpapakilala ko. 


"Gwapo, ah!" Pinisil kaagad ni Luna ang pisngi ni Arkin. "Parang child star." 


Nagulat si Arkin sa sobrang carefree ng pakikitungo sa kaniya ni Luna, tsaka hindi siya sanay na napapaligiran ng babae dahil puro lalaki ang kaibigan niya. Ako lang nga ata ang babaeng ka-close niya. Halatang hindi niya alam kung anong gagawin kaya pinisil niya na lang din 'yung pisngi ni Luna para gumanti. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakakahiya! 


"Kino!" Hinampas ko ang kamay niya dahil diniinan niya pa! Siguro ganoon siya makitungo sa mga tropa niya! 


"Aray ko! Via, oh!" Humawak si Luna sa pisngi niya at nagpaawa sa 'kin. 


"Hala, namula 'yung pinisil sa 'yo." Tumawa nang malakas si Kierra at hinawakan 'yung pisngi ni Luna, iyong pinisil ni Kino. "Grabe!" 


"Dalawa hong isaw." Napalingon kami sa lalaking sumingit sa gitna namin para bumili ng street food. Napaatras tuloy kaming lahat dahil sa kaniya. Napakunot ang noo niya nang lumingon sa amin, naramdaman siguro ang tingin namin. Teka... Siya 'yung basketball player. 


"Sino ka?" Nagtatakang tanong ni Arkin. Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil masyado siyang straightforward palagi. 


"Sino ka rin!" Tumatawang sagot sa kaniya nito. 


Magsasalita na sana si Arkin pero nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig niya. Tinanggal ko lang nang hindi na siya nagre-react. Napalingon 'yung lalaki sa gawi ni Kierra at Luna habang iniintay ang isaw niya. 


"Uy, first year, bakit ganiyan 'yung pisngi mo rito? Namumula." Tinuro niya ang left cheek ni Luna. First year? Tinignan niya pa ang necktie namin para masigurado. 


"Ah, wala po! Pinisil lang!" Sagot ni Luna sabay tingin nang masama kay Arkin. Binalik niya rin naman kaagad sa lalaki. "Masyado bang halata?" Conscious na sabi niya sabay labas pa ng salamin sa bag para tignan. 


Kinuha ng lalaki 'yung isaw na inabot ng matandang nagtitinda bago humarap kay Luna at umiling. Nakangiti na siya ngayon. 


"Hindi naman. Cute nga, e." Tumawa ito bago umalis. 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
150M 3.5M 38
University Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila U...
1.9M 128K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
140K 3.3K 39
"I guess my role ends here... Thank you for using me."