A Hopeless Wind (NEUST Series...

By JdAnnnnn

89.1K 2.4K 204

| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is j... More

Warning!
A Hopeless Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
For You
Author's Note

Chapter 10

2.2K 86 3
By JdAnnnnn

Maga-alas kwarto na ng makarating ako sa bayan ng Zaragoza. Pinahinto ko na ang tricycle ng makita ko si Kuya John na nakatayo hindi kalayuan sa aming bahay.

"Kuya John?" Napalingon siya sa akin, napansin ko ang hawak niyang bulaklak.

"Si Ate ba ang sadya mo rito?" Tumango siya.

"Pero, break na kayo hindi ba?" Lumapit siya sa akin.

"Please, Juliana tulungan mo ako na maka-usap ang Ate mo, I need to explain." Napatitig ako kaniya. I seen the frustration in his face. Sa huli ay wala na rin akong nagawa kung 'di ang isama siya sa bahay.

"What are you doing here?!" bungad ni Ate, nilingon niya ako, nagtatanong ang kaniyang tingin.

"Ano ito, Juliana? Huwag mo sabihin na ikaw ang nagdala rito sa lalaki na iyan?"

"N-Naki-usap kasi siya, gusto ka niyang maka-usap." Her annoyance flared all over her face. And I know that it's not a good sign.

"Pumayag ka naman!" sermon niya sa akin.

"Huwag ka magalit kay Juliana, wala naman siyang kasalanan, ako lang talaga ang nagpumilit."

"Hulya, pumasok ka na sa loob!" I immediately obeyed her, as she already simmered in anger. Mula sa loob ng bahay ay rinig na rinig ko ang galit na boses ni Ate, hindi ko tuloy maiwasan na sumilip. Mabait naman kasi si Kuya John, hindi ko nga lang alam kung bakit kailangan nilang humantong sa ganito.

"Flowers." Inabot niya kay Ate ang dala niyang bulaklak, ngunit tinabig lamang iyon ni Ate Marih.

"What the heck Jomar Hans! Flowers? Katulad lang naman iyan ng mga mabulaklak mong kasinungalingan!" Napaigtad pa ako sa lakas ng boses ni Ate, sana lang ay hindi na sila maabutan pa ni Tatay.

"Oh! Can you count those flowers you bought? Ganiyan na rin ba kadami iyong natikman mong bulaklak?" napaawang ang aking bibig sa sinabi ni Ate.

"Marih, please just let me explain." Ginulo ni Kuya John ang kaniyang buhok, tila nahihirapan sa pagu-usap nilang ito ni Ate. Tatalikod na sana ako ng marinig ko ang mga paghikbi.

"Kitang-kita ko kung gaano mo ako pinagtaksilan, you're such a pain in my life!" Kuya John's eyes turned into bloodshot. Kung totoo man na nambabae siya, bakit iba pa rin ang nababasa ko sa kaniyang mga mata.

"Pakinggan mo muna kasi ako, please!" Napahilamos na si Kuya John sa kaniyang mukha, umiling naman si Ate, marahas na pinunasan ang kaniyang luha, bago magsalitang muli.

"What is obvious doesn't need an explanation anymore! Sinaktan mo ako, isa kang malaking gago, tapos na ang usapan na ito!"

"Leave! I don't need a jerk in my life." Dali-dali akong tumakbo sa aking kwarto ng makita na papasok na si Ate sa loob ng bahay, kinabahan na ako ng marinig ko ang malakas na pagsara niya ng aming pintuan.

"Hulya!" rinig kong sigaw niya sa aking pangalan, isinarado ko naman agad ang pinto ng aking kwarto.

"Hulya, open the door!" Maya-maya ay kumakatok na siya, tila pinagsisisihan ko na ngayong isinabay ko sa pag-uwi sa bahay si Kuya John, tiyak na mapag-iinitan ako ngayon.

"Ate, nagbibihis kaya ako," kabado ko na pagda-dahilan.

"Bilisan mo at buksan mo ang pintuan nitong kwarto mo, magu-usap tayo." Napa-simangot ako habang nagbi-bihis ng pambahay, at wala rin naman akong nagawa kun'di ang pagbuksan siya ng pintuan. Bumungad sa akin ang kunot niyang noo, namumula pa rin siya, dahil na rin siguro sa galit na kaniyang nararamdaman.

"Hindi mo ba alam iyong salitang pagtanggi?" She glared at me, napangiwi naman ako.

"Alam," mahinahon na tugon ko sa kaniya.

"Alam mo naman pala, bakit isinabay mo pa sa pag-uwi rito iyong lalaki na 'yon?" Napabuntong-hininga ako.

"Sa tingin ko ay matagal na siyang nakatayo at nagmamasid dito sa bahay natin para maka-usap ka. Why don't you give him a chance to explain?" She rolled her eyes, tila ba mas nagagalit lang siya sa mga naririnig niya sa akin.

"I don't fucking care. Ang dali sabihin sa iyo niyan, kasi wala naman nagkakagusto sa iyo, kasi hindi mo naman nararanasan na magkaroon ng karelasyon pero sa huli sa hiwalayan din mapupunta!" Napatikom ako ng aking bibig, tila isang sampal ang kaniyang sinabi sa akin. Somehow she's right, marahil nga ay mali ako.

"When you enter in a relationship and your partner cheated, even you're enough, makwe-kwesyon mo pa rin ang sarili mo, ano ba iyong kulang sa akin? Saan ba ako nagkulang? And I know you don't have an idea how much it's breaking me."

"I'm sorry," mahinang sambit ko.

"Sa susunod ay huwag ka na lang sana makialam." Napayuko ako at, napa-upo sa gilid ng aking kama pagkalabas niya sa aking kwarto.

"Nasaan ang Ate mo?" tanong sa akin ni Nanay, mula sa kabilang linya.

"Nasa kwarto niya po."

"Kausapin ko nga anak." Napahimas ako sa aking sintido.

"Pwede po ba na sa susunod mo na lang siya kausapin? Nag-away po kasi kami, baka po masigawan na naman ako kapag tinawag ko siya sa kaniyang kwarto."

"Nag-away? Hindi ba ang sabi ko sa inyo ay iwasan niyo iyan." I look at the table beside me.

"Nakita ko po kasi kanina si Kuya John malapit sa bahay natin, naki-usap po siya sa akin na gusto niya maka-usap si Ate, kaya sinabay ko na sa pag-uwi ko sa bahay, tapos iyon po ang dahilan kaya nagalit si Ate sa akin."

"Iyan ang sinasabi ko sa inyo, huwag niyo hahayaan na magkasira kayo ng dahil lang sa isang lalaki, kapatid man iyan, pamilya o kaibigan."

"Opo." Sandaling katahimikan ang dumaan.

"Sige, at tatawag na lang ako ulit. Sabihin mo rin sa Tatay mo na magpapadala ako sa susunod na buwan." Nilaro ko ang aking daliri.

"Nanay, normal lang ba na walang nagkakagusto sa akin?" tanong ko bago niya tuluyang maputol ang tawag.

"Bakit mo naitanong iyan, Hulya?"

"Naisip ko lang, next April I'm turning twenty, kahit isa walang nagkakagusto sa akin, ni wala pa akong nagiging boyfriend." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"Sabagay hindi naman kasi ako maganda, katulad ni Ate. I'll never be an ideal girlfriend for someone."

"Hulya, the absence of a boyfriend or someone who likes you in your life, doesn't make you less, it doesn't define you as not enough, or not deserving."

"Don't compare your lovelife to other people, hindi ngunit walang nanliligaw sa iyo ay hindi ka na kagusto-gusto, darating iyong araw na may isang lalaki na mamahalin ka kung sino o ano ka, just wait for it, sweetie."

"Hindi talaga maaaring bilisan ang tamang panahon, kadalasan kailangan mo talagang maghintay. Malay mo nandiyan na pala iyong lalaki na ipapakilala mo sa akin, isang araw magugulat ka na lang may nagtatapat na sa iyo ng pag-ibig niya."

"At ito ang maganda, hindi mo pinilit, hindi ka naghabol, sa halip ay kusa itong ibingay sa iyo." Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking labi.

"Hindi naman po ako umaasa, sadyang natanong ko lang po." Tumawa siyang muli.

"Salamat po, I miss you Nanay. Palagi ka po magi-ingat diyan."

Mabilis na dumaan ang mga linggo. Sa mga araw na lumipas ay mas lalong naging malapit sa aming dalawa si Jranillo, madalas ay kasama namin siya, ganoon din naman si Paul bagama't nagkaka-asaran pa rin sila ni Chelsea kung minsan.

"Ang ganda rin talaga ni Eileen, kahit may pagkamataray."

"Idagdag mo na ang pagiging madikit, tingnan mo nga kahit saan magpunta si Jandred, ay nandoon siya. Kulang na lang linta na iyong pangalan niya."

"Baka may something sa kanila." Napa-irap si Chelsea, habang ako ay pinagmamasdan sina Jranillo at Eileen na nasa bandang ibaba ng grandstand.

Eileen's like a model in a magazine, with her hourglass body, and short blonde wavy hair. Ang kaniyang chinitang mga mata, na bagay sa maliit at matangos niyang ilong, idagdag pa ang manipis at mapupulang labi niya. She's like a fairy, especially that she have a good taste in every garments she wears.

"Kung tutuusin, kung hindi ikaw ang bagay sa kaniya ay si Eileen." Tumayo si Chelsea, mula sa pagkakahiga sa aking binti, umihip ang bahagyang mainit na hangin na damang-dama mula rito sa pinaka-taas ng grandstand.

"Huwag mo nga sabihin iyan! Walang-wala iyang si Eileen sa iyo." Bahagya siyang nagbigay pa ng espasyo sa pagitan namin, tila sinisipat pa ang aking kabuuan.

"A long natural straight hair, a fair clear skin, a short nose of yours, that pair of pinkish thin lips, and my favorite part of your face, those pair of dim almond eyes, with a thick, and a little bit long eyelashes."

"Idagdag mo pa iyang kabaitan at katalinuhan mo."

"Sa tingin ko nga ay gusto ka rin niyang si Jandred. Why don't you try to confess your feelings for him?"

It's already three weeks since Chelsea knows that I have a feelings for Jranillo. Sinabi ko iyon sa kaniya dahil alam ko naman na mapagkakatiwalaan ko siya na hindi niya ito sasabihin sa iba.

"I told you Chelsea, mananatili na sa ating dalawa lang itong nararamdaman ko para sa kaniya."

"I don't want to expect, hahayaan ko lang ito hanggang sa mawala. We're so different, at kapag sobrang magkaiba ang isang bagay o tao, mahirap iyon maging isa."

"Wala naman imposible, masiyado mong ibinababa ang sarili mo Hulya. You always put a limitations even you actually didn't try taking a risk."

"Nah, why do I need to take a risk to something or someone I know it's impossible for me to win? Masusugatan lang ako para sa wala." Naputol ang usapan naming dalawa ng makita namin si Jranillo na papanhik rito sa taas ng grandstand. He's not with Eileen anymore.

"Hey, ladies!" Ngumisi sa akin si Chelsea, na saktong pag-upo naman ni Jranillo sa kaniyang bandang gilid.

"Mukhang seryoso kayo sa pinagu-usapan niyo, care to share?" He chuckled. Amoy na amoy ko ang pabango niya, sa panaginip marahil pwede ko siyang yakapin. Sandali akong pumikit ng mariin para maalis iyon sa aking isipan.

"Hmm Hulya, care to share raw." Chelsea giggled, Jranillo's eyes darted at me.

"Why, it is about Hulya?" Ngumiti siya sa akin, umiling ako ngunit naging taliwas iyon ng dahil sa sinabi ni Chelsea.

"Ito kasing si Hulya ayaw maniwala sa akin na maganda siya. She keep on saying that she's not that pretty. Hulya's beautiful right Jandred?" Mula kay Chelsea ay nagtama ang paningin namin ni Jranillo, the warm wind blew again. Bahagya kong inayos ang aking buhok.

"Everyone's beautiful, it's just their insecurities that made them feel they are not." His eyes twinkled.

"If I'm going to have a girlfriend, I want someone like, Juliana." My heart drummed, parang sa kaunting sandali ay naging mabagal ang lahat para sa akin, na kahit ang tibok ng sarili kong puso ay hindi ko na maintindihan.

Malapit na kami sa guard house. Halos makabunggo na si Chelsea ng ilang mga estudyante na kasabayan namin sa paglalakad sa pathway palabas sa may campus.

"If I'm going to have a girlfriend, I want someone like, Juliana," pagu-ulit niya sa sinabi ni Jranillo kanina. Mahina niya akong hinampas, tumili pa siya kaya napatingin tuloy ang ilang grupo ng babae sa amin, ako naman ay hindi na nagsalita pa, dahil kahit ang aking sarili ay hindi mapigilan na mapa-ngiti.

Malalim na ang gabi. Napatingin ako sa may orasan na nakasabit sa aking kwarto, maga-ala-una na, ngunit hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa kisame ng aking kwarto habang mahigpit na yakap ang aking unan. Paulit-ulit na bumabalik sa aking isipan ang pagtatama ng aming paningin kanina ni Jranillo at ang mga salita na kaniyang binitawan. Ayokong umasa, ngunit sa klase ng personalidad na mayroon siya ay napakadaling madulas at tuluyang mahulog.

Inisip ko ang mga pakikitungo niya sa ibang tao, kay Chelsea, kay Eileen at sa iba pa. Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa kisame, dumaan ang lungkot sa aking damdamin.

"Kung gusto rin ako ni Jandred ay bakit hindi siya manligaw? Bakit kanina pwedeng sa akin naman siya tumabi, ngunit bakit kay Chelsea?" bulong ko sa aking sarili, umayos na ako ng aking pagkakahiga at ipinikit na ang aking mga mata.

I'm not in the choices, he will not going to like me, Jranillo will not going to court me. Ito marahil ang katotohanan, dahil tiyak ako na hindi niya gugustuhin magkaroon ng nobya na sa tuwing kasama siya, ay mga pamimintas lamang ng iba ang kaniyang maririnig.

Continue Reading

You'll Also Like

48K 1.2K 35
Through thick and thin you will always be my love. 07/10/20 - 08/08/20 Jasper Sean Del Fuente a rich, handsome, and quiet guy from New York who move...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
597K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
17.7K 618 45
Vinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's t...