Prince 2: Love Waits (鉁旓笍)

Autorstwa Missblackskull

137K 12.7K 19.4K

Hanggang kailan kayang maghintay ang isang nagmamahal? Wi臋cej

Disclaimer
Simula
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Episode 40
Episode 41
Episode 42
Episode 43
Episode 44
Episode 45
Episode 46
Episode 47
Episode 48
Episode 49
Episode 50
Episode 51
Episode 52
Episode 53
Episode 54
Episode 55
Episode 56
Episode 57
Episode 58
Episode 59
Episode 60
Episode 62
Episode 63
Episode 64
Episode 65
Wakas 1 of 2
Wakas 2 of 2

Episode 61

1.3K 157 193
Autorstwa Missblackskull

Episode 61: Selfish

--
Don't forget to vote, comment and share the story. ❤️ Kalmahan ang spoiler sa twitter. hihi Also, this udpdate is unedited kaya sorry in advance. Will edited it later. 🙏

---
HAPPY 100 K reads, TeamBB. 😙
---

Nang makarating ako sa kuwarto ay agad akong nagbihis. Nadatnan ko pa si Emeril na nasa kama niya at katatapos lang atang may kausapin sa cellphone niya.

"Kuys, o—okay ka lang?" he asked all of a sudden nang makahiga ako sa kama ko. I was silent at wala akong balak sagutin ang tanong niya, obvious naman na dapat ang sagot. "Good night, Kuys!" he continued

Wala pa sana talaga akong balak na kausapin siya pero hindi kaya ng konsensya ko. "Good night," I replied pero I made it sound as if ayaw ko na muna nang kausap. Gusto ko na muna talagang itulog itong bigat na nararamdaman ko.

I had enough of this day. I need to calm down.

--

Buti na lang nagtagumpay akong patulugin ang sarili ko. Kaso, maaga akong nagising at napansin kong hindi pala rito sa kuwarto natulog si Eero, siguro naka'y Nanay siya. Well, as of the moment, I'm still feeling the heaviness in my heart. It sucks dahil alam ko sa sarili kong kailangan ko lamang muna itong sarilinin mag-isa.

Agad akong naligo. Nagmadali pa ako dahil sa ayaw ko munang makakita ng sino man dahil balak ko kasing magliwaliw na muna at kung saan? Hindi ko na muna alam. Basta, gusto ko na muna talaga mapag-isa and maybe have some time to accept or maybe reassess kung ano talaga ang dapat kong gawin. Sobrang gulo ng utak ko, hanggang ngayon.

"Apo, may lakad ka? Linggo ngayon, wala ka namang pasok! May practice ka ba sa basketball?" si Nana, na siyang una nagigising sa amin dito sa bahay. Uwing uwi na 'to sa probinsya at sa tingin ko ay planong samahan na muna siya ni Emith doon. Nasa Germany kasi si Tatay Mario para samahan si Tatay dahil nga nandito na ulit si Nanay kasama namin.

"M--May pupuntahan lang muna ako, Na. Uuwi ako mamaya," nakangiting tugon ko sa kanya

"Bakit naman ang aga? Sinabi mo sana sa akin kanina at nang makapagluto ako sa iyo! Halika na muna sa kusina at lulutuan kita ng itlog man lang!"

Napangisi ako kay Nana at napaakbay, "H'wag na, Na! Sa daan na ako kakain! Matulog ka na muna kaya? Ang aga pa oh! Ikaw talaga, nagpupuyat ka! Isusumbong kita kay Tatay Mario, ikaw din!"

"H'wag mo nga akong binibiro! Sige na, dito ka na mag breakfast, mabilis lang naman! Magtatampo ako sa 'yo kung ganitong tinatanggihan mo 'ko!" aniya.

Nagdadrama na naman si Nana ,e! Ganito na talaga siya kapag hindi napagbibigyan at syempre, ayaw ko naman na tuluyang magtampo 'to. No choice, pumayag na ako sa offer ni Nana. Maaga pa naman at nakasanayan naman na dito sa bahay na kapag linggo, matagal talaga kung bumangon ang lahat. Alas sais pa naman ng umaga.

"Kumain ka ng marami at napapansin kong nangangayayat ka! Alam kong mahirap ang kinahaharap mong pagbabago ngayon, apo! Pero, sana h'wag mong pabayaan ang sarili mo! Hindi dahil sa naturingan niyong malakas ang pangangatawan niyo ay hindi pa rin magandang gawain ang magpabaya sa sarili! Lagi akong nag-aalala sa Tatay mo, walang araw na hindi ko siya naiisip! Pero sa tuwing nakakausap ko siya, masaya akong nasa mabuti naman ang kalagayan niya! Nandoon din si  Mario kaya alam kong hindi niya pababayaan ang Tatay mo!" aniya.

Nana's being emotional every time she talks about Tatay. Obviously, she misses Tatay too and that worries about him almost everyday pero napapadalas na rin naman kung kamustahin ni Tatay si Nana kaya siguro nagiging kampante na kahit papaano si Nana.

"Na, h'wag na kayo masyadong mag-aalala, okay? Ikaw iyong dapat h'wag magpabaya! Hindi porket mas malakas ka pa sa kalabaw ay magpapabaya ka, ikaw din!" sabi ko na lang

Ang inakalang ko na wala akong ganang kumain ay hindi nagkatotoo dahil na rin kay Nana. Ginanahan ako sa pagkain habang nakikinig sa mga kuwento niya about Tatay's childhood and I can only how Nana loves him like her own. Mas nakukumpirma ko lang talaga na sobrang swerte ni Tatay, na kahit hindi naging maganda ang pag trato sa kanya nila grandpa ay nandiyan sila Nana at Tatay Mario para punan ang pagkukulang na iyon.

"Kaya ikaw EL, lagi mong isipin na walang imposible sa buhay!  Basta matuto kang mag sipag at gumawa nang mabuti sa kapwa, wala kang dapat ikatakot. Isa pa, natural lang sa buhay natin ang madapa! Sabi nga nila, wala sa dami ng pagkakataong ikaw ang bumagsak masusukat ang estado ng tao, kundi sa kung paano siya tumayo at sumubok sa buhay! Lagi mo isipin ang mga pinagdaanan ng Tatay mo, ng mga magulang mo, marami kang matutunan! Tsaka, lagi mong isipin na hindi ka nag-iisa sa buhay, sa bawat laban mo! May pamilya kang laging matatakbuhan! Okay?" anito.

Napangiti ako sa kanya at sa totoo lang, bumigat lalo ang pakiramdam ko ngunit sa pagkakataong ito, mas nagiging malinaw naman sa akin ang lahat. Saktong sakto ang mga naging pangaral sa akin ni Nana sa pinagdadaanan ko ngayon. I just really need some time, ibigay ko na iyon sa sarili ko today. I just really want to clear my mind.

I turned off my phone. Tinext ko na lang si BB na icocontact ko siya mamayang gabi para hindi na rin magtaka iyon. Binilin ko na rin kay Nana kanina na kung maghanap man sila Nanay ay sabihin niya na lamang dito na uuwi din ako mamayang gabi at huwang na munang hanapin. Of course, Nana was suspicious pero sa tingin ko, na gets niya rin naman kung bakit. She understand, I needed time.

I'm in my car ready to wander around! Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta, byahe lang ng byahe. Gusto ko lang sulitin ang pag-ilag na ito habang kaya ko pa. I still don't understand how it has to end this way. How it has to be this way! Ginagawa ko naman ang lahat, inayos ko ang sarili ko, nagkaroon ako ng paki sa mga bagay na wala akong pakialam noon. I ranked, currently at the top because that's how they want me to be! Nag-aaral akong mabuti, enrolled myself to whatever there is na makakatulong sa akin mahasa ang kaalaman!

Okay na ako na ako lang, e. Okay na ako basta my siblings get to do what they want! Naiintindihan ko naman na Tatay needs help pero ganito ba talaga ang help na gusto niya? Does this kind of help is the one he actually needs? Magpapakasal si Eero, but they still need to wait for me to actually manage that company! Bakit kailangan pa nilang magsakripisyo pa!

My heart feels heavy every time I think about Eero. He is helping me by sacrificing his chance to fall into someone he really love! His freedom! At mabigat sa loob ko ang katotohanan na 'yan.

Hindi siya pinilit—my ass!

Bumalik ako wisyo nang mapansin kong may nakabusina sa akin and right, the light is green.

Where should I go now? Oh right, maybe, kapag pumunta ako roon ngayon, kahit papaano'y makakalimutan ko ang mga iniisip ko sandali.

--
"Oh, Elliot! Bakit nandito ka?"

"Magandang tanghali po, Tita, Tito! Hello rin, Agatha! May mga pinamili ako, oh!" I said sabay bigay ko sa kanila ng kaunting pasalubong nang napatigil ako sa isang snack house kanina.

Yup. Nandito ako sa bahay nila BB.

"Aba't nag-abala ka pa! Maraming salamat! Pasok ka anak, pasok!" si Tita.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka? Nang nakapaghanda kami! Batang 'to! Kumain na muna tayo!" si Tita at naghahanda ito ng pagkain. Saktong lunch time kasi nang dumating ako sa kanila.

"May nangyari ba, EL? Anong meron at napabisita ka? Tungkol kay Maggie ba? Inaway ka ba ng anak ko? O namimiss mo siya?" Si Tito na halatang nag-aalala sa akin.

Napangiti ako. "Namimiss ko lang po si Maggie, Tito! Naisip ko, kapag pumunta ako dito mababawasan ang pagka-miss ko sa kanya!" natatawang sabi ko

"Naks naman, Kuya! Sana all!" si Agatha at natawa ako kasi napahampas siya ni Tito ng unan. "Aray naman! Papa talaga, para napa-sana all lang, e!"

"Tumigil ka nga diyan, Agatha! Sana all ka diyan! Ke bata mo pa! Tumigil ka diyan! Tsaka ka na mag sana all kapag nakapagtapos ka na nang pag-aaral! Tulungan mo nga Nanay mo roon at nang makakain na tayo!" suway ni Tito sa kanya.

Natawa ako. Strikto nga naman si Tito pagdating sa mga anak niya!

"Eh, paano si Ate? Hindi pa naman siya tapos, may boyfriend na siya—"

Ayun, nakonyatan si Agatha. "Responsable ang Ate mo, at isa pa! High school ka pa lang! Tumigil ka! Isang sabat pa, naku! Sige na, puntahan mo na ang Mama mo nang makakain na tayo!"

Nakita kong napabusangot si Agatha at umalis.

"Pasensya ka na sa batang iyon! Sobrang kulit!" kumento ni Tito

Bahagya akong napangiti. "Okay lang po! Sanay na po ako sa mga ganyan! May apat pa akong nakababatang kapatid kaya alam na alam ko iyong pakiramdam na may makulit na kapatid, times 5 pa po!" kuwento ko,

Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Tinulungan ko pa sila Tito na mamalengke para sa karenderya nila bukas. Puno kami ng kuwentohan at tawanan na rin. I feel really at home with them, na kahit wala si BB, hindi ako naiilang na makasama sila. Parang pamilya ko na talaga sila

"Tito, Tita, maraming salamat sa pagkupkop sa akin ng halos buong araw ha? Kung puwede lang talaga dito na ako magpalipas ng gabi, e! Kaso, may klase ako sa special course ko bukas, next time na lang! Iinggitin ko si Maggie!" natatawang sabi ko

Napatapik naman si Tito sa aking balikat. "Ikaw pa ba, EL! Eh parang anak na ang turing ko sa 'yo! Hindi ka na iba sa akin at kung gusto mong magpalipas oras o kung namimiss mo ang anak ko, pumunta ka lamang dito! Iyon sabado naman para dito ka makatulog, inuman ulit!" natatawa pa talaga si Tito.

"Oo ba! Panigurado po, Tito! Babalik ako dito ulit!" ngising sabi ko at tuluyan na nga akong nagpaalam sa pamilya ni BB.

Hindi ko inakalang dito ako mapapadpad pero gayun pa man, naging magandang ideya ang pagdako ko rito, kahit papaano talaga ay nakalimutan ko ang mga dinadala ko sa aking balikat, na tila nakasama ko na rin si BB dahil na rin sa presensya ng pamilya niya kahit sandali lang.

Pero, heto na nga, kailangan ko nang bumalik sa realidad ko at iyon nga ay ang harapin sila Nanay. Malamang, may sermon akong aasahan dahil na rin nga sa pinatay ko ang cellphone ko buong araw and okay lang, tanggap ko. I did it for myself, kinondisyon ko na ang sarili kong hindi ko dapat pagsisihan ang desisyon kong ito.

Halos mag aalas  syete na nang marating ko ang Maynila. Naisipan ko munang tumambay saglit sa restaurant na paboritong kainan namin ni BB, I mean the korean restaurant inspired malapit sa school. Nagutom ako sa mahabang byahe at sadyang hindi ko pa talaga gustong umuwi. 

"EL! Alone?" someone asked at iilang mga babae itong isa lang ang pamilyar sa akin, si Selena.

"Yeah, but I don't need companion as of the moment," I said. Ni-real talk ko na kasi baka mag representang sumabay sa akin, ayaw ko nga.

"Oh, EL!" Agad akong napalingon, "Bakit nandito ka? Mag-isa naman, 'di ba?" si Kathy at kasama niya si Shielo at Alex.

"Oo naman, ako lang. Kinausap lang nila ako!" Sabi ko kasi iyon naman ang totoo. 

"Duh!" sabay walkout na lamang nila Selena at mabuti na lang nakaintindi na agad.

"Naku, Elliot! Sinasabi namin sa 'yo, h'wag na h'wag kang magkamaling mambabae porket malayo ang kaibigan namin! Isusumbong ka namin kay Maggie, humanda! Human CCTV niya kami!" direktang tugon ni Shielo, walang preno.

Bahagya akong natawa pero agad ko rin tinapos dahil ramdam ko ang masamang tingin sa akin ni Alex. Kingna, hanggang ngayon, nasa watch list niya  pa rin ako at hindi ko naman siya masisisi kung bakit.

"Grabe naman! Hindi ko gagawin iyon no! Tsaka, kaya nga ako nandito at mag-isa kasi namimiss ko si BB. Nandito ako para alalahanin siya, and isa pa, kakauwi ko lang galing sa kanila. Bumisita ako sa pamilya niya. Legit, check niyo pa." paliwanag ko at confident naman ako sa mga pinagsasabi ko. Isa sa mga good qualities ko iyan bilang boyfriend ni BB at confident din naman ako sa katotohanang walang kapalit ang BB ko, nag-iisa lang siya sa akin. Period.

"Very good kung ganoon! Sabay na kami sa 'yo ah?" si Kathy at syempre pumayag na ako. Kaibigan ko na rin naman sila at mas nararamdaman ko ang presensya ni BB sa mga ganitong pagkakataon. Taena, parang multo na tuloy ang BB ko.

Natawa ako.

Halos dalawang oras rin ang inilagi ko kasama ang mga kaibigan ni BB at syempre, ang pinsan niyang si Kathy. Marami kaming nagpakuwentohan at halos tungkol kay BB! It's everything about her and well, I am really missing her, na kung puwede lang ay lumipad na agad akong Australia to be with her in this time of my life, gagawin ko na, e.

Anyways, heto, pauwi na ako at papasok pa lang ako sa village namin ay sobrang bigat na ulit ng pakiramdam ko. Kahit ano talagang takas ko, wala pa rin talaga akong kawala sa katotohanan. This is happening and I can't stop it.

Napabuntong hininga ako. Palabas na ako ng sasakyan at handa na rin naman ako sa hagupit ni Nanay. For sure, she's mad and I really understand. Tatanggapin ko ang galit niya at kung masapak niya man ako, maiintindihan ko.

Pumasok ako sa bahay at sobrang tahimik na nito. Mag aalas onse na rin naman kasi, malamang tulog na ang iilan sa mga kapatid ko, or maybe all of them and mas mabuti iyon.

Dumiretso akong umakyat papuntang kuwarto at tamang-tama, lumabas si Kuya sa kuwarto niya. Kung hindi ka man lang talaga minamalas, e.

"So you're back, goo. Let's talk, hihintayin kita sa terrace." aniya and he looked hella serious. Well, ganito naman talaga siya pero ewan.

"M--Magbibihis lang ako,"

"No need, mabilis lang 'to. I just want to clear things with you," aniya at tuluyan na siyang naglakad papuntang terrace.

Sumunod na lamang ako kay Kuya. Pilit kong hinahanda ang sarili ko sa mga sasabihin niya dahil knowing him, alam kong hindi magagandang salita ang maririnig ko sa kanya. Kilalang kilala ko na 'to. But, despite it, weird pero hindi naman ako kinakabahan like the usual. I am actually prepared for it.

Here goes nothing...

"Kuys, I know I screwed up! No excuse happening, I admit to it. J--Just that I needed some time to think things over and that after last night, I'm lost. I am confused---"

"Hindi ko alam kung ano bang pinaggagawa mo, EL but can you at least consider things before doing such reckless decisions?! I don't really care much, at some point, naiintindihan ko naman ang inaakto mo, I really do. It's just that, hindi ako sigurado sa kung kailan mo matatanggap na hindi sa lahat ng pagkakataon na ang sa tingin mo ay tama  ay tama para sa iba! Did you even thought of NayTay the moment you decide to come up with this drama?! They have enough to bare, EL! Gaano ba kahirap para sa 'yong iconsider ang kapakanan nila, ang nararamdaman nila? Hindi ka ba talaga makaramdam sa nangyayari sa paligid mo at sarili mo pa rin ang iniisip mo?! As far as I am concerned, matagal mo nang alam ang kahihinatnan ng magiging buhay mo. You had your choice, you were given a choice and don't tell me wala, because you are! You decided all of this to happen tapos biglang along the way, confused ka?! Alam mo naman ang mangyayari the moment you said yes to the obligation bestowed upon you pero pinilit mong baguhin iyon and that because ayaw nila Nanay na mahirapan ka pero naisip mo naman sana ang totoong sitwasyon, EL! Look around you, sa tingin mo, okay lang?!" 

Kuya JM is unusually angry. He is very angry na natatakot akong sabayan ang galit niya dahil baka atakihin siya, nag-aalala ako.

"Eero decided by himself! Don't try stopping him! Tatay's been in and out of the hospital, he is very tired, stressed and definitely at his limit. Nanay's stressed too, nag-aalala siya kay Tatay but at the same time, had to prioritize her children. If you really thought about things, maiintindihan mo kung bakit nag desisyon si Eero to help you, NayTay and our whole family. If you can't do it, somebody else will, that is reality, EL! Understand?" bulalas niya.

Hindi ko alam ang isasagot ko. I was just listening to what he is saying. I understand every words Kuya is telling me and I actually get what he is trying to tell me, I guess. After all  that I did, at this time, I'm still considered as selfish at hindi nag-iisip.

Kuya sighed. "Wala ka bang sasabihin? If wala, apologized to Nanay and Tatay for this mess. She was so worried about you! Hindi ka ma contact, hindi ka mahanap at walang may alam kung saan ka nagpunta. Nana was so worried too! If you pull this kind of drama again, I swear I will never let it slip again! Kung sa tingin mo responsable ka na, then, re-assess yourself at baka sarili mo pa rin ang iniisip mo!" he exclaimed at ewan ko, parang pakiramdam ko mayroong tumunog na bell sa loob ng utak ko. Kuya's in JMonster mode and I'm in my limit.

"Kuys! A--Anong ginagawa niyo?! Bal, saan ka nagpunta? Everyone's worried! S--Sabi ni Nanay, gisingin ko raw siya kapag nakauwi ka na. Akala namin kung ano na nangyari sa 'yo, we almost called everybody and even Maggie! Bal, I--I know mali ang ginawa kong desisyon para sa iyo and that mali ang hindi ko pag papaalam sa 'yo pero, p'wede naman natin pag-usapan ng mabuti,e." Si Eero at nagpapanic siya.

"Don't bother explaining to him, Eero! You did nothing wrong, hindi masamang tumulong lalo na kung para sa kapakanan ng nakakarami! You did what you did, that's enough!Let's end this conversation---"

"Hanggang saan mo ba talaga dapat ipaparamdam sa akin na makasarili ako, Kuys?! Na, wala akong iniisip kundi sarili ko, na dapat mas inisip ko sila Tatay kesa sa sarili ko, na kung mas nanindigan ako sa desisyon ko ay hindi na kailangan pang mag sakripisyo ni Eero? I know exactly what you are trying to tell me, na hindi mo masabisabi sa akin! Pero Kuys, iyon na lang ang kaya kong gawin para sa sarili ko! Hindi ko naman tinatakbuhan ang responsibilidad ko e! Oo, pumapalpak ako, oo, hindi ako sanay sa mga pagbabagong 'to pero ginagawa ko naman ang dapat, hindi naman ako nagrereklamo! I knew this is going to happen pero hindi ko naman alam na ganito ka-aga and that...a---ayaw kong hiwalayan si Maggie. You have ate Mia, alam mo naman kung anong pakiramdam ang nararamdaman ko sa kanya but why do you have to make me feel as if loving someone is a crime?" I asked and naiyak na ako, tangina.

Nakita kong napaismid si Kuya and for a second, naisip ko na baka may mali akong nasabi, I mean, below the belt. "I can't believe you actually thought of that nonsense, Elliot. Really? Ganoon kababaw ang tingin mo sa akin? This is how you are trying to assess everything I do for you?! Seryoso ka? After all this drama, ako pa talaga ang isa sa mga dahilan mo para mag inarte? Look, wala akong pakialam sa relasyon mo ng girlfriend mo! Why would I even bother?! Ang akin lang sana man lang, just at least, maipakita mong seryoso ka sa ginagawa mo, na all willing ka sa pagbabagong meron sa sarili mo! Na hindi ka napipilitan, na masaya ka man lang sa ginagawa mo! Do you even realized kung gaano kahirap sa akin na makita kang ganyan? Na dapat ako, bilang Kuya, nagagawa ko ang dapat? Na dapat, hindi nahihirapan si Tatay ngayon? Na hindi siya malayo sa atin, na hindi siya hinahanap ng mga kapatid natin? May sakit si Tatay, and up until this very point, his life is still numbered! Kung wala lang din akong sakit hindi mangyayari 'to, walang mahihirapan sa inyo!" Bahagyang natatawa si Kuya pero nakikita ko kung paano niya pigilan ang emosyon niya

"Tama na kayo! Ano ba! Bal, please naman, kumalma kayo! Kuys, kalma, hindi makakabuti----"

"Anong kaguluhan 'to?! Elliot, Eero, JM!" bahagyang pagsigaw ni Nanay and damn it, we're doomed.

Bumuntong hininga si Kuya, as if kinakalma ang sarili niya at sa totoo lang, natatakot ako sa nakikita ko at baka atakihin siya. And yet, he smiled. "Wala, Nay! I just gave EL a good nag, h'wag mo nang pagalitan! He has his own bad days!" aniya at ewan ko, mas lalo lang akong nag-alala. "Matutulog na ako! May meeting pa ako bukas," aniya at bumeso siya kay Nanay at naglakad papunta sa kuwarto niya.

I swear, looking at him right now, gusto ko siyang takbuhin para mag sorry! I feel so guilty at nag-aalala ako para sa kalusugan niya.

"Matulog na kayong dalawa," si Nanay, "EL, mag-uusap tayo bukas. Sige na," anito and Nanay's unusually calm and when she's like this, hindi na ako magugulat sa mga sasabihin niya.

"Good night, Bal. M--Makikitulog na muna ako kay Nanay! G--geh!" si Eero na hindi makatingin sa 'kin at dali daling sumunod kay Nanay papunta sa kuwarto.

I'm doomed. The guilt that I am feeling right now is beyond words. In the end, parang pinatunayan ko na nga rin talaga sa lahat na makasarili ako. That, I was too focus about myself  and only my self na  kahit aware ako sa mga nangyayari sa paligid ko, hindi ko talaga ito binigyan ng pansin and it feels sucks.

Sarili ko lang rin talaga ang kalaban ko rito.

Kinabukasan, nagising ako sa balitang nasa hospital si Kuya, he suffered an attack.

Czytaj Dalej

To Te偶 Polubisz

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
121M 4.2M 148
**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl they thought they knew is not what they...
19.4K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...