Color Codes | Completed | Wat...

By CrunchieCookies

16.1K 792 184

This story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursu... More

Author's First Note
Prologue
Chapter 02: Name Tagging
Chapter 03: Choiceless
Chapter 04: Warm Hugs
Chapter 05: Disappointment
Chapter 06: Phone Call
Chapter 07: College Life Begins
Chapter 08: Part-time Job
Chapter 09: An Offer
Chapter 10: Left Behind
Chapter 11: Under Umbrella
Chapter 12: Sickness
Chapter 13: His Confusing Moods
Chapter 14: Moment
Chapter 15: Unfair Judgement
Chapter 16: Absence
Chapter 17: Damn Feelings
Chapter 18: Cuddles
Chapter 19: Rendezvous Beneath The Night
Chapter 20: Future Event Announcements
Chapter 21: Bruise
Chapter 22: Siblings' Quarrel
Chapter 23: Late Night Talks
Chapter 24: Bad Timing
Chapter 25: Hidden Sport
Chapter 26: Frankly Asking
Chapter 27: Strumming Fingers
Chapter 28: Cooking Pasta Dish
Chapter 29: Familiarity
Chapter 30: Liar
Chapter 31: Postponed
Chapter 32: Apology Accepted
Chapter 33: Retraction
Chapter 34: Handkerchief
Chapter 35: Delegates
Chapter 36: Rings of Engagement
Chapter 37: A Present for Him
Chapter 38: Letters and Numbers
Chapter 39: Regretless
Chapter 40: Crowned at First Try
Chapter 41: Terrible Trouble
Chapter 42: Truth Hurts
Chapter 43: Break
Chapter 44: Cheater
Chapter 45: Consequences
Chapter 46: First Real Kiss
Chapter 47: In Relationship
Chapter 48: Fulfillment
Chapter 49: Settled
Chapter 50: Eyes and Lips
Chapter 51: Sobs
Chapter 52: Background Story
Chapter 53: To Cherish Every Moment
Chapter 54: Dancing in Between
Chapter 55: New Life
Chapter 56: Desiring Couple
Chapter 57: In the Middle of Tough Times
Chapter 58: Heartaches
Chapter 59: Emergency
Chapter 60: Missing Piece
Epilogue
Special Chapter
Author's Last Note

Chapter 01: Coincidence

1.5K 50 35
By CrunchieCookies

DESTINY

"Hmm... Five minutes pa, five minutes," namamalat kong pakiusap habang nakatalukbong ng kumot ang sarili. Inaantok pa ako. Gusto ko pang matulog. I need more time to sleep.

"Gumising ka na, Destiny. Hindi ka man lang nag-alarm. Kanina ka pa nakahilata. Bumangon ka na," sambit ni Ate Dani'ng nakaupo sa tabi ng kama ko.

"Ate Dani, five minutes pa, please," paghingi ko ulit ng palugit. Muli kong ipinikit ang mga mata para bumawi sa pagkaudlot ng tulog ngunit segundo pa lang ang lumipas ay agad din akong napadilat nang hatakin ni Ate ang kumot ko.

"Gising na kasi. Anong oras na, Destiny? Sige na. Tayo na r'yan." Natatawa-tawa pa siya sa naging reaksyon ko.

"Ate naman? Inaantok pa ako," asik ko. Napabuntonghininga na lamang ako. Tuluyan na akong bumangon habang umiinat at kinukusot ang mga mata. "Inaantok pa talaga ako," pahabol ko pa.

"You need to wake up. 'Yan kasi ang napapala ng mahilig magpuyat sa kakapanood ng movie. Lagi na lang. Ta's ngayon, parang kasalanan ko pa?"

"Ate naman, eh," untag ko naman. 'Di ko naman masisisi sarili ko. I'm so addicted watching movie series so that's why I ended up sleeping midnight.

"Ano?" tanong niya habang nakaangat ang isang kilay sabay bato ng kumot sa pagmumukha ko.

'Di tuloy ako nakaimik. Tama naman siya. Nawala na ang antok ko sa sinabi niya. Bumaba ako mula sa kama sa nag-inat muli ng katawan. "Ito na. Babangon na, oh. 'Di na 'ko magpupuyat," sarkastikong tugon ko sa pabirong paraan.

"Just make sure you do what you've said or otherwise, I tell Mom and Dad," paalala naman niya't kinuha ang kumot ko saka tinupi. "Bumaba ka na. May pagkain na ro'n sa baba."

"Oo na. Kakain na ako, ha?" sadyang tanong ko para ilihis ang usapan. I can't promise it kaya. I really love watching movies at night and no one can stop me. Ila-lock ko na lang palagi kuwarto ko.

"Go on. Ako na'ng maglilipit dito. May almusal nang hinanda sina Yaya Cha at Pia."

Tumango na lamang ako't hindi na kumibo pa. Bumaba na ako at iniwan na siyang mag-isa sa kuwarto ko. Naabutan ko si Kuya Dwayne na kasalukuyang kumakain pagkarating ng dinning room.

Dumiretso ako sa lamesang may mga pagkaing kakaluto lang. Pagkaupo ko pa lang habang pinupusod ang mahaba kong buhok ay bumungad na ang pilyong ngiti ni Kuya.

Problema nito?

"Puyat pa more," buska niya. "Mukha kang sabog. Halata eyebags mo."

I'm not in my mood right now. I can't stop myself to mouth him. "Ang aga pa, Kuya."

"I'm just kidding. Kumain ka na. Maagang umalis sina Mommy at Daddy. May pinuntahan silang co-business owner," aniya. "Hey, Ate Dani, kumain ka na rin."

Napalingon naman ako sa likuran at nakitang paparating si Ate Dani. Lumapit siya sa 'min at tumabi sa gilid ko.

"'Di na. Busog pa ako," tanggi niya kay Kuya.

Before I forgot, the three of us are siblings. Si Ate Danittia ang panganay, si Kuya Dwayne ang pangalawa, at ako naman ang bunso. 'Di na kami magtataka kung lahat kaming magkakapatid ay nagsisimula sa, "D" ang pangalan. Even my parent's though. Soon you'll know what their names are.

Maya-maya ay hinainan ako ni Yaya Pia ng pagkain. Ham and cheese break ang niluto nila. Mainit-init pa siya at kita ang usok nito. Amoy pa lang ay nakakagutom na.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang hiwaan ito kaagad. Tinuhog ko ito gamit ang tinidor at pinasok sa bibig. I can't even sense the hotness. 'Di naman siya nakaka-bother. Masarap.

"Hinay-hinay lang, Destiny. Baka mabulunan ka," natatawang sabi ni Yaya Pia.

"Ang sarap nito, Yaya. I hope makapagluto pa kayo ng ganito," nakangiti kong batid bago uminom ng tubig. Kumuha ulit ako saka kinain ito.

"Enjoy your breakfast, Destiny."

***

Lauren is calling...

Natigil ako sa ginawa kong pagguhit sa canvas nang makitang nagba-vibrate ang phone ko. Napansing kong tumatawag si Lauren kung kaya binaba ko ang hawak kong lapis saka kinuha ang phone kong nasa gilid ng lamesa.

"Hey, Cuz," bungad niya pagkasagot ko ng kaniyang tawag.

"Hello, Sis. Napatawag ka?" kaswal kong tanong.

"Are you busy?"

"Hindi naman," tugon ko. "Actually, I'm quite bored."

"Nice, Cuz. Can you accompany me? I'll just buy something at the mall."

"Sure thing. I also want to go shopping pero wala pa akong kasama. Gusto ko nga sila Ate Dani kaso busy naman. Kailangan kong bumili ng mga bagong paint brushes, eh. May new commission project na naman kasi akon gagawin. Alam mo na, baka i-bid. Pera din 'yon if ever "

"'Yon naman pala pero sana ngayon na. Ready na 'ko, eh."

"Sige ba. Hintayin mo na lang ako r'yan. Magpapalit lang ako ng damit," turan ko ngunit mabilis kong nailayo ang phone sa 'king tenga nang tumili siya. Ang lakas! "Lauren, 'wag ka ngang sumigaw! Masakit sa tenga."

Hinalakhakan niya lang ako. "Sorry, Cuz. I'm just happy na may kasama na 'ko. Kanina ko pa kasi pinipilit si Dada na umalis na ako. Kaya ko namang mag-isa pero mapilit. Kailangan ko raw ng kasama. Sabi ko siya na lang e kaso pagod siya. Si Mama naman e ayaw unless nq lang kung ikaw kasama ko kaya thank you, Cuz," mahaba niyang litanya. Mababakas sa boses niya ang kasabikan para umalis.

"Oo. Buti inaya mo 'ko. Bored na bored talaga ako here. God. Need ko bumili ng art materials. Sige na. Magbibihis na ako."

"Sure, sure. Wait kita rito sa bahay namin. Thank you."

"No problem," huli kong wika bago patayin ang linya ng aming tawag. Pagkuwa'y sumalampak ako sa kama saka hinikata ang katawan dito.

Makakagala ako. Geez. Wala sina Mommy at Daddy. 'Yon nga lang, another gastos na naman. Tsk.

***

"I really miss shopping together with you, Cuz. Ngayon lang talaga ulit ako nakalabas, as in," pahayag ni Lauren sa kaniyang nararamdaman.

Kakapasok pa lang namin ni Lauren sa loob ng mall nang hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili. Maging ako man ay excited din para bumili ng paninabagong paint brushes.

"Same here. Gusto ko na talagang bumili. Dapat nga kahapon pa ako bumili e kaso nanonood lang ako ng movie series magdamag. Tinatamad ako," kuwento ko.

"As expected. Adik ka naman sa mga ganiyan, eh."

Nasa tapat na kami ng department store nang maramdaman ko ang malamig na kamay ni Lauren. Muntik na akong magulat.

"Ano ba? Gaga 'to. Ang lamig ng kamay mo."

"Wait lang. Naiihi na 'ko," bahagyang nangingiwi niyang panayam.

"Hindi mo ba kayang pigilan 'yan? Nandito na tayo, oh?"

"If you want, go and buy na. Mauna ka na. Pagkatapos mong bumili pumunta ka na lang sa women's attire sa damitan do'n," turo niya sa store sa may 'di kalayuan.

"Sige, sige," tanging tango ko.

Mag-isa tuloy akong pumasok sa loob. Gayunpaman ay sumilay ang ngiti sa 'king labi sa kasabikang bumili. Agad akong nag-ikot ng tingin hanggang makita ang placard na may nakasulat na, "Painting Materials Area." Parang nagningning ang mga mata ko kaya baka nagmukha na siguro akong bata sa tingin ng ksramihan.

Bumilis ang aking paglalakad sa paraang dinudulas ang sandals sa tiles. I really love this feeling. The slippery tiles and the air that smells like newly brand papers is so damn relaxing. Kulang na lang ay lumabas na ang mga ngipin ko sa sayang nararamdaman ko. This is literally heaven. Every colors starting from papers, pencils, and others make my heart flatters. It's quite funny but my eyes are drooling. Well, nonartis can't relate.

Sa unang column na pinuntahan ko ay puro mga papel lang ang nando'n kaya lumipat ako sa kabila. Sa pangalawang column naman ay sandamakmak na mga ballpens, pencils, at mga coloring materials ang nakahilera. Sa panghuling column ay doon na tuluyang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pag-awang ng bibig sa nakita. Dumiretso na ako ro'n.

Naging mabagal ang paglalakad ko. Bawat bagay na makita ay pinagmamasadan ko at aliw na aliw naman ako rito kaso lang, sorry for now. Hindi sila ang pinunta ko rito pero ang bagong mga paint brushes. I need new ones and each type of it costs a little bit expensive. Sana nga'y may makita akong paint brush set na El da Vinci ang brand. Ilang beses na akong nag-ikot-ikot at naghanap-hanap sa iba't ibang art supplies stores pero laging nagkakaubusan kaya sana naman ay mayro'n na rito. May pagka-rare din kasi at madalang lang gumawa ng stocks.

Tumungo ako sa mga lugar na punong-puno ng mga paint brushes. Nang makita ko pa lang ito magmula sa maliliit hanggang malalapad na mga hibla ay hindi na ako magkandaugaga sa kakapili ngunit iba ang hinahanap ko. Basta itim na may gold na mga floral designs ang kahon no'n at katamtaman lang ang laki.

Bawat rows ng column ay sinilip ko ngunit wala naman do'n ang aking hinahanap. "Aish," nadidismaya kong sambit saka nagpakawala ng nuntonghininga. Bumaling ako sa 'king likod at halos matigil na ako sa paghinga nang makita ang nag-iisang itim na kahon na may mga gintong disenyo. Mas lalo pa akong nanlamig nang makitang gano'n na gano'n ang hinahanap ko. Mukhang last stock. "Finally," I said in relief. Dali-dali akong tumungo ro'n abutin 'yon. Hindi maitago ang kurba sa 'king labi ngunit gano'n na lang mawala ang ngiti ko at manghinayang nang may kasabay akong kamay na humawak sa kahon.

"I got it―Wait," wika ng isang lalaki.

Mabilis akong natuliro. I immediately looked to the person next to me. Sakto namang nagtama ang mga mata namin. Do'n na ako nilamon ng kaba nang malaman na hindi pala ito Pilipino. Isang foreigner ang kaharap ko ngayon. Baka ma-nosebleed ako nang wala sa oras nito.

"A-Ah..." Uutal-utal ang boses ko sa kaba. Dala ng sobrang pagkailang ay ako na mismo ang umiwas ng tingin sa mga mata niya.

"Ako ang nauna, Miss," pagwawari niya bagay na ikinalaki ng mga mata ko.

A-Ano? Nagta-Tagalog siya? Teka lang. Ang gulo.

"Miss? Ako ang nauna rito." Itinaas pa niya ang kaniyang dalawang mga kilay. Kinuha niya ito saka bahagyang itinaas sa pagitan namin.

Tuluyang humiwalay ang kamay ko sa pagkakahawak sa kahon dahilan para tuliro akong magsalita. "B-But, Sir, ako ang naunang makakita," depensa ko naman. Nang akmang kukunin ko na 'yon ngunit inilayo niya lang 'yon sa pagitan namin.

"Miss, ako nga ang nauna. Hindi mo ba nakita? My hand went first to touch this then your hand touches mine next. Kaya ako nga ang nauna," pagdidiin niya pa.

"Pero kailangan ko po kasi 'yan, Sir. Puwede ako na lsng po ang kumuha niyan?" nagmamakaawa kong. tanong bagama't naiilang sa pagta-Tagalog niya.

"There's still many more there," turo niya sa mga paint brushes na inisa-isa ko kanina. "You can pick and buy whatever you want. But this..." His index finger pointed the thing he's holding. "Is mine."

"E-Eh?"

"That means 'yes,' right? Okay. Thank you," aniya't presko lang siyang naglakad saka iniwan akong nakatulala.

Naghalo ang lungkot at panghihinayang na naramdaman ko. Wala na akong napagpilian kundi ang pumili ng ibang brand ng paint brush nang labag sa kalooban. Wala na akong pagpipilian. Kung sanang binilisan ko lang e'di sana akin na sana 'yon. El da Vinci brush na nagig bato pa.

Pagkatapos kumuha ng mas maayos-ayos na paint brushes ay walang ganang dumiretso ako sa chashier para bayaran ito. Sobrang malas ko talaga dahil ang haba ng pila. Lumiyad ako at may nakitang kaunti lang ang mga tao ro'n. Do'n na ako pumila at talagang napakasama nga ng mundo. Nasa harapan ko 'yung foreigner.

"Nakapili ka rin naman pala. Ang dami pang arte," pakinig kong bulong niya habang nakatalikod sa 'kin.

Gusto kong sumagot ngunit napangunahan ako ng hiya kung kaya nanatiling tikom ang bibig ko. Nagpakawala na lamang ako ng hangin at 'di na siya abalang inisip pa.

Matapos mailagay ng babaeng cashier sa paper bag ang binili ni Foreigner guy ay muli na namang siyang nagsalita ngunit sa oras na ito ay humarap siya sa 'kin. "Thanks for this." Kinindatan niya pa ako bago siya lumabas sa department mall.

Hindi ako nakaimik. Gago 'yon, ah.

"Ma'am? Kayo na po next."

"A-Ah... Opo, opo. Ito po." Nataranta ako nang bahagya paglapag ko ng brown na leather case. Nasa loob n'on ang set ng mga paint brushes. 'Yung black box kasi gusto ko, eh.

Ini-scan niya ito at inilagay rin sa paper bag. Matapos bayaran ito ay nagmadali na akong nagtungo sa clothing store sa women's attire column.

"Lauren," humahangos kong tawag sa kaniya habang siya'y namimili ng mga damit na bibilhin. Nakayuko akong lumapit sa kaniya nang parehong nasa tuhod ang mga kamay.

"Hey, ano'ng nangyari sa 'yo? Mukha kang tanga r'yan."

Nag-angat ako ng tingin saka ipinaliwanag ang nangyari sa store. Ako mismo habang nagkukuwento ay nahihiya pa rin. "'Di ba, ang malas ko? Sayang 'yung paint brushes." I even acted as crying kid. Tumingin ako sa bandang likod namin at nahagip pa ng mga mata ko 'yung lalaking foreigner na nakaupo sa bench habang may kausap sa kaniyang phone. "Tingnan mo 'yun. 'Yun, oh," turo ko.

"Sino, Cuz?"

"'Yon nga kasi," turo kong muli.

"Siya?" kunot-noo naman niyang tanong.

"May iba pa ba akong tinuro? Siya nga 'yung nauna sa brush na gusto kong bilhin. Ako naman unang nakakita. Siya lang 'tong unang humawak," naiinis kong paliwanag. Wala na ako sa mood. "'Yon nga 'yung pinunta ko rito pero sa kan'ya pa napunta 'yon. B'wisit," anas ko. "El da Vinci nga gusto kong brand ng paint brush pero iba naman 'tong nabili ko. Ampangit saka 'di ko bet. Iyan, iyan, 'yan pa nakinanabang. Gaga," dagdag ko pa habang dinuduro-duro ang daliri sa salamin sa tapat niya.

"Tsk. Hayaan mo na lang."

"Hayaan? Okay ka lang? Inagawan niya ako ng rare paint brush brand. Duh?"

"Never mind. Look at this, Cuz, bagay rin sa 'yo," pag-iiba niya ng usapan sabay dikit sa 'kin ng isang blouse na para bang isinusukat ito sa 'kin kung bagay o hindi. "Saka..." Sinilip niya ulit 'yung foreigner na nakaupo ngayon sa bench. "Mamamatay rin naman 'yan kaya hayaan mo na lang, Cuz. G'wapo pa naman siya, oh," dugtong niya bagay na ikinangiwi ko.

Well, agree ako sa una niyang sinabi pero sa pangalawa? Whatever. Wala talagang taste 'tong pinsan ko. No wonder kaya hanggang ngayon e walang nagkakagusto sa kaniya.

Continue Reading

You'll Also Like

20.3K 1.3K 15
A short story about Tyrese and Eisley living in a parallel universe. Would their alternate realities finally get their happily ever after?
3.3K 54 22
English/Filipino Poems. Thoughts. Voices in my head. Kalipunan ng mga kalakasang matatagpuan sa isang tula.
5.9K 1.2K 34
[Completed] "Do you believe that God sends people in our life for a specific reason?" Maraming tanong si Ka-le tungkol sa mahiwagang babaeng bigla na...
3.6K 321 39
adhika // unang serye ng pag-ibig Si Gwenaelle, isang binibining may itinataglay na katarayan. Kailanman ay hindi niya ninais na magkaroon ng maramin...