Just Your Liability (Accounti...

By xxialej

462K 13.9K 3.3K

Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all th... More

Just Your Liability
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Wakas
Accounting Series PREORDER

Chapter 20

10.5K 336 45
By xxialej

Nanginginig ang kamay ko at nararamdaman ko rin ang butil-butil na pawis na tumutulo mula sa noo ko. Nanghihina akong napasandal sa pader at humigpit ang hawak ko sa tatlong pregnancy test na iisa lamang ang lumabas na resulta.

My mind was preoccupied as I stared blankly at the wall. Ni hindi ko inalintana ang malalakas na katok ni Bluie sa pinto ng banyo. Tila ba nablangko ang utak ko. Libo-libong mga tanong at pangamba ang pumapasok sa aking utak.

"Rose! Ano na? Kanina ka pa riyan!" Bluie shouted impatiently followed by a loud knock on the door.

Hindi ko alam kung dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya? Paano kung aaminin kong mas nangingibabaw ang takot sa dibdib sa aking puso? Paano kung aaminin kong sa mga oras na ito ay tanging disappointment lamang ang nararamdaman ko sa sarili ko?

Bakit ngayon pa?

Bakit naman ngayon pa kung ilang kembot na lang ay gra-graduate na ako?

Bakit naman ngayon pa kung kailan malapit ko ng maabot ang mga pangarap ko?

"Ano ba, Rose! Sumagot ka naman!" Paghihisterikal ni Bluie mula sa labas na sinabayan pang muli ng malakas na paghampas sa pinto.

Kumurap-kurap ako at agad na pinalis ang mga nag-uunahang luha sa aking mga mata. Kinalma ko ang sarili. At bago tuluyang lumabas ng banyo ay may isang beses ko pang muling sinulyapan ang resulta sa pregnancy test na hawak ko.

Nang ilahad ko kay Bluie ang resulta ay napatulala siya sa kawalan at parang kandilang nauupos na umupo sa kama ko. Awang ang labi niya ngunit ni isang salita ay wala akong narinig mula sa kaniya.

"D-Disappointed ka ba sa 'kin?" My voice was shaking in fear, sadness and emotions I couldn't name.

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Ang pananahimik niya ay tila ba isang gatilyo na kumalabit sa emosyong kanina ko pa pinipigilan. Napasalampak ako sa sahig at humagulhol ng iyak. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong mahina at duwag sa harapan ni Bluie.

Matagal ako sa ganoong posisyon hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mga braso ng kaibigan kong bumalot sa aking katawan. I cried harder. Umiyak ako nang umiyak hanggang lamunin ako ng antok.

Nang magising ako kinabukasan ay naabutan ko si Bluie na pinaplantsa ang uniform na susuotin ko. May nakahanda na ring agahan at gatas sa lamesa.

"Good morning. Kain ka na," nakangiting bati niya sa akin.

Babatiin ko sana siya pabalik ngunit naramdaman ko ang pagbaliktad ng aking sikmura. Tinakpan ko ang bibig ko at agad kumaripas ng takbo papunta sa banyo. Nakasunod na naman sa akin si Bluie upang alalayaan ako.

"K-Kaya ko," saad ko at bahagya siyang itinulak palayo ngunit hindi niya ako pinakinggan.

Matapos kong sumuka ay inabutan niya ako ng tubig at panyo. Para akong isang babasaging bagay kung alagaan at asikasuhin niya.

Ganoon ang anging pagtrato niya sa akin sa mga sumunod pang araw. Kung alagaan niya ako ay para bang siya ang ama ng dinadala ko. Kung bantayan niya ako ay para bang anumang minuto ay tatakasan ko siya.

"Okay ka lang? Bakit ayaw mong kumain?" mahinahong tanong sa akin ni Luke.

Magkasama kami ngayon sa Jeboy's dahil pareho namang bakante ang oras naming ngayong hapon.

"Busog kasi ako." I gave him a small and weak smile.

Mariin siyang tumitig sa akin bago alanganing tumango. Kung ano-anong bagay ang mga tinatanong niya sa akin at tanging mga tipid na sagot lamang ang sinasagot ko.

I was thinking if I should tell him about my pregnancy. Natatakot ako sa maaaring maging reaksyon niya. Natatakot ako sa Mommy niya.

What if hindi niya matanggap?

Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang bigla niyang idampi sa noo ko ang kaniyang mainit na palad.

"Wala ka namang sakit pero bakit ang tamlay mo?" he curiously asked. "Sigurado ka bang okay ka lang talaga, Rose? These past few days, napapansin kong sobrang tahimik mo at para kang wala lagi sa sarili. Hindi ka naman siguro nagdru-drugs–"

"Anong drugs ang sinasabi mo riyan? Kung sakalin kaya kita? Okay nga lang ako. Medyo stress lang sa pag-aasikaso ng requirements para sa OJT ko," naiirita kong sagot sa kaniya at umiwas ng tingin.

He laughed and pinched my cheeks. "Ikukuha lang kitang tubig."

Tumango ako at ngumiti ngunit nang tumayo ito ay hindi niya sinasadyang masagi ang bukas kong bag na nakapatong din sa lamesa, dahilan para matapon ang lahat ng laman noon. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pagkataranta ng aking buong sistema. Akmang tatayo na sana ako para pulutin ang mga gamit ngunit naunahan ako ni Luke.

Lumuhod siya at unti-unting sinimot ang mga gamit na nagkalat sa sahig. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang damputin niya ang nakataob na pregnancy test.

"L-Luke," I uttered, almost a whisper.

Kunot noo niyang tinitigan ang pregnancy test. "A-Anong ibig sabihin nito–"

Mabilis ang kilos kong inagaw iyon sa kaniya. Nabitin sa ere ang kamay niya habang nakaawang ang mga labi. Dinampot ko ang mga gamit ko at basta na lamang iyong isinilid sa bag. Nangangatog ang tuhod kong lumabas ng Jeboy's at tumakbo palayo roon. Narinig ko pa ang malakas na pagtawag ni Tolits sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin.

Shit! Shit lang!

Hindi pa ako handa sa kung ano mang magiging reaksyon niya. Imbis na bumalik sa campus ay dumiretso na lamang ako sa dorm. I was expecting na susundan ako ni Luke para hingian ako ng paliwanag o tatanungin man lamang niya ako sa nakita niya ngunit wala.

Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko pa si Bluie na nakahiga sa kama habang tinititigan ang picture nila ni Miguel noon. Nang makita niya akong dumating ay agad siyang bumangon at itinago sa kaniyang likod ang cellphone.

"N-Nandito ka na pala," aniya.

Inirapan ko siya at dumiretso sa kama ko. "Ano na namang drama 'yan? Akala ko ba nakamove-on ka na?"

Sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"Oh ikaw, bakit nandito ka? Hindi ba't may klase ka?" pang-uusisa pa niya.

I pursed my lips and looked away.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" dagdag pang tanong niya.

"Hindi. Tinatamad lang akong pumasok. Gusto kong matulog,"

Naniningkit ang mga mata niyang tinitigan ako bago nagkibit balikat. Hinayaan niya akong magpahinga at matulog. Nang mga sumunod na araw ay pinili ko munang hindi magparamdam kay Luke. Basta, hindi ko talaga maintindihan! Takot na takot talaga ako sa maaari niyang sabihin. Idagdag pa iyong magiging reaksyon ng Mommy niya kapag nalaman niya ang lahat ng ito. Hiyang-hiya rin ako sa mga magulang ni Bluie na siyang nagpapaaral at nagbibigay sustento sa akin. Baka isipin nila na mali ang ginawa nilang pagtulong sa akin.

Pinalis ko ang mga luhang lumalandas mula sa mga mata ko. Ang tanga tanga ko naman kasi! Kung mas nag-ingat lamang sana kaming dalawa, eh 'di sana hindi na ako umiiyak at namo-mroblema ng ganito. Paano ang future ko? Paano ang future ni Luke? Matatanggap ba ako ng Mommy niya? Kaya ko ba? Kaya ko ba ang ganito kabigat na responsibilidad?

"Kayanin mo," Bluie urged. "Iparamdam mo sa kaniya iyong klaseng pagmamahal na kahit kailan ay hindi mo naramdaman sa magulang mo. At saka, tatanggapin ka no'ng kaibigan mo nakabuntis sa 'yo! Tatanggapin niya 'yang bata kasi mahal ka no'n. Hindi iyon papayag na haharapin mo lang ang lahat nang ito ng mag-isa."

Pinanlisikan ko siya ng mga mata at hinampas ng unan. "Ang pangit ng term mo, Bluie! Umayos ka nga!"

"Oh, eh 'di ulitan! Tatanggapin ka no'ng ka-friends with benefits mo," natatawang aniya bago lumabas ng dorm para maglaba.

Napagdesisyunan kong ipagpatuloy pa rin ang pag-aaral hangga't hindi pa malaki ang tiyan ko. Only Bluie, Damian, and Nez knows my situation right now. Panay din ang pangungulit sa akin ni Luke na mag-usap kaming dalawa at walang humpay rin siyang nagpapadala ng texts at pagkain sa akin na tinatanggap ko naman.

Habang lumilipas ang araw ay mas lalo pang tumindi ang mood swings at paglilihi ko. May mga pagkakataon na nagigising ako tuwing madaling araw because of my cravings. May pagkakataon na naiirita ako sa pagmumukha ni Damian o ni Bluie pero minsan naman ay tuwang tuwa ako. Si Damian ang kasama ko noong unang beses akong magpacheck-up sa OB-Gyne. Mabuti na lamang ay mahaba ang pasensya nila sa akin. Sobra-sobra ang natatanggap kong pag-aalaga mula sa kanilang mga kaibigan ko.

"Rosas, totoo ba na buntis ka? Kalat na kalat na kasi sa buong building natin pati na rin sa Engineering Building pero hindi naman ako naniniwala," pag-uusisa ni Joana nang minsan itong maisipang lumapit sa akin habang may tina-type ako na kung ano sa cellphone ko.

Tipid akong ngumiti at tumango. "Oo, buntis ako."

She looked shocked. Nakatitig lamang ito sa akin na para bang naghihintay siyang bawiin ko iyong sinabi ko. Sinubukan niyang ibuka ang kaniyang bibig ngunit walang salita na lumalabas mula roon.

"P-Paano ang pag-aaral mo?"

"Titigil ako kapag medyo malaki na ang tiyan ko," tanging sagot ko at iniligpit na ang mga gamit.

Wala ako sa mood makipag-usap kahit kanino dahil nagugutom ako! Mabuti na lamang ay hindi na niya ako kinulit pa dahil baka masinghalan ko lamang siya. Lumabas ako ng classroom at dumiretso sa Canteen para kumain. Binalewala ko ang mga mapanghusgang mga mata na nakabaling sa akin.

Ano bang pakialam ko sa kanila? Wala akong pakialam sa mga opinyon nila sa akin. Sino ba sila para pakinggan ko? Bibigyan ba nila ako ng pampa-check up? Bibigyan ba nila ako ng pera para sa mga pangangailan ko? Hindi naman, 'di ba? Kaya uulitin ko, anong pakialam ko?

Oo alam kong mali ang maaagang pagbubuntis. Hindi pa ako handa para sa mga resposibilidad at hindi pa ako financially stable. Hindi ko naman ipagkakaila na mali talaga ako, na mali kaming dalawa ni Luke. We shouldn't normalize teenage pregnancy pero nandito na 'to kaya tatanggapin ko.

Matapos kong kumain ay napagdesisyunan ko munang bumalik sa dorm para magpahinga. Wala na naman akong kailangan pang gawin kaya libre na ang oras ko sa buong hapon. Ngunit habang papalapit nang papalapit sa tinitirhan ay natatanaw ko ang pamilyar na itim na kotseng nakaparada sa harap noon.

Kumalabog ng husto ang dibdib ko sa sobrang kaba. Tumigil ako sa paglalakad at humigpit ang kapit sa strap ng bag ko nang bumukas ang pinto ng kotse at iniluwa noon ang isang babaeng pinakainiiwasan kong makita. Her facial expression remained stoic as she gritted her teeth. Madilim ang mukha nito at nakakuyom ang mga kamao.

Napaatras ako sa sobrang kaba. Dire-diretso ang lakad nito patungo sa akin at binigyan ako ng malakas at nakakangiming sampal sa kanang pisngi.

"You ruined my son's life!" Nanginginig sa galit ang kaniyang boses. "Akala mo ba ay hindi ko malalaman ang lahat ng ito, ha? Ganiyan ka ba kadesperada sa anak ko? Nagawa mong magpabuntis, ha? Bakit? Para saan? Gusto mo ng pera? Well, kung inaakala mo na matatanggap kita para sa anak ko, pwes, nagkakamali ka. You are just nothing but my son's mere liability."

Her words cut deeper than a knife. Napayuko na lamang ako habang patuloy ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko dahil ang bawat katagang binibitawan ay tumatagos sa aking puso.

"Remember that, Rosemarie. You are just his liability."

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 314K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
1.5M 54.8K 42
STRAND SERIES 2 (ABM) For every light from the moon, bright from the stars, and shine through his eyes. I can see both the moon and stars, how they...
266K 16.6K 54
Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita.