Heartstrings Attached II

By thatwallflowerwrites

20.8K 970 468

Heartstrings Attached Book II: Sweeter than a Song @ThatWallflowerWrites All Rights Reserved 2016 It all star... More

Heartstrings Attached II: Sweeter than a Song
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine: Clark (Part 1)
Chapter Sixty: Clark (Part 2)
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Seven
Chapter Sixty Eight
Chapter Sixty Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy One (Clark)
Chapter Seventy Two (Clark)
Chapter Seventy Three (Clark)
Chapter Seventy Four (Clark)
🌺 Chapter Seventy Five 🌺
Chapter Seventy Six 🌺 Finale 🌺
🎶❤️Author's Note❤️ 🎶
Heartstrings Attached Background Story✨

Chapter Forty Five

264 11 3
By thatwallflowerwrites

Heartstrings Attached II 💕
by thatwallflowerwrites

Chapter Forty Five
.
.
.
"Narinig ko kasi kay Kuya dati na isang taon lang ang tanda niya sayo. I'm three years younger than him, by the way."

"Nabanggit nga sakin ni Clark dati na may nakababata nga raw siyang kapatid na art student. Ikaw pala 'yon."

She smiled wider. "Yes. That's me. Lagi ka rin niyang kinukwento sakin dati eh. Kaya pakiramdaman ko kilala na rin kita. So, can I call you ate?"

Gulat man at nalilito, tumango ako.  "Of course."

Wala naman kaso sakin kung anong itawag niya sakin. Pero siyempre, naa-appreciate ko pa rin na gusto niya akong tawaging ate. Sobrang amo kasi ng mukha niya parang ang sarap kaibiganin... At kapatidin, char!

"Thanks," sabi niya nang may ngiti. "Umorder na nga pala ako habang naghihintay. Sana okay lang. If you like something else just let me know. Na-bore lang talaga ako."

Ngayon ko lang napansin na may pagkain na pala sa mesa. Pareho kaming may iced tea saka ilang slices ng cake.

"Hindi. Okay lang. Sorry nga pala pinaghintay kita. Hindi ko naman kasi alam."

"Wala 'yon." She took a sip from her drink. "Pasensya na din kung nabigla kita. Ayoko lang kasing malaman ni Kuya Clark na nandito ako."

"Bakit naman?"

"Eh kasi... Dapat nasa NYU ako ngayon. Exams week din kasi namin. I'd be dead if he knew I was here."

"Ganu'n ba?"

She nodded. "Nakiusap lang talaga ako kay Ate Monique kung pwede akong sumabay sa kanya pauwi. Buti na lang pinayagan niya ako." She cleared her throat. "Pagpasensyahan mo na ang accent ko ah. It's been years since I last spoke in Tagalog. Medyo kinakalawang na."

"Hindi ko nga masyadong nahalata. You should've heard your brother when he came back. He couldn't even say a word in Filipino," biro ko pero I realized what I said. "...Sorry. I didn't mean to--"

Ayoko kasing ma-offend siya para sa kuya niya dahil sa sinabi ko, knowing na may amnesia ito at hindi lang basta-basta nakalimot.

Umiling siya. "Don't be sorry. I know. He didn't really forget Tagalog. Matigas lang talaga ulo no'n. Akala niya kasi madi-distance niya ang sarili niya kapag hindi siya nagsalita ng native language dito."

That made total sense.

"Can I ask you a question, Ate Sky?"

"Hmm?"

"Did you ever, for a second... question your feelings for my kuya? Kahit after two years na nawala siya."

My heart started pounding. "Ba--bakit mo naman biglang naitanong 'yan?"

"Alam mo kasi, as far as I know, kahit noong nawala ang memories niya, I don't think he ever did lose his feelings for you."

Napalunok ako. How can this be true? Paano niya masasabing hindi nawala ang feelings niya kung hindi naman niya ako naaalala?

"Is that... Is that even possible?"

"Well, it happened. That's the reason why I'm here, Ate Sky. Noong tumawag sakin si Kuya Clark noong isang araw, I knew I have to do something... Do you know exactly what he told me?"

I just answered silence and looked down. Naalala ko noong gabing huli ko siyang nakausap. The night I never stopped feeling guilty about.

"Ate?"

"I've... I've hurt him, right?" I said, sad and embarrassed.

Nagkibit-balikat siya. "You've hurt each other. You misunderstood him. I'm pretty sure he misunderstood you too."

I sighed. Did I really just misunderstood him? Pero may kasalanan naman talaga siya eh. He did us wrong. Hinayaan niyang mangyari ang mga bagay na alam niyang makakasakit samin.

"He always call me..." marahan niyang kwento. "Ever since magpa-iwan siya dito sa Pilipinas para magaral sa Edmonton years ago, whenever something happened or kung may sama siya ng loob, he always call me. Siguro, it's his way of compensating for his physical absence in my life. One day, out of the blue, he confessed to me that he didn't want to sing anymore... Na iniisip niyang mag-quit na sa banda. He said, he couldn't find the joy in it anymore. Parang hindi na daw worth it..."

I played with the table napkin with my fingers while she spoke. Naaalala ko... Bigla kong naaalala ang mga araw na iyon na parang kahapon lang.

"Pero alam ko, he still loved singing," pagpapatuloy niya. "Kaya nga lang, napuno siya ng doubts dahil na rin siguro sa pressure na pasan-pasan niya noon. Everyone was expecting him to be perfect, while our mother was waiting for him to fail. Alam mo na sigurong ayaw na ayaw ni Mom na dito tumira si Kuya, right?"

I nodded.

"Well, my brother was really having a hard time. He even lost the energy to perform. Everyday, pinipilit na lang niya para sa mga kaibigan niya. And then, like some miracle... he met you."

"Sa music room," bulong ko pero narinig rin ito ni Maggie.

"Yup. He told me the exact day he met you. He was so excited. He said, para ka daw answer ng universe. Parang destiny," sabi niya. Napangiti siya na nagpalabas ng dimples niyang identical sa kapatid niya. "Tawang-tawa nga ako noon dahil first time ko lang siyang marinig magsalita nang ganoon. Especially about a girl. A girl she just met."

I couldn't help but smile. Ang sarap lang balikan ang araw na 'yon. When it was only just us sa music room. It's him, me and the music.

"Naaalala ko pa ang mga sinabi niya...  you reminded him of all the things he's forgotten. You were so shy, you were singing by yourself, but you had a smile on your face. You reminded him that he didn't need to be anyone or do anything. He just got to do what feels right at that moment."

I nodded. "I remember. Nasabi nga niya sakin dati. At first, it was really hard to believe. But it was Clark, of course I'd believe him."

"Did he also tell you that you're his first love?"

"Hmm?" gulat kong sambit. Napainom ako bigla. Alam kong nagka-girlfriend na no'n si Clark bago ako, pero nabanggit rin niya na never pa raw siya nainlove dati. Nakakapanibago lang na marinig 'yun ulit.

I'm Clark Stevenson's first love.

And he was mine.

"You made him really happy."

"And also caused him harm."

She gave me an empathetic smile. "He'll never think of it like that. Pinaalala mo sa kanya kung paano maging normal. Ever since kasi sobrang laki ng tingin sa kanya ng mga tao. Akala nila perfect siya. Hindi nila alam, it's just making him more insecure. Lalo na about his talent. Minsan daw naiisip niya kung mahal ba siya ng tao dahil sa talent niya o dahil lang sa itsura at status niya. And you made him feel like none of that ever mattered."

"But I still..." naluluha kong tugon. "I still disappointed him. Naaksidente siya dahil sakin. I took away everything from him."

"It was not your fault." Inabot niya ang kamay ko. "Kahit kailan hindi ka niya sinisi. Kaya wala ring karapatan ang kahit na sino na sisihin ka."

"But I still messed everything up."

"It's not too late, Ate. Never too late," tugon niya with eager eyes. "Kaya nga ako nandito. At least kahit papa'no, I could help you realize what's really going on."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kuya Clark never meant to hurt you. Ever," sagot niya. "Alam mo ba noong magising siya, alam niya agad na may kulang. Kahit na pilit sinasabi ni Mom na wala siyang tinatago, he knew that there's something missing. And he kept looking for it. Kahit na hindi niya alam kung ano o sino ang hinahanap niya."

Walang naikwento si Clark tungkol sa nangyari sa kanya sa States. Never ko ding natanong kasi feeling ko hindi niya gustong magkwento, na wala akong karapatang malaman. Kasi iba na siya.

O baka... Baka ako ang nagkulang dahil ni minsan hindi ko man lang nagawang kamustahin ang mga pinagdaanan niya.

Baka naging selfish ako. I just focused on how hard it was for me. Hindi ko man lang nausisa kung anong tunay na nararanasan niya.

Baka hindi siya ang nagbago...

Baka ako.

"Kaya nga siya nag-audition sa tv competition after niyang nalamang muntik na siyang magkaroon ng music career sa Pilipinas. Akala niya kasi, iyun yung kulang," pagpapatuloy niya. "He won pero... Hindi pa rin siya naging masaya. That's when I told him to go back to the Philippines and see his friends."

"Ikaw ang..."

She shook his head cutely. "Not exactly. Hindi naman kasi siya agad pinayagan lalo na ni Mom at ng management niya."

"So paano siya nakabalik?" paguusisa ko.

"Well, they received a business offer from Kuya Louis. Nalaman ng management na mayroon nang dating following si Kuya Clark dito sa Pilipinas kaya pinayagan nila. Ganoon daw talaga, they'd go where the money is ika nga."

Tumangu-tango ako. "I see."

"Yep. Of course, mom was not happy pero it's work kaya wala na siyang nagawa... Pagkatapos no'n, alam mo naman na ang nangyari. He came back here. Pero nahirapan din siyang mag-adjust. Sobrang naiilang siya kahit sa friends niya. Syempre, lalo na sayo."

"It actually felt like he hated me nang malaman niya kung sino ako."

Umiling-iling ulit siya. "Kuya Clark? No. He called me the moment he knew. He was really angry. Pero hindi sayo kundi sa sarili niya."

"Pero..." turan ko. "Hiniling nga niya sakin na kalimutan ko na siya."

"Ate Sky, imagine you're in his position. Nalaman mong may naghihintay sayo for years, pero hindi mo siya maalala. At kahit anong pilit mo wala kang magawa. Hindi mo alam kung kailan mo masusuklian ang paghihintay niya. He felt lost, Ate Sky... Pakiramdam ni Kuya mas masasaktan ka lang, mas mahihirapan lang kayong dalawa. He thought it was for the best na hayaan kang mag-move forward sa buhay mo na wala siya, since hindi naman niya kaya magbigay ng assurance na babalik ang memories niya."

Biglang may gumulong na luha sa pisngi ko na agad kong pinahid.

"But... He fell right back. He realized that it's you. Ikaw ang rason kung bakit siya nagbalik. He finally feel like he found the missing puzzle piece." Kinuha niya ulit ang mga kamay ko at hinawakan ito. "Kaya sana, huwag mo siyang sukuan. Kung ano mang nagawa niya this time, for sure hindi niya ginawa para saktan ka. Please, give my brother a second chance."

"Do I even deserve him, Maggie? I feel like I just keep on disappointing him ano man ang gawin ko."

She shook his head. "Not my kuya. With or without memories, siya pa din si Clark Stevenson. At ikaw pa rin ang Sky niya. Ano man ang desisyon mo, I'll understand. Pero sana pakinggan mo lang siya. Give yourself a chance to find the old Clark in him again. You'll realize that he's just the same... He'll always choose you."

*******

thatwallflowerwrites © 2020

Super late update. Sorry sorry. ☺️🙏

Take care always. God bless.

-- jen 🌺 ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

28.8K 1.1K 101
I love writing poetries, that's why I made this section for my written works. Hope you enjoy reading! :)
Falling again By 2_3

Teen Fiction

14K 573 52
She once confessed her feelings for him But he reject her Many years has passed. They met again will she fall again to him? Is he going to accept h...
78.4K 1.2K 199
Patuloy pa'rin akong magsusulat hangga't meron akong mga mambabasa. ✏WOMANunulat
The Spanish Guy By mandirigma

Historical Fiction

693 164 29
TO BE PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS Set in a Spanish colonization era in the Philippines a historical romance takes place between Rosa Garcia...