Lucid Dreaming

Od Jazshe

9.2K 319 35

Isang nerd na maka-ilang beses nang nasaktan ng pinakamamahal niyang babae. Ni hindi iyon alam ng babae na ma... Více

Prologue
Chapter 1 - Lainedon University
Chapter 2 - Electricity
Chapter 3 - Silent Melody
Chapter 4 - Unfortunate stone
Chapter 6 - Agony
Chapter 7
Chapter 8 - First Date
Chapter 9 - Jen & Jm
Chapter 10 - Valentine Special part 1
Chapter 11 - Valentine Special Part 2
Chapter 12 - The Epic Failure!!

Chapter 5 - A Nightmare

379 22 2
Od Jazshe

Jazzy's POV

Oh! Ba't andito nanaman ako sa garden na to!!? Hayaan na nga, maganda naman dito. Ganun parin naman yung itsura ng lugar dito. Maganda nga katulad ng sabi ko kanina, maraming bulaklak, at syempre parang paraiso. Yung mga hayop naglalaro lang sa paligid.

Pero meron pa rin namang nagbago, katulad ng pagkakaroon ng mga pagkain dito sa harapan ko. ^(oo)^ Nagdilang anghel ata ako nung last na punta ko dito. Ahihihi. Dami pagkain, nakakagutom tuloy. Yum yum yum!!!

Kukuha ba ako o hindi? Kukuha ba ako o hindi? Ay wag na nga!!!

Naisip ko lang na pwede na akong tumira dito eh. Sobrang ganda kasi. Maisama nga si ash minsan dito.

At mabubuhay kami ng matiwasay... Hihihi. Kinikilig talaga ako sa iniisip ko! ∩__∩

"Jazzy?" ay may tao pala! Si ano to ah. Si ano, sino nga ba?!!

Ba't ba antagal tagal ko na siyang nakikita eh hindi pa rin siya nagpapakilala?

"Who you (⊙o⊙)??" - Tanong ko. Sensya rude talaga ako minsan eh.

"Ahhm Alex ang pangalan ko. Bakit ka nga pala pangiti-ngiti kanina pa?" Sabi niya habang kinakamot ang ulo niya.  Huh. K-kasi nga naalala ko si ash-ashungot.

"Syempre masaya akong nandito ako nu!! ^_^" Sabi ko pa sa kanya ng may malawak na ngiti. Galing ko magpalusot no? Gayahin nyo minsan. Haha. Pero ang totoo ay masaya ako, dahil maraming pagkain!!

Pero huwag kayo uy. Half truth naman yung sinabi ko no. Gusto ko talaga ang place na to. Maaliwas na tahimik na mabango. Mabango yung pagkain. Kuha nga ako-

"Talaga! Totoo?" - Ay nagulat naman ako dun. Kukuha na sana ako eh pinigilan pa niya ako. And biglang lumiwanag yung mukha niya nang marinig niya yung sinabi ko kung ba't ako masaya. Literally, nagkaroon talaga ng parang liwanag yung mukha niya. Tapos meron pang glitters glitters, ganun. Haha...

Ayaw nyong maniwala? Di Wag -_-.

"Uhmm Oo naman. Anong lugar ba to? Saka ba't lagi akong napapadpad sa lugar nato? At bakit yang mukha mo palagi kong nakikita dito? SAWANG-SAWA NAKU SA PAGMUMUKHANG YAN!! ....JOKE!!! Haha!!! " -jokes are half meant kaya :3 Psshh secret lang natin.

"Haha ganun ba. Andito ka kasi ngayon sa.... Isip ko. Sa panaginip ko, Sa mga pangarap ko, You're living on my dream bacause I'm Lucidly Dreaming of you... Always" - di ko talaga siya magets.

"Ahhh... Ok..... Ha ha"-  Yun nalang sinabi ko para kunwari naintindihan ko. Haba ng speech niya eh wala naman ako naintindihan. Nag-eenglish pa kasi!! Pwede namang tagalugin!! I-chinese japanese ko siya jan eh!!

Napatingin naman ako sa mga pagkain.●﹏● Nakakatakam. Biglang naging heart yung mga mata ko. I'm in realationship with foods na talaga!! But its never complicated!!

"P-pwede bang kumain muna?"- nakakahiya mang tanungin sa kanya iyon pero gutom na talaga ako eh. Ano magagawa ko. Kaso baka masabihan pa kong patay gutom nito eh! Huwag nalang kaya?  ̄﹏ ̄ pababayaan ko nalang magutom ang sarili ko, tapos, tapos... Waaahhh!! Hindi ko kaya!! Next time nalang ako magdadiet!! Pramiss!! Kapag January na, para yun ulet ang New Year's Resolution ko!!

" Oo naman! Hinanda ko yan lahat para sayo."- ahhh. Akin naman pala eh. Mwehehehe. Ano? Rambolan na!!

Susubo na sana ako pero bigla akong napatingin sa kanya.

"Ayaw mo kumain?"- tanong ko.

"Ok lang. Makita lang kita busog na ko."- siya habang nakatitig sakin. K, akin nalang lahat to. Hihihi. Sabi mo yan wala ng bawian!!

"Okay"- sabi ko nalang.

Susubo nalang ulit ak-

"Pero kung gusto mong may kasabay. Kakain nalang din ako ^_^"- pag-iinterupt niya sa pag-kain ko.

Tumango nalang ako. Gutom naku eh!! Susub-

"Kain na tayo^_^"-siya. Nanloloko ba to?

"KANINA KO PA GUSTONG-GUSTONG KUMAIN AT KANINA MO PA AKO PINIPIGILAN !!! ANO BANG PROBLEMA MO!!!" - inis na sigaw ko.

"A-ah. Wala. He-he. Kain kana. Mukhang gutom kana talaga"- sabi niya sa akin na natatakot. Haha dapat lang matakot ka lalo na pag gutom ako. Galitin mo na ang bagong gising, wag lang ang patay gutom!!

Last na talaga to. Kakain na talaga ak-

"A-ahh....…....................... Wala" - tinignan ko siya ng masama. Talagang hihirit pa ano?

Kumain na ako ng kumain. Ang saraaapp sarap talaga ∩__∩. Para akong nasa heaven . Sana ganito nalang palagi, para di ako palaging highblood.

"Anong lasa?"- tanong niya at parang hinihintay niya kung ano ang sasabihin ko. Siyempre a delicious food deserves a great compliment naman.

"Masarap, sobra! Sino nagluto?" - masayang sabi ko sa kanya. Ano ba yan, ang moody ko talaga. Hehe ganun talaga kapag may pagkain. Pag-stressed ka baliktarin mo ang word na stressed at yun ang magiging solusyon para mawala lahat ng problema mo. ^_^

"A-ako"- sabi niya sabay kamot sa batok.

"Ahhh. Kaya naman pala ang pangit ng lasa. Grabe pinagtyatyagaan ko na nga lang.-_____-"- sabi ko sa kanya na seryoso ang mukha ko.

Lumungkot naman yung mukha niya. Kanina parang nanalo sa lotto, pero ngayon nawala bigla dahil parang binawi lahat sa kanya yun at hindi talaga siya ang nanalo. Si pepito manaloto pala!!

"A-akala ko kanin-"

"JOKE!! Hahaha"- syempre joke lang yun nu! Mauubos ko ba ng ganito kung hindi yun masarap?

Naging masaya naman na ulit ang mukha niya. Ang lawak nga ng ngiti niya.

Hinawakan na lang niya bigla yung kamay ko. Sabay kaming napatayo sa upuan. At nagulat pa ako ng bigla niya akong hilain.

Hindi ko alam kong saan kami papunta at wala akong ideya kong bakit pa nga ba ako sumasama sa kanya gayong alam ko namang di ko pa siya ganoon kakilala. Ni wala akong alam kahit isang impormasyon tungkol sa kanya.

Pero kahit ganun parang ang gaan na ng loob ko sa kanya. Parang kilalang-kilala ko siya. Y(^_^) Siya siguro yung nakasulat na wanted na nakasabit sa puno. Joke!!

Nakarating kami sa pinakadulo ng lugar nato'. Wow, as in wow talaga!! Matatagpuan mo lang naman ang white sand beach. Hindi lang siya masyadong nakikita dahil natatakpan siya kanina ng garden. Ang linaw ng tubig!! Pramiss!!

Hapon na pala. Umupo ako para panuurin ang sunset. First time kasing mangyari to kaya susulitin ko na. Umupo rin naman siya sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya at ganun din ang ginawa niya bilang ganti.

Matagal lang akong nakatitig dun sa papalubog na araw. Mga ilang oras na siguro kaming nai-stay sa ganung poaisyon.

Lumingon ako sa kanya at nakita kong ang seryoso ng expression ng mukha niya. Ang lalim ng iniisip niya. Para ngang dala dala niya ang buong mundo eh.

"May problema ba?" - inosenteng tanong ko sa kanya. Gulat naman siyang napalingon sa akin dahil sa biglaan kong pagsasalita. Hindi nga ata niya napansing nakatitig ako sa kanya kanina pa. Ibubuka niya ang bibig niya pero isasara niya ulit. Parang meron siyang gusto sabihin na hindi niya masabi sakin. Napayuko na lamang siya.

"Sorry."- sabi niya ng may malungkot na tinig.

"Bakit naman? Anong pinag-sosorry mo. Wala ka namang ginawang kasalanan sakin ah?"- saad ko. Nalilito na talaga ako sa mga nangyayari. Bakit ba ganyan siya kumilos. Di ko na talaga siya maintindihan.

"Sorry kung di kita kayang protektahan sa kanya. Sorry dahil kahit alam kong masasaktan ka niya pero wala akong magawa. Sorry"- sabi niya.

"Ano? Sabihin mo nga ano ba talagang nangyaari? Ba't bigla ka nalang nagsosorry at sino ba yang sinasabi mong sasaktan lang ako?"- Napatayo na talaga ako. Sino ba talaga? Please sagutin mo ko. Kinakabahan kasi talaga ako eh. Iisa lang naman ang...

"S-si Ash. Please layuan mo na siya. Sasaktan ka lang niya. Sakin ka na lang. Mahal kita, mahal na mahal. " nagulat ako sa biglang pagluhod niya tapos hinawakan pa niya yung kamay na parang nagmamakaawa. Pero mas nagulat ako sa mga sinabi niya. Bakit? Bakit ba niya sinasabi ang mga bagay na yun kay ash?!!

Isa din ba siya sa mga taong gustong sumira sa amin. Isa ba siya sa mga taong naiinggit at gusto kaming paghiwalayin. Ano bang problema nila at halos lahat sila pinakikialaman kami.

"Bakit mo ba sinisiraan si ash akin. Wala naman kaming ginawang masama sayo. Huwag mokong lokohin dyan sa mga kasinungalingan mo para lang lumayo ako kay ash. Dahil alam kong mahal niya ako kaya't hinding-hindi niya magagawa yun! Alam mo rin sigurong mahal ko siya kaya please, itigil mo na yang kahibangan mo."- sabi ko ng seryoso.

"P-please, maniwala ka."- sabi pa niya. At hinawakan ang mga kamay ko.

"At bakit ako maniniwala sayo! Ni hindi nga kita kilala! Anong akala mo basta basta mo nalang kami masisira? "- sigaw ko sa kanya. Lalo akong naiinis eh. Yun nga eh, ni di ko siya kilala, mahalin pa kaya!!?

"Maniwala ka, ako ang nagmamahal sayo. Matagal na.."- malungkot na sabi niya. Hah! Napatawa naman ako dun.

"Wala akong pakialam sa pag-mamahal mo. Di kita mahal ni di nga kita gusto eh. Huwag. Kang. Umasang. Magkakagusto. Ako sayo. KAHIT KONTI. "- blanko ang mukha ko habang unti-unting binibigkas ang mga katagang yan. Marahas kong binitawan ang mga kamay niya.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at naramdaman ko kung paano siya nasaktan sa mga sinabi ko.

"G-ganun ba? Sorry." - Ani niya. Nagulat ako nang makita kong may pumatak na mga luha galing sa mata niya. Yumuko siya para pagtakpan ang mga luhang yun.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Maging ako man ay nagsisisi sa mga sinabi ko. At lalo akong nasasaktan na makitang, may isang taong nasasaktan nang dahil lang sakin. Ni wala akong ideya sa kung ba't siya nasasaktan ng ganun.

Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung ano ang totoo. Naawa ako sa kanya, dahil sa nakikita ko ngayong sakit na nararamdaman niya. Nakaluhod siya at umiiyak, nagmamakaawang mahalin ko siya.

Pero...

Hindi, hindi ko yun magagawa.

Ngayon ay tumayo na siya sa pagkakaluhod niya. Agad niyang pinunasan ang pisngi niya. Tumalikod siya at unti-unting lumalakad palayo mula sa akin.

Biglang kumulog at kumidlat ng malakas. Malakas na malakas. Humangin pa at umulan. Parang nag-aaway ang panahon ngayon. Dahil mas malakas pa ito sa kahit anong uri ng bagyo.

Unti-unti siyang lumingon sa akin. At sinabi ang mga katagang hinding-hindi ko talaga inaasahan.

"Huwag kang mag-alala, simula ngayon hindi na kita pakikialaman. Hindi na kita pipiliting mahalin mo rin ako. Sana maging masaya ka."- sinasabi niya yun habang pinilit na pigilan ang mga luha niya na kanina ko pa nakikita.

Bakit? Bakit ako pa?

_______________________

"Waaaaahhhhhhh-uggh-uggh"- anu bayan! Nakakain pa ata ako ng lamok!! dahil sa biglaan kong sigaw. Kagigising ko lang at lamok agad ang naging breakfast ko. Kadiri talaga.

Ang sama tuloy nang pakiramdam ko... Teka ba't bako umiiyak? Pilit kong inalala pero habang nag-iisip ako, lalong nawawala yung iniisip ko eh. Nanaginip lang ata ako ng masama. At hindi ko na maalala, malamang. Ang pagkakaalam ko kasi, pag pilit mong inaalala ang napanaginipan mo, ay lalo naman itong nawawala.

Late na ako ng gising at naalala ko nalang yung date namin ni ash... Ash? Kinabahan tuloy ako. Parang may nagsasabing wag nalang akong tumuloy sa date na yun. Parang hinihila ako at ayaw akong paalisin.

Ang sama lang siguro nang pakiramdam ko.  Naligo pa rin ako at kumain na din sa baba pagkatapos maligo. Nag-ayos din ako kahit medyo kinakabahan ako.

Hinihintay ko nalang ngayon si ash na sunduin niya ako. Nanonood palang naman ako ng tv eh.

Mga 30 minutes pa ang lumipas bago ako nakatanggap ng text mula sa kanya. Napaface palm nalang ako sa text niya.

Hindi daw niya ako masusundo kaya pumunta nalang daw ako sa lugar na sinabi niya. Hayy ano pa nga bang magagawa ko? Baka naman may surprise talaga siya sa akin kay hindi niya ako masusundo? Haha ganun na nga. Naexcite tuloy ako. ^_^

Nagcommute na ngalang ako... Pagkarating ko doon ay wala naman siya. Naiinis na talaga ako. Hayy ang tagal naman ng surprise niya.

Naghintay pa ako dun sa waiting area ng matagal. Sana di nalang siya nag-aya kong di rin naman pala siya makakapunta. Nakakainis!! Sinabunutan ko na talaga yung sarili ko dahil sa sobrang frustration!!

Pinagtitinginan na nga ako ng mga taong napapadaan dito eh. Pero hindi napalagpas sa akin ang malalalim na tingin ng lalaki sa upuan na tabi ko.

"ANU!!?" - sigaw ko sa kaniya. Lalo akong naasar sa mga mukha niya!! Nakadrus si kuya -___-.

Ngumiti lang siya ng makahulugan. Bigla tuloy akong natakot sa tingin niya. Mukha talaga siyang adik eh. Nakakapangilabot siya huh? Parang aswang sa dilim!!

Umalis na ako sa lugar na yun. Wala na, tapos na ang oras na paghihintay ko sa kanya. Bakit ba hindi siya dumating. Ilang beses ko na siyang tinawagan at tinext pero wala pa rin... Paasa sya!!

Naiiyak na nga ako eh. Mahirap kaya maghintay! Nakakainip!

Naglalakad ako mag-isa nang may mapansin akong kotse. Nabuhayan naman ako bigla ng loob! Kay ash to! Alam kong sakanya to!

Sabi na nga pumunta talaga siya dito eh. Hinanda ko na ang mga sasabihin kong sermon sa kanya. Aba pinaghintay niya kaya ako ng halos tatlong oras nu!

Lumapit pa ako sa kotse para makita ko na siya. Siguro ginodood time nanaman ako neto..

Pero iba ang nakita ko... S-sa kabilang side ng kotse niya, nakita ko siya... (~_~メ)

May babaeng kahalikan. Hindi ko inaasahan ang masasaksihan ko ngayon. Napatakip ako sa bibig at napahawak sa gilid. Unti-unting namumuo ang tubig sa mga mata ko. Hindi ko na talaga matiis ang mga pangyayaring nakikita ng sarili ko pang mga mata. Tumalikod ako at agad na tumakbo papalayo sa kanila.

Papalayo sa lalaking mahal na mahal ko na niloloko lang pala ako.

Umiiwas ako sa sakit. Sa sakit na malaman ang katotohanang hindi niya ako sinipot sa date namin at malaman laman kong may kahalikan lang pala siyang babae ngayon.

Tumakbo lang ako ng tumakbo at hindi ko maiwasan ang mapaluha ng sobra. Grabe!! Ang sakit. Ang sakit-sakit talaga ng nararamdaman ko.

Yung sakit na minsan ko pa lang maramdaman. Eto na yun eh, parang naipon lahat yun at mas masakit pala pag pinagsama-sama sila. Hindi ako makapaniwa dahil ni minsan, hindi niya ginawa saken yun. ︶︿︶ Ngayon palang.

Napahinto ako sa pagtakbo nang makita ang lalaking nakatayo ngayon sa harap ko.

Nakangiti siya ng malawak at sobrang nakakatakot. Pinunasan ko agad ang mga luha ko. Tinignan niya ako mula sa baba pataas. Ang manyak!

Naiinis na nga ako lalo pa siyang dadagdag!!

"Lumayas ka nga!"- sigaw ko sa kaniya. Nagtatapang-tapangan lang ako. Pero ang totoo, nanginginig na talaga ako sa sobrang kaba.

"Matapang ka miss ah!!! Ano? Iniwan ka naba ng boyfriend mo? IYAK PA!! HAHAHAHA"- manyak habang tumatawa ng nakakapangilabot.

Umirap lang ako. Wala siyang pakialam! Linagpasan ko na lang siya dahil gustong gusto ko na talagang umuwi at magbabad nalang sa kwarto at umiyak ng umiyak magdamag. Feeling ko nga, sobrang pagod na ng katawan ko eh. Any time baka mahimatay ako.

"At san ka pupunta"- sabi pa sakin ni manyak sabay higit sa braso ko. Mariin akong napapikit. Parang mapipilay na talaga ako sa sobrang higpit ng hawak niya, pero di ko yun pinakita sa kaniya. Ayokong magmukha akong kaawa awa.

"ANO BANG PROBLEMA MO!!!"- sigaw ko sa kanya. Eksena naman kasi to eh..

"Sumama ka muna sakin miss. Siguradong mag-eenjoy ka!" - binitawan ko ang pagkakahawak niya sa akin. Ang dami talagang masasamang tao ngayon sa mundo!!!

Bigla na lang akong tumakbo ng mabilis na mabilis. Ang lakas na nga ng tibok ng puso ko eh. Takot na takot talaga ako. Di ko pa naman masyadong alam ang lugar nato.

Pero mas mabilis siya sa akin. Hindi ko alam nasa likod ko na pala siya. Marahas niyang hinablot yung buhok ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit.

Tatawa tawa pa siya nang mahuli niya ko. Habang hawak ang buhok ko ay sinampal naman niya ako. Ouchh.. Ang sakit.

"Ano? Tatakas ka pa hah!'- nakangiti pang sabi niya.

"BALIW!!!"- sigaw ko sa kanya saka siya dinuraan sa mukha.

Lalo ata siyang nainis sa ginawa ko sa kanya eh. Tinignan niya ko ng masama at saka sinuntok ang tiyan ko. Napaaray ako sa ginawa niya. Ang sama niya. Ang sama-sama!

Bigla na lamang niya akong kinaladkad habang hawak ang buhok ko. Umiiyak ako dahil sa sakit. Napadapa pa ako. Pero patuloy pa rin siya sa pagkaladkad sa akin.

Kumuha ako ng isang malaking bato at mabilis na ipinukpok sa ulo niya. Sumigaw siya ng malakas. Marahil ay dahil sa lakas ng pagkakapalo ko sa kanya. Nakita kong nagdurugo ang ulo niya kaya mas kinabahan pa ako. Takot ako sa dugo eh.

Pero nagulat pa ako ng magsalita siya.

"H-hindi mo ko matatakasan!!'- tatayo pa sana siya pero bigla na lang siyang nawalan ng matay. Para akong tangang nakatulala pa rin.

Pero nung bumalik ako sa realidad, dahil sa inis ko ay sinipa-sipa ko pa rin siya kahit wala na siyang malay. Nakakainis!!!

Tumakbo na ako ng mabilis para makaiwas na sa kanya. Umiiyak pa rin ako habang tumatakbo. Naghahanap ako ng lugar na maraming tao para hindi na niya ako masundan.

Dala ng pagod ay bigla na lamang akong napahinto at naging sariwa lahat sa isip ko ang mga nangyari.

Ang paghihintay ko ng matagal. Ang nakita kong may kahalikan ash at higit sa lahat ay yung muntik pa akong marape.

Si ash! Kasalanan mo to!!! Bakit? Bakit mo ba ginagawa sakin to?

__________________________________

"Sa buong buhay ko lagi nalang akong sunud-sunuran."

"Sa buong buhay ko lagi nalang akong nanglilimos ng pagmamahal na kailan may di maibigay sa akin ng aking mga magulang."

"Masama na bang maging masaya kahit minsan lang."

"Masama na bang manlimos ng pagmamahal kahit konti lang."

"All I want to is be loved and the freedom na kailan may di ko nadama at naranasan."

Havey po ng drama. Alam ko pong walang connect yan sa story ko kasi wala naman talagaaa.. Prolouge po yan ng Last Tear.. Huling iyak na daw pero alam ko madami akong iiiyak sa kwentong to.. Huhuhu..
Kung maiiyak po kayo sa story na to, pigilan nyo nalang po kasi po Last Tear daw po eh...huhu

Mag-propromote lang po ng story ng aking mahal na bestfriend.

Basahin niyo po. "Last Tear" by morales_mirasol 

~jaz

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...