Chapter 9 - Jen & Jm

243 15 0
                                    

Jazzy's POV

Flashback

Nagulat Ako nang makita ko si ash na nakahandusay sa sahig at punong puno ng dugo yung mukha at damit niya. Naiinis ako sa taong may gawa nun.

Lumapit ako kay ash at nakita kong nakatayo pa rin yung lalaki sa harap namin. Dahil sa inis ko ay nasigawan ko siya.

Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha niya. Ano pa nga bang ikinabibigla niya?

His face seems so familiar. Parang nakita ko na siya but I can't remember it.

Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya at itinuon ko ang atensyon ko kay ash. Umiiyak ako dahil nasasaktan ako na makitang ganito ang nangyari sa kanya. Hala. Hinawakan ko bigla yung mukha niya. Kawawa naman ang mukha niya. Di na makinis! Di bale magpulbo nalang siya!!

Naramdaman ko namang umalis na yung lalaki sa likuran ko. May pinulot muna siya atsaka ko narinig ang mga yapak niya papunta sa labas ng pinto.

Napatingin naman ako bigla kay ash ng tabigin niya ang mga palad kong nakahawak sa mukha niya.

"Bakit? Anong problema ash?"- sabi kong hindi makapaniwala.

"Umalis kana..."- sabi niya ng may cold na tingin. Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit niya ba ko ginaganito...

Pero kahit ganun ay hindi pa rin ako nagpaawat. Hindi ko siya pwedeng iwan ng ganyan ang kalagayan. Nag-aalala kasi ako talaga ng sobra sa kanya. Ang dami pa niyang mga pasa. Kailangan magamot ko to agad.

"Ash... Hindi pwede bak-"

"SINABING UMALIS KANA!!!"- nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw sa akin. Ni minsan hindi pa niya ko nasigawan ng ganito.

Kusang tumulo yung mga luha ko at mabilis na tumakbo papunta sa CR at doon ibinuhos ang lahat ng iyak ko na kanina pa gustong lumabas.

Ano na bang nangyari kay ash ngayon? Bakit parang hindi ko na siya kilala....

Please ash bumalik ka na sa dati. Miss na miss ko na yung dating ikaw.. miss na miss ko na yung lalakeng mahal ko........

End of Madugong Flashback

"WAAAAAAHHHHHHHHH!!!"- sigaw ko habang kumakain kami ngayon ni zeb. Nagsitinginan na yung mga tao sa paligid ko pero wala pa rin akong pakialam!!! Kumain nalang sila dyan at wag silang mangealam ng iyak ng may iyak!!

"T-teka lang... Tumahan kana please..."- sabi ni zeb habang natutuliro dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. Kung anu-ano nang ginagawa niya. Tapos nanginginig din yung kamay niya.

"BAKIT?? BAKIT NIYA TO GINAGAWA SAKIN!!!!"- malakas na tanong ko habang sumisigaw sa kanya. Naging mabait naman ako ah! Minsan!!! Atleast mabait pa rin nu!!

"Ssshhhh tama n-"

"WAAAAHHHHHH HUHUHUHU"- malakas pa rin na sigaw ko. Kanina ko pa kasi pinipigilan eh. Mahirap pigilan ang iyak!!

"Pag hindi ka tumigil babayaran mo lahat to!!!"- bigla naman akong napatahimik dahil sa sinabi niya.

"Huhuhu ANG SAMA MO TALAGA!! Dapat kino-cimfort mo ko eh!!!"- nakaainis talaga tong lalaking to'. Pagkain na nga lang ang nagpapasaya sakin eh!!! Tapos ipapabayad pa niya sakin!! Lahat-lahat!! Ganun!!

"Pano ko naman gagawin yun?? Eh halos mabugbog mo na nga ako.. Tapos kanina pa tumatalsik sakin yung pagkain sa bunganga mo...!"- sabi niya.

It hurts you know!! ﹋o﹋. Parang sinasabi na niyang dugyot ako kumain!!(bakit di ba totoo?). Tsaka bakit ba niya ko nilalait? Nasasaktan din ang inosente at kawawang si jazzy nu!!!

Lucid DreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon