Setting Fire on Roses (CNS#1)

By cvillaflor

98.5K 3.1K 902

Casa Novia Series #1 Lycus Nelion Villanueva is a doctor who also happens to be a businessman. In a summary... More

Setting Fire on Roses (CNS#1)
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Wakas

Chapter 23

2.1K 76 13
By cvillaflor

Chapter 23

Decision

Labag sa kalooban akong pumasok sa kotse ni Lycus. Wala naman na din akong magagawa. Naghintay ako ng halos kalahating oras na siguro pero hanggang ngayon ay wala pa ding Demeter na dumating kaya pumayag nalang ako sa gusto ni Lycus.

Tahimik ang naging byahe naming dalawa. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Medyo malayo pa man din ang pinang-galingan namin pabalik sa hotel kaya naman ang tagal ng byahe naming dalawa.

Talagang yare saakin si Demeter mamaya pag-uwi ko. Paano ba naman kasi, hindi ko maintindihan kung iniwan ba niya ako or sadyang ako ang nawala. Kung ganoon, sana manlang ay hinanap niya ako.

Naituro ko na kay Lycus ang daan patungong hotel namin kaya naman diretso nalang siya habang nagmamameho. Tahimik lang ako at wala akong balak na kausapin siya, lalo na at matapos no'ng mga sinabi ko sakanya kanina.

Mabuti ay hindi nagtagal, nakadating na din kami sa parking lot. Akmang bababa na sana ako nang makita kong bumaba din si Lycus kaya naman sandali akong natigilan.

"Don't tell me, hanggang sa loob ay ihahatid mo ako?" pangunguna ko sakanya sabay taas ng isang kilay dito.

He nodded softly. "Just to make sure you're safe." sabi nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Tumikhim ako ng mahina at umiwas ng tingin sakanya. "Ayos lang nga ako, hindi naman na ako mawawala d'yan." sabi ko sabay irap sakanya.

But he only smiled kaya naman mas lalo akong nainis sakanya. "Go on, ihahatid na kita." sabi nito sabay senyas saakin na bumaba na ng sasakyan.

Aangal pa sana ako pero ayoko na din namang patagalin ang usapan. Hindi na ako muling lumingon sakanya at bumaba na lamang sa sasakyan at naglakad patungong lobby, habang siya ay nakasunod saakin.

Muli ko siyang nilingon para pigilan ulit nang nasa elevator na kami. "Dito ka nalang, huwag ka ng papasok sa loob." sabi ko pa sakanya.

Hindi siya sumagot at nanatili ang tingin sa harapan. Ewan ko din ba sa sarili ko. Ayokong papasukin siya sa hotel kung saan ako nandoon, at hindi ko din alam kung bakit, basta ay ayoko lang.

Iritang lumabas kaming sabay sa elevator na iyon. Naiinis talaga ako sakanya sa sobrang daming dahilan. Una, ang kapal niyang ihatid ako hanggang sa mismong hotel ko talaga. Kahit na tinulungan niya ako kanina ay naiinis pa din ako.

Itinapat ko na ang card sa pinto at saktong bumukas naman iyon. Nagtataka nga ako kung bakit madilim at doon ko lang natantong wala pa pala dito si Demeter, kung ganoon ay nasaan siya?

"Mag-isa ka din dito?" tanong ng nasa likod kong si Lycus na sumunod pa talaga saakin papasok sa loob.

Hindi ko siya nilingon pero patago ko lang siyang inirapan. Binuksan ko ang switch at doon tumambad ang malawak sa silid. Agad naman akong tumakbo sa parteng kama dahil may naiwan pala akong bra do'n!

Narinig ko siyang mahinang humalakhak pero hindi ko nalang iyon pinansin at tinago nalang sa ilalim ng kama ang bra ko. Pagkatapos ay muli ko siyang nilingon na parang wala lang.

"Okay na. Na-hatid mo na ako, makaka-alis ka na." pagtataboy ko sakanya.

Napawi bigla ang ngiti niya at napalitan iyon ng seryosong mukha dahilan para medyo kabahan ako do'n. What's with that expression? Bakit parang galit nanaman siya saakin?

Agad siyang umiling. "Nope, sasamahan kita dito." walang pag-aalinlangang sinabi niya iyon.

Napatawa na lamang ako ng malakas, halos humawak pa ako sa aking tiyan sa sobrang tawa ko sakanya. Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin iyon. Wala ba talaga siyang hiya? Parang wala lang sakanya ang mga lumalabas sa bibig niya.

Kalaunan, nang natauhan ako ay biglang sumeryeso ang mukha ko. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Why is he acting like he cared for me? Talaga bang may pake siya or naghihiganti lang?

Sinamaan ko siya ng tingin. "Enough for your shits. Makaka-alis ka na, inaantok na din ako." taboy ko ulit sakanya.

Mas lalong nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. "No. I'll not leave here until I make sure that you're safe." he seriously said.

Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya. Bakit nakakaramdam ako na parang niloloko niya lang ako?

Umiwas ako ng tingin sakanya at doon pumikit ng mariin. "I'm already safe here. Pati, ano bang pakealam mo?" irap ko sakanya.

Narinig ko siyang marahas na bumuntong hininga. "Hindi mo ba talaga nararamdaman? It's obviously because I cared for you." medyo napatalon pa ako sa sinabi niyang iyon.

Bahagyang umawang ang aking labi at kalaunan ay ilang beses akong kumurap. Tama ba itong naririnig ko? Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya? Manhid na ba ako no'n?

Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin, lalambot na sana ako sakanya kaso lang ay naalala ko ang nadatnan ko sakanila ni Nami noon. Alam kong wala naman kami ni Lycus, hindi hamak na ex niya lang ako pero nasasaktan ako kasi mahal ko siya.

"You cared for me? Stupid." iyon ang tanging nasabi ko.

Naka-iwas ako ng tingin sakanya. Natatakot ako na baka kapag tinitigan ko siya sakanyang mga mata ay makakita ako ng kakaibang emosyon doon. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isa lang ito sa mga patibong niya.

Ilang beses akong huminga ng malalim at siya naman ay sandaling natahimik na para bang natusok siya doon sa mga sinabi ko. Hindi ko naman siya sinasabihang stupid, ang sinasabihan kong stupid ang iyong mga sinabi niyang salita.

Ano pa nga bang sasabihin ko sakanya? Sa totoo lang ay nahihiya na ako. Hangga't maaari ay ayoko na siyang makasama at maka-usap pa dahil pakiramdam ko, baka kung saan saan lang mapunta ang usapin naming ito.

"Why don't you believe me? Bakit, Axilla?" halos mapatalon ako dahil parang nakaramdam ako ng sakit sa boses niya.

Hindi ako sumagot. Bakit nga ba hindi ako naniniwala? Kasi natatakot akong baka isa lang ito sa mga kalokohan niya? Kasi baka isang araw, bigla nalang ulit siyang hindi magpakita. Baka, maniwala nanaman ako sa mga salita niya.

Ilang beses pa akong lumunok at napahawak na lamang sa lamesang naroon dahil nakaramdam nanaman ako ng hilo. Panigurado ay pagod na pagod na ako dahil kanina pa ako inaantok.

Agad ko namang naramdaman si Lycus na naka-alalay na agad sa likod ko. Hinawakan niya ang braso ko para alalayan ako, samantalang ako ay parang iikot na ang mundo ko.

"Are you okay? Take a rest, babantayan kita." wala na akong nagawa at hindi na nakasagot sakanya dahil sa sobrang hilong nararamdaman.

Kalaunan ay naramdaman ko nalang na marahan niya akong binuhay hanggang sa naramdaman kong inihiga na niya ako sa malambot na kama. Pagkatapos no'n ay agad na akong nilukod ng antok.

Agad naman akong nagising nang umagang iyon nang si Demeter na ang nasa tabi ko. Medyo nagulat pa nga ako dahil nasa tabi ko na siya, I wonder kung anong oras na siguro siya naka-uwi.

Nang maramdaman niya sigurong nagising na ako ay gumising na din siya agad. Bumangon ito at agad akong nilapitan at parang kinakamusta ang pakiramdam ko. Ako naman ay medyo magaan na ang nararamdaman, siguro ay dahil nakatulog na ako.

"Sorry kagabi," iyon agad ang sinabi niya nang lumapit siya saakin.

Nang naalala ko ang kagabi ay agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Saan ka ba galing kagabi? Alam mo bang muntik na akong mabastos tapos dumating si Lycus para iligtas at ihatid ako dito." kwento ko sakanya.

He sighed in frustration. "Iyon na nga, about do'n... uhm, sorry talaga? Hinanap talaga kita pero hindi kita makita, hanggang sa nakita kitang kasama mo si Lycus kaya hinayaan nalang kita." sabi nito dahilan para mas lalo akong magalit.

Kinuyom ko ang kamao sakanya. "Ah, so, kampi ka na ngayon kay Lycus? Akala ko ba galit ka din sakanya?" naiinis na sabi ko.

Napakamot naman siya sakamyang batok. "Pasensya na talaga, naisip ko lang naman na ayokong maka-istorbo sainyo." sabi nito sabay tawa pa ng mahina.

Inirapan ko siya and I gave him a middle finger up. "Fuck you!" I shouted at him at pagkatapos ay bumangon sa kama.

Habang kumakain ay biglang may pumasok sa isip ko. Siguro ay uuna na kami ni Demeter pabalik sa Pilipinas dahil hindi ko na talaga kaya dito sa California, lalo na at lagi ko nalang nakikita si Lycus.

Gusto ko na ding umuwi dahil parang wala din naman akong napala sa bakasyon ko kuno, paano ba naman kasi ay imbis na magaan sana ang pakiramdam ko, dumating si Lycus at laging sinisira ang araw ko.

Kaya ng umagang iyon ay sinabi ko kay Demeter ang binabalak ko. Medyo nagulat pa nga siya sa biglaang desisyon ko pero nang sinabi ko sakanya ang dahilan ay agad naman niya akong naintindihan.

"Ang epal talaga no'n. Feeling ko nga ay sinusundan ka niya." komento niya at hindi ko naman mapigilang sumang-ayon.

Mabuti ay pumayag na din siya agad na umuwi na kami sa Pinas. Sinabi na din namin kay Tito na mauuna na kami pabalik pero hindi na namin sinabi ang dahilan. Mabuti ay pinayagan niya naman ako.

Nang nasa airport na kami ay parang nag-dadalawang isip pa ako kung tuluyan na nga ba kaming aalis, pero nandito na ako at wala ng dahilan para umatras pa. Para lang, may parte saakin na umaatras na umuwi na agad ako.

Nang maka-uwi kami sa Pinas ay agad naman kaming sinalubong ni Tita at ni Darius sa bahay nila. Sinabihan na kasi ni Demeter ang mga ito na ngayon ay uuwi na din kami. As usual, nanghingi ng pasalubong si Darius.

"Pasalubong!" iyon kaagad ang bungad ni Darius saakin, hindi manlang ako kinamusta.

Inirapan ko siya at sinenyasan na mag-buhat ng bagahe at iyon naman ang ginawa niya. Inihatid niya iyon hanggang sa kwarto ko at siya na mismo ang nag-bukas at naghahanap yata ng pasalubong niya.

Inilingan ko nalang siya at pumasok na sa banyo para agad na maligo. Pagod din ako sa byahe kaya magpapahinga muna ako ngayon. Nakakainis lang nitong mga nakaraang araw, lagi kong nakikita ang mukha ni Lycus.

Ilang araw simula nang naka-uwi ako dito sa Pinas. Hindi ko inalam kung umuwi na din ba si Lycus gaya ka, pero wala naman na akong balak alamin. Basta ang alam ko, hindi ko pa siya nakikita dito sa bansa kaya baka nasa California pa siya.

Nagpahatid ako kay Demeter patungong hospital dahil dadaanan ko ang OB ko, sabi kasi niya ay may check up daw ako ngayong araw na ito. Siguro, noong nakaraang araw lang ako kumuha ng OB at iyon ay 'yong kakilala ni Tita.

6 weeks na ang nasa tiyan ko, napapansin ko din na medyo lumalaki na ang tiyan ko kaya naman nag-suot nalang ako ng maluwag na damit para hindi ako mahalata. Hindi ko nga lang alam kung hindi ba iyon halata or halata talaga.

Noong umagang iyon ay mayroon pa palang naka-appointment kay Mrs. Bernando, kaya naghintay nalang muna ako dito sa lobby dahil maya maya din daw ay lalabas na ang kausap niya do'n. Hindi ko din naman napansin na medyo napa-aga pala ako.

Kinuha ko muna ang phone ko para kahit paano ay may pagka-abalahan ako. Ilang minuto din kasi ang lumipas at hindi pa lumalabas ang nasa loob kaya naman naisip ko na baka matatagalan pa sila, aabalahin ko nalang muna ang sarili ko.

Habang abala ko, napakunot ang noo ko nang nakarinig ako ng footsteps na papalapit saakin. Una kong nakita ang kanyang sapatos, pagkatapos ay dahan dahan kong inangat ang tingin ko sakanya dahilan para malaglag ang panga ko.

Anong ginagawa niya dito? Ibig sabihin ay talagang nandito na siya sa Pilipinas? He's staring at me deeply, parang kahit anong oras ay malulusaw na ako sa paraan ng titig niya saakin.

Bigla naman akong nilukob ng kaba. Ano ng sasabihin ko sakanya nito? Mas lalo akong kinabahan lalo na nang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at bigla iyong nag-tagal sa may parte ng tiyan ko. Wala sa sariling tinakpan ko naman iyon.

Tumayo ako at akmang aalis na sana nang bigla niyang hinila ang palapulsuhan ko dahilan para mapabalik ako sa harapan niya kahit labag iyon sa kalooban ko. Alam kong nakatingin siya saakin ngayon kaya ayokong tumingin sakanya.

"What are you doing here?" pabulong ngunit mariin niyang sinabi saakin habang hawak hawak ang palapulusuhan ko.

Ilang beses akong lumunok at halos hindi na nga ako makahinga. Ano pa kaya ang p'wede kong ipalusot nito sakanya? Wala na. Huling huli na ako. Pati, alam kong baka ngayon ay alam niya nang buntis ako.

Hindi pa din ako makatingin sakanya at nahihiyang mag-salita. Nakita ko naman siyang napatingin sa pinto sa tapat namin at pagkatapos ay nakita ko nalang na umigting ang kanyang panga. Alam kong alam na niya talaga, hindi ako tanga.

Nanatili akong nakatingin lang sa sahig. Kalaunan ay naramdaman kong binitawan na niya ako pero nanatili naman siya sa harapan ko at mukhang walang balak na umalis. Hanggang ngayon ay natatakot pa din ako sa hindi malamang kadahilanan.

Nang tignan ko siya ay nakita kong wala saakin ang atensyon niya. Parang may tinitipa ito sakanyang phone kaya naman nagkaroon ako ng chance para titigan siya. Kaya lang, nang bigla siyang tumingin saakin ay agad akong umiwas ng tingin.

Hindi ko ba alam kung bakit ganito nalang ka-grabe ang kabog ng puso ko. Sobrang bilis na halos marinig ko na ang bawat tibok ng puso ko, ganoon din naman ang puslo ko na sobrang bilis din ng kabog.

"Ms. Marques?" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may nag-salita sa likod namin.

Hindi ko alam kung pasasalamatan ko ba si Mrs. Bernando dahil lumabas na siya sa pinto para ihatid ako at papasukin sa loob. Walang sabi sabing sumama ako sakanya sa loob at hindi nalang pinansin si Lycus.

Wala na, sigurado akong alam na niya ngayon dahil hindi naman siya tanga. Hindi niya din iisipin na maaaring iba ang ama, alam kong sigurado siyang siya ang ama. Knowing Lycus, matalino iyon at kaagad niyang maiintindihan lalo na't isa siyang doctor.

Ilang beses yata akong huminga ng malalim nang umupo na ako sa upuan, kaharap ng table ni Mrs. Bernando. Napansin ko ding parang nakangiti siya saakin na parang inaasar ako na ewan.

"Close kayo ni Doc. Villanueva?" tanong nito habang may mapang-asar na tingin.

I sighed. Kung alam niyo lang po na siya ang ama ng dinadala ko. Nginitian ko na lamang siya at hindi sinagot. Ayoko ngang malaman ng marami na si Lycus ang ama ng anak ko, baka mamaya ay pag-tsismisan kami ng mga tao dito.

Chineck up niya lang ako. Tinanong kung stressed ba ako nitong mga nakaraang araw at sinabi ko naman ang totoo, sabi niya nga lang ay dapat daw na iwasan ko iyon dahil baka hindi kumapit ng mahigpit saakin ang bata.

"May heartbeat na ang baby, gusto mo bang marinig na iyon or sa ibang araw nalang kapag kasama mo na ang asawa mo?" bahagya pa akong natigilan sa sinabi niya.

Natutuwa ako dahil may heartbeat na ang baby ko, unti unti ay nabubuo na din siya. Hindi ko maiwasang sumaya pero malungkot din at the same time. Kasama ang asawa ko? Gusto ko nalang matawa dahil wala naman ako no'n.

"Yes, I want to hear her/his heartbeat." halos tumalon ang puso ko sa kaba nang narinig ko ang boses ni Lycus na naglalakad na ngayon papunta saakin.

Laglag ang aking panga habang nakatingin sakanya. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba ito or hindi, pero sa nakikita ko sa reaksyon ni Mrs. Bernando ay masasabi kong hindi ako nag-iilusyon.

Naka-ilang mura na yata ako sa isip ko. Bakit pumasok dito si Lycus? Malamang ay hindi naman naka-lock ang pinto. Ewan ko kung matutuwa or kakabahan ba ako sa sinabi niya. Ibig sabihin ay tanggap niya ba?

"D-Doc L-Lycus?" nauutal na tanong ni Mrs. Bernando at parang hindi pa ito makapaniwala sa sinasabi.

Ngiti lamang ang gawad ni Lycus at pagkatapos ay lumapit ito saakin at inakbayan ako dahilan para medyo mapatalon ako sa gulat na nararamdaman. Bakit ba siya ganito? Kaunting galaw niya lang ay parang nagkakarera ang puso ko.

Nakaka-intimida mas'yado ang titig niya saakin, parang sinasabi nito saakin na "humanda ka saakin at mag-uusap tayo mamaya." nang iyon ang pumasok sa isip ko ay agad akong kinabahan.

"We want to hear our baby's heartbeat." basag ni Lycus sa katahimikan.

Parang hindi pa ma-proseso ng utak ko ang lahat. Humawak pa ako sa pisngi ko dahil baka mamaya ay panaginip lang pala ang lahat, ayoko pa namang umasa, para kasing imposible itong sinasabi ni Lycus.

Tanggap niya talaga? Hindi ba siya galit saakin? Handa niya ba talagang tanggapin ang anak niya? Sa isiping iyon ay mas lalo akong kinakabahan. Paano nalang kung nag-hihiganti lang pala siya saakin, mamaya kapag nanganak ako, baka kunin niya lang saakin ang bata.

On the other side, laglag pa din ang panga ng OB ko at maging siya ay hindi pa din makapaniwala sa mga nakikita. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang isang sikat na bachelor doctor, ay may magiging anak na pala.

Kalaunan ay narinig kong tumikhim si Mrs. Bernando bago pinagpatuloy muli ang kanyang ginagawa. Nakita ko pa itong pinunasan ang kanyang pawis sa noo na para bang kinakabahan ito, miski ako naman ay kinakabahan din.

May inilagay sa tiyan ko at pinatingin saamin ni Doc. ang nasa screen, doon ay nakita ko ang anak ko na medyo nabubuo na pero rinig na rinig ko ang kanyang heartbeat. Wala sa sariling napaluha na lamang ako sa aking naririnig.

Wala sa sariling napatingin ako kay Lycus at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ko siyang namumula na ang mga mata at parang iiyak ito. Gusto kong murahin ang sarili ko, is he really crying?

No. Ayokong maniwala. Hindi ko siya kayang tignan lalo na't namumula ang mga mata niya, baka mamaya ay isipin kong naiiyak talaga siya. Ewan ko ba kung ano itong nararamdaman ko.

Masaya akong marinig ang heartbeat ng anak ko, pagkatapos naming marinig ay agad kong pinunasan ang aking luha at mahina akong suminghot para hindi nila marinig pero laking gulat ko nang napatingin saakin si Lycus.

Sandali niya akong tinitigan bago muling bumalik ang tingin sa monitor, kalaunan ay nawala na iyon dahil tapos na naming marinig ang heartbeat ng baby.

"C-Congratulations, Ms. Marques and uhm... Doc. Lycus," hindi makatinging sabi saamin ni OB ko.

Ramdam ko siya kaya naman nginitian ko na lamang siya. Nang tumayo ako ay agad namang hinawakan ni Lycus ang kamay ko dahilan para medyo magulat pa ako sa inasta niya pero hinayaan ko nalang siya.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya kinakausap, gano'n din naman siya na hindi pa ako tinatanong. Ngayon nga ay hinahanda ko na ang aking sarili para sa mga katanungan niya pero mukhang ayaw niya pang itanong.

Nang makalabas kami sa office ay marahan niya akong hinila patungong elevator at wala na akong nasunod pa at nagpa-tianod na lamang. Hanggang ngayon ay medyo kinakabahan pa din ako, baka mamaya kasi ay magalit siya saakin at saktan ako.

Nang makapasok kami sa elevator ay hanggang do'n, ang tahimik naming dalawa. Gusto ko nang umalis dito dahil sobrang awkward ng atmosphere, lalo na at kaming dalawa lang ang nasa loob ng elavator.

"Kailan mo nalaman?" nahihirapang tanong nito saakin.

Nanatili ang tingin ko sa harapan at wala siyang balak na harapin. Alam ko ang ibig sabihin niya sa tanong na iyon kaya naman walang pag-aalinlangan ko siyang sinagot.

"Noong 4 weeks pa lang ako," sagot ko sakanya.

Nakita ko sa gilid ng aking mata na tumango siya. "So, alam mo na noong nagkita tayo sa California." hindi iyon tanong.

Pumikit ako ng mariin at tanging tango nalang ang sinagot sakanya. Hindi nga ako makatingin manlang sakanya, ayokong tignan ang paraan ng titig niya saakin. Kinakabahan ako at natatakot sa hindi malamang kadahilanan.

"Bakit hindi mo agad sinabi saakin?" tanong pa nito saakin.

Hinarap ko na siya sa pagkakataong ito. Hindi ko na nakayanan ang sarili ko na mag-timpi. Ang kapal naman ng mukha niya. Hindi niya ba alam na nadatnan ko siyang may kasamang babae sa kama tapos tatanungin niya ako ng mga bagay na ito?

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo kung nakita kitang may kasiping na ibang babae sa kama sa condo mo, at no'ng panahon na iyon ay dapat na aaminin ko na sa'yo ang totoo. Pero anong ginawa mo? Pinalayas mo ako." sabi ko sakanya, nakatutok ang aking mata sa mga mata niya.

Naramdaman kong bahagya siyang nagulat dahil dire-diretso ang mga salita ko. Laglag ang kanyang panga habang nakatingin saakin at nakita ko pa siyang lumunoo ng malalim at parang hindi pa ito makapag-salita.

Caught on guard, Lycus? Masakit ba na masampal ka ng katotohanan? Matapang lang ako sa isip ko pero hindi ko iyon kayang sabihin sakanya ng harap-harapan.

"W-What?" kunot noong tanong niya saakin, halatang nagtataka ito sa sinabi ko.

Pagak akong natawa. Bakit ba lagi nalang siyang playing innocent? Kunwari ay hindi niya alam ang sinasabi ko pero ang totoo ay guilty siya. D'yan naman siya magaling, ang mag-playing innocent.

"Sino kaya 'yong nadatnan kong may kasiping na ibang babae sa sarili niyang kwarto sa condo niya?" tanong ko sakanya sabay taas ng isang kilay dito.

"I don't understand," sagot nito saakin dahilan para medyo matawa ako.

Really, Lycus? I can't believe you. Mabuti nalang ay agad na bumukas ang elevator. Walang sabi sabing agad akong lumabas doon nang hindi ko pinapansin si Lycus pero ramdam kong sinusundan niya ako.

Wala akong kasama ngayon pero dala dala ko ang kotse ni Demeter na hiniram ko lang sakanya. Akmang bubuksan ko na sana iyon nang humarang saakin si Lycus dahilan para matigilan ako.

"What!?" inis kong sigaw sakanya.

Hingal na hingal siya na mukhang hinabol pa talaga ako papunta dito sa parking lot. Inilagay niya ang kanyang kamay sa gilid ko dahilan para maikulong niya ako at hindi makawala.

"What are you saying, huh?" sabi nito sa kalagitnaan ng hingal.

I smiled at him sarcastically. "Tumabi ka na d'yan, p'wede ba? Uuwi na ako." sagot ko sakanya at pilit siyang tinutulak paalis saakin pero ayaw niyang umalis.

"I won't leave. Sasama ka saakin." matigas at may awtoridad nitong sinabi.

Napaawang pa ang labi ko sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Hindi purke't nalaman niya na buntis ako at siya ang ama ay p'wede na niyang gawin ito saakin.

"Ayoko!" agad kong angal sakanya.

Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at lumapit pa saakin. "No. Sasama ka saakin sa ayaw at sa gusto mo. Sa condo ko ikaw titira." diretsong sinabi nito saakin.

Ilang beses pa akong kumurap. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Naaamoy ko ang mabango niyang hininga na tumatama sa bibig at ilong ko. Mga ilang dangkal nalang siguro ay mag-hahalikan na kami.

Nakaka-intimidad ang tingin niya saakin. Marahan ang pagkakasabi niya niyon, ngunit sobrang dilim ng mga mata ang pinupukol niya saakin. Bumagsak ulit ang tingin ko sa sahig at nag-iisip ng kung anong gagawin.

"From now on, sa condo ka na titira kasama ako. Now, I'll help you to pack your clothes." sabi nito sa isang siguradong boses.

Angal na angal na ako sakanya pero bakit parang walang lumalabas sa bibig ko? Marahas akong bumuntong hininga. Ano ba kasing nakain ng lalaking ito at bakit ganito nalang ang asta niya saakin?

Sa condo na niya ako titira. Iyon ang sinabi niya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa tuluyang ma-proseso ang mga sinasabi niya saakin. Simula pa ito kanina, nang basta basta nalang siya pumasok sa office.

"Hindi nga ako sasama sa'yo!" angal ko ulit sakanya, ewan ko ba pero naiiyak na ako.

Biglang lumamlam ang mukha niya nang makita akong umiiyak at agad itong lumapit saakin. "Saakin ka na titira, okay? Dalawa na kayong aalagaan ko." marahan niyang sinabi saakin sabay baba ng tingin sa tiyan ko.

Lumunok ako. "Bakit naman ako sa'yo titira?" taas kilay kong tanong sakanya.

"Kasi, responsibilidad ko kayong dalawa." sagot nito sabay tingin ng diretso sa mga mata ko.

Napatigil naman ako doon sa sinabi niya. Tama nga naman siya. Responsibilidad niya kami dahil siya ang ama ng dinadala ko pero bakit kailangang sa condo pa niya ako tumira? Hindi ba p'wedeng sustentohan niya nalang itong bata?

"Hindi ako titira sa'yo. That's my final answer." sigurado kong sinabi sakanya.

Kahit medyo nahihirapan na ako ay nagawa ko pa din siyang harapin at sabihin ang mga salitang 'yon. Siya naman ay halatang medyo nagulat sa sinabi ko, lalo na sa tono ng boses ko na parang matapang.

Ilang beses siyang kumurap. "Marami pa tayong pag-uusapan. Ako na ang mag-mamaneho ng sasakyan mo." pag-babago niya sa usapan.

Aalma pa sana ako pero bigla bigla nalang niyang kinuha ang susi mula sa kamay ko at pagkatapos ay binuksan niya ang shotgun seat, doon niya ako pina-upo at siya naman ay agad na pumasok sa driver's seat.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Should I call Demeter and Darius? Dapat na ba akong humingi ng tulog sakanilang dalawa? Kahit gusto ko iyong gawin ay parang ayaw naman ng kamay ko.

Hahayaan ko nalang ba siya na gawin ito saakin? Titira na talaga ako sa condo niya gaya ng gusto niya? Napakibit balikat na lamang ako dahil hindi ko na malaman kung anong gagawin.

"Saan ka ba nakatira ngayon? Wala ka sa apartment mo, wala ka din sa bahay na magulang mo." sabi nito habang binubuksan ang makina ng sasakyan.

Imbis na lingunin siya ay hindi ko nalang siya sinagot at sa halip ay binaling nalang ang atensyon sa may bintana. So, talaga palang pumunta siya sa bahay nila Papa para lang hanapin ako.

Narinig ko siyang bumuntong hininga dahil alam niyang hindi ko siya sasagutin. Kalaunan ay kinuha niya ang kanyang phone at may dinial ito na kung sino pero hindi ko nalang siya pinansin.

"Hello? Paki-linis ng buong condo ko, pagdating ko d'yan ay huwag na huwag akong makakakita ng kahit anong alikabok d'yan. Bumili ka na din ng mga pagkain. Mga gulay at prutas lang." rinig kong sabi niya mula sa kabilang linya pero hindi ko siya pinansin.

Bahala nalang. Iyon nalang ang tanging naiisip ko. Hahayaan ko nalang siya sa kung anong gusto niya. Alam ko namang makakabuti din ito sa kalagayan ng anak ko, lalo na at ang kasama namin ay ang kanyang Daddy.

Mamaya ko nalang tatawagan sila Darius pero alam kong magugulat sila sa desisyon ko, pero nandito na ako, nalaman na niya kaya wala na akong magagawa pa, hindi ko naman din p'wedeng bawiin pa sakanya kung nalaman na niya.

Bahala na ang mga damit ko. Kapag nasabi ko na iyon kila Demeter, sila nalang ang pag-dadalhin ko ng mga damit ko dito sa condo ni Lycus. Sana nga lang ay maintindihan nila ang naging desisyon ko.

Nakarating na kami sa tower kung saan nandito ang condo ni Lycus. Lalabas na sana ako sa kotse niya, kaya lang ay agad niya akong inunahan. Hinawakan niya pa ang kamay ko habang pababa.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad sa lobby, hanggang sa nakarating na kami sa mismong condo ni Lycus. Hindi naman sa labag ito sa kalooban ko pero parang gano'n na nga.

May mga tauhan pa lang nandito sa loob si Lycus. Halos manginig ang mga mata ko nang makitang sobrang linaw ng sahig at wala kang makikitang kahit anong alikabok doon. Pagkatapos ay sa lamesa naman, nandoon ang dalawang malalaking paper bag na may lamang iba't ibang pagkain.

May mga inutos pa si Lycus sa mga tauhan niya pero hindi ko na iyon pinansin hanggang sa lumabas na ang mga tauhan niya at tanging kaming dalawa na lamang ang nandito sa condo niya.

Naupo ako sa sofa at dahil bukas ang TV ay nanood na lamang ako dahil wala naman din akong magawa. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang desisyon kong ito. Tama nga ba ako? Kung para naman sa kapakanan ito ng anak ko, siguro ay tama naman.

Hindi nga lang ako maka-move on sakanilang dalawa ni Nami. Gusto ko lang malinawan. Gusto kong malaman ang buong katotohanan, hindi naman makitid ang utak ko para hindi siya pag-paliwanagin.

Sinundan ko ng tingin si Lycus, inaayos niya ngayon ang mga pinamiling pagkain at nilagay niya iyong lahat sa ref. Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa napatingin siya saakin kaya agad naman akong umiwas ng tingin.

"Do you want to sleep? Malinis naman na ang kwarto." sabi niya sabay turo sa pintuan ng... kwarto niya.

Tumikhim ako. "Sa kwarto mo ako matutulog?" kinakabahang tanong ko sakanya.

Napalingon siya saakin mula sa ginagawa at pagkatapos ay tumango lamang ito at nagpatuloy muli sakanyang ginagawa. Ako naman ay hindi pa halos makapaniwala sakanya.

Pumasok nalang ako do'n sa kwarto at agad na nahiga sa kama. Pagkatapos ay kinuha ko ang aking phone para matawagan si Demeter, ayokong si Darius ang una kong tawagan dahil baka bungangaan ako no'n.

Ilang beses muna akong huminga ng malalim bago niya tuluyang sinagot ang tawag. Kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko bago siya sinagot.

"Demeter, hindi ako makaka-uwi d'yan sainyo." iyon agad ang sinabi ko.

Sandaling natahimik ang kabilang linya bago siya sumagot. "What? Bakit, nasaan ka--" agad ko siyang pinutol.

Bumuga ako ng marahas na hininga. "Alam na ni Lycus ang lahat, at ngayong nalaman na niya ang totoo, agad niya akong kinuha at dito na daw ako titira sa condo niya." sagot ko sabay pumikit ng mariin.

Matapos kong sabihin iyon ay narinig ko ang sunod sunod niyang mura. Ako naman ay halos guluhin ko ang aking buhok. Ano ba naman kasing desisyon ito, Axilla! Bakit ba kasi ako pumayaga sa gusto niya?

"Good for you," tanging nasabi niya.

Natigil ako sa sinabi niyang iyon. Ang kalmado niya yata ngayon. Paniguradong kung si Darius ang kinausap ko, baka hindi lang mura ang aabutin ko sakanya. Huminga naman ako ng malalim.

"Please tell Tita and Tito na salamat sa pagpapatira nila saakin kahit sandali lang sainyo. Pakisabi na din sakanila na nalaman na ni Lycus ang totoo." sabi ko sabay pikit ulit ng mariin.

I heard him sighed. "May magagawa pa ba ako? Sige sige. Ihahatid ko na lang ba ang mga gamit mo d'yan?" tanong nito.

Tumango ako kahit hindi niya iyon kita. "Thank you so much, Dem!" pagkasabi ko niyon ay agad kong binaba ang tawag.

Hindi kalaunan ay nag-text saakin si Demeter at sinabing nasa baba na daw siya at dala dala na ang mga gamit ko. Nagpaaalam naman ako kay Lycus at sinabi sakanyang nasa baba na ang mga gamit ko.

Agad kong nginitian si Demeter nang makita ko siya sa lobby at may dalang isang maleta at isang pack bag. Nang makita niya ako ay agad naman niya akong sinalubong.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" seryosong tanong nito saakin.

Huminga ako ng malalim at dahan dahang tumango. "Sigurado na, para din naman ito sa magiging anak namin." sabi ko sabay ngiti sakanya ng matamis.

Huminga siya ng malalim at tinap nalang ang ulo ko at pagkatapos ay ginulo ang buhok ko. Naiiyak naman na niyakap ko ang beywang niya. Mamimiss ko silang dalawa ni Darius pero bibisita pa din naman ako sakanila madalas.

Inihatid pa ako ni Demeter hanggang sa labas ng condo ni Lycus para tulungan ako sa mga gamit kong dala. Pagkatapos ay umalis na din siya agad at sinabi niyang sasabihin din daw niya agad sa parents niya na nandito na ako ngayon kay Lycus.

Nasa hapag-kainan kami ngayon ni Lycus at kumakain na ng hapunan. Gusto kong matawa dahil hanggang dito ba naman ay puro gulay at prutas lang ang mga kinakain ko. Hindi ko naman sila masisisi, alam kong ginagawa lang nila ito para healthy kaming dalawa ni baby.

Habang kumakain ay nakatingin lamang ako kay Lycus na busy na kumakain. Gusto ko na talagang itanong sakanya ang about sakanila ni Nami, at alam kong ito na ang pagkakataong iyon.

Tumikhim ako dahilan para umangat ang tingin niya saakin. "Kamusta kayo ni Nami?" agad kong tanong sakanya.

Sa tanong kong iyon ay agad naman siyang nabulunan, kaya naman agad akong kumuha ng tubig at ibinigay iyon sakanya. Nang kumalma siya ay pinunasan niya muna ang kanyang gilid ng labi.

"Me and Nami? Bakit mo kami kinakamusta? Well, she's in states now." sagot niya saakin habang nakatingin ng diretso saakin.

Huminga ako ng malalim. "Hindi mo ba talaga alam? I mean, noong araw na pumunta ako sa'yo dito noon... naabutan ko kayo ni Nami, uhm, sa isang kama." hindi makatinging sinabi ko sakanya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at parang alam na niya kung anong ibig sabihin ko. Ako naman, hanggang ngayon ay hindi makatingin sakanya. Gusto ko na nga lang malusaw dahil sa sobrang hiya.

"Iyon ba ang tinutukoy mo? You must missunderstand that pero hindi naman kita masisisi. Nagising nalang ako na nasa ganoong posisyon na, natatabunan ako ng comforter pero hindi ako hubad at ganoon din si Nami. Noong gabing iyon, pinuntahan ako ni Nami at sinabi kung p'wede ba daw siyang makitulog sa condo ko at sinabi ko sakanyang, sige basta ay sa sofa lang siya matutulog pero nagising nalang ako na katabi ko na siya sa kama. I didn't know na tumabi na pala siya saakin." paliwanag nito.

Agad naman akong naliwanag. Pero naiintindihan ko naman ang sarili ko, kahit naman siguro sino, kapag nakita sila sa ganoong posisyon ay mag-iisip din ng iba. Lalo na at nakatabon sila ng comforter, akala ko may nangyari na sakanila.

"I'm sorry about that night... noong pina-alis nalang kita basta. Wala ako sa sariling isip ko no'n. Galit na galit ako sa mga sinabi saakin ni Nami. May pinakita siya saaking litrato mo na may kayakap na isang lalaki." sabi niya sabay lunok.

Bahagya pang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Saan naman nakuha ni Nami ang litrato na iyon? Paniguradong maaaring si Demeter or Darius lang ang kayakap ko doon dahil sila lang naman ang close ko.

"It was probably Darius or Demeter." sagot ko sakanya.

"Yeah, siniraan ka pa talaga ni Nami saakin." sabi niya sabay irap sa kawalan.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "At dahil sakanya, muntik ng malaglag si baby." sabi ko sabay hawak sa aking tiyan.

Agad naman siyang lumapit saakin at niyakap ako, sabay halik sa noo ko.

"I'm so sorry, my babies. Promise, babawi ako sainyong dalawa. Hindi ko na kayo pababayaan, okay?" masuyo nitong sinabi saakin.

Agad naman akong napangiti sa sinabi niya at kusang lumambot ang aking puso. That's it. He explained everything. Talagang communication is the key for everything.

Continue Reading

You'll Also Like

19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
175K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
5.3K 361 43
"What can you sacrifice in the name of love?" Crowns. Red carpets. Thrones. Growing up in the most influential clan in India, Japan, and the Philippi...
3.3K 142 33
Asturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding the...