12-24
Lily
11:19 am
Lily:
Busy ka na?
Jiro:
Hindi naman
Ayaw naman ako patulungin ni Mama sa kusina
Tsaka dalawa lang naman kaming kakain mamaya kaya onti lang handa
Lily:
Pwede ka ba pumunta dito hehe
Jiro:
Bakit ano meron?
Lily:
Ako na sana pupunta sainyo
Kaya lang nagbabantay ako kay Kina may ibibigay kami
Jiro:
Pwede naman
Ako na lang punta diyan
Lily:
Kapag talaga kay Kina ang bilis mo e no?
Jiro:
Sabi ko nga kasi sa'yo maging cute ka, hindi 'yung lagi kang maganda
Lily:
Huh?
Namamalikmata ba ako?
Lagi akong maganda?
Jiro:
Akala ko ba aware ka hahahaha
Lily:
Oo nga!
Kaya lang 'di ko inexpect na manggagaling sa'yo
Hays sa wakas na appreciate mo rin ang mga gawa ni Lord
Jiro:
Tss sige na maliligo na ako
punta ako diyan
Lily:
Sama ko
Chz
Sige na bye