The Cold-Hearted Girl Reincar...

By BlackInk07

968K 40.4K 5.5K

She is Ashianna Zein Delfox reincarnated as Princess Elseinna Rose. Maraming tao ang naiinggit kay Elseinna d... More

★PROLOGUE★
★CHAPTER 1★
★CHAPTER 2★
★CHAPTER 3★
★CHAPTER 4★
★CHAPTER 5★
★CHAPTER 6★
★CHAPTER 7★
★CHAPTER 8★
★CHAPTER 9★
★CHAPTER 10★
★CHAPTER 11★
★CHAPTER 12★
★CHAPTER 13★
★CHAPTER 14★
★CHAPTER 15★
★CHAPTER 16★
★CHAPTER 17★
★CHAPTER 18★
★CHAPTER 19★
★CHAPTER 20★
★CHAPTER 21★
★CHAPTER 22★
★CHAPTER 23★
★CHAPTER 24★
★CHAPTER 25★
★CHAPTER 26★
★CHAPTER 28★
★CHAPTER 29★
★CHAPTER 30★
★CHAPTER 31★
★CHAPTER 32★
★CHAPTER 33★
★CHAPTER 34★
★CHAPTER 35★
★CHAPTER 36★
★CHAPTER 37★
★CHAPTER 38★
★CHAPTER 39★
★CHAPTER 40★
★CHAPTER 41★
★CHAPTER 42★
★CHAPTER 43★
★CHAPTER 44★
★CHAPTER 45★
★CHAPTER 46★
★CHAPTER 47★
★CHAPTER 48★
★CHAPTER 49★
★CHAPTER 50★
★CHAPTER 51★
★CHAPTER 52★
★CHAPTER 53★
★CHAPTER 54★

★CHAPTER 27★

19.3K 878 68
By BlackInk07

CHAPTER 27

Elseinna's POV

Busy ang mga tao ngayon sa paghahanap ng Club na masasalihan nila. Isang linggo na ang nakakalipas noong nangyaring aksidente kay Zack, at nakakagala na rin si Elizabeth matapos mabugbog ko noon. Pinili ko ang Music Club dahil gusto kong marelax ang sarili habang tinutugtog ang mga instrumento. Marunong akong gumamit ng Piano at Guitara. My kuya Shawn taught me tho. Pagkapasok ko sa silid ay bumungad sa akin ang mga magagarang instrumento.

Hinawakan ko ang piano at pinipindot isa isa ang mga tiles nito. Beautiful. Umupo ako sa upuan at siniguradong walang mag didisturbo sa akin habang nagpapatugtog ako ng piano. Pinatugtog ko ang kantang [Only by LeeHi]

Third Person's POV

Habang pinapaandar ni Elseinna ang piano ay maraming mga estudyante ang napatigil sa kanilang paglalakad ng marinig nila ang magandang tugtog na nang gagaling sa loob ng Music Room. Maraming tao ang nakikinig at namamangha sa musika, marami ring taong nagtataka kung sino ang nagpapatugtog nito. Mayamaya ay huminto ito at napatahimik sila ng makitang papunta sa Music Room si Zairus.

Binigyan nila ng daan si Zairus, pagkatapos ay seryosong mukhang binuksan ni Zairus ang pinto. Nang mabuksan na nito ang pinto ay wala siyang taong nakita doon. Natakot ang mga estudyante ng makitang walang tao sa loob ng Music Room, napayakap sa braso ni Zairus si Elena at nakanguso itong nakatingin sa loob. Siniko siya ni Elizabeth kaya napabitaw ito sa braso ni Zairus.

“God! So creepy!”

“Bakit umaandar ang piano kahit walang tao?”

“Parang ayaw ko na 'atang sumali sa Music Room.”

“Tch, baka naman may nantitrip lang sa atin?”

“What's going on here?” Tanong ng Headmistress na kararating lang nito. May natanggap siyang report na umaandar raw ang piano kahit walang taong nagpapatugtog nito. Mga kabataan nga naman, palagi nalang pinapasakit ang aking ulo.

“U-um... Good morning Headmistress. The piano seems so creepy. Nagpapiano ito mag-isa kahit walang tao.” Natatakot na sumbong nito sa Headmistress.

Napaseryoso ang mukha ng Headmistress. “Don't be scared, students. Go back now to your respective classrooms.” Maawtoridad nitong sabi sa mga estudyante at sinunod naman nila ang sinabi ng Headmistress.

Ang naiwan ay sila Zairus at ang mga kasamahan nito. “Tingnan niyo sa mga sulok baka may nantitrip lang.” Sambit ng Headmistress.

Tumango sila at nagsimula ng maghanap sa misteryosong tao o anong creature man ito. Ilang oras silang naghahanap sa loob ng Music Room ngunit wala silang mahagilap na tao. Umupo nalang sila sa upuan at hinihingal pa sila.

“Wala akong mahanap.Sambit ng isang babae.

Me, either.Sang-ayon ni Senre.

Baka multo 'yon!Sigaw ni Dylan.

Sinuntok ni Senre ito sa braso. Nababakla ka na naman Dylan!Saad nito sa kaibigan.

“Tumahimik kayo.” Isang malamig na boses ang nakapagpahinto sa kanila. Napatingin sila sa lalaking naglalakad papunta sa kinatatayuan nila habang nasa bulsa nito ang magkabilang kamay.

Napaismid si Zairus at iniba ang kaniyang paningin. Nang makalapit ito ay seryoso niyang tiningnan ang buong lugar sa Music Room kung saan maraming taong nagsasabing may multo dito. May kumapit sa braso ni Zack kaya napatingin siya rito. “President Zack, natatakot ako.” Sambit nito habang mahigpit itong niyayakap ang kaniyang braso.

Tinanggal niya ito. “Mas matakot ka sa tao, hindi sa multo.” Saad niya sa babaeng nagngangalang Aira.

Inaayos muna ni Zack ang kaniyang eyeglass at tumingin sa kaniyang ina. “Headmistress, you have many important things to do. We'll take care of the ghost rumors here in the Music Room.” Magalang na sabi niya sa kaniyang ina.

Ngumiti ang Headmistress at tumango. “Osige. Make sure na mawawala itong issue tungkol sa Music Room. Baka wala ng sasali rito sa club kapag hindi nalinis ang isyung ito.” May tiwala ang kaniyang ina sa kaniya na malulutas nila ang isyung ito. Umalis na ang HM at napabuntong hininga ang mga taong naiwan doon.

“What now?” Nababagot na tanong ni Zairus.

Hindi ito pinansin ni Zack at nililibot nito ang kaniyang paningin. Habang ipinapalibot nila ang kanilang paningin ay may nakita silang pusa na kumakain sa sahig. Kumunot ang noo ni Zack.

I told you it was just a cat.Nakataas ang isang kilay na sambit ni Dylan kay Senre.

Tumaas din ang isang kilay ni Senre. “Pre, may pusa bang marunong mag piano?” Pambabara nito kay Dylan.

Kumunot ang noo ni Dylan at animo'y nag-iisip. “Ah, oo naman. I actually see a lot on social media that cats play instruments.” Nakangising saad niya kay Senre.

Napangiwi si Senre at pinalo ito sa batok. “That's a Record music, stupid Prince. Huwag kang maniwala sa mga nakikita mo sa social media.” Sermon nito sa kaibigan.

Binatukan din niya ito. “Huwag mo akong batukan. Masakit pa naman 'yon, suntukan gusto mo?” Paghahamon nito kay Senre.

Ngumisi lang si Senre. May narinig silang kumalabog sa ilalim ng Music Room kaya napatahimik sila. Basement? Hinanap ni Zack ang daan papuntang basement, ngayon niya lang nalaman na may basement pala dito sa Music Room. May pusang pumasok sa loob ng isang pinto kaya sinundan niya ito, kinakamot ng pusa ang pintuan kung hindi mo pa ito lalapitan ay hindi mo malalaman na may pintuan pala rito. It's optical illusion.

Narinig niyang may sumisigaw sa kaniyang likod kaya naiinis siyang tumingin rito. “What?” Malamig niyang tanong.

Nagulat ito sa kaniya. “Ah, eh, baka delikado diyan sa loob? Huwag mo nalang kaya puntahan, President Zack? Baka maulit na naman 'yung pagkidnap sa 'yo.” Suhestiyon ni Aira sa kaniya.

Nababagot lamang itong tumingin sa kanya si Zack at hindi ito kinibo. Pumasok na siya sa loob ng basement at naabutan niya ang mga taong nakahandusay sa lupa at puro dugo ang mga damit nito. Nakita ng kaniyang mata ang lalaking sinusuntok ng isang babaeng habang nakangisi ngayon sa lalaking hindi na makilala ang mukha nito.

“I told you to run, but you didn't listen to me. Namatay tuloy kayo,” She dangerously said.

May isang tao pa ang natira at natatakot itong nakatingin sa kaniya. She smiled. “C'mon, rats. I won't bite.” Pagpapalabas niya sa lalaking nakasuksok ngayon sa ilalim ng aparador.

She sighed. “Sinusubukan mo talaga ako ah,” Sambit niya at nilapitan ang lalaki.

Hinawakan niya ang buhok nito at hinagis niya ito sa sahig. Napadaing ito at nagmamakaawang huwag siya nitong patayin. She just smirked. Kinuha niya ang kaniyang patalim at akmang sasaksakin nang may pumigil sa kaniya. “Stop,” Pagpapahinto ni Zairus ng makitang sasaksakin niya sana ito.

Ngumisi lamang si Elseinna at itinarak niya ang kaniyang dagger sa leeg nito. No one can stop her. “Nakakatakot naman na may nakakita sa akin habang may pinapaslang.” Nangingising sambit niya at tinanggal ang dagger sa leeg ng lalaki. Napahiga ang lalaking sinaksak niya at wala na itong buhay.

Shit, nadumihan pa ang aking uniform. Pinunasan niya ang kaniyang kamay gamit ang uniporme ng lalaki. Nakarinig siya ng mga tilian at walang emosyon na tumingin siya sa kanila. Lumapit sa kaniya si Zack at pinasuot nito ang coat niya. “Silly, pati sa basement may napatay ka.” Seryosong sambit nito sa kaniya at nililibot ni Zack ang paningin nito.

“Owemji! Bakit ang daming patay rito? My eyes can't handle this,” Sigaw ni Aira at nasusuka pa ito.

Napatigil sila ng makitang tumingin sa kanila ng seryoso si Elseinna. “Tch, the innocent one really that scary.” Makahulugan niyang sabi.

Tinuro ni Elseinna ang pintong nakalock. “The students need your help.” Saad niya at pinagpagan ang kaniyang skirt na nadumihan ng alikabok. Kinuha niya ang kaniyang selpon na nasa sahig at hinintay niyang buksan nito ang pinto.

Binuksan ni Zack ang pinto at nakitang may mga estudyanteng nakagapos at nakatakip ang mga mata nito. Gulat na napatingin sa kaniya si Zack. “Bakit sila nandito? Sila ang mga taong nawawala isang taon na ang nakakalipas.” Sambit sa kaniya at inumpisahan nitong kalasin ang mga kamay nila na nakagapos. Tinulungan nila si Zack at tinanggal ang mga takip na nasa mata ng mga biktima.

Nakita nila kung paano umiyak ang mga estudyante dahil sa tuwa at sa wakas ay makakalaya na sila. Nakamasid lang sa likod nila si Elseinna at tumitingin sa mga estudyante. “Sino sa inyo si Lian?” Malamig na tanong nito sa mga taong umiiyak ngayon.

Napatigil ang sampong mga estudyanteng biktima at napatingin sa kaniya. Walang emosyon itong nakatingin sa kanila habang hinihintay na may sumagot sa tanong niya. Someone raised her hand. “A-ako po.” Mahinang sambit ng babae.

Napatingin sa kanya si Elseinna at natakot ito sa tingin niya. “Anong kailangan mo sa kanya?” Tanong ni Zairus sa kanya.

She tsked.“It's none of your business.” She responded.

Lumapit siya sa babae at hinawakan ang mukha nito. “You look like the same. Do you know the name Lily?” Tanong niya at binitawan nito ang kaniyang mukha.

Nagulat ito sa tanong niya. “I-ikaw po ba si Prinsesa Elseinna? Narinig ko po kasi sa mga kumidnap sa amin na nagtatrabaho sa inyo ang kapatid kong si Lily.” Nanghihinang sambit nito sa kanya.

Sumeryoso ang mukha ni Elseinna sa sinabi niya. “Bakit nila pinag-uusapan si Lily?” She dangerously asked while grabbing her shirt.

Hindi makahinga ang babae sa ginawa niya kaya dali daling hinawakan ni Zack ang kaniyang kamay. “Mahal, bitawan mo siya. Hindi na siya makahinga oh,” Saad sa kanya ni Zack.

Kinalma ni Elseinna ang kaniyang sarili at seryosong tumingin sa babaeng umuubo na ngayon.“Kung iniisip niyong traydor ang kapatid ko, nagkakamali po kayo. Isang imbentor ang aming ama, kaya tinutugis kami ngayon dahil hindi kami nakagawa ng mga sandata. Lalo na ang baril.” Pagpapaliwanag nito sa kaniya.

Nagpintig ang kaniyang tainga sa narinig. “May baril kayo?” Paninigurado niya.

Nanghihinang tumango ang babae. “M-marami kaming tinatago na baril. At marunong din akong gumawa kaya kinidnap nila ako, isang taon din ang nakalipas ng hindi ko nakikita ang kapatid ko.” Huli niyang sabi bago mawalan ng malay.

Kumunot ang noo niya. “Bakit dito kanila tinago at hindi sa palasyo ng mga mondians? Mga bobo.” She said.

Pwede naman nilang gamitin ang babaeng ito laban sa amin. Marunong gumawa ito ng baril, at mga sandata. Hays.

Ngumiti ang babae. “Mabuti nalang at walang utak ang mga 'yon kaya hindi ako nahuli ng hari nila. B-bobo ka nga sila.” Sambit nito sa kanya.

Tumayo si Elseinna at tumingin kay Zack. “Akala ko ba secured ang paaralang ito laban sa mga mondians? Bakit may nakapasok pa din?” Tanong niya kay Zack.

Sumeryoso ang mukha ni Zack. “Hindi ko alam. Pero ginagawa namin lahat ng makakaya namin para hindi makapasok ang mga traydor dito. Paano mo pala nalaman na isang mondians sila, eh, wala naman silang palatandaan sa kanilang batok?” He asked seriously to her.

She tsked.“I can sense their presence. Baka naman may nagpapa pasok sa kanila dito kaya sila ay nakapasok?” Malumanay niyang tanong kay Zack.

“Isang taong mataas ang antas lamang ang kayang ipapa pasok ang mga taksil dito sa paaralan. Or isang taong pinagkakatiwalaan ng lahat subalit isa pala itong taksil.” Sabat ni Zairus habang nakatitig ito kay Zack.

Tumikhim si Elizabeth. “Sa Headmistress's Office nalang kayo mag-usap. Kailangan muna nating ipadala sa infirmary ang mga estudyante.” Sambit ni Elizabeth.

Napaantras ang mga alipores ni Elena ng maramdaman nito ang nakakatakot na presensya ni Elseinna. “Sa oras na malaman ko kung sino ang taksil, magtago nalang kayo dahil tutugisin ko kayo kahit saan man kayo magpunta.” Malamig niyang sabi habang nakatingin kay Aira na ngayon ay namumutla na sa takot. Hindi na ito ang weak na Elseinna na kilala niya.

Pagkaalis ni Elseinna ay napahinga sila ng maluwag. Pinaypayan ni Elena ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay. “That bitc—sister of mine is so scary.” Muntik ng madulas si Elena. Kailangan pa namang maganda ang kaniyang imahe sa publiko.

Tumango si Aira kahit na kinakabahan ito. “I can't breathe properly because of her presence.” Sambit ni Aira sa kanila.

Inakbayan ni Dylan si Senre na seryosong nag-iisip kahit wala namang isip. Chariz. “She has really changed. I can’t believe we witnessed how she brutally killed them.” Naiiling na sambit ni Dylan sa kaniya.

Napatingin si Senre sa kaniya. “English 'yon ah. Tingnan mo nagdudugo ilong ko,” Hinawakan pa nito ang kaniyang ilong at nagpapanggap na nagdudugo ito.

Tumawa si Dylan. “Marunong naman talaga akong mag english. Like, everything in English words I know to read. Napaka basically lang naman nun.” Proud na sabi nito sa kaniya.

Hindi mapigilan na mapatawa ng malakas si Senre sa sinabi niya. Napatingin tuloy sa kanila lahat ng nasa basement at sinamaan sila ng tingin dahil ang iingay nila. Umiiling si Senre. “Huwag mo ngang ipahiya ang sarili mo. Mag-aral ka pa ng english, you're so annoying.” Payo nito sa kaniya.

Inismiran siya ni Dylan. “Some future. Matutunan ko din ang magsalita ng Ingles. Wait me.” Maangas na sabi niya.

Nananakit ang tiyan ni Senre kakatawa sa katangahan ng kaniyang kaibigan. Naalala nilang may nangagailangan nga pala ng tulong kaya binuhat nila isa isa ang mga taong nawalan ng malay at dinala nila sa infirmary.

°°°°°

Nalaman kong may mga tao pala sa basement ng Music Room dahil sa pusang palaging kinakamot ang dingding. Kaya napatigil ako sa pagtugtog at pumunta sa pusa. Nangunot ang noo ko dahil hindi lang pala basta dingding ang nasa harapan ko ngayon. May pinto itong malaki at sobrang ganda ng disenyo. Kung hindi ko lang nilapitan ay aakalin mong isang normal na dingding lang ito.

I got curious so I opened the door at nakitang napakadaming tao roon. Hula ko nasa bente sila lahat, nag tatawanan sila at nagkakasayahan. Pagkatapos non ay nagsimula na akong kitilin ang mga buhay nila. Wala lang, nabobored lang ako. Kaya pagtitripan ko ang kanilang buhay. May narinig pa akong may sumigaw sa kabilang pinto kaya napatingin ako dito, naka locked ito at may kumakatok pa. May kinidnap 'ata sila.

Pagkatapos ay dumating sila Zack at Zairus. Mababadtrip sana ako buong araw pero nalaman kong may mga imbentor ng mga sandata at baril akong nakilala ngayon. Sabik na akong makahawak ng baril, depota. Katatapos ko lang mananghalian at pumasok na ako sa classroom. Mabuti nalang ako lang mag-isa rito sa silid, makakatulog na din ako ng maayos. Kinuha ko muna ang earphones at inilagay sa tainga pagkatapos ay isinubsob ko na ang ulo ko sa lamesa.

Naalimpungatan ako ng maramdamang may humahaplos sa aking buhok. Tumagilid ang aking ulo at masamang tumingin sa taong humahaplos sa buhok ko. “Hindi ako aso, kaya ialis mo iyang kamay mo sa buhok ko.” Nababagot kong sabi sa kaniya.

Tumawa lang ito at hiniga ang ulo nito habang nakatingin sa akin. “Ang cute mo. Para kang si Z, kung saan saan pumupunta.” Sambit nito habang nagkatitigan kami.

I glared at him. “Huwag mo akong ihalintulad sa iba, Zack.” I almost whispered.

He chuckled. “Jealous? Heh, don't worry. He's my cat, ito nga siya oh.” Sabi niya at tinuro ang kaniyang ibaba.

Tumingin ako roon at nakita ang pusang nasa Music Room kanina. I looked at it. “He's the cat I saw at the Music Room. Good job to you, Cat.” Sambit ko at hinaplos ang balahibo nito.

Dinidilaan pa nito ang aking kamay at sumampa sa aking hita. Narinig kong napamura si Zack kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Problema mo?” Tanong ko.

He hissed.“That dude just betrayed me.” Parang bata nitong sabi sa akin.

Napailing ako. “Baliw ka na nga.” Sambit ko.

He's mumbling something. “Sa susunod palalayasin na kita hah? Sorry dude, inagawan mo ako ng pwesto eh.” Saad nito habang masamang nakatingin sa pusa.

Umungol lang ang pusa sa kaniyang sinabi. “Akin nalang 'to kapag pinalayas mo.” I said while caressing the cat's fur.

Umiling agad ito. “No. Bibilhan nalang kita ng bago, 'yung babaeng pusa para safe.” Nakangusong sambit nito at kinuha sa hita ko ang pusa.

I shrugged my shoulders. “How's the girl named Lian?” I change the subject and asked him while looking at his cat.

I heard him coughed so I looked at him. “She's fine. Nagpapahinga na sila ngayon at nagagalak ang mga magulang nila na buhay pa sila. And about sa Ghost Rumors sa Music Room na lutas na. At saka, sa nangyaring pagpatay mo sa mga traydor, hindi ito isinawalat sa buong paaralan para hindi matakot ang mga estudyanteng sumali sa Club na iyon at para maging ligtas ka rin.” Mahabang sabi nito sa akin.

Napatango na lamang ako. Wala naman akong pakialam sa lahat, gusto ko lang pumatay to released my stress. Mayamaya ay pumasok ang guro at may kasama itong babae. Napapikit na lamang ako sa nakita, pusang gala, may dumagdag na naman na pangit sa paningin ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita kong nakangiti ito sa akin ngayon. Walang emosyon ko lamang siyang tinignan.

The teacher clapped her hands. “As have you've heard. She's a transferee, I hope you guys be nice to her.” Saad ng guro at pinapunta sa gitna ang babae.

“Hindi ba siya 'yong babaeng kasama nila Zairus palagi?”

“Bakit ngayon lang niya naisipang pumasok, eh, matagal na siya rito?”

“Baka gusto niya muna gumala? Suwerte talaga pag isa kang prinsesa magagawa mo ang lahat. Samantalang tayong anak ng mga Duke, isang pagkakamali mo lang ay itatakwil ka na agad sa pamilya mo. Hays.”

“Well, that's true naman. Sana nga hindi siya malandi, ano? Nagsasawa na kasi akong makakita.”

Mga bulong-bulongan ng mga estupidyante habang ang iba ay nakatingin sa akin at nanghuhusga. Hindi ko sila pinansin at nababagot na nakatingin sa unahan. The teacher smiled. Nagtataka siguro kayo kung bakit ngayon lang siya pumasok kahit na isang linggo na siyang narito sa paaralan. May inasikaso pa kasi siya kaya ngayon lang nakapasok.” Paliwanag ng guro.

Ang mga lalaki ay namamanghang nakatingin sa babae, samantalang ang mga babae ay naiinis at malditang nakatingin sa kanya. Great, malalayo na din ang kanilang mapanuring mga mata sa akin. “Kindly introduce yourself to them,” The teacher said while smiling widely. Nagiging kamukha niya na tuloy si Annabelle.

“H-hello, everyone! I am the Princess of Watheria Kingdom, Zeyn Sea Watheria. I'm 18 years old, and I hope we can be friends.” Pagpapakilala niya habang nakangiti.

Emo girl.

“Owemji, bakit siya nag-aaral dito? Hindi ba't may sariling tagapagturo na siya roon sa kaharian nila?”

“Oo nga, natatakot tuloy ako sa mangyayari sa atin. Kapag na saktan siya, tayo lahat ang sisisihin ng hari ng Watheria.”

“Kaya ayaw ko siyang nandito kasi nandadamay.”

“Ang ganda niya.”

Napakunot ang noo ko. Ganon ba talaga ka importante ang babaeng ito para malagot ang lahat kapag may nangyari sa kanya? Bobo naman ng hari ng Watheria, ikulong niya nalang kaya ang anak niya para malayo sa kapahamakan ito. Tapos ngayon nagpapabantay para raw may magprotekta sa kanya, tsk, nawawalan na 'ata sila ng utak.

Mrs. Gonzales hissed. “Quiet Class. Now, seat besides Mr. Mullins, Ms. Watheria.” Sambit ng guro sa kanya. Nangingiti pa itong naglalakad papunta sa kaniyang upuan.

Someone held my hands. Nakita kong nangungunot ang noo ni Zack habang nakatingin sa akin. “Ano?” Tanong ko.

Ngumiti siya. “Mas lalo kang gumaganda. Nanggi-gigil tuloy akong angkinin ka,” Sambit nito sa akin. May narinig akong nagtilian kaya napatingin ako sa kanila.

Kinikilig na nakatingin sa amin ang iba, samantalang ang iba ay seryosong nakatingin sa amin. Nahuli pa ng paningin ko na nakatingin sa amin sila Elizabeth habang mapanuyam itong bumubulong kay Zairus. Hays. “Corny.” I whispered. I heard him laughed but I just shook my head. Nagsimula ng magdiscuss ang teacher kaya nasa kaniya na lahat ang atensyon.

°°°°°
CLICK ★ ARE HIGHLY APPRECIATED!

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 478K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
2.5M 186K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...
429K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...
4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...