★CHAPTER 28★

18.2K 911 150
                                    

CHAPTER 28

Elseinna's POV

Binabagtas ko ngayon ang daan palabas ng paaralan. Pinapatawag ako ng mahal na hari dahil may importanteng pag-uusap raw kami. Sana naman importante, hindi 'yong sinasayang lang ang oras ko. Nang makalapit na ako sa Gate ay may tumawag sa akin sa likuran ko. Nababagot akong tumingin sa likod ko at nakita ko si Marko na kumakaway sa akin.

“Master Zein, narinig kong pinapatawag ka daw ng mahal na hari?” Sambit niya ng makalapit sa akin.

Grabe, pati ba naman pagtawag ng mahal na hari sa akin alam agad nila. Mga chismosa nga naman. “Oo.” Maikling sabi ko at lumabas ng Gate.

“Ah, mag-iingat po kayo!” I heard him shouted.

Hindi ko siya tinugunan at pumasok na sa karwahe. Nakasuot ako ngayon ng dress dahil nga bawal pumasok sa kaharian ng nakapants at t-shirt, iniwan ko pa tuloy ang selpon ko. Ipinikit ko na lang ang mata ko at natulog, nakarinig ako ng kalabog sa labas kaya napamulat ang aking mata. Nakita kong may lalaking papalapit sa aming karwahe at isa isa niyang pinatay ang mga kawal ko.

Naalarma ako at kinuha agad ang dalawang daggers na nasa damit ko, pinatalas ko ang aking pandinig at mata habang ang dalawa kong kamay ay handa ng sumugod kapag tinangka niyang pumasok sa loob. Narinig kong umugong ang mga kabayo, inihanda ko muna ang angking sarili bago lumabas ng karwahe. Nang makababa na ako ay nakita ko ang mga kawal na nakahandusay na ngayon sa lupa at wala ng buhay.

May sumipol sa tabi ko kaya itinutok ko sa kaniya ang dagger. Nagulat ito at itinaas niya agad ang kaniyang dalawang kamay. “It's me. Put it down.” Sambit niya habang nakangising nakatingin sa akin.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kaniya ng masama. “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko at inilayo sa kaniya ang dagger.

Narinig kong tumikhim muna ito bago magsalita. “Saving you? Tsk, akala ko pa naman naging mapagmasid ka na.” Dismayadong sabi niya.

Seryoso ko lamang siyang tiningnan. Nang hindi ako nagsalita ay napabuntong hininga ito. “Mali ang nasakyan mong karwahe,” Saad niya.

Mas lalong sumeryoso ang mukha ko.“What do you mean?” I seriously asked.

Sumeryoso din ang mukha nito at ipinasok muna ang kaniyang espada sa lalagyan nito. “Narinig ko ang usapan ng dalawang kawal na dadalhin ka nila sa palasyo ng mga mondians at doon ka nila papatayin. Mabuti nalang at naabutan ko kayo gamit ang kabayo ko.” Paliwanag nito.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa paligid. Mali ang tinatahak namin na daan at nasa liblib na lugar kami ngayon, hinagis ko ang isang dagger sa isang puno at may natamaang isang tao roon. Nakita kong nahihirapan itong huminga at masamang nakatingin sa akin. Kalaunan ay namatay ito. I sighed. “Where are we?” Tanong ko sa kaniya.

He smirked. “Death forest. Gumagabi na kaya umalis na tayo dito, delikado pa naman kapag gabi.” Sambit nito at naunang sumakay sa kabayo.

Hindi ako tumalima at nakatutok lamang sa kaniya. Nangungunot ang noo nitong nakatingin sa akin. “Get on, ano pa ang hinihintay mo? Kasal natin?” Malokong tanong nito.

I just boredly looked at him. “Huwag mo akong mabiro-biro, Zairus.” Malamig kong sabi.

He just shrugged his shoulders.“Come on, you have no choice because you don’t have a horse to ride.” Naiinip na saad nito sa akin.

The Cold-Hearted Girl Reincarnated As a Bitch Princess [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon