His Heather

By riestical

14K 508 41

Kaye Lao is a famous student in Forteo Academy. Her signature beaming smile and intelligence made people envy... More

OFFICIAL TRAILER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 11

247 17 0
By riestical


Late ako nagising ngayong araw dahil weekend naman. Natapos ko na rin ang mga kailangan kong tapusin at pagpasa na lamang ang p-problemahin ko.

I get up from my bed and do some stretching first dahil baka magkaroon na naman ako ng stiff neck gaya nung nakaraan. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa CR to do my routines.

Nakapajama at tank top pa ako nung pababa ako pero laking gulat ko nalang sa bumungad sa 'kin.

Punong-puno ang bahay ng iba't ibang klaseng bouquet of flowers.

Kanino naman galing 'to?

Nagmukha tuloy may lamay.

"Manang!" tawag ko sa isang kasambahay na nakaupo sa sala at nagkakape.

Bahay mo 'to ghurl?

Nagmadali naman siyang tumayo at inayos ang sarili nang makita ako.

"Good m-morning po, m-ma'am!" Pinigilan ko ang sariling magsungit dahil ayokong maging bad mood ang umaga ko ngayon.

"Kanino galing 'tong mga bulaklak?" I curiously asked as I roam my eyes around the living room. Nilapitan ko naman ang isang bulaklak at inamoy ito.

Halatang fresh at naalagaang mabuti dahil napakaganda ng kulay nito at infairness, mukhang mamahalin.

What would I expect? Baka Presidente pa ng Pilipinas ang nagpadala nito diba?

"Nakalimutan ko na po ang panagalan eh. Basta po gwapong binata." Kumunot ang noo ko.

"Sa katunayan nga po, kasama ata niya 'yong pamilya niya at nasa kusina po sila ngayon."

What the fvck?!

I honestly don't know what to do dahil may kutob na ako kung sino.

"If I should bring my family to your house to prove myself to you, I would."

Pumasok na naman sa isipan ko ang kanyang mga salita kahapon.

Babalik na sana ako sa taas para man lang maayos ko ang sarili ko ay hindi ko na nagawa dahil biglang dumating si Somerc.

Psh.

"Good morning, bantot," pang-aasar niya tsaka lumapit sa 'kin.

Malagkit na tingin ang pinukol niya sa 'kin habang pinagmamasdan ang suot ko. Agad ko namang kinuha ang maliit na unan sa sofa at tinakip ito sa katawan ko.

"Manyak ka!" Ibabato ko sana ang nahawakan kong bulaklak ngunit napatigil din ako agad dahil wala namang kasalanan ang bulaklak na ito. 

"Ako manyak? Tss asa ka!" 

Aba!

Lumapit ako sa kanya at akamang sasapakin ko na sana pero nahawakan niya ang dalawang kamay ko.

Sobrang lapit niya rin sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"B-bitawan mo a-ako." Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit ng asungot na 'to. Naaamoy ko na rin ang mabaho niyang hininga.

Char.

Amoy mint talaga. Sadyang inggit lang ako.

"Why are you stuttering? Hmm."

Pasalamat siya at mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kaya hindi ko siya magawang masapak. Kundi puro pasa na siya ngayon.

Narinig ko namang may paparating sa gawi namin kaya kinuha ko ang pagkakataon para masipa ang junjun niya.

"AHHHHH P*TANGINAAAA!!!"

Nakita kong si Angela ang paparating at nanlalaki pa ang kanyang mga mata sa gulat nang makita si Somerc.

Buti nga sa kanya!

"OMG SIIIIISS!!!" Dahil sa lakas ng boses niya ay lumabas na rin tuloy sina Mommy galing kusina

Tsaka ko lang din narealize ang katangahang ginawa ko.  Nandito rin pala ang mommy nila Angela kaya wala na akong mukhang maihaharap sa kahihiyan.

Goooosshh! Paano kung mabaog si Somerc sa lakas ng sipa ko? 

Huhu. Wag naman sana.

Sumisigaw pa rin siya sa sakit at kahit gustuhin ko mang tumakas ay hindi ko na magawa.

"What happened?" seryosong tanong ng mommy nila.

Ngayon ko lang siya nakita and I must say that she looks so intimidating.

She's wearing a floral red maxi dress partnered with black stilettos. Her diamond earings and necklace shines through her bun hair and sharp collarbone.

She looks like a freaking model!

"Mom, don't mind me. Natapilok lang ako," pilit na sagot ni Somerc habang halata pa ring pinipigilan ang iniindang sakit.

"Natapilok? Then why are you holding your bird?" 

Bird pa nga -,-

"Si mommy talaga HAHAHAHA" napadako naman ngayon ang tingin namin kay Angela nang humalakhak ito habang hawak ang tiyan.

"What's funny?" 

Hindi ko rin tuloy mapigilang tumawa kaya umiwas nalang ako nang tingin dahil baka ako pa ang mapagalitan.

"Uhm...Kaye? Ano ba talagang nangyari?"

Kinakabahan akong tumgin kay daddy nang tanungin niya ako.

"K-kase ano...hindi kase siya nag-iingat at bigla nalang tumalon sa sofa kaya tumama ang junjun niya du'n." I crossed my fingers and silently whisper my prayers through my mind habang sinasabi ko ang walang kwentang palusot ko.

Tinitigan naman nila akong lahat and I felt the raging eyes through my peripheral vision na nanggagaling sa asungot.

Binalingan ko ito ng tingin at nginitian siya nang nakakaloko na parang sinasabing, "Buti nga sa 'yo".

"Okay lang ako promise. Bubugbugin ko nalang mamaya 'yong sofa para makaganti," plastik niyang sambit habang tinititigan ako.

Dukutin ko mata mo diyan ih...

"I think we should continue what we're discussing earlier since nandito na si Kaye," alanganing sabi ni mommy at humingi ng paumanhin sa maliit na gulong naganap.

Pero teka...

Nagsimula na sila ng wala ako? Aba ang unfair naman. Ako 'yong liligawan pero ako ang wala.

Hay bohai.

Hindi ulit ako nakagalaw nang lumapit si Aurcel sa 'kin at inakbayan ako. Sumunod nalang ako sa daloy ng kanyang mga paa habang papasok kami sa kusina kung saan nakahain na naman ang mga paborito ko. Pero ang pinagkaiba lang, parang may fiesta sa dami ng nakahanda. Napansin ko pang puro Italian at Chinese foods ang nakahapag.

Maybe mom called our personal chef to prepare all of these. Sa tuwing may okasyon kase ay siya ang pinagkakatiwalaan ni mommy sa mga ihahandang pagkain.

I suddenly remember that today is my cheat day so, pwede akong kumain ng mga gusto ko at kung gaano pa ito karami.

Mwehehehe. 

"What's your course, Kaye?" binasag ng mommy ni Aurcel ang katahimikan nang tanungin n'ya ako.

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. "BS Psychology po," magalang kong sabi.

Tumango-tango naman s'ya at akala ko'y wala na siyang itatanong pero may kasunod pa pala.

"I've heard that you're also a model to your Auntie's clothing line?" Siguro nasabi na ito nila mommy or baka kwinento sa kanya ni Aurcel.

"Yes po, and that's also the reason why I can't eat a lot to maintain my figure." I honestly said.

"How 'bout you, Aurcel? What's your course?" napatingin naman ako sa katabi ko nang tanungin siya ni daddy.

"Civil engineering da- este tito." Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa muntikan na niyang tawag kay daddy. 

Mula sa seryosong mukha ay napatawa na rin sina mommy. Isa lang ang hindi sumabay at 'yon ang mommy nila Aurcel.

Hmm...

"Honestly ijo, ayokong mangako ka kay Kaye o sa amin tungkol sa pagmamahal mo sa kanya. Not only as a father but as a man, I want you to prove yourself to us and if you do something inappropriate that can ruin your image, sorry pero ako na mismo ang makakalaban mo." 

I want to hug dad right at this very moment dahil sa sinabi niya.

Naalala ko pa nung bata ako, sabi niya sa akin na kapag dumating 'yong araw na may lalaking magmamahal sa akin ng tunay, huwag ko raw kakalimutan na siya pa rin ang unang nagparamdam sa akin nito at siya ang first love ko.

Hindi ko pa maintindihan noon ang ibig niyang sabihin but now, I realized that my father is the only man that will always love me for who I am even my flaws.

"Of course tito. I wouldn't want to disappoint you."

"Ehem..." napagawi ang atensyon naming lahat nang tumikim ang mommy nila Aurcel.

Napakaserysoso ng mga tingin nito kaya nagsimula akong kabahan.

"I'm sorry but I don't like you for my son."

...



Continue Reading

You'll Also Like

Lucent By ads ❀

Teen Fiction

329K 7.5K 27
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
89.3K 998 15
El tema "Mommy Rules" "Reglas de Mommy"
10.3K 282 33
رواية ليبية ❤️ , لـ ملاك المغربي ❤️‍🔥 .
4.7M 106K 142
Soon to be Published Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's province. S...