A Hopeless Wind (NEUST Series...

By JdAnnnnn

89.4K 2.4K 204

| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is j... More

Warning!
A Hopeless Wind
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
For You
Author's Note

Chapter 6

2.7K 103 6
By JdAnnnnn

Gumapang ang hiya sa akin, habang pinagtatawanan ng aking mga ka-grupo si Jranillo.

"Seriously, pink ang bag mo Jandred, girly pa talaga ang design?" saad ni Josh.

"Kahit ano naman kulay ng bag ni Jandred ay gwapo siya, pero bakit nga ba pink ang bag mo?"

"Bakit hindi mo iniwan sa apartment mo, at saka may motor ka naman kaya mababalikan mo pa mamaya?" dagdag na tanong pa ni Eileen.

"I carry it for Hulya, nagdala na kasi siya ng bag since hindi naman pwede na umuwi pa siya mamaya." Eileen's eyes darted at me.

"Kaya ko naman na dalhin." Akmang kukunin ko na iyon sa kaniya nang inilihis niya sa akin ang kaniyang balikat. Hindi ko iyon ibinigay sa kaniya, sadyang bigla na lamang niya iyon inagaw sa akin ng akmang isu-sukbit ko na iyon sa aking balikat kanina.

"P.E ba natin ngayon?" tanong ng isa naming ka-grupo sa akin.

"Hindi."

"Bakit nakapang-P.E uniform ka?" tanong ni Eileen sa akin, tila natatawa pa.

I know the answer to her question but I can't find the right words in which I can't put myself into shame.

"May dala ka ba na pamalit para sa gagawin natin na video?" tanong pa niyang muli, dahil sa tanong niya ay napagmasdan ko ang mga suot nila. They're definitely fashionable, I lowered my head, heat crept in my cheeks because of embarrassment.

I have a lot of nice clothes, lalo na at madalas akong bilhan ni Ate at ni Nanay, ngunit hindi ko pinagsisihan na ganito ang mga pinipili kong isuot madalas.

Para sa akin iyon naman ang mahalaga sa kahit anong bagay, iyong komportable ka.

It's like when it comes to a group of friends you're in. Kung pilit lang ang pagsama mo sa kanila, kung nakikisama ka lamang upang hindi maiwan na mag-isa. If you put yourself in a circle of friends you're not really comfortable to be with, you'll feel that there's a limitation in expressing yourself.

"We have the freedom to choose what we want to wear Eileen." Ang tingin ni Jranillo ay muling dumapo sa akin.

"I'm going to carry your bag until we finish this task. Isa pa na agaw mo sa akin ng bag mo, dadalhin ko muna ito sa apartment at ikaw ang kukuha."

For me what he said was really a kind of warning, at hindi ko gugustuhin ang kaniyang sinabi, bukod sa hindi ko alam kung saan ang kaniyang apartment, ay hindi maganda na akong babae ang pupunta roon.

"O-Okay."

"Ano pa ba iyong pwedeng i-video na nagpapakita ng pagmamahal sa wika?" tanong ng isa namin na ka-grupo. Kailangan pa namin ng mga two or three minutes para matapos na ang task namin na ito.

"We can go at the library, pwede tayong magpaalam doon." Napalingon silang lahat sa akin.

"The scene is there's a group of friends that are reading a Filipino book," dagdag ko pa.

"Good idea!" sang-ayon ng lahat maliban lamang kay Eileen.

"How about the last other minutes?" tanong niya, sandaling katahimikan muli ang namayani, hanggang sa nagsalita si Jranillo.

"We're going to act as a student, singing our national anthem." Nakapagpaalam na kami sa nangangasiwa sa library, at ngayon ay nandito ako sa may gilid at naka-upo sa may sofa, sila lang naman kasi ang makikita sa scene, pagkatapos ay si Jranillo ang taga-video dahil maganda ang quality ng phone niya.

"Josh, hanap pa nga kayo ng apat na libro sa itaas kulang pala ito, para may parang design tayo," sabi ng isa namin na ka-grupo, kinalabit naman ako ni Josh, kaya tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo.

"Josh!" Napahinto kami at napalingon kay Jranillo.

"Kami na lang ang kukuha, pupunta tuloy akong restroom." Nakita ko kung paano nagpabalik-balik ang tingin ni Josh at ang ilan kong mga ka-grupo sa akin at kay Jranillo.

"Jandred ah," may himig ng panunukso sa ilan kong mga ka-grupo.

"Dapat ay hayaan mo na sila na lang ni Josh ang kumuha Jandred," sabi naman ni Eileen, na kitang-kita sa mga mata ang pagtutol, ngunit sa huli ay hindi si Josh ang nakasama ko sa paghahanap ng libro.

Tahimik lamang akong naghahanap, hindi ko siya nililingon, hindi naman sa hindi ako masiyadong komportable na kasama siya. There's something good being with him, hindi ka mabibingi sa katahimikan. He's always has a way to start a topic, ngunit hindi ko maiwasan na maramdaman ang limitasyon tuwing kasama ko siya. It feels like I need to put a space between us. Sa dami ng pagkakaiba namin ay posible na mapagtawanan siya ng dahil sa akin.

"Hulya, I'm just going to restroom." Napalingon ako sa kaniya, bahagyang ngumiti at ibinalik na muli ang atensyon sa paghahanap ng libro.

Dahil sa hindi naman ako katangkaran ay kailangan ko pa na tumingkayad para makita ang mga nasa itaas na libro, at may natanaw akong magandang pamagat doon na angkop sa aming kailangan.

Napakamot ako sa aking sintido ng mapagtanto na hindi ko iyon maaabot, kung ipipilit ko ay tiyak na babagsak lamang sa akin ang mga libro, bukod sa makakaagaw lamang ako ng ibang pansin ay masasaktan pa ako.

Inikot ko ang aking paningin at ng makakita ako ng tuntungan ay hinila ko iyon banda kung saan ko natanaw ang libro kanina.

Tumingkayad ako. I was about to touch the book with my finger when I feel someone's presence at my back. Kumalabog ang aking puso ng maamoy ang pamilyar na pabango.

"Maliit ka pa rin pala." I heard his chuckles, pagkatapos ay hindi ko na naramdaman ang presensya niya ng ganoon kalapit sa aking likod.

Holding the book, he looked at me with a dancing smile. I can't help but to raise my eyebrow because of what he said.

"Hindi ako maliit, sadyang matangkad ka lang." His lips became half-open, maya-maya lamang ay tumawa siya, inilipat sa kaliwang kamay ang hawak na libro at ang kanan na kamay ay bahagyang ginulo ang aking buhok.

Napatitig ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon. I know it's been so long since I accept that there's no one that will be going to fall in love with me. Matagal ko na pinipigilan ang aking sarili na magkagusto pa sa isang tao, lalo na kung mahirap itong abutin. I stepped away, while there's still a smile written on his lips.

"Meron na akong nahanap na dalawa, kaya isa na lang ang hahanapin." Tipid akong ngumiti sa kaniya at pumunta na sa kabilang bookshelf para doon na maghanap.

I know it's like a magic when you're admiring someone. It feels like you're running while touching those beautiful flowers in a wide garden, with a flying butterflies. Kakaiba ang saya, matutukso ka talagang lalo pa na mahulog, maiwa-waksi mo sa isipan mo na maaaring masaktan ka lang din pala, sapagkat sa dulo ng hardin ay isang bangin, na kung hindi mo pipigilan ang sarili mo sa una palang, ay ilalagay mo lang ito sa alanganin.

"Let's take a picture, last na ito! Ipo-post ko mamaya, ita-tag ko na lang kayo." Lumayo na ako ng mag-aya lang muli si Eileen.

Kapag sumama pa ako sa mga sumunod na pictures nila ay nakakahiya lamang, they're all wearing their nice outfit, magmu-mukha lamang ako nerd na naligaw doon.

Nilaro ko ang nasa gilid na halaman, ang hinihintay ko na lamang ay ang kasiguraduhan na tapos na talaga kami sa aming pagvi-video. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking jogging pants, binuksan ang messenger at tiningnan ang mensahe ni Jen na nangangamusta. Nagtipa ako ng tugon para rito.

"Guys, favor naman! Paki-kuhanan kami ng litrato ni Jandred." Napalingon ako sa kanilang banda.

Ang ilan sa aking mga ka-grupo na babae ay kinikilig, ang iba ay umiirap ng palihim, ang dalawang lalaki naman ay tinutukso si Jranillo kay Eileen. Nagmamadali kong ibinalik ang aking paningin sa aking cellphone ng mapalingon sa aking banda si Jranillo. Nag-vibrate naman ang aking cellphone, tumatawag si Chelsea.

"Hello," pagsagot ko, binungaran niya naman ako ng isang tawa.

"Hey! Nagbibihis na ako tapos aalis na ako agad para masamahan kita sa pagkain mo sa canteen." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Good to hear that, but don't rush yourself, nandito pa rin naman kami, kasama ko pa ang mga ka-grupo ko."

"Oh, speaking of groupmates, magka-grupo pala kayo ni Jandred ah!" Natawa ako ng mahimigan ang panunukso sa tono ng kaniyang boses.

"Yes, siya ang leader namin."

"So, ano? Magbida ka naman dali!"

"Sa tono ng boses mo ay parang may espesyal naman na dapat akong i-kwento sa 'yo."

"Imposibleng wala, at saka sabi niya sa akin na nagsend siya sa iyo ng friend request tapos hindi mo pa ina-accept."

"Kailan niya sinabi sa iyo?"

"Nagkaka-chat kaya kami, tapos iyon nasabi niya sa akin." Hindi ako nakapagsalita kaagad, pinitas ko ang isang bulaklak ng halaman na nasa aking gilid.

"Hey, still there?"

"Huwag ka magselos, ikaw naman pinagu-usapan namin, at saka i-accept mo na nga pala para naman ikaw na ang kulitin."

"Stop joking around Chelsea. Sige na, para maka-byahe ka na rin. Bye! Take care."

"Oo na nga, sige na. Pero mamaya kwe-kwentuhan mo ako ah?" Natawa na lamang ako.

"Oo nalang."

"Juliana, halika na rito." I put my phone in my pocket again when some of my groupmates called me.

"Guys, thank you for all your cooperation, ako na lang din ang mage-edit ng video. At kung may concerns pa tayo o kailangan sa isa't-isa, let just talk in our group chat."

"Okay!" sagot namin kay Jranillo.

"Guys, mauna na kami ah," pagpa-paalam ng ilan namin na ka-grupo.

"Jandred, sabay ka na kaya sa amin," pag-anyaya ni Eileen.

"Para-paraan lang Eileen ah!" Nagtawanan sina Josh, Lira at Lori, while Eileen rolled her eyes.

"Baka wala kasing kasabay si Jandred." Nanatili akong tahimik, hinihintay matapos sa pagsasalita si Eileen para makuha ko na ang aking bag kay Jranillo.

"You can go, Eileen. Pupunta pa d
rin ako sa parking para kunin yung motor ko." I saw how Eileen's expression brighten.

"Can I go with you?" Muling namayani ang tawanan, si Jranillo naman ay napahimas na sa kaniyang sintido.

"Magtigil ka nga Eileen, didiretso sa apartment niya si Jandred aba naman sumama ka pa," paggpigil sa kaniya ni Lori. Eileen pouted her lips. Tuwing napapatingin ako kay Eileen ay halos mahiya ang buong kaluluwa ko.

Mula sa pangangatawan niya ay talong-talo ako, lalo na siguro sa parte ng kaniyang hinaharap. Naisip ko tuloy kung ilang lalaki na ang na-busted niya.

I shook my head because of what I'm thinking, napansin pa ata iyon ni Jranillo dahil napalingon siya sa akin.

"Sige na nga, may next time pa naman." Tumawa siya at bahagya pa na siniko si Jranillo na tumawa d
rin naman.

Kung hindi ako nagkakamali ay gustong-gusto pa niya na dumidikit sa kaniya si Eileen, marahil ay gusto niya naman talaga iangkas ito, boys most of the time want to feel that something big and soft.

"Kukuhanin ko na ang bag ko." Napalingon silang lahat sa akin. Halos pagsisihan ko pa ang biglaan kong pagsasalita. Sandaling nilingon muli ni Jranillo ang aming mga ka-grupo para magpaalam na sa mga ito.

"Okay bye Jandred, also to you Juliana." I gave them a half-smile.

Dumapo ang aking tingin kay Eileen na hindi pa gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan, kahit na tinatawag na siya nina Lori.

She crossed her arms, her brows lift up, I don't know if it's only me who noticed that, ngunit sa tuwing napapatingin ako sa kaniya ay tila mayroon akong kasalanan na ginagawa sa kaniya, hindi siya katulad ng iba kong kaklase na kahit hindi ko ganoon ka close, ay approachable naman.

Maybe I'm right, or maybe I'm not only the one who knows that he like Jranillo, it's too obvious, naiintindihan ko iyon dahil halos lahat ng babae ay mahuhulog sa kaniya, he's not only handsome, mabait siya, marunong makisama.

Ang hindi ko maintindihan ay ang ipangsisigawan ng kaniyang ekspresyon, bakit tila galit siya sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama?

Hindi kaya nagseselos siya? Halos matawa ako sa aking naisip, wala pang babae na nagselos sa akin. Being jealous to someone like me is just a waste of time.

Kahit naman magka-gusto ako kay Jranillo ay wala lamang iyon, hindi dapat ikatakot ng mga babae na may gusto sa kaniya, dahil sigurado ako na kung kasama man ako sa pamimilian kung sino ang babaeng posible niyang matipuhan ay hindi ako ang kaniyang pipiliin.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
2.6K 69 24
dedication for those who seeks academic & career validation.
17.7K 618 45
Vinaux Gabriel Monteverde is one of the hottest stars living in his universe who is admired by many students because of his talent and visual. He's t...
2.7K 64 8
HUE SERIES #4 Mirn had a huge crush on car racer Marcus Spencer. She went to great lengths to get Marcus's attention, even sliding into his DMs and s...