Just Your Liability (Accounti...

By xxialej

462K 13.9K 3.3K

Accounting Series #2 (COMPLETED) Rosemarie Quejano is an example of a strong independent woman despite all th... More

Just Your Liability
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Wakas
Accounting Series PREORDER

Chapter 18

9.5K 325 41
By xxialej

Awang ang mga labi ko habang nakatulala sa kawalan. I didn't know what to say. I couldn't even utter a word. Ramdam ko ang mala-lawin niyang tingin sa akin ngunit hindi ko iyon pinansin. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang mga halo-halong emosyon. Unti-unti akong ginagapang ng guilt dahil sa sinabi Luke.

I am guilty of everything. I felt guilty for hurting Luke and leaving him without any explanations. I felt guilty for how I treated Damian these past few months. Ngayon lamang ako natamaan sa lahat ng mga nangyari. Ngayon lamang ako natauhan. Masiyado akong nagpadala sa sakit at sa galit ko noon. Sa kagustuhan kong huwag masaktan, hindi ko napapansin na may nasasaktan na pala ako.

Ni hindi ko man lang pinag-isipang mabuti ang mga desisyong ginawa ko.

"You're lucky to have such that kind of friend." Pinutol ni Luke ang mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Kung anong ikina-ingay ng paligid ay siyang ikinatahimik naman namin. Hindi ako nakapagsalita sa kaniyang turan. Mas lalo lamang ako na-guilty nang sobra.

"K-Kailan pa niya sinabi sa 'yo?" mahinang tanong ko.

Tumingala siya at ipinatong ang hintuturo sa kaniyang baba na animo'y nag-iisip. Palihim akong napangiti sa inasal niya. Hindi rin nakatakas sa akin ang mga kababaihang napapatingin sa direksyon niya.

Gusto nyo si Luke? Luh, asa kayo.

"Hindi ko na maalala, eh," tugon ng lalaki, "Pero sa pagkakatanda ko ay bago pa matapos ang sem ay sinabi na niya sa akin. Nagkita kasi kami sa birthday party ng common friend namin."

I slightly nodded my head. Matagal na rin pala. I was about to say something when his friend appeared in front of us. Siya iyong babaeng lagi niyang kalingkis.

"Nandito ka lang pala, Luke. Kanina ka pa namin hinahanap! Ang sabi mo bibili ka lang–" Napaawang ang labi niya nang makita niya ako. Papalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa ni Luke bago pagak na tawa at humakbang paatras. "S-Sorry."

"Okay lang–" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang tumayo si Luke upang lapitan iyong kaibigan niya.

I pursed my lips and removed my gaze to them.

"It's okay, Misty." Luke assured and nodded his head. "May pinag-usapan lang kami. Ano, may Prof ba sa room?"

Alanganing sumulyap sa akin si Misty bago marahang tumango kay Luke. "Ah y-yes. Nandoon si Sir Matias pero hindi siya magkla-klase. Attendance lang."

"Ganoon ba? Sige, mauna ka na. Susunod na lang ako," Luke answered.

"What? Hindi ka sasabay sa 'kin?"

Awtomatikong tumaas ang aking kilay dahil sa kaniyang turan. Napatingin ako kay Luke na umiling kay Misty na bakas ang pagkabigo sa mukha.

She liked Luke. It was evident in her eyes dahil ang paraan ng pagtingin at pagtitig niya ay katulad din sa paraan ng pagtingin at pagtitig ko sa lalaki.

"Ihahatid ko pa si Rose,"

When he said those words, I automatically stood up and shook my head. Pinagpagan ko ang suot kong pants.

"Hindi na, Luke. I can handle myself." A tiny grin plastered on my lips. "Sige na, pumasok ka na. Salamat sa oras mo."

"Hindi, Rose. Ihahatid na kita–"

"Ayon naman pala, eh. Tara na, Luke?" Misty offered her hands to him. Hindi naman iyon tinanggap ni Luke kaya napapapahiya niyang ibinaba ang kaniyang kamay.

Tumingin sa akin si Luke, ang mga labi niya ay bahagyang nakaawang at ang mga mata ay nagpapaliwanag. Kumunot lamang ang noo ko at inilingan siya.

"Sige na, una na 'ko. Baka hinahanap na rin ako nina Joana." Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok na siyang ikinagulat niya nang sobra.

Natawa ako at humakbang paatras sa kaniya. Unti-unting umangat ang isang kamay ko at inalok iyon sa kaniya. "Friends?"

Nagbabaka-sakali lang naman ako. Kahit alam kong mahal pa rin namin ang isa't isa ay hindi ko pa rin siya babalikan. Hindi muna ngayon.

Matagal siyang tumitig sa kamay kong nakalahad. Akala ko ay hindi niya iyon tatanggapin ngunit laking gulat ko nang dumampi ang malambot niyang palad at nakipagkamay sa akin.

"Friends," he repeated, smiling.

I grin from ear to ear.

Valentine's Day. That was the day when we decided to be friends again.

Friends. . .

Friends, huh?

Was it okay to kiss your friend on the lips? No.

But we did.

Was it okay to have sex with your friend? No.

But we did.

Was it okay to be territorial with someone even though there was no romantic relationship between you and him? No.

But we were.

Another month had passed to the both of us. Naging maayos naman ang relasyon naming dalawa ni Luke bilang magkaibigan. We kept our relationship a secret. Iniingatan namin na huwag malaman nang kaniyang Mommy na may komunikasyon na naman kami ng anak niya. Okay na rin kami ni Damian. We already talked and cleared things. Humingi siya ng sorry sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Humingi rin siya ng sorry kay Luke na hindi rin naman nagdalawang isip na tanggapin iyon.

I was happy because I feel like we're back to normal. We're back to things that we used to do. Third year college na ako habang siya naman ay nasa second year college na. Mas lalo akong naging abala sa pag-aaral dahil sa thesis ko.

"So hindi ka pupunta?" Damian asked.

"Pupunta ako siyempre. Baka magtampo si Allen, eh. Kasama ko si Luke," sagot ko at inagaw sa kaniya iyong bote ng beer na hawak niya.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa labas ng bahay nila. Nakaupo kami sa gutter ng kalsada habang may hawak na bote ng beer. Ever since na magkabati kaming dalawa ay mas lalo pa kaming naging malapit sa isa't isa. Alam niya ang lahat ng nangyayari sa aming dalawa ni Luke. Siya lamang ang nakakaalam.

"Buti papayagan si Luke noong Mommy niya?"

I shrugged my shoulders. "Hindi eh pero gagawa raw siya ng paraan."

"Eh si Bluie ba? Hindi talaga sasama?"

"Hindi yata, eh. Kahit anong pilit ni Miguel, hindi talaga mapapayag ang isang 'yon. Baka sobrang dami niya talagang ginagawa."

Itong si Miguel kasi ay ayaw pumunta sa birthday party ni Allen kapag hindi kasama si Bluie. Isa pang dahilan niya ay galit siya kay Ria dahil sa mga pinaggagagawa nito. Napapapayag lamang ito ni Allen matapos nang maraming beses na pamimilit. Siguro ay nakulitan na siya at wala nang nagawa kundi ang sumang-ayon na lang.

Damian nodded his head. Tumingin siya sa madilim na kalangitan at ginaya ko naman siya. Pareho kaming nakatingala sa mapayapang langit. Tahimik lamang kaming dalawa at parehong lumilipad ang mga isip.

"Rose, curious lang ako." He glanced at me.

"Hmm?"

"Hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon niyo ni Luke? Friends with benefits? Seriously?" He laughed and shook his head.

Kinagat ko naman ang labi ko sa inis at hinampas siya sa braso. "Anong nakakatawa ro'n? Sarap kaya."

Natigil siya sa pagtawa at nandidiring umingos sa akin. "Paano kung mabuntis ka? Masarap pa rin ba, ha?" Akmang babatukan niya 'ko ngunit agad akong umiwas.

Tumawa ulit ako. "Anong akala mo kay Luke? Walang pera pambiling kapote?"

"Kapote?"

I rolled my eyes. "Condom. Duh!"

Hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin bago pa-ismid na umiling. Sus, kung makareact naman 'tong lalaking ito, akala mo'y virgin pa.

"Basta sinasabi ko sa 'yo. Mag-iingat ka." He was sounded like a brother again. "Mag-iingat kayo ni Luke dahil alam mo naman ang ugali ng Mommy niya–"

Agad kong pinutol ang sinasabi niya. Itinaas ko ang bote.

"Cheers?" nakangiti kong alok.

Nagpakawala lamang siya ng malalim na buntonghininga bago tumalima sa aking gusto.

"Cheers."

Masaya ako ngayon. Masaya na ulit ako. At alam kong darating ulit ang araw na malalaman ulit nang Mommy ni Luke ang tungkol sa amin. Alam na alam ko 'yon. Kaya nga hangga't masaya pa ako, susulitin ko muna. Hindi ko muna iisipin ang bukas at ang mga sumunod na araw dahil ang mahalaga sa akin ay kung anong mayroon sa akin ngayon. 

Continue Reading

You'll Also Like

266K 16.6K 54
Ikaw ang tahanan. © 2021 isipatsalita.
862K 44.1K 43
Taking risk is never easy. The guarantee we get by staying inside our comfort zone is both addicting and tricky. Minsan akala mo matapang ka na dahil...
88.2K 2.7K 94
an epistolary ; sittie and dravis [PUBLISHED UNDER IMMAC PPH]
32K 3.2K 105
AN EPISTOLARY | COMPLETED | UNEDITED Glam Girls Series #1 With the fear of experiencing another heartbreak, Flare Isabella Reyes tried to never date...