Meet Me In Mabini (City Serie...

By jowybee

742K 28.8K 28.3K

City Series #2 Ever since Natalia was a kid, she was always number 1. All throughout her life, she got used t... More

Meet Me In Mabini
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
Special Chapter

Chapter 16

16.3K 914 2.2K
By jowybee

#MMIM16

"My turn!" sabi ni Margaux habang nagaayos kami ng maleta dahil maaga rin kaming aalis bukas dahil mukhang may dadaanan pa ata kami sa Manila.

Dumiretso si Margaux sa loob ng banyo habang ako naman ay sinasara na ang maleta ko dahil tapos na akong mag-ayos.

Naka-shower na ako kaya naman humiga na ako kaagad sa higaan. I couldn't help but smile as I checked my phone case.

Clear naman ang phone case ko, may design nga lang siyang music notes kaya hindi siya clear-clear talaga. But I could see the polaroid through the case.

Since nilagay ni Vale yung picture namin sa phone case niya, naisipan ko nang gayahin. Para akong nakaramdam nanaman ng kung ano sa tiyan ko at halos hindi ako makahinga.

Umiling kaagad ako at tinanggal yung polaroid picture. Nilagay ko nalang 'yon sa wallet ko.

I cannot feel this way. He's Vale! He's.. Raffy's Vale.

Hindi naman ako pwedeng umasa dahil lang gano'n siya sa akin. Gano'n naman siya sa lahat, eh! Tulad ng sabi nina Margaux, he's nice.

And I bet he's even nicer to Raffy.

Napasapo ako sa ulo ko dahil napagtanto kong pangalawang beses ko na pala 'to. Pangalawang beses ko na magkagusto sa isang lalaki na may gusto naman kay Raffy.

Ano ba naman 'yan, Nat. Ayaw mo ba sa lalaking may gusto sa'yo? Ano, gusto mo nalang forever yung mga lalaking may gusto sa iba?

I mean, I can't really blame them! Raffy is... she's an angel! Sobrang bait niya, may poise, medyo kalog, fun to be with! I'm super happy that she's my friend. And if Vale is someone who can really make her happy... if they're both people who can make each other happy, saan naman ako lulugar, diba?

Binuksan ko ang messenger ko at nagulat nalang ako nung nag-message si Odette sa groupchat naming tatlo ni Zoe. Halos maga-ala una na, ah?

Odette Carjuegas sent 2 photos.

Odette Carjuegas: OMG IS THAT U HSNDNXJZHA ENCHANTED KA BHIE

Nagulat ako sa screenshot ni Odette sa story ni Vale sa instagram na naka-peace sign ako doon sa ferris wheel! Ang cute ko naman doon, ah? Tinawag pa akong panget. Sinungaling talaga 'yon.

Tinignan ko nang maigi yung pangalawang sinend ni Odette at screenshot rin 'yon ng story ni Vale ng polaroid namin na mukhang magjowa pero may sticker sa mukha ko ng unggoy! Bastos talaga! Kaya naman pala niya pinicturan!

Binuksan ko ulit yung groupchat namin nina Odette at nagsimulang mag-type.

Natalia Samson: BASTOS TALAGA YON EH SIYA NGA YUNG MUKHANG UNGGOY

Zoe Peralta: Omg nasa EK kayo?! Sana all :(

Odette Carjuegas: KAYO NA BA PLS UPD8 US

Natalia Samson: HINDI KAMI

Zoe Peralta: kung ganon, pwedeng ako nalang jowain niya CHAR

"Hindi ko rin alam kung saan, eh," sabi ni Vale habang nagmamaneho. "I don't like driving here in Manila."

"Just follow the waze!" sabi ko sa kanya habang pinipindot yung waze na kanina pa nagsasalita.

Hindi ko alam kung saan ba yung dadaanan nina Margaux pero napadpad kami sa isang mall dito sa Manila. I've been here a couple of times noong sinusundo pa namin nina Tito si Mommy at Daddy.

"Bakit ba ang daming tao ngayon? It's the day before Christmas eve! They should be home." I groaned as Vale and I walked inside the mall from the parking.

Sumama si Hanzo doon sa sasakyan nina Franco dahil sa hindi ko malamang dahilan. Kami lang tuloy ni Vale yung naiwan!

Binuksan ko yung phone ko nang marinig ko yung tunog ng isang text.

From: Margaux

Nandito kami sa Coco! We're just buying milktea nalang then let's eat lunch tapos uwi na

"Nasa Coco daw sila," sabi ko kay Vale.

Tumango naman siya at tumingin sa paligid kung nandoon ba ang Coco. I let out a deep sigh after five minutes of us looking around. Sobrang nakakahilo! Mabuti pa sa SM Baguio, madali lang imemorize. Dito, paikot ikot lang kami eh!

After fifteen minutes, we finally found Coco, with the help of manong guard. Nagantay lang si Vale sa labas habang ako naman ay pumasok dahil medyo maraming taong nakapila.

Kumaway kaagad ako nang makita ko sina Franco, pero napatigil ako nang makita kong may kausap silang lalaki.

A guy that looked too familiar.

Tumayo yung lalaki at ngumiti nang makita niya ako. Hindi ako maka-galaw.

Bakit... paano?!

Lumapit siya sa akin at mas lalong lumaki ang ngiti niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I immediately hugged him and sobbed.

"Hala," Claude chuckled as he hugged me tighter. "Iyakin talaga."

"Malamang!" My voice was muffled because I was buried in his chest.

Inangat ko yung ulo ko para tignan siya at parang naiiyak rin siya! Mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya at mas lumakas yung pagpatak ng luha ko.

"Bakit ka biglang umalis?! Bakit hindi ka nagrereply sa akin?!" I said.

"Sorry na." He rested his chin on top of my head. "Didn't you miss me?"

Hindi ko pa rin mapigilan ang iyak ko. Wala na akong pake kung pinagtitignan kami! Ano ba alam nila?! Hindi ko naman na sila makikita! Taga Baguio ako!

"Hindi, bwisit ka." I punched his chest. "Sobrang na-miss lang."

He laughed and wiped my tears. "Libre na lang kita. Ano gusto mo?"

"Balik ka na ng Baguio," agad kong sagot habang naglalakad kami pabalik sa mesa kung nasaan sina nina Franco kanina.

Tumawa si Claude at inakbayan ako. "Lipat ka na lang ng Manila. We could co-own a new firm after graduating."

Sumimangot naman ako. "I don't like it here. People are mean."

"Sa una lang 'yan," he said while fixing my hair.

"Nat, ano order mo?" tanong ni Lance na nakapila. "Si Vale?"

Nanlaki naman ang mata ko nang maalala kong nasa labas pala si Vale!

"Nasa labas! Nagaantay. Doon muna ako! Orderan mo nalang kami ng tig-isang 3 buddies!" sabi ko.

"Yeah, we should probably wait outside. Medyo masikip dito," rinig kong sabi ni Claude.

Lumabas kaagad ako at nakita ko si Vale kung saan siya naka-tayo kanina. He had his airpods on his ears and his eyes glued to his cellphone screen.

Tinanggal ko yung isang airpod niya at hinipan yung tenga niya kaya kitang kita ko ang gulat sa mukha niya.

I giggled and gave him back the airpod. Bago ko pa masabi sa kanya na nandito si Claude, parehas kaming nagulat sa boses na tumawag bigla sa kanya.

"Bro!" bati ni Claude kay Vale.

Mukhang gulat si Vale at hindi alam ang sasabihin. Oh crap. I almost forgot about Raffy! Magagalit kaya 'yon pag malaman niyang nagkita yung best friend niya at yung... ex? Ex ba?

"Uy," Bahagyang tawa ni Vale habang nagb-bro hug sila. "Bastos ka ah. Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

Tumawa naman si Claude at napakamot sa ulo niya. "Medyo busy eh, maraming—"

Bago pa niya matapos ang sinasabi niya ay may lumapit na mga babaeng gustong magpa-picture sa kanya. Claude, being a nice guy, even offered to hold the camera.

"Busy nga." I muttered under my breath.

Napalingon naman si Vale sa akin at lumunok. I gave him a small smile, and he did the same.

Pagkaalis ng mga babae ay umakbay nanaman si Claude sa akin. "Saan tayo kakain?"

"Sa KFC," sagot ko kaagad.

"KFC?!" Claude looked amused. "May gano'n na sa Baguio! Dapat a taste of Manila."

"He means to say a taste of traffic and pollution," sabi naman ni Franco na kakalabas rin.

"Bastos." Claude laughed. "May alam akong thai restaurant. Doon nalang?"

Lumingon si Claude sa akin. "I know you love pad thai. Tara."

Ngumiti naman ako at tumango. Lumabas na rin si Lance at Hanzo galing sa loob kaya naman dumiretso na kami sa tinutukoy ni Claude. Nagulat ako dahil mukhang mamahalin yung restaurant kaya ang onti lang ng kumakain do'n!

Si Hanzo ang pinaka-gutom, kaya naman kung ano ano na ang mga inorder niya. Tumabi sa akin si Claude sa kaliwa, at si Vale naman sa kanan.

I bit my lip as I read the menu. Paulit ulit ko na atang binabasa yung spring rolls dahil hindi ako maka-focus! And Vale has been awfully quiet...

"What do you want?" tanong ni Claude.

"Kahit ano," I told him.

Tinignan niya lang ako at tinawanan. "You've been eyeing those spring rolls. Order natin. Also, pad thai, right?"

In the end, we all ordered a feast. May binagoongan na kanin, may hindi ko malaman laman na seafood na ulam, may mukhang sinigang pero hindi talaga sinigang, at marami pang iba.

"CR lang," tayo ni Claude at dumiretso sa CR.

Bumaling ako kay Vale na tahimik na kumakain. I bit my lip and glued my eyes to the food in front of me.

I slightly shivered when the aircon hit me again. Naka-shorts lang ako at simpleng spaghetti top kaya medyo nalalamigan ako. Hindi ko naman alam na ganito sila ka-harsh dito sa Manila pagdating sa aircon!

"Are you cold?" tanong ni Vale sa akin.

Umiling ako. "I'm fine."

Tinignan niya pa rin ako. He could tell I was lying, pero bumalik na rin si Claude kaya wala na siyang ibang sinabi.

For the rest of the meal, we all just caught up with each other's lives. Si Claude pala, naglalaro na for La Salle. Of course, I heard about it all the way from Baguio, pero hindi ko alam na may laro na pala sila nung kailan. Hindi ko man lang napanuod!

Habang nagtatawanan kami ay tinawag ni Franco ang isang waiter at humingi ng bill.

Mukhang gulat yung waiter, at si Claude naman ay umiiling doon sa waiter. "Sir, bayad na po. Binayaran na po ni Sir Claude kanina."

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Kaya pala ang tagal niya sa banyo!

"Wow, thank you, hotshot!" sabi ni Margaux kay Claude.

"Alam mo, Claude, kung ganito ka pala mang-spoil, ako na sana yung jumowa sa'yo." Ngisi ni Hanzo. "Raffy who?"

Napatigil kami nang imention 'yon ni Hanzo. Pinandilatan agad siya ni Margaux kaya nagtaas siya ng kilay. Buong kainan namin, hindi na namin na-mention si Raffy, eh.

I could still see it in his eyes, though.

He still loves her.

"Tara na!" sabi ni Margaux.

"Hatid ko na kayo. My car's parked in the other side," sabi ni Claude habang tinutulungan si Lance at Hanzo sa mga milktea na binili kanina.

I stayed beside Claude as we walked towards the parking area. Parang pabigat nang pabigat habang napapalapit ako sa sasakyan. It's like losing my best friend all over again.

But at least this time, I get a goodbye.

Nilagay ni Claude sa loob ng sasakyan ni Vale yung isang plastic na may dalawang milktea. Sina Franco naman ay nagpaalam na kay Claude at dumiretso sa sasakyan nila.

I held back my tears. Grabe naman! Paskong pasko, gagantuhin niya ako!

"Ayaw mo bang umuwi?" I asked, already feeling the tears on my cheeks.

"You're crying again." Tawa ni Claude sabay pisil sa pisngi ko. "Stop crying na."

"Kahit ngayong Pasko lang." I almost sounded like I was a kid who wanted a gift for Christmas. "Wala si ate, eh."

Niyakap ako ni Claude. "Nat, I'm sorry. I'm sorry about Ate Noelle."

"Hindi ka man lang nag-reply," I said.

I wanted to sound angry, but my tears and sob made me sound sad.

"I know. I'm sorry," he apologized. "Alam ko namang kapag nireplyan ko kayo, mamimiss ko kayo masyado. Baka bumalik ako sa Baguio ng 'di oras."

I laughed as I hugged him tighter. Hinalikan ni Claude ang noo ko at kumalas sa yakap.

"She's doing okay," I told him, obviously seeing that he wanted to ask. Kilala ko naman 'tong si Claude, mula pagka-bata. "Don't worry about her."

Tumango naman si Claude at pinunasan yung luha ko. Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Vale at binuksan yung bintana.

Ngumiti si Claude at tinignan si Vale. "Thanks, bro."

Tinanguan siya ni Vale. "Ingat ka, bro."

"Merry Christmas," sabi ni Claude sa aming dalawa. "Drive safe!"

Nginitian ko naman siya habang palabas kami sa parking area. Vale honked at him twice before speeding up.

Hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko habang paalis kami ng Manila. Claude was one of the people who genuinely cared about me. Who never made me feel alone.

Nagulat na lang ako nang ilahad ni Vale ang isang box ng tissues galing sa likod.

Kinuha ko 'yon at nag-blow ng nose. He chuckled and shook his head.

"Disgusting." He laughed.

"Alam ko!" I laughed with him.

Parehas na kaming natahimik habang nagmamaneho siya. He's been so quiet ever since Claude. Is he okay kaya?

Is he thinking of Raffy?

"Are you okay?" tanong ko pagkalagpas namin sa toll gate.

Tumango siya, pero wala siyang imik. Tumikhim lang siya habang nagsshift ng gear. I bit my lip, trying to stop myself from speaking.

Bago pa ako makapag-salita ay tumikhim ulit siya. Binuksan ko yung straw ng isang milktea para sa kanya.

"Here." Lahad ko sa milktea na may straw na. He was driving, so I placed the straw right by his mouth, para hindi na siya mag-abala.

Tinignan niya muna ako bago siya humigop doon. Binaba ko naman yung cup at nilagay 'yon sa lalagyan between us.

Binuksan ko na rin yung sa akin at tuloy tuloy na humigop doon.

"You still love him, 'no?"

Nasamid ako nang marinig ko ang tanong ni Vale. Hindi tumigil ang pag-ubo ko kaya naman nag-panic na rin siya. Hindi naman kami pwedeng tumigil dahil nasa express way kami!

"Nat, breathe!" he said while patting my back.

Nilabas ni Vale ang tubig na naka-lagay sa lalagyan na mukhang binili niya kanina sa mall. Bawas na, eh! Ano 'to, mag-iindirect kiss kami?!

"Inumin mo na!" Vale said. I could hear the panic in his voice so I drank the water immediately.

Huminga naman ako nang malalim nang tumahan ang pag-ubo ko.

Vale cleared his throat as he continued drive habang ako naman ay naubos ko na ang tubig na nasa bote.

"You good?" tanong ni Vale sa akin.

Tumango ako at huminga nang malalim. Bakit niya ba tinatanong kung mahal ko pa si Claude? Is he weighing it out? Tinitignan niya ba kung may pag-asa pa siya kay Raffy, kaya niya tinatanong kung gusto ko pa si Claude?

The whole car ride was silent. Nakatulog na rin ako at nagulat na lang na nasa Baguio na pala kami. Hindi na rin kami nag-stop over dahil busog pa naman kaming lahat.

"Anak, sorry! We promise, by New Year, nand'yan na kami. Pwede ka namang pumunta sa bahay nina Tito Fred—"

"Okay lang, Mommy." I turned off my camera. "Uh, matutulog na lang ako nang maaga."

"We bought you so much presents, you'll love it. We'll see you at New Year!"

I ended the call and pulled my blanket up. Nandito ako sa sala, nanunuod nanaman ng The Notebook. Hindi ko alam kung ano ba ang inaasahan ko. Wala man lang Christmas tree, o kahit na anong Christmas decoration.

Binuksan ko ang instagram ko at tinignan ang mga stories ng iba't ibang mga tao. Mukhang magkasama si Franco at Margaux sa bahay nina Raffy, at si Hanzo naman ay kasama ang pamilya niya. Si Lance ay busy rin ngayon kaya napabuntong hininga nalang ako.

I was wearing my striped fuzzy socks and terno plaid Christmas pajamas. Naka-bun rin ang ulo ko at katatapos ko lang mag-skin care. Siguro naka-tatlong Christmas romcoms na ako sa Netflix at magse-seven o'clock palang.

Matulog nalang kaya talaga ako nang maaga?

I searched around on the internet what restaurants were still open. Bukas pa naman ang SM, pero mukhang maaga sila magsasara ngayon.

Kinuha ko yung isang puting cardigan ko at tumawag sa guard para kuhanan ako ng taxi.

I just wore slip-ons, since I was just eating by myself.

It's Christmas! I highly doubt anyone would be eating at Mr. Ramyun on Christmas eve.

Pagkarating ko ng Assumption, sobrang dismayado ko nang makitang naka-sara na pala sila. I took a deep breath and observed the fog coming from my mouth. Kahit na naka-socks at cardigan na ako, sobrang lamig pa rin talaga.

Nagulat na lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. My forehead creased once I saw Vale calling me from messenger.

"Hello?" I answered.

"Are you wearing pajamas?" tanong niya, rinig na rinig ang mga busina ng mga sasakyan.

"How did you know?!" I looked around. "Stalker!"

He laughed on the other end. "Meet me in Mabini."

Bago pa ako umangal ay pinatay niya na ang tawag. Ngumuso ako at umirap nalang sa kawalan.

Assumption's not far from Mabini, so I walked. Mukhang marami ring mga taong nasa labas ngayon. Late night Christmas shopping, I guess.

Pagkarating ko sa Mabini, nagulat ako nang makita ko ang matangkad na lalaking mukhang kanina pa nagaantay. He was wearing khaki colored pants and a red sweater with a reindeer design in front of it. May supt rin siyang puti na collared polo sa loob no'n.

"Anong ginagawa mo dito?!" sabi ko sa kanya. "Are you stalking me? You're stalking me!"

Ginulo niya yung buhok kong pawala na ang tali. Kinuha niya yung tali ko at inayos ang buhok ko sa isang pony tail.

"You're still not answering," sabi ko sa kanya.

"I just bought some stuff." He showed me the plastic bag on his wrist. "Why are you here?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayoko namang maawa siya sa akin. Ayoko mag-mukhang kawawa.

"Uh, may binili lang," mahinang sagot ko.

Nakatalikod ako kay Vale dahil inaayos niya yung buhok ko. Mabuti na lang, dahil naluluha nanaman ako.

Hindi ko pa sinasabi sa iba na wala akong kasama ngayong Pasko. Hindi rin naman nila tinatanong! I don't want to be that downer on Christmas eve.

Vale gently made me face him. Nakakunot ang noo niya at mukhang hindi siya naniniwala sa sagot ko.

"May kasama ka ba?" he asked me.

"Oo!" I quickly answered, even though tears were already filling up my eyes.

Hindi ko alam kung bakit sobrang iyakin ko na! Ayoko namang umiiyak sa harapan ng ibang tao!

Vale chuckled and pulled me closer. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Hindi ko na kinayang ipunin sa mata ko dahil bumuhos na bigla. I bit my lip to stop myself from crying. Ayoko namang mabasa yung Christmas sweater niya.

He grabbed my hand and led me to Session. Sobrang ganda ng mga ilaw at rinig ko rin ang mga kumakanta na street artists. I could hear Have Yourself A Merry Little Christmas on their speakers and immediately saw their cute Christmas songs.

"Hindi ba makakarating parents mo?" tanong ni Vale habang naglalakad kami pababa ng Session Road.

Umiling ako.

He gave me a sad smile and pulled me closer. Parang mas naiiyak ako ngayong mayroon siya. Kanina, okay lang naman ako. Hindi ko naman naramdaman yung luha. I didn't even feel the need to cry.

I guess love is more overwhelming than loneliness.

"Spend Christmas with us," he suddenly said.

Gulat akong tumingin sa kanya.

Us? As in kasama pamilya niya?!

"Baliw!" I pushed him.

He laughed and continued to walk. "I'm serious! You're... dressed perfectly?"

Kumunot ang noo ko. Gusto niya ba akong ipahiya?! Naka-pajamas at tsinelas lang ako!

"Uuwi na ako," sabi ko sa kanya sabay tigil sa pag-lalakad.

I quickly raised my hand and hailed a cab. Pumasok agad ako ng taxi, pero sumunod si Vale! Bastos talaga! Ayoko ngang pumunta sa kanila na ganito ang suot!

"Manong, sa Suello po," sabi ko sa driver.

Lumingon ako kay Vale na nakangiti lang.

"Bakit ka ba sumama?!" tanong ko sa kanya. "Atska, yung sasakyan mo!"

"I didn't bring it. I took a jeepney," sabi niya sa akin.

Napataas naman ang dalawang kilay ko.

Seryoso ba siya? I've never seen him commute.

"We can stop by your place then take a cab to Bakakeng," sabi niya na para bang napag-isipan na talaga niya.

I scoffed and crossed my arms. Is he really inviting me to spend Christmas with his family?

Hindi ko napigilan na makinig kay Manong Driver na ngayon ay may kausap na sa cellphone niya. Mukhang nagsosorry siya sa asawa niya dahil kailangan pa daw niyang mamasada.

Pagkarating namin sa bahay, as I gave the money to the driver, nginitian ko si Manong at nilagay ang kamay ko sa balikat niya.

"Sa inyo na po yung barya. Merry Christmas po, manong." I smiled.

Mukhang naiiyak pa si Manong Driver dahil mas malaki pa ang barya kesa sa bayad ko talaga. He gave me a smile as he looked at me.

"Ma'am, salamat po, ah." He wiped off his tears. "Dalawang taon na kaming walang pang-noche buena na maayos."

"Naku, umuwi na po kayo, manong! Mag-enjoy po kayo sa noche buena niyo. Sorry po at hindi po 'yan masyadong marami." I gave him a big smile.

Nagulat ako nang makita ko si Vale sa bintana ng passenger seat at may inaabot rin kay manong na naka-fold na pera, pero nakita kong kulay asul 'yon.

"Pang-dagdag ho, manong." Ngumiti si Vale.

Mukhang mas naiyak si manong at pinasalamatan kaming dalawa. I couldn't help but smile at Vale's gesture. His smile looked so genuine.

Sinara ko yung pintuan ng taxi at dumiretso sa bahay.

Tinignan ko si Vale na nakapamulsa ngayon. He patiently waited as I opened the door.

Desidido na ba talaga siyang sasama ako sa kanya?!

Umupo si Vale sa isang sofa at dumiretso naman ako sa taas para makapag-palit.

Hala, ano susuotin ko?! Makikilala ko ba pamilya niya? Ano ba pwedeng suotin?!

I groaned in frustration.

Bakit ba ako nagpapanic?

I took my white pullover and a red and black plaid skirt. Nag-black na stockings na rin ako para hindi masyadong malamig. I also wore some brown boots that only went up to my ankles.

Kumuha na rin ako ng ibang extra gifts doon sa pinamili namin last week. Mabuti na lang at may binili akong extra para sa mga pinsan kong lalaki. Bigyan ko na rin ata ng isa si Valir.

Nilagay ko 'yon at isang set ng toblerone sa string bag kong kulay brown.

"Wow." Tumawa si Vale pagkakita niya sa akin.

"Oh! Crush mo nanaman ako!" I teased, trying to hide the fact that was turning as red as a tomato.

"Tara na." He messed up my hair again.

Ginulo ko na rin yung buhok niyang sobrang ayos ngayon. Tinawanan niya na lang ako at naglakad palabas.

Mukhang nag-book siya sa grab kaya may taxi na kaagad sa labas. It didn't take long for us to get to their place. I was in awe at how beautiful the decorations were. Lahat ng bahay, sobrang laki! At sobrang sosyal at pinageffortan pa ng designs!

"Grabe, pangmayayaman talaga 'to!" sabi ko sa kanya. "Aminin mo nga, Vale. Drug dealer ka ba?"

"Pwede naman." He laughed and scrolled through his phone.

I rolled my eyes at him and laughed. Ang hilig niya sumabay sa walang kwenta kong jokes.

"D'yan nalang po sa gilid, manong," sabi niya sa driver at nagbigay ng bagad. "Keep the change po. Merry Christmas!"

"Salamat, sir!" Ngiti nung driver. "Merry Christmas, ho!"

I stood in awe of all the houses. It was as if I ended up in winter wonderland... without the snow. Kita ko rin yung fog galing sa bunganga ni Vale pagkalabas niya ng taxi.

I smiled as he held my hand. His hands were warm, at mukhang gulat pa siya dahil sobrang lamig ng kamay ko. I, too, couldn't tell if it was because of the weather or the fact that I'd be spending Christmas with his family.

Rinig ko kaagad ang mga tawanan at Christmas songs pagkapasok namin ng bahay nila.

"Vale, anak, nakabili ka ba?" tanong nung Mama ni Vale pagkapasok namin.

Mukhang gulat siya nang makita ako at agad akong kumalas sa kamay ni Vale.

Bakit ba ako pumayag na pumunta dito?!

"Natalia?" She smiled. "You look so much better! Kumakain ka ba nang maayos? Nako, you're just in time! Patapos na ang luto sa chicken."

"Ma." Vale gave the plastic bag to his mom.

"Kayong dalawa lang ba?" tanong ng mama niya. "Come in, come in! The dinner table is already set up!"

Mukhang maraming mga bisita sina Vale ngayon dahil sobrang daming platong naka-handa sa mahabang mesa. Marami pang mga nagtatawanan samay sala nila pero hindi ko makita dahil nasa dulo pa.

Nagulat ako nang biglang may tumakbo na dalawang bata sa pagitan namin ni Vale. Natawa naman ako nang magtago yung isa sa likod ko.

"Zola," Tumawa si Vale. "Do you know her?"

The little girl giggled as she continued to grip on my sweater. "This is Ate—"

"Ate peanat!" Tumalon si Valir. "Ate peanat is here!"

I giggled and pinched both his cheeks. "Hi little Vale!"

"Ate, you'll spend Christmas here ba? Do I get a gift?!"

"Valir—" Hindi ko na pinatapos si Vale.

"Of course, you do!" I smiled and took out the gift and chocolates from my string bag.

Si Woody lang 'yon galing sa Toy Story. Medyo mahal na binenta sa SM pero cute naman!

"Also, I heard you like chocolates."

Malaki ang mata at ngiti ni Valir habang binibigay ko sa kanya 'yon. "Thank you, Ate Peanat! Kuya, I can't reach her face! You be the one to give her a kiss!"

Nanlaki naman ang mata ko. Tumawa yung nanay ni Vale habang naghahain ng pagkain.

"Nako, Ate Peanat, pagpasensyahan mo na yung bata. He thinks he's supposed to kiss everyone that gives him a gift," sabi ng mama ni Vale. "Upo na kayo! I'll go call the others."

Pagkaupo namin ni Vale ay kinuha niya yung bag ko at sinabit 'yon sa upuan niya. Their house was so beautiful. Pang mayaman talaga! And their table, their chairs, their food... it was almost magical.

Nagulat ako nang magsi-pasok ang iba't ibang mga tao sa dining room. May ibang mga mukhang matatanda at ibang mga bata.

I gave Vale a shocked look, and he laughed.

"Some of our neighbors are our relatives." He explained. "We always spend our holidays together."

Nanlaki naman ang mga mata ko. So... yung ibang mga bahay sa labas... sa kanila?! Ang yaman naman ng buong angkan nila!

Ano susunod, babayaran ako ng 10 million ng mama niya para layuan siya?!

"Drug dealer ba kayo?" I whispered.

Tumawa siya at umiling. They all looked so happy.

I wonder which one is his dad?

A man sat down at the end of table, and his mom sat at the other side. May ibang mga katulong naman pero mukhang si Tita ang nagluto ng karamihan.

"Ate Candy, upo ka na. Noche buena ka muna dito bago ka bumyahe." Tita smiled at the girl that was placing the rice at the center.

Ngumiti naman siya sa mama ni Vale. "Naku, ma'am, baka malate po ako."

"Sure ka ba? Baka gutumin ka. Mag-baon ka para na rin sa pamilya mo." Vale's mom said.

Malaki naman ang ngiti ni Ate Candy. I couldn't help but smile at how soft his mom's voice is.

I guess kindness runs in their blood?

"Uncle Steven, ikaw na po mag-pray," sabi nung isang binata sa isang lalaki.

Tumango yung tito nila at pinikit ang mata niya.

"Lord, we thank You for this food and Your constant provision. We ask for blessing upon those who prepared it, and also, Father, we thank You for family. For everyone in this table. We would like to dedicate this night to You, we love You Lord, in the mighty name of Jesus we pray..."

"Amen!" sabay sabay na sabi ng buong pamilya.

I couldn't help but smile.

So lahat sila Kristiyano?

Vale gave me a smile as he put some rice on my plate. Pinasa naman nung babae sa tabi ko ang ibang ulam at nginitian ako.

"Hello," bati niya sa akin.

"Hi." I smiled back.

"You're that girl." Sabi niya habang nilalagyan niya ng baguio beans and plato niya.

"Ha?" I laughed. She looks younger than me, and she has the spitting image of Vale's mom. Kapatid kaya 'to ni Vale o pinsan?

"The one sa polaroid. In Kuya's phone." She handed me the beans. "Are you together? I always thought Ate Raffy would be his girlfriend, but you're okay, too."

Hindi ko napigilan ang gulat sa mukha ko nang sabihin niya 'yon. Napalingon ako kay Vale na nabubulunan na ngayon. Tinatapik nung katabi niya ang likod niya at nilahad ko naman sa kanya ang isang baso ng tubig.

Napatingin yung ibang mga kamag-anak nila sa amin kaya mas nahiya ako. Nilakasan ko ang pag-tapik sa likod niya at ininom niya naman kaagad yung tubig.

"Vale, who's your friend?" tanong nung isang matandang babae. "You haven't introduced her!"

"Uh," Tumikhim siya at bumaling sa akin. "Si Natalia po..."

Pinakilala niya sa akin yung mga kamag-anak nila, pero hindi ko na matandaan yung mga pangalan.

"I'm Aurora." Ngiti nung babae sa tabi ko. "The one in front of you is Kuya Clint."

Tinignan ko yung binata na naghikayat sa tito nila na mag-dasal. If I thought Valir was a small Vale, then this one's a regular one. So si Vale yung large? Regular ba o medium?

"It's okay if you're Kuya's girlfriend. You seem nice." Ngiti ni Aurora sa akin habang kumakain.

"Aurora, I can hear you." Rinig kong salita ni Vale sa tabi ko.

Nagpigil ako ng ngiti at nilapitan si Aurora. "I seem nice ba? Your brother isn't very nice, though."

Aurora giggled. Mukhang nagpipigil rin si Vale ng ngiti at pinandilatan ako. I returned back to eating. Sobrang saya ng pamilya nila. Hindi ko maalala kung pinakilala ba ni Vale yung papa niya o hindi.

Pagkatapos namin kumain, dumiretso kaming lahat sa sala kung saan sobrang daming mga regalo para sa mga bata. Everyone gathered around the fireplace to keep warm.

"Uncle Joe, naman!" Tawa ni Clint. "Wala pa nga po akong girlfriend!"

"Sinasabi ko lang nga! Kapag magkaka-girlfriend ka, dapat matalino, dapat may humor, dapat mayaman, at dapat hindi sila magkakakilala!" sabi nung Tito nilang malaki ang tiyan.

"Kung ano ano nanaman tinuturo mo sa mga anak ko, Joe!" Tumawa yung mama ni Vale habang may hawak hawak na tray.

The tray was filled with mugs of hot cocoa, topped with marshmallows.

"Tulungan ko na po kayo, doc," sabi ko sa mama ni Vale. Lumapit rin si Vale para agawin yung tray sa akin.

"Doc? You're so formal naman, hija!" She placed her hand on my shoulder. "Just call me Tita Carla!"

"Or mama!" sigaw ni Aurora galing sa sofa.

Tumawa naman yung ibang mga kamag-anak ni Vale. I awkwardly laughed and sat down near Vale. May mga iba rin siyang mga pinsan na mukhang ka-age namin at ka-age nina Aurora.

"Vale, nililigawan mo na ba 'yang si Natalia?" tanong nung isang Tita niya.

Vale gave me an apologetic look before looking at his relatives.

"Naku! Natalia, kung hindi pa gagalaw 'yang si Vale, ipapakilala ko nalang sa'yo yung anak ko!" Sabi nung isa pang Tita.

"Soledad, aagawan mo pa si Carla ng manugang." Their Uncle Joe laughed.

Mukhang tuwang tuwa rin si Clint at Aurora, at yung ibang mga pinsan nila habang nagjojoke yung mga tito't tita nila.

"Tara na nga." Vale grabbed my hand and led me to their backdoor.

The speakers were already outside playing some songs and there as also a bonfire and some marshmallows. Mukhang ayaw nilang lumabas dahil sa lamig.

"Mukhang may irereto yung tita mo sa akin, ah," I gave him a teasing smile.

Tumawa naman siya at umupo sa bench na naka-paligid sa bonfire. I sat down beside him while he fixed a checkered blanket on top of us.

Mas lumapit siya sa akin at inayos yung kumot. I bit my lip as I rested my head on his shoulder. He smelled like peppermint, while the blanket smelled like cookies and marshmallows.

I felt like my heart was about to burst out of my chest.

Nagulat ako nang makita kong lumabas si Aurora na may dalang dalawang mug. Nginisian niya kami at nilahad 'yon sa amin.

We both thanked her, and she immediately ran back to the door. Bago siya pumasok ay lumingon siya sa aming dalawa.

"You know, there's a mistletoe right there." She pointed over the headlight of their back porch.

Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Bago pa kami maka-sagot ni Vale ay pumasok na ulit siya sa loob.

"Siraulo talaga." Vale laughed and placed his mug beside him.

"She's nice." I smiled. "Akala niya daw si Raffy magiging girlfriend mo."

Naramdaman ko ang pagtawa niya. I breathed out and giggled once I saw the fog again.

"I'm a dragon. I'm breathing out fog." I whispered.

Tumawa naman si Vale at pinisil yung ilong ko. "Crazy, that's not fog."

"Huh? Eh ano 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Yung air lang 'yan. Kaya mo nakikita kasi mas mainit yung hininga mo."

I nodded and looked at him. "Okay fine, mister smarty pants."

I held the mug with both of my hands and rested my head on his shoulder again. Parehas lang kaming nakatingin sa apoy.

"You're family's nice." I smiled.

"Really?" Bahagya siyang tumawa. "They're loud."

"I'd choose a loud family over a silent one any day." I chuckled. "My family barely calls me."

Naramdaman ko yung ulo niya sa ibabaw ng ulo ko. It was... comforting.

"Why are you so nice?" I quietly asked.

He remained silent. Huminga siya nang malalim, hindi gumagalaw sa posisyon namin.

"Because I care," mahina niyang sagot sa akin.

Parang nanlambit yung buong katawan ko nang sabihin niya 'yon. Hindi ko napigilan ang luha sa mata ko.

Bigla naman siyang napatingin sa akin at napangiti. "Bakit ka umiiyak?"

"Ikaw kasi!" I punched his arm. "Nakakaoverwhelm!"

He suddenly panicked. "What? Am I too—"

"No, no!" I laughed. Hindi pa rin tumitigil yung luha ko. "I guess the reason why I'm so overwhelmed when people show me that they care is because... I haven't felt that way in a long time. The last few people that always asked me how I was doing is now either dead or ghosted me. I mean, my friends are great. They're amazing. They took me to Enchanted. They're there."

He blinked a couple of times, listening intently. Pinaglaruan ko yung kumot para hindi ko na siya tignan.

"But sometimes, I think..." I started. "What if I go missing? What if I go missing for a few days? Walang maghahanap sa akin kasi wala naman akong kasama sa bahay. They'd think I'm just sulking at home. What if I died? Nobody would notice."

Naramdaman ko yung mainit na kamay niya sa kamay ko habang nagsasalita ako.

"You're so blessed with your family, Vale." I let out a breath while looking at him. "Alam mo, my parents don't even call me weekly anymore. They used to call me once or twice a week. Now they'd just send money, as if it was a chore. I just... who would find me? Who would look for me?"

Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa akin. It was as if seeing me this way was hurting him, too. He looked like he was in pain, too.

"I would look for you," sambit niya.

Napatingin ako sa kanya. He gave me a small smile and wiped my tears off my cheeks.

Hindi ko pa rin napigilan ang pag-iyak ko... because I felt like... I had somebody again.

Tumayo naman siya at hinila ako patayo kaya binaba ko agad yung mug. He pulled me closer and put his other hand at the small of my back.

"What are you doing?" I laughed.

"We are dancing." Ngiti niya sabay sayaw.

The song playing on the speakers wasn't even a slow song!

He twirled me around and pulled me back closer to him. We both danced along to the music and laughed.

Kung ano ano na yung steps na ginawa namin kaya mas lumakas ang tawa naming dalawa. Napatigil naman kami nang marinig namin yung pamilya niya sa loob na nagco-count down na parang new year na.

"Are they counting down?" I let out a laugh.

"Yeah, they do that." Bahagya siyang tumawa. "For the kids. Para mabuksan nila presents nila at midnight."

"Five... four... three... two..."

I looked up at Vale who was already looking at me. Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso niya sa sobrang lapit ko sa kanya.

Mas nagulat ako nang mapagtanto kong nasa ilalim na pala kami ng ilaw ng back porch nila. And a green little thing was hanging over our heads.

Hindi ko alam kung kanino ba ang mas mabilis ang tibok ng puso, sa kanya ba o sa akin, pero nang marinig namin ang "one" sa loob ay para akong nawalan ng hininga.

"Merry Christmas, Natalia Claire." He smiled.

"Merry Christmas, Vance Lawrence." I smiled back at him.

"Merry Christmas!" Rinig namin galing sa loob.

Bago pa ako maka-lingon sa pamilya niya ay naramdaman ko agad ang labi niyang nakadapo sa labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
5.6K 212 67
Shilo & Timothy Flying Letters Series #2 🖇️Completed ©slpycat 2022
11.4K 363 105
an epistolary ; tri and jaxon [SOON TO BE PUBLISHED, HANDLED BY GOOD SAMARITES BOOKSHOP]
249K 13.1K 60
[Politico 2] For Alunsina, life is a one-time shot. It's a one-time risk and a one-time drown into the open. She gives it her all and would never set...