Class Zero

By Penguin20

7.2M 432K 181K

Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga ka... More

Class Zero
Teaser
Chapter 1: Prominent School
Chapter 2: Exam Result
Chapter 3: Different Treatment
Chapter 4: Class Zero
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: Real mission
Chapter 7: Physical training
Chapter 8: Awakening power
Chapter 9: Against Lawbreakers
Chapter 10: Leaving class zero
Chapter 11: Back to sense
Chapter 12: Back in Class Zero
Chapter 13: First Mission
Chapter 14: Investigating
Chapter 15: Pochi Monster
Chapter 16: Missing Post
Chapter 17: Lockup
Chapter 18: Against Lawbreakers
Chapter 19: Urgent Meeting
Chapter 20: Affected by her Death
Chapter 21: Warning
Chapter 22: Foundation Week
Chapter 23: Winning without cheating
Chapter 24: Change of Plan
Chapter 25: Seven Versus Ace
Chapter 26: Suspended
Chapter 27: Brilliant Plan
Chapter 28: Scouting the Place
Chapter 29: Class Zero VS. Lupin
Chapter 30: Seize the day
Chapter 31: Review
Chapter 32: Phoenix Necklace
Chapter 33: Forgotten
Chapter 34: Aftermath
Chapter 35: Getting better
Chapter 36: The twelve members
Chapter 37: The party
Chapter 38: Servant of Fire
Chapter 39: Servant of Elements
Chapter 40: Mission done
Chapter 41: Zero base
Special: Girly Tapang
Chapter 42: The alliance
Chapter 43: Let's compact!
Chapter 44: Seven's Mission
Chapter 45: The search
Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo
Chapter 47: Enemy in good term
Chapter 48: Saying the truth
Chapter 49: Knowing Vincent
Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams
Chapter 51: Jamie Vs. Evan
Chapter 52: Revenge
Chapter 53: Compact
Chapter 54: Zero equals family
Chapter 55: Shaken Trust
Chapter 56: A New Mission
Chapter 57: The Teacher's Love
Chapter 58: Pressure of Leader
Chapter 59: Guarding her
Chapter 60: Dressing Up
Chapter 61: Leaders plan
Chapter 62: The Blind and The Steel
Chapter 63: Accepting Defeat
Chapter 64: The Greatest Enemy
Chapter 65: Final Exam
Chapter 66: Fun and Terror
Chapter 67: Part of the Society
Chapter 68: Let's Go Training!
Chapter 69: Clash of Leaders
Chapter 70: Decision He Made
Chapter 71: Train hard
Chapter 72: Progress
Chapter 73: Girls Bonding
Chapter 74: Sudden Energy
Chapter 75: Must Protect
Chapter 76: Unexpected Power
Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Chapter 78: Class Magnus
Chapter 79: Royal Blood
Chapter 80: New Semester, New Chance
Chapter 81: New Challenge
Chapter 82: The Competition
Chapter 83: Dodgeball
Chapter 84: Merton VS. Sahandra
Chapter 85: The Good Effect
Chapter 86: Pavilion Date
Special Chapter: Preparation
Chapter 87: The Young Glitches
Chapter 88: Never Abandon
Chapter 89: Her Reason
Chapter 90: The Final Play
Chapter 91: Tears with Pain
Chapter 92: Out of Control
Chapter 93: Monsters
Chapter 94: Mole in the Dark
Chapter 95: His Escape
Chapter 96: Give and Take
Chapter 97: A day before War
Chapter 98: Start of War
Chapter 99: Kiryu Versus Hugo
Chapter 100: Fight until the End
Chapter 102: We are Class Zero
Epilogue
Last Note
Special Chapter: Black and White
Class Zero Book version!
Class Zero Book Details
BOOK SIGNING (MIBF 2022)
BOOK SIGNING (Grand Fans Day)
Manila International Book Fair 2023

Chapter 101: Preventing the Worst

34.6K 2.5K 1.7K
By Penguin20

Slight changes in my plan, last chapter tomorrow then epilogue sa Sunday. But let still use the THANK YOU CLASS ZERO tomorrow on Twitter. 1PM.

Magte-trend tayo, in St. Claire we trust...

SEVEN

NASA gitna kami ng malawak na daan ni Tristan na napalilibutan mg matataas na building at establisyimento. I am well-aware that Tristan is not an easy opponent pero nasa tamang lugar kami kung saan magagamit ko ang kapangyarihan ko sa malawak na paraan. We are in the middle of the city, marami akong bagay na puwedeng pagalawin.

"Iniisip mo ba na ang pagsasakripisyo mo ngayon ay nangangahulugan na magtatagumpay ang mga kaibigan mong nasa Arroceros?" Ngumisi sa akin si Tristan at tumakbo ako ng mabilis upang maiwasan ang matutulis na ugat na umaangat mula sa kalsada. Huminto ako sa pagtakbo at pumagulong pakaliwa noong may malaking ugat na biglang umangat mula sa aking harap.

Damn. Muntik na ako roon.

"Iniisip mo rin ba na ang pagsasakripisyo mo ngayon ay magagawang mabuhay si Deathevn?" Sa pagkakataong ito ay ako naman ang ngumisi sa kanya at mabilis na pinagalaw ang isang motor patungo sa kanyang direksyon. Nakatalon si Tristan para maiwasan ito.

Tumama 'yong motor sa isang malaking building na naglikha ng pagsabog.

Tiwala akong magpaiwan dito para labanan si Tristan dahil magkakasama sina Jamie, Claire, at Teddy. They can execute our plan well. Especially Jamie and Teddy, ilang beses ko na silang nakikita na makipaglaban at ibang klase ang teamwork nilang dalawa na para bang kabisado na nila ang galaw ng isa't isa.

Mabilis akong tumatakbo tungo sa direksyon ni Tristan habang seryoso siyang tinitingnan. This will be our last battle and I refuse to die here.

Hinagis ko sa ere ang lahat ng baraha ko at sabay-sabay itong pinagalaw. I swayed my finger at sumugod ang mga baraha sa direksyon ni Tristan.

Ipinadyak ni Tristan ang kanyang paa at may mga ugat na lumabas mula sa kalsada na animo'y maraming galamay. He is controlling those roots para magawang maiwasan ang mga baraha ko.

Kung patuloy kong aatakihin si Tristan ay wala siyang ibang magagawa kung hindi depensahan ang aking bawat atake. Sa oras na mapagod siya ay magiging madali na para sa akin na patayin siya. Patuloy ang paggalaw ng akinh daliri na mabilis naman nakikita ni Tristan kung saan tutungo ang mga baraha.

"Iyan lang ba ang kaya mo?" Tanong ni Tristan at dalawang matulis na ugat ang mabilis na tumutungo sa aking direksyon. Mabilis akong yumuko para maiwasan ito.

Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang isang bakal na basurahan sa 'di kalayuan. Kasabay ng aking pagyuko ang pagpapagalaw ko sa basurahan at pinalipad tungo sa direksyon ni Tristan. I caught him off guard at tumama ito sa kanyang tagiliran. Tumilapon si Tristan sa sahig at nagpagulong-gulong.

Damn. Kung alam ko lang na hindi ito mapapansin ni Teistan ay mas malaki at matulis na bagay sana ang pinagalaw ko.

Naglabas ako ng isang matalim na espada noong nakahoga sa sahig si Tristan, wala dapat akong sayangin na pagkakataon. Akmang ihahakbang ko na ang aking paa ngunit may ugat na kumapit sa akin.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Tristan habang unti-unti itong bumabangon. "That was a pretty good attacked." Mas humigpit ang mga ugat na nakakapit sa paa ko at napapasigaw na ako sa sakit. "Hindi ikaw ang makakapatay sa akin, bata. Kailangan kong masaksihan ang pagbabalik ni Deathevn. Kailangan kong makita ang ekspresyon ng mga normal na tao sa oras na malaman nila ang tungkol sa atin!"

"Seven!" Malakas na sigaw ang aking narinig at nakita ko si Kiran na tumalon mula sa ikalawang palapag ng isang malapit na building.

Tiningnan niya ang paa ko at nasunog bigla ang mga ugat na nakakapit sa akin.

"Salamat!" Sigaw ko at sabay kming sumugod sa direksyon ni Tristan.

"Ikaw na ang bahala sa kanya, Seven!" Sigaw ni Kiran at nagliyab bigla ang kanyang kamao at inatake niya ang mga ugat na inilalabas ni Tristan.

Pinagalaw ko ang mga baraha ko at pinasugod muli sa kanyang direksyon dahil nga nagagawang masunog ni Kiran ang mga ugat na inilalabas niya ay humina ang depensa niya.

I swayed my fingers at pumalibot ang mga baraha ko kay Tristan. Sa isang iglap at animo'y nagsasayaw ang mga ito sa katwan ni Tristan at nasugatan siya sa iba't ibang bahago ng kanyang kayawan.

Mula sa aking direksyon ay kitang-kita ko ang paglabas ng dugo mula sa kanyang katawan.

I thought it will be the end for him pero binalot niya ang kanyang sarili sa makapal na kahoy dahilan upang hindi siya tablan ng mga atake ko.

"Kiran!" Sigaw ko.

Inipon ni Kiran ang buong lakas niya sa kanyang kanang kamay at nagpakawala ng asul na apoy at lumipad ito tungo sa direksyon ni Tristan. Ilang segundo namin itong pinagmasdan bago tuluyang nawala ang apoy na bumalot dito.

Parehas kaming nabigla ni Kiran noong makita na nasunog lamang ang kahoy na proteksyon ni Tristan. Nawala ang kanyang proteksyon at ngumisi ito sa amin. "Isa sa mga bagay na ayoko sa mundong ito ay ang mga taong may apoy na ability." Wika niya.

Ang mga sugat ni Tristan ay unti-unting naghihilom at tumigil ang paglabas ng pulang likido mula rito. "Sinisira ninyo ang magagandang puno at halaman na inilalabas ko!" Reklamo niya.

Kinabahan kami ni Kiran noong mabalutan ang buong lugar kung saan kami naroroon. Kaya niyang magpasulpot ng malalaking puno sa isang iglap lamang.

Nawala sa paningin namin si Tristan dahil sa makakapal na dahol na umusbong sa paligid.

"Kailangan nating makaalis agad dito." Sabi ko kay Kiran... this is dangerous. This is the comfortable norm for a plant manipulator.

"Yes, sir." Sagot ni Kiran sa akin.

Mataas kaming tumalon paakyat sa malaking sanga ng puno pero nagulat kami noong biglang tumulis ang mga dahon ng puno at sumugod sa aming direksyon.

Kiran used his fire element to eliminate those leaves.

Noong makita ko na may mga ugat na lumalabas mula sa lupa ay mabilis ko itong hiniwa gamit ang aking mga baraha bago pa man ito makalapit sa aming direksyon.

"Susunugin ko ang buong lugar." Wika ni Kiran sa akin at may mga matutulis na dahon na humiwa sa kanyang pisngi. "Kapag umangat ang usok sa paligi, gamitin natin iyong pagkakataon para makaalis dito."

Walang sinayang na oras si Koran at hinawakan niya ang malaking katawan ng isang puno at sinunog ito. Mabilis na kumalat ang apoy at kumapal ang usok sa paligid. Parehas kaming napatakip ng ilong at umalis sa ginawang gubat ni Tristan.

As soon as we escaped, we saw Tristan seating on the top of the car. "Nakakatawa kayo! Haha!" Sigaw niya.

"Fuck you." Pinagalaw ko ang isang lamp post at pinasugod sa kanyang direksyon. May ugat na kumapit dito at pumigil sa pagtungo sa kanyang direksyon.

Maya-maya lamang ay makakapal at malalaki na ugat ang umangat mula sa lupa.

"Takbo!" Malakas na sigaw ni Kiran at mabilis kaming tumakbo na dalawa papasok sa isang establisyimento. Patuloy kaming sinusundan noong ugat kung kaya't diretso ang aking tingin sa aming dinadaanan.

Sana lang ay magawa nila Jamie na makuha ang Phoenix Necklace upang matigil na ang lahat nang gulo na nangyayari ngayon.

"Sa kanan ka, sa kaliwa ako!" Utos ko kay Kiran at naghiwalay kami ng landas.

Napalingon ako sa aking likod at hindi ako ang sinundan noong ugat. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng building at mataas na tumalon pababa tungo sa direksyon ni Tristan.

I controlled my cards ngunit bago ko pa maiyapak ang paa ko sa lupa ay may mga igat na biglang kumapit sa paa ko. "Shit!" I tried to slice it pero para bang gawa sa matigas na bakal ang ugat na iyo.

Nakabaliktad ako sa ere habang diretsonh nakatingin kay Tristan.

"Ginawa mo naman akong tanga?" Tumawa muli si Tristan.

Humigpit ang pagkakakapit noong ugat sa aking paa at malakas akong inihampas sa kalsada. Ramdam ko ang sakit sa buo kong katawan sa paglapat ng katawan ko sa sahig. Nawarak ang daan at napasuka ako ng dugo dahil sa sakit.

"B-Bitawan mo ako!" Sa kabilang direksyon ay hawak din ng isang makapal na ugat si Kiran at malaks niyang sinusuntok ito upang siya'y makawala.

"Kiran!"

"Masyado ninyong minamaliit ang kakayahan ko, Class Zero." Tristan sighed. "Akala ko pa naman ay mas lumakas na kayo sa ilang linggo nating hindi pagkikita ngunit binigo ninyo na naman ako. Sa bagay, wala naman kayong matututunan kay Sir Joseph."

"Tristan!" Isang malakas na sigaw ang narinig namin mula sa tuktok ng isang building.

Inaninag ko kung sino ito— si Sir Joseph. Malakas niyang hinagis ang hawak niyang sibat na hindi inasahan ni Tristan.

Bumaon ang sibat sa dibdib ni Tristan at nawalan siya ng kontrol sa aming dalawa ni Kiran. Nakawala ako sa ugat at mabilis akong nag-cast ng spell. Pinagalaw ko ang isang dalawang bakal ng billboard at binaon ko sa tiyan ni Tristan.

Mas binaon ko ang mga bakal sa kanyang katawan upang hindi niya magawang makatakas o maprotektahan muli ang kanyang sarili gamit ang mga makakapal na kahoy.

Punong-puno na ng dugo ang kanyang katawan. "Kiran! Gawin mo na!" Malakas kong sigaw."

Alam kong kayang pahilumin ni Tristan ang kanyang mga sugat sa oras na pabayaan namin siya.

Bumuo ng isang apoy si Kiran sa kanyang palad at sa bawat segundo na lumilipas ay unti-unti itong lumalaki. "Siguro nga ay hindi kami tinuruan ni Sir Joseph pero sinanay niya kami kung paano gagamitin ang mga kapangyarihan namin sa mas epektibong paraan."

Pinakawalan ni Kiran ang asul na apoy na bumubulusok na tumungo sa direksyon ni Tristan.

Bago ito tumama sa katawan ni Tristan ay nakita ko ang takot sa knyang mata. "H-Hindi!" Malakas na sigaw ni Tristan na umalingawngaw sa buong paligid.

Tumama sa kanya ang apoy at malalakas na sigaw niya ang maririnig sa buong paligid sa ilang segundo. Unti-unting tinupos ng apoy ang kanyang katawan hanggang sa maglaho siya.

"Sa wakas." Napaupo ako sa sahig habang naghahabol ako nang paghinga. Nagawa na namin matalo si Tristan at tanging si Tasha na lamang ang nabubuhay na miyembro ng Black Organization.

Tumakbo si Kiran tungo sa aking direksyon at Inalalayan akong makatayo. "Ayos ka lang, Seven?" Tanong niya.

"May maliit lang akong sugar sa ulo at sa braso pero titigil din ang pagdudugo nito maya-maya. Ang mahalaga ay natalo na natin si Tristan. Kailangan na nating sumunod sa Arroceros para tumulong kanila Jamie."

Bumaba si Sir Joseph at pinagmasdan ang kotse na nagliliyab (kung saan nakapuwesto kanina si Tristan). Naglakad kaming dalawa ni Kiran palapit kaybSir. Seryoso siyang nakatingin doon. "Kung inalagaan at pinrotektahan ko lang sana kayo ay hindi ninyo gugustuhin o hihilingin ang ganitong bagay."

Ang pitong moyembro ng Black Organization ang unang naging estudyante ni Sir Koseph kung kaya't masakit para sa kanya na makita na nataliwas ang kanilang mga landas. I know it's hard for him to kill his student.

Ilang segundong nanaig ang katahimikan sa buong paligid bago magbitaw ng malalim na buntong-hininga si Sir Joseph. "Halika na Seven at Kiran. May importanteng laban pa tayong dapat tapusin."

Nagpatuloy kaminsa pagtakbo patungo sa Forest Park ngunit pare-parehas kaming napatigil sa pagtakbo noong makita namin na hnti-unting bumabagsak ang matataas na building at ramdam na ramdam namin ang pagyanig ng lupa.

Gamit ang kapangyarihan ko ay lumutang kaming tatlo. Kitang-kita namin ang pagkakaroon ng malalaking bitak ng daan at pinrotektahan namin ang aming mga sarili sa mga nagbabagsakang malalaking tipak ng bato.

Nagkatinginan kami nila Sir. Masama ito... mukhang delikado na ang mga bagay na susunod na mangyayari.

***

JAMIE

MABILIS akong tumatakbo pababa sa tunnel. Magbabayad si Tasha, hindi ko mapapatawad ang kanyang ginawa kay Teddy. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa kaibigan ko. "Tasha! Magpakita ka sa akin! Hindi ko hahayaan na saktan mo si Mild!" Malakas kong sigaw at dire-diretso sa pagtakbo pababa.

Hindi ko alam kung gaano kalalim ang kuta na ito ngunit ilang minuto na akong tumatakbo pababa pero mukhang walang katapusan ang hagdan pababa rito. Bago man ako makababa ay nadinig ko pa ang malakas na sigaw ni Jessica at Kiryu para pigilan ako ngunit hindi ako papayag na may gawing masama si Tasha kay Mild.

Si Mild ang isa sa malalapit kong kaibigan. Sa oras na mawala siya... hindi ko na alam... hindi ko na alam ang mga bagay na puwedeng mangyari sa akin. Unti-unting kinukuha ng Black Organization ang mga taong importante sa akin kung kaya't hindi ako makapapayag na magawa nilang mabuhay si Deathevn.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang dulo. Sa dulo nito ay may isang pinto at binuksan ito. Tumambad sa akin ang isang malaking silid na may isang malaking itim na dragon na nakakulong sa walang kulay na bato. Ramdam na ramdam ko ang mahika na bumabalot sa bato na ito na para bang pinipigilan na makalabas ang dragon na ito.

"Jamie, nandito ka na pala!" Dahil kulob sa lugar ay umalingawngaw sa buong paligid ang boses ni Tasha. Nakaapak siya sa may bato. "Gusto mo rin bang masaksihan ang pagkabuhay ni Deathevn?"

"B-Bakit ninyo 'to ginagawa Tasha?!" Malakas kong sigaw habang may luha na gumapang pababa ng aking mukha. "Ang daming glitches na nadadamay sa gulong ito! Ito ba ang pangarap ninyong mundo para sa atin?! Marami sa mga kasama mo ang naglaho na at ganoon din sa amin! Hindi mo ba naisip na hindi solusyon ang pagkabuhay ni Deathevn para maipakita sa buong mundo na mas malakas tayong mga glitches!"

Walang malay na nakahiga si Mild malapit sa kanya. "Ha?" Unti-unting tumawa si Tasha na papalakas na papalakas. "Oo gusto kong ipakita sa mundong ito na mas malakas tayo sa mga normal na tao pero gusto kong masira na ang mundong ito. Everything here sucks."

"Tasha!" Biglang sumulpot si Claire sa likod ni Tasha at mabilis siyang napalingon dito.

Inilabas ko ang aking pana at itinutok kay Tasha. Inatake ni Tasha si Claire at naglaho ito na parang usok. "Illusion?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Bago pa man siya makalingon ay binitawan ko na ang palaso at mabilis na lumilipad ito tungo sa kanyang direksyon.

Tumama ang palaso sa binti ni Tasha, muntik na siyang bumagsak ngunit mabilis niyang naibalanse ang kanyang sarili upang hindi mahulog.

"Ibalik mo ang kaibigan ko!" Malakas kong sigaw at nagpaulan ako ng palaso tungo sa kanyang direksyon. Tumakbo ako papaakyat upang mapigilan si Tasha sa kanyang binabalak.

"Mabubuhay si Deathevn!" Sigaw niya pabalik.

Hinawakan niya sa ulo si Mild at madion na sinabunutan. Unti-unti nang nagkaroon ng malay si Mild at napatigil ako sa pagtakbo. "Sige! Lumapit ka!" Itinapat niya ang talim ng kutsilyo sa leeg ni Mild.

Mild cried. "J-Jamie. Huwag kang matakot! Patayin mo si—"

Para bang bumagal ang takbo ng aking mundo sa aking nasaksihan, hindi na nairuloy ni Mild ang kanyang sinasabi noong biglang ginilitan ni Tasha ang leeg ni Mild.

Umagos na parang gripo ang dugo ni Mild at unti-unting nagkakaroon ng liwanag ang bato na inaapakan namin.

"Mild!" Malakas kong sigaw. Dinig na dinig sa buong paligid ang malakas na tawa ni Tasha

Naging dagger ang hawak kong sandata at walang takot na sumugod kay Tasha. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa kaibigan ko. Sinaksak ko siya sa kanyang tiyan at malakas niya akong sinipa para mapalayo ako.

Imbes na masaktan si Tasha ay mas malakas lang utong tumawa. Para bang balewala lang sa kanya ang pagsaksak ko dahil kinuha niya mula sa kanyang bulsa ang Phoenix Necklace at bumaling muli ang atensyon niya kay Mild.

"Magpaalam ka na sa kaibigan mo, Jamie," akmang tatakbo muli ako tungo sa direksyon ni Tasha ngunit mukhang ginamit na naman niya ang ability niya sa akin dahil hindi na naman muli ako makagalaw.

"B-Baliw ka na... Tasha!" Malakas kong sigaw sa kanya. Ibtried to move my hand or just look into her eyes pero alam niya ang ability ko.

She knows that I can't use my ability kapag hindi ko siya natititigan sa mata.

Hiniwa niya ang kaliwang dibdib ni Mild at kitang-kita ko ang lahat.

I clearly saw how she killed my bestfriend.

Mula sa sugat nito sa dibdib ay pinasok ni Tasha ang kamay nito at mariing hinatak ang puso ni Mild papalabas sa katawan nito.

"Mild..." walang tigil ang luha mula sa aking mata habang pinagmamasdan ang walang emosyong mata ni Mild na nakadilat. "H-Hindi... ibalik mo si Mild!"

Pinilit kong gumalaw ngunit hindi ko magawa. Her power is too strong. Unti-unting naglaho si Mild at tinangay ng hangin ang kanyang unti-unting naglalaho na katawan.

Malakas na tumawa si Tasha at inilatag sa sahig ang Phoenix Necklace at sa gitna noon ay ang puso ni Mild.

"Please... Tasha..." nawalan na ako ng lakas. "Huwag mong gawin."

Ilalagay mo lang sa panganib ang mundo natin. Ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko. Ilalagay mo lang sa panganib ang mga glitch na gaya natin.

She didn't listen to me. Sinaksak niya ang puso ni Mild habang nasa gitna ito ng Phoenix Necklace at nagkaroon ng napakatingkad na puting liwanag na bumalot sa buong silid.

I just watched everything from here. Mas malakas ang ability ni Tasha kaysa sa akin. Kaya niya akong gawing walang silbi sa isang iglap lamang.

Unti-unting nagka-crack ang bato na tinutungtungan namin.

Malakas na tumawa si Tasha sa paligid. Ramdam ko ang pagyanig ng lupa.

"Tasha. Magbabayad ka!" Malakas na sigaw ang aking narinig— sigaw galing kay Claire na mabilis na tumatakbo. She is using her abolity to her feet para mabilis na makagalaw.

"Hindi na ako malilinlang ng illusion mo, Jami—" hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi noong humiwalay ang ulo ni Tasha mula sa katawan nito.

Claire just sliced her head. Tumalsik ang dugo sa buong mukha niya. Punong-puno ng galit ang mata ni Claire habang may luha sa gilid ng mata nito.

"Para 'yan sa mga kaibigan ko na binawian mo ng buhay!" Malakas na sigaw ni Claire.

Unti-unting naglalaho ang katawan ni Tasha.

Lumalaki ang bitak ng batong tinutuntungan namin at lumalakas na rin ang yanig sa buong paligid. Malaya na akong nakagalaw dahil nawalan na nang epekto ang spell na inilagay sa akin ni Tasha. Claire managed to kill Tasha.

Pinasan ako ni Claire at tumakbo kami papalabas sa silid na ito.

"Claire... nawala na si Mild... nagawa nilang mabuhay si Deathevn." Naiiyak kong sabi.

Mabilis ang ginagawa naming pag-akyat muli palabas sa tunnel na ito dahil na rin sa spell ni Claire. "Ano ngayon kung nagawa nilang mabuhay si Deathevn?!" Sigaw pabalik sa akin ni Claire.

"Wala na tayong maga—"

"Jamie may magagawa tayo! Kung nabuhay nila si Deathevn ay tayo ang papatay rito!" Sigaw ni Claire sa akin. "Hindi ko sasayangin ang paglalaho ng mga kaibigan natin. Hindi mababalewala ang paglalaho ni Teddy at ni Mild. Lalaban ako." She said.

Mas lumakas ang pagyanig ng lupa at natatanaw ko na ang liwanag sa itaas. Makakalabas na kami rito.

"Jamie huwag mong sayangin ang pagsasakripisyo ng mga kaibigan natin. Marami na ang nadamay sa gulong ito. Bigyan natin ng tahimik na mundo ang mga susunod na glotches sa mundo natin." We finally reached the top at nakabalik na kami sa Forest Park.

Pagkaakyat namin ay sumalubong sa amin si Jessica at mahigpit kaming niyakap. "Oh God, I am glad that you guys are okay!" Umiiyak niyang sabi.

Tama si Claire... we must finish this battle. Para sa mga kaibigan namin na inialay ang kanilang buhay para sa labang ito.

Lumapit si Kiryu at tumingin sa paligid. "T-This is terrible..." wika niya.

Bumalik sa paggalaw ang lahat ng bagay at maririnig sa buong paligid ang pagsigaw ng mga normal na tao dahil sa kaguluhan. Nanlamig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang paligid.

Nawala na ang Devil hour.

Ngayon ay malalaman na ng buong mundo ang tungkol sa aming mga glitches.

Malakas na ingay ang narinig namin mula sa ibaba. "Takbo!" Malakas kong sigaw at nagmamadali kaming kumilos nila Jessica. Bonuhat ni Kiryu ang walang malay na si Ace at umalis kami sa lugar.

Lumaki ang bitak sa lupa hanggang malakas na ingay ang narinig namin sa buong paligid na animo'y may umahon mula sa lupa.

Gumawa si Claire ng barrier upang hindi kami matamaan ng mga malalaking bato. Sa isang iglap ay isang malaking itim na dragon ang lumilipad sa kalangitan. May kaliskis ito na para bang gawa sa matibay na kalasag .

We can hear it loud roar and growl all over the place. Nakakatindig ng balahibo pagmasdan ito. Inatake nito ang isang mataas na building at bumagsak ang piraso ng mga bato nito sa paligid.

Ito na ang kinatatakutan naming mangyari— ang pagkabuhay ni Deathevn.

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 247K 50
Emerald Prescott thought that her life was just normal. Not until her 18th birthday when a group of scary men took her parents and tried to kill her...
Takipsilim By 💿citzh

Historical Fiction

314 52 20
(UNEDITED) La Manera Series#1 Chrysantha has been weirded to herself when she always caught herself waking up with tears. It all started when she h...
934 370 37
In an unexpected encounter, I found myself captivated by your presence. Amidst the sea of people passing by, it was only you who caught my attention...
18.2K 1.4K 24
An ambitious top student seeks to bring her old friend back, trapped inside the head of a dangerous man with multiple personalities. *** Christofer A...