She Owns My Lips || (Complete...

De shaitamad

10.9K 294 4

University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad... Mais

She Own My Lips
Simula
Episode 1
Episode 2
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
CHARACTERS
Episode 23
Episode 24
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Epilogue

Episode 3

418 11 0
De shaitamad

Episode 3:


FLAIR



Nakasubo ang isa kong daliri sa aking bibig habang nakatingin sa vending machine na nasa aking harapan. Hindi ko alam kung alin ba 'yong pipiliin ko. Malapit na ang play pero hindi pa rin ako makapili.


"Hey." Napatingin naman ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin habang nakahawak ang kamay sa batok.


"Wilbert, right?" Marahang tumango naman siya.


"A-ano’ng bibilhin mo?" Napakunot noo naman ako.


Ibinalik ko ang tingin sa vending machine. "Ano? Hindi ko nga alam, eh. He-he."


"Ah, Bakit hindi mo bilhin lahat ng gusto mo?"


"Hindi naman lahat ng gusto ko nabibili ko." Tiningnan ko siya. "May bibilhin ka?" Marahang tumango siya. "Hindi na ako bibili." Umalis ako sa kinatatayuan ko at tinalikuran na siya.


"You okay?" Napaatras naman akong bigla dahil sa paghawak niya sa balikat ko. "S-sorry. Nagulat ata kita." Ngumiti ako sa kanya dahilan para matigilan siya.



"M-ms. President, hindi ko alam na nagagawi ka sa building namin." Napahawak siya sa kanyang braso at bahagyang itinagilid ang mukha.


"Ah, ikaw talaga ang sadya ko." Napakurap naman ako.



"Ako? Bakit? Papayag ka na ba?"


Oo, simula no’ng lunes na nakausap ko siya hindi na ulit ako nakipag usap sa kanya. Ayaw niya e, pero pinipilit ko pa rin siya minsan. Baka kasi magbago ang isipan at pumayag na maging model ng art club members.



"Yeah." Napangiti naman ako.



"Hala, totoo?"Masayang wika ko.


"Pero..." natigilan ako, pumayag siya pero may pero.


"Bilang kapalit...gusto ko na tulungan mo kami para sa Festival." Napakurap akong muli. "Don't worry ako na ang bahala sa mga gagamitin mo." Tila ba parang ibang campus president ang kaharap ko ngayon.


Ngumiti ako kaya umaliwalas ang mukha niya, magaan pala naman ang gusto niyang kapalit. Tumango ako.


"Walang kaso sa akin ’yon, basta sure na magiging model ka namin sa friday?" Tumango siya kaya naman niyakap ko siya.


"Thank you talaga!"


"Ah...eh?" Napalayo naman ako.


"H-hala, pasensya ka na." Nahihiyang paghingi ko ng paumanhin.

"Okay lang."


"Oy! Bakla, bilisan mo na, magsisimula na ang play!" Dinig kong sigaw ni Franz.

"Shit!"Napamura ako. May play nga pala kami. "Sorry. Mauna na ako. Pupuntahan na lang kita sa room niyo mamaya." Tumakbo na ako palapit kay Franz na umastang para bang makisig na lalaki. Hinila na niya akong bigla.



Pagkapasok namin sa Theater room naandon na sina Ma'am. Romeo and Juliet ang ipi-play namin kaya naman kailangan ko talagang galingan. Nagbihis na ako at hinanap ng mata ko si Marky. He's gay pero siya ang napili dahil sa kagwapuhan. Si Franz gwapo rin naman kaya lang ayaw niya sa role bilang Romeo. Gusto niya ’yong Juliet.



"Looking for someone?" Natawa naman ako ng makita siya. Napakagwapo niya sa kanyang suot na costume. "Bawal ma-in love, ghorl. Hindi tayo talo." Aniya may nandidiring tono. Natawa ako bago siya hinampas.


"Mga bakla! Bilisan niyo na. Bawal mag hintay ang mga judges! Andito na rin ang mga junior!" Sigaw ni Hailey kahit na ang lapit lapit namin sa isa't isa. Napairap naman akong bigla. Ugali na niya ’yon dahil President siya ng theater.




Napailing ako.





CHARLOTTE




Naandito lang ako sa audio room, nakatingin ako kay Wilbert na nakatuon ang buong atensyon sa nagpe-play do’n sa stage. Ngingiti siyang bigla at may kung ano’ng ibinubulong. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero parang kay Flair lang buong atensyon niya hindi sa play.



Gusto niya siguro si Flair.




Hindi na maikakaila ’yon maganda naman kasi  si Ms. Ross sa suot niya. Bagay ang role na ’yon sa kanya. Maraming mga junior ang nanonood.  Bakit ba naging intetesado ako sa kanya? Dahil ba may isang tao ako na naaalala ko sa kanya? Sa kilos niya. Kung hindi lang siya si Flair baka mapagkamalan ko siya ang taong ’yon.


Nasaan na ba siya?

"She's beautiful, right?" Napatingin ako sa kanya. Nakalingun siya sa akin.


"Hmm?"


"Si Ms. Ross, maganda siya."



"Do you like her?" Baliwalang tanong ko at tiningnan lang ang palabas.


"Hindi ’no." Sagot niya bago tumingin sa monitor.


"Crush?"


"Nope, wala lang. Nagtataka lang kasi ako, noong Monday lang siya lumapit sa’yo pero close na kaagad kayo." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.



"Hindi kami close. Nanghingi kasi siya ng pabor sa akin kung p’wede ba niya akong model sa art club this coming friday." Nilingun niya ako.


"Dahil lang do’n? Bakit ikaw ang napili niya?"Ibinalik niya ang tingin sa monitor. "Marami namang iba d’yan, isa pa hindi ba siya natakot sa’yo?" Agad na binatukan ko siya. "Aray!" Daing niya. Pinagkrus kong muli ang aking mga braso at tumingin sa monitor.



"I'm not satan." He chuckled.



"Isa pa may iba akong gusto nahihiya lang akong magsabi sa kanya."



"Bakit ka naman nahihiya? Baka magsisi kapag iba na ang desisyon para sa 'yo." Nilingunan niya ako.


"Ano namang ibig mong sabihin d’yan?"


Napailing ako’t pinanood ang play nila. Hindi ko rin alam kung ’yon lang ba ang pakay niya at sana ’yon lang. Tumunog naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ’yon sa aking bulsa. Nakita ko ang pangalan ni Mom sa screen kaya naman tumingin ako kay Wil na nakatingin sa akin.




"Sagutin ko lang." Tumango naman siya.



Agad na ini-slide button ko’t itinapat sa aking tenga. Narinig ko ang sunod sunod niyang paghinga kaya napabuntong hininga na rin ako.



"Ma, calm down."



"Hanggang ngayon kasi—"



"We should stop this. Maraming oras ang masasayang, Mom. Kung ayaw niya talagang magpakita ’wag nating pilitin." Natahimik sa kabilang linya. Tumingin ako sa monitor.


"Grace."


"Ma,ayos lang po. Huwag na lang na’tin pilitin. Isa pa po mas mabuting ’yong kasal niyo na lang po ni Tito ang asikasuhin niyo. Malapit na po ’yon."


"Gusto lang kitang tulungan, anak."


"Mom, hindi na po mahalaga ’yon. Marami na po kayong nagawa. Mas mabuti na mag-focus po kayo sa wedding."



Matapos ang usapan namin ni Mama tinapos ko na ang tawag, bumuntong hininga naman ako. Sana hindi ko pagsisihan ang desisyon ko na ’to. Bumuntong hininga ako at pumasok muli sa loob ng auditorium. Sakto naman na natapos ang play kaya nagpasya na rin akong umalis at bumalik sa council.


"Hi, President."  Bati ng secretary namin.


"Kumusta ang papers?" Napakamot naman siya.


"Sabi na nga ba’t iyon ang itatanong ni President ayaw mo kasing maniwala." Napakunot ako dahil sa sinabi ng Auditor.


"What happened?" Umupo ako sa desk ko at kinuha ang stapler sa drawer. "May problema ba?" May kinuha siyang papel at lumapit sa akin bago iniabot sa akin.



"Nagkaroon ng problema sa Archery Club kanina kaya gumawa ng files ’yong Vice President nila ng record." Napakunot noo naman ako't binasa.



"Alam naman nilang wala pa si Shea hindi ba? Bakit sila nagdedesisyon ng ganito? Captain pa rin siya kaya hindi siya p’wedeng alisin." Tumayo naman ako sakto naman na bumukas ang pintuan.



"Andito ba ’yong papel na ipinasa kanina?" Tumingin siya sa kamay ko. "That's the paper?" Tumango naman ako. Agad siyang lumapit sa akin at kinuha ang papel bago pinunit sa harapan ko.



What a behaviour, Sheana San Diego?


"How are you?" Tanong niya sa akin na para bang walang nangyari kahit na ’yong awra niya kanina ay hindi maganda.



"Okay lang." Tumango tango siya.



"Mauna na ako, kailangan ko lang kausapin ang magaling na Vice president." Napailing naman ako. Nang makalabas siya ay umupo na ulit ako.


"Grabe talaga kayong magkaibigan, President." Napatingin ako kay Jamaica—secretary namin.


"Bakit naman?"


"Pareho kayo palagi ng awra e." Napangiti naman ako’t umiling na lang.



Kalokohan.




_________________________________

:)

Continue lendo

Você também vai gostar

10M 310K 68
(1 of 3) First installment of Monstrous Academy. Highest rank achieved: #1 in Action.
277K 7.9K 27
Lauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kani...
3.8K 149 37
Ano ang gagawin ni Clarrise, na namamalayan niya nagkagusto na siya sa Ate niya. Itutuloy pa ba niya nararamdaman o ititigil niya? Start: Feb 12, 202...
84.4K 144 51
Enjoy