Defy The Game (COMPLETED)

By beeyotch

12.1M 535K 444K

(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt... More

About The Story
Chapter 00
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue (Part 1 of 5)
Epilogue (Part 2 of 5)
Epilogue (Part 3 of 5)
Epilogue (Part 4 of 5)
Epilogue (Part 5 of 5)

Chapter 37

154K 7.9K 2.8K
By beeyotch

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#DTG37 Chapter 37

"Are you sure about this?"

Tumango ako.

"Once you do this, there's no turning back."

Muli akong tumango.

Nung nakita ko iyong itsura nila Niko... na para bang kaya nilang ibenta ang kaluluwa nila para lang mapagtakpan ang nagawa ko, para kong nakita si Atty. Villamontes...

Magkaiba sila ng dahilan, pero pareho lang sila ng ginagawa.

Dahil sa pera, akala nila matatakasan nila ang lahat.

Pero hindi ganon.

Hindi dapat lahat dinadaan sa pera.

Mahal ko sila Niko... ayoko na magaya sila kay Atty. Villamontes. Ayoko na maniwala sila na kaya nilang lusutan lahat ng butas gamit iyong pera at kapangyarihan nila kasi doon nagsisimula ang lahat.

Hanggang sa isang araw, ni hindi na nila makilala ang sarili nila.

"May paraan ba para hindi madamay sila Niko sa kaso?" tanong ko.

"Yes, but then you'd have to admit that you alone willfully and intentionally tried to evade the charges."

"Pero hindi sila madadamay?"

Alam ko naman na makukulong ako.

Ayoko na lang na mayroon pang madamay na iba.

"Sigurado ka ba rito, Assia?" muling tanong niya.

"Ano ba'ng choice ang meron ako? Kahit manalo tayo... hindi ko alam kung paano ako matutulog sa gabi na merong ibang tao iyong sumalo sa kasalanan ko..."

Tuwing naiisip ko iyong plano nila Niko, hindi ko mapigilan na sumikip iyong dibdib ko.

Ang hirap pala ng katotohanan.

Ang hirap pala na malaman mo na ganoon iyong nangyayari.

Akala ko dati alam ko na... na mayroong mga masasamang tao gaya ni Atty. Villamontes na nananamantala... pero hindi ko akalain na may mga kagaya nila Niko na handang gumamit ng inosenteng tao para pagtakpan iyong pagkakamali namin...

Alam ko ginagawa lang nila iyon dahil mahal nila ako... dahil nag-aalala sila sa akin... dahil hindi ko naman kasalanan iyong ginawa ni Atty. Villamontes...

Alam ko iyong dahilan...

Pero ayokong pumayag.

Hindi porke ginagawa ng iba ay dapat na rin naming gawin.

Kasi tama si Shanelle... mayroong linya na hindi namin dapat tawirin.

"Si Kuya Jun..." pilit kong sabi habang pasikip nang pasikip iyong dibdib ko. Ni hindi ko na makita si Tali dahil sa panlalabo ng mga mata ko. "Siya lang iyong tumulong sa akin nung..."

Gusto kong ituloy.

Pero mahirap pa rin pala.

Tumingin ako kay Tali nang hawakan niya iyong kamay ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin.

"I don't know exactly how you feel... but I promise you that I will do my best to get you out as early as you possibly can, okay?" sabi niya habang naka-tingin sa akin na para bang pinapangako niya na gagawin niya ang lahat. "We'll use every justifying circumstances, every mitigating circumstances available at our disposal para mapababa iyong penalty. I'll always fight for your early release—heck, maybe I'll even befriend the president at baka mabigyan ka ng pardon."

Bahagya akong natawa habang patuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Ramdam ko iyong pagpisil niya sa mga kamay ko.

"This will be hard... but I admire what you're doing... Those guys grew up in extreme privilege... they'll never understand this..."

Bahagya akong tumango.

Hindi pa nila naiintindihan... pero sana hindi pa huli iyong lahat para sa kanila.

* * *

Muli akong tinanong ni Tali nang ihinto niya ang sasakyan niya sa harap ng presinto. Kanina niya pa ako sinabihan na 'wag sasagot sa kahit anong tanong ng mga pulis at hayaan na siya ang magsalita.

"We're doing this," sabi niya.

Tumango ako. "Salamat."

Tipid siyang ngumiti. "This will be a case of self-defense, Assia... We both know na mahirap ilaban iyon. This is going to be one hell of a fight. You have to fight with us." Humugot ako nang malalim na hininga bago muling tumango. Tumango rin si Tali. "Okay, let's do this."

Sabay kaming lumabas ni Tali sa sasakyan. Hinawakan niya ang mga kamay ko habang naglalakad kami papasok.

"We're here for voluntary surrender," seryosong sabi ni Tali.

"Para saan?" tanong ng pulis.

"Villamontes. Homicide."

Kitang-kita ko iyong gulat sa mata ng pulis. Agad siyang tumawag ng iba pa at simula doon ay sunud-sunod na ang tanong sa akin. Pero hindi ako iniwan ni Tali at siya ang sumasagot sa bawat tanong.

"I'm her counsel—any question to her should be directed to me," sabi niya habang naka-tayo sa tabi ko. "My client already prepared her extra-judicial confession."

Bago pa man kami dalhin sa isang kwarto ay rinig ko na sinabi ng isang pulis na tawagin iyong prosecutor sa kaso. Palalim nang palalim ang paghinga ko.

Tumingin sa akin si Tali na para bang tinatanong niya ako kung kaya ko pa... Tahimik akong tumango.

Kaya ko 'to.

Mas kaya ko 'to kaysa tahimik kong hayaan iyong mga kaibigan ko na isangla ang kaluluwa nila para lang mapalaya kami.

"Kailan makaka-labas si Vito?"

"After the recommendation of the prosecution and approval of the judge," sagot ni Tali.

"Sa tingin mo ba..." Hinawakan ko ang mga kamay ko. "Sa tingin mo ba maniniwala sila sa mga sinabi ko?"

Kasi baka tanungin nila kung bakit hindi agad ako nagsalita.

Kung bakit ngayon lang ako umamin.

Kung baka nagsisinungaling lang ako...

Kasi sino ba naman ako?

"I really don't wanna make promises, Assia. This world is unfair to us, women. I assure you that some people will still have the guts to blame you for what happened, as if you asked for it. But what I can promise is that I'll do my best to represent you and what really happened."

Muli akong tumango.

Kasi sa ngayon, iyon lang naman ang magagawa ko.

Tumango at magtiwala kay Tali na gagawin niya ang lahat...

* * *

Ni wala pang isang oras nang sabihin sa amin ng mga pulis na may mga taong naghahanap sa amin sa labas. Ni hindi nila kailangang sabihin para malaman namin na sina Niko iyon.

Tumayo si Tali para paalisin sila. Sinabi ko na sa kanya na ayokong kausapin sila Niko hanggang hindi pa nakaka-labas si Vito. Alam ko na pipigilan nila ako. Alam ko na gagawin nila lahat par magbago ang isip ko. Pero ayokong magbago ang isip ko. Ayoko na baguhin nila iyong isip ko.

Nang muling bumukas ang pinto ay napaawang ang labi ko nang makita kong si Prosecutor Zaldivar ang pumasok doon.

"You're confessing?" diretsong tanong niya. Hindi maipinta ang mukha niya. Hindi ko alam kung galit ba siya... kung hindi niya ba akalain na ako iyong dahilan kung bakit wala na iyong kaibigan niya...

O kung nabasa niya na ba iyong naka-sulat sa ibinigay namin na confession...

Hindi ako nagsalita.

Sabi ni Tali ay 'wag akong magsalita dahil kahit ano pa ang sabihin ko ay gagamitin sa akin kapag nagsimula na ang hearing.

"You're the one who shot him and not Vito? You were there at the scene... all this time?" muling tanong niya kahit na wala siyang nakukuhang sagot mula sa akin.

Kitang-kita ko iyong lalim ng paghinga niya.

Iyong pagka-lito.

Iyong galit.

Iyong pagpipigil.

"All along, pinagtatakpan ka lang niya?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Ikaw iyong pumatay, pero siya iyong naglinis. Iyon ba 'yun, Ms. dela Serna?" diretsong tanong niya sa akin. "Ikaw iyong kumalabit sa gatilyo—"

Muling bumukas ang pinto.

"No discussion with my client without my presence," mabilis na sagot ni Tali habang nauupo sa tabi ko. Ni hindi ko magawang tumingin kay Prosecutor Zaldivar... Best friend niya si Atty. Villamontes... Kung gaano ako ka-gustong protektahan ni Vito ay alam ko na ganoon din siya kay Atty. Villamontes...

Pero maniniwala kaya siya?

Maniniwala kaya siya na kaya iyong gawin ng kaibigan niya?

Tahimik kong binibilang iyong segundo.

Naghihintay na may magsalita.

"Okay..."

Bigla akong napa-tingin sa kanya.

"Let me try again... in the presence of your counsel," sabi ni Prosecutor Zaldivar habang diretsong naka-tingin sa akin. "According to the confession you submitted, you're the one who shot the victim—"

"In self-defense," mabilis na sagot ni Tali. "After he tried to rape her—again."

Nakita ko iyong pagkuyom ng kamao ni Prosecutor Zaldivar. "Allegedly," sagot niya.

"That's what happened," sagot ni Tali.

"The judge will decide."

"Thankfully it's not up to you," mabilis niyang sagot.

Muling lumalim ang paghinga niya at bahagyang tumango na para bang iniisip niya kung ano ang magandang gawin... kung paano masisigurado na mabubulok ako sa bilangguan.

"My client voluntarily surrendered, and I'd like to have that in record," sabi ni Tali.

Mahinang natawa siya. "This is some joke, right?"

"I don't think I'm funny enough, so no," sagot ni Tali. "She voluntarily surrendered, and whatever you want to ask her, I'm sure it's already included in the signed confession. If any, let's thresh it out in the court, as how the legal system should work."

Ang tanging rinig ko lang ay ang pagtibok ng puso ko.

Iyong panginginig ng mga kamay ko.

"Okay," sagot niya at saka tumayo. Binuksan niya iyong pinto at tumawag ng pulis. Pinanood niya habang pinoposasan ang mga kamay ko. Tahimik akong nakikinig habang sinasabi sa akin ng pulis iyong mga karapatan ko.

"Just... hold on," sabi ni Tali sa akin.

Tumango ako. "Ikaw na ang bahala sa kanila..."

Tumango siya. "Are you sure na ayaw mo silang makita?"

Umiling ako. "Magagalit lang sila."

"Okay..." sagot niya.

"Paki-sigurado na makaka-labas si Vito..."

Masyado na siyang nagtagal dito kahit wala naman siyang ginawa. Ang tanging kasalanan niya lang ay ang pagsagot niya sa tawag ko... Iyong pagsagot nang humingi ako ng saklolo...

"Hindi ko sinasadya..." sabi ko sa kanya nang magsimula akong dalhin ng pulis. Paulit-ulit na sinabi sa akin ni Tali na 'wag akong magsasalita... pero kailangan kong malaman niya na hindi ko ginusto iyon... na hindi ko sinadya... na walang may gusto...

Ngunit tumingin lang siya sa akin.

"I'll come after all of you," mahinang sagot niya bago ako tuluyang dalhin sa papunta sa selda. 

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
1.1M 36.3K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
157K 595 23
Full name | Nickname | Lover | Children. β€’ Game Series | π‹πšπ° π’πžπ«π’πžπ¬ β€’ Yours Series | 𝐌𝐞𝐝 π’πžπ«π’πžπ¬ β€’ Just Trilogy β€’ Gomez de LiaΓ±o Ser...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...