Meet Me In Mabini (City Serie...

By jowybee

743K 28.8K 28.3K

City Series #2 Ever since Natalia was a kid, she was always number 1. All throughout her life, she got used t... More

Meet Me In Mabini
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
End
Special Chapter

Chapter 14

14.5K 572 525
By jowybee

#MMIM14

Suminghap kaagad ako pagkarating ko ng bahay. Si Vale na yung naghatid sa akin dahil medyo busy pa si Ven at yung ibang mga kaibigan ko at pagod na rin kasi ako.

Napakagat ako sa labi ko nung naalala ko yung kinakanta namin ni Vale sa sasakyan niya.

"Kay sakit naman isipin na! Sa puso mo ako'y pangalawa! Sa t'wing makikita kitang kasama siya, pinipikit ko ang aking mga mata!" We both sang.

"This part." Vale chuckled. "Halos hindi ako maka-hinga!"

Sabay kaming huminga nang malalim tulad sa kanta. We both laughed as we saw each other's reactions. I cannot believe he knows the lyrics to kabet!

Hindi ko napigilan ang ngiti ko habang nagmamaneho si Vale. Wow, this guy.

"Sa Uniqlo mo binili 'tong jacket na 'to, 'no?" Sabi ko sa kanya para hindi ko maisip yung mukha niya.

"Secret." He laughed. "Looks better on you than it does on me."

Umiling ako habang naghihilamos ng mukha. Oh no. Oh no no no.

I cannot see Vale that way. Hindi naman pwede 'yon! He likes Raffy, and Raffy might as well like him! I mean, she's been single for months, and they're always together even though they're not blockmates anymore.

I cannot like someone who likes Raffy... again.

Tinanggal ko kaagad yung jacket ni Vale na suot suot ko pa pala. I forgot to return it to him! Sobrang nag-stay pa yung amoy niya.

Bakit ba ang bango niya?! Nakakainis!

"Tigil, Nat," sabi ko sa sarili ko at sumalampak sa higaan.

I went straight to Church first thing in the morning. Wala akong schedule for today, but I thought I could help out with the other things to do to set up at Church. Also, I needed to take my mind off... whatever I was thinking.

"Natalia, thank you, ah!" Mabilis na yakap sa akin ni Ate Jules. "Kulang sa admin ngayon, umuwi yung iba sa probinsya nila, e."

"Sure thing, 'te." I smiled.

Katatapos lang nung morning service at nagbabalak na ata yung iba na mag-lunch. Malaki ang ngiti ko nang makita ko si Raffy na palabas ng Church. I gave her a huge smile and she smiled back.

Iba yung itsura niya ngayon, kumpara sa kagabi. Suot niya ang isang light pink na sunday dress at naka-pony tail ang itim niyang buhok gamit ang isang pink na scrunchie. Her cheeks were also pinkish, and she looked naturally beautiful.

"Hello!" bati niya sa akin.

Binati ko rin siya at mabilis na niyakap. "Kasama mo si Margaux?"

Umiling siya. "Pupunta dapat siya! Pero ayaw magising kanina, eh. Ang late na rin kasi niya nakauwi kagabi."

I laughed and nodded. "Umuwi ako nang medyo mas maaga, eh."

"Yeah, hinatid ka ni Vale, right?" she said. "I saw that your date was there pa around midnight, eh."

Tumaas ang kilay ko. Date?

"Hala, wala akong date kagabi!"

"Hala, talaga? Fake news talaga yung Lia na 'yon! Sabi niya kadate mo si Ven kagabi! Pero in fairness ha, very pogi."

I laughed and shook my head. Mukha namang hindi uminom si Ven kagabi dahil nagchat siya ng ala una, maayos pa naman ang pag-type niya.

"Gusto mo bang sumama sa amin? Kakain kami sa John Hay," hikayat ko kay Raffy dahil nakita kong nagaantay na sina Anika malapit sa sasakyan ni Kuya Kahel. Sumenyas ako sa kanila na mag-antay.

Umiling si Raffy. "Nako! H'wag na. Nakakahiya naman."

"Baliw! Tara na." I laughed and started walking towards Anika and the group.

Umiling nanaman si Raffy. "Next time! Uwi na ako, wala kasi ulit sina Mama, nagpa-Manila. Si Ate tska Paul lang nasa bahay."

I frowned, but nodded. "Sige, next time! Happy Sunday!"

Tumakbo ako patungo sa sasakyan ni Kuya Kahel at nagulat na nasa loob na pala sina Caleb. 

"Josh, umusog ka!" reklamo ni Lesley.

"Doon na ako sa sasakyan ni Kuya Elijah!" sabi naman ni Caleb.

Lumingon ako sa sasakyan ni Kuya Elijah at mukhang ready na rin silang umalis. Isa lang naman ang kakainan naming lahat pero nag-convoy dahil ang dami namin.

"Dito na, dito na!" inip na inip na sabi ni Anika. "Ang gulo niyo! Kaya tayo natatagalan, e!"

"Si Natalia kaya rason kung bakit ang tagal, nakipag-chikahan pa!" sabi naman ni Josh na ngayon ay nakikipagtulakan kay Lesley.

Sumakay si Josh, Caleb, at Lesley sa pinaka-likod at kaming tatlo naman ni Layla at Anika ang nandito samay gitna. Si Ate Jules yung nasa passenger seat, at si Kuya Kahel naman ang nagmamaneho.

"Ang gulo niyo d'yan sa likod." Tawa ni Ate Jules sabay sulyap dito sa likod. "Ano ba ginagawa niyo, wrestling?"

"Itong si Josh, 'te, inaabuso ako!" sabi ni Lesley na ngayon ay sinasakal na si Josh.

"Parang kabaliktaran ata." Tawa naman ni Kuya Kahel.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa mga sasakyan na nakakasalubong namin. I don't know why something's bothering me.

Gusto kong mag-face palm dahil ayoko naman nang isipin si Vale.

Ayoko talaga! Naiisip ko lang naman siya dahil naguguluhan ako kung bakit ko siya iniisip!

Oo! Yun 'yon!

Pagka-order namin sa restaurant ay nakatulala na lamang ako sa tissue na naka-lagay sa mesa. Ito na lang bibigyan ko ng pansin, hindi yung satanas na naghatid sa akin kagabi. Oo, tama. Itong tissue na lang.

"Okay ka lang?" tanong ng katabi kong si Anika. "Kanina ka pa tahimik, ah. Hindi ka naman nananahimik, ever."

"Oo nga," sabi ni Caleb na nasa isang tabi ni Anika. "May sakit ka ba, Nat?"

"Wala." I smiled. "Mga baliw!"

"Sure ka?" tanong ni Ate Jules sa isang tabi ko. "I-share mo na 'yan kung ako sa'yo!"

"Mismo, mismo." Kuya Kahel agreed.

Kumunot ang noo ko sa kanila.

Ano ba 'yan! Mas bumigat tuloy nararamdaman ko dahil naisip ko nanaman yung kagabi. Wala naman na akong magagawa!

He likes Raffy, and he sees only one star. Much like how Claude used to see her.

Nagbuntong hininga ako. "Wala talaga!"

"Okay, I'll go first!" sabi ni Ate Jules. "Hypothetically, nahihirapan ka na sa review ng board exams mo at tinatamad ka na, what do you do?"

"Ayan ka nanaman." Umiling si Kuya Kahel.

"Hypothetically nga lang!" Siko niya kay Kuya.

"Ako, ate, siguro... iisipin ko kung bakit ulit ako nag-simula," sabi ni Anika. "Parang kapag nawawala na yung intimacy natin with the Lord at tinatamad na tayo, what does the Bible say? Go back to your first love diba, 'te?"

Tumawa si Kuya Kahel at tinignan si Ate Jules na masama ang tingin sa kanya ngayon.

"Oh, makikinig ka na?" Ngisi ni Kuya Kahel.

"Oh, ako naman. Hypothetically, may gusto kang babae pero ang gusto niya lang eh saktan ka! Literal! Ano gagawin niyo?" sabi ni Josh na nasa tabi ni Lesley ngayon.

Kumunot ang noo ni Lesley sa kanya, kaya naman nagtawanan lang kaming lahat.

"Oh, ikaw na, Nat!" sabi ni Kuya Kahel.

Huminga ako nang malalim at ngumuso.

Should I?

"Hypothetically..." I started. "May isang guy na may gusto sa isang babae tapos may ibang babaeng nagkakagusto na ata si guy na 'yon? Pero sobrang ganda nung crush nung lalaki tska Kristiyano! Tska mabait gano'n."

Kumunot ang noo nilang lahat sa akin. Siguro iniisip nila kung sino ba ako doon sa sitwasyon na binigay ko.

"Si Claude nanaman ba 'yan?" tanong ni Kuya Kahel. "Alam naman naming crush mo 'yon!"

"Ahh, kaya pala ang tagal niyong magkausap ni Raffy kanina!" sabi ni Caleb. "Plastik mo, ah. Yung disciple mo pa pinaplastik mo!"

"Hoy!" Batok ko kay Caleb. "Hindi ko siya pinaplastik! Ano ba mga sinasabi ninyo!"

"Si Claude nga ba 'yan?" tanong ni Ate Jules.

"Ano ba 'yan, akala ko graduate ka na jan, Nat, nung ghinost tayo ni Claude," sabi ni Kuya Kahel kaya natawa sila.

Lumingon ako sa kabilang table para tignan kung naririnig ba kami nina Kuya Elijah, pero hindi naman kaya nakahinga ako.

"H'wag na nga! Iba na!" Inis kong sabi.

"Hoy, seryosohin niyo naman si Nat, nasasaktan yung tao," sabi ni Layla na ngayon ay nagccellphone. Akala ko hindi siya nakikinig.

"Eto ang tanong..." sabi ni Ate Jules. "Pinagpray mo na ba 'yan?"

Doon ako natahimik.

Oo nga. Kaya naman pala hindi ako matigil tigil sa pago-overthink dahil hindi ko pa kinukunsulta si Lord tungkol dito!

Ano kaya say Niyo doon, Lord? Hindi naman po siguro ako nagkakagusto kay Vale, 'no? Nadala lang sa amoy ng jacket niya? Diba, Lord?

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na agad ako. Akala ko kasi may requirements pa akong kailangang gawin. Nahiga na lang ako sa sofa nung naalala kong Christmas break na nga pala. I can't believe there's less than two weeks left before Christmas!

"Sige na, puntahan niyo na ako!" sabi ko kina Margaux na ka-video call ko ngayon.

"Pagkatapos ng laro," sabi ni Lance habang mabilis na pinipindot yung mouse niya.

Umirap ako habang pinipindot yung remote para maka-pili ng papanuorin. "Eh mamayang madaling araw pa kayo matatapos d'yan!"

"Kaya bukas na lang. Galing mo jan, Nat!" Ngisi ni Hanzo. "See you tomorrow!"

Bahagya kong sinuntok yung camera ko ng tatlong beses para makita nilang inis ako.

Narinig ko naman yung tawa ni Franco sa call. "Ready ka na for next week?"

Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil pupunta kami sa Enchanted Kingdom next week, before Christmas. Sa pagkaka-alam ko, sasama si Vale dahil nga kasama naman siya sa pustahan at convoy rin kasi. Ayaw naman mag-drive ni Lance kaya yung sasakyan ni Franco at ni Vale yung gagamitin papunta doon.

"Duh!" I giggled. "Kahapon pa ata ako nag-empake. Joke!"

"Baka pagdaan natin sa Manila, pwede nating mameet si Claude!" sabi ni Hanzo.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan sa pagbanggit ni Hanzo kay Claude.

Could we really see him?

It's been half a year without him, but it already feels like it's been forever. Minsan, gusto ko na lang talaga bumalik sa dati. Parang ang bilis kasi ng pangyayari, ang bilis niya umalis. Ang bilis rin umalis ni Ate no'n. Hindi ko alam kung ano yung uunahin na i-digest.

"Pwede? Naguusap pa ba kayo?" tanong naman ni Margaux na mukhang kumakain ng chips ngayon.

"Oo, nakakalaro namin ng CS GO minsan," sagot naman ni Hanzo kaya nagulat ako.

What?

"Wait, what?" tanong ko.

Natahimik naman silang lahat kaya mas lalo akong nainis. "Nagrereply siya sa inyo?"

"Minsan lang," sabi ni Hanzo. "Atska hindi na 'yon gumagamit ng messenger masyado kasi pakiramdam ko maraming mga nagcchat sa kanya."

Ngumuso ako at tumingin sa kawalan. Parang gusto kong umiyak.

He had time to reply to our friends, but he didn't have time to reply to me?

"Nat-" Bago pa matapos si Lance sa sasabihin niya ay pinatay ko na ang tawag.

I couldn't help but cry. Hindi niya man lang ako naisipang kamustahin pagkatapos mamatay ng ate ko? Hindi niya man lang naisip kung gaano ka-hirap para sa akin nung nawala siya?

Sobrang wala ko ba sa buhay niya? Gano'n lang ka-liit yung value ko? Hindi niya talaga naisip? Hindi niya ako naisip?

Sabagay. Ilang buwan na nga nakalipas, hindi niya man lang ako sineen. That just means he's never even thought of sending me a message. He never even thought of me.

Habang umiiyak ako ay nagulat na lang ako nang may kumatok sa front door. Hindi ko alam kung ano iisipin ko dahil pa-gabi na.

Binuksan ko yung pintuan at nagulat na lang ako kay Vale na may hawak na paper bag ng 7/11 at dalawang box ng pizza.

Mas lalo lang tumulo ang luha ko.

Ano ba 'yan! Eto nanaman tayo! Hindi pa nga kita napag-fastingan!

"Wh-"

Hindi ko na siya pinatapos. Naglakad na ako pabalik sa sofa kaya naman siya na ang nag-sara ng pintuan. Nilagay niya yung pox ng pizza sa coffee table at nilabas yung isang tub ng ice cream galing sa paper bag ng 7/11.

Sumimangot ako sa kanya.

How did he know? How did he know that I needed... this?

"Ka-discord ko sina Franco kanina," paliwanag niya. "They're panicking, you know?"

Suminghap ako at tinakpan yung mukha ko. I toggled on my do not disturb, para hindi mag-notify sa akin. I'm just way too frustrated right now.

Umupo si Vale sa tabi ko at ngumiti. Binuksan niya yung lalagyan ng pizza at kumuha ng isang piraso.

Binuksan ko yung bibig ko dahil akala ko susubuan niya ako pero siya yung kumagat sa pizza! Hindi man lang inalok sa akin!

"What?" He laughed while chewing.

"Maniniwala na sana akong may soft side ka." Umiling ako at kumuha ng pizza. "Anyway, I have my own beautiful hands!"

Ngumiti siya at kinuha yung remote. "The Notebook ba?"

Tumango kaagad ako at hinanap sa search bar yung The Notebook. Pinigilan ko ang ngiti ko dahil sobrang tuon nanaman ng pansin niya sa TV.

"Stop staring at me," aniya kaya binalik ko kaagad yung tingin ko sa TV.

"Tinitignan lang kita kasi kamukhang kamukha mo si Shrek. Nakaka-amaze." Humalukipkip ako.

Napatingin siya sa akin kaya nagpigil ako ng ngiti.

"Kung kamukha ko si Shrek, may kamukha ka rin," sabi niya sabay bukas sa tub ng ice cream.

Ngumuso ako. Sasabihin niya bang kamukha ko si Fiona? Hala, crush kaya ako neto?! Gusto niya siguro akong asawahin!

"Sino?" tanong ko sabay kagat sa pizza.

"Si donkey."

Napatigil ako sa pag-nguya at agad ko siyang sinabunutan.

Ang kapal ng mukha! Kinumpara pa ako sa hayop!

"Ang kapal mo!" sabi ko habang hinihila ang buhok niya.

Hinawakan niya naman ang palapulsuhan ko at hinila 'yon kaya nabitawan ko na ang buhok niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Nginitian niya lamang ako.

Bwisit! Susuntukin ko na 'to! Isa!

Hindi nagtagal ay naubos na namin yung pizza at halos lahat na rin ng ice cream. Nung patapos na yung movie, nilabas ko na yung cellphone ko at tinignan yung mga mensahe na nandoon.

Umiling na lang ako tumingin kay Vale na nanunuod pa rin.

"Laro tayo!" sabi ko sa kanya. "Tara COD."

"Ayoko nga," sabi niya habang umiinom ng tubig.

"Sige na kasi!" pagpipilit ko. "Magaling kaya ako! Rank pa gusto mo, eh!"

Tinignan lang ako ni Vale ng ilang segundo. Malaki ang ngiti ko sa kanya habang tumatango tango. Pinakita ko na sa kanya ang cellphone kong naglload na ng call of duty kaya naman napabuntong hininga na lang siya at nilabas yung phone niya.

In the end, we lost. I innocently looked at him. Tinignan niya ako at nagpigil ng ngiti.

"Sorry!" Sabi ko. "Hindi na nga ako marunong!"

He placed hand on my head and patted me. "Sabi ko naman sa'yo h'wag kang sugod nang sugod, eh."

"Eh malakas naman yung baril!" I defended.

"Bakit ba ganyan ka-taas rank mo?" tanong niya.

Binalik niya na ang tingin niya sa cellphone niya at inexit na yung laro. Sumimangot ako at humalukipkip.

"Gamit nina Hanzo cellphone ko kapag naglalaro, eh."

Bahagya siyang tumawa at tumayo. "Are you gonna be okay here?"

Tumango ako. "Umuwi ka na!"

Tumango rin siya at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan. Tumayo na rin ako para ihatid sana siya patungo sa sasakyan niya.

"I'll drop by Raf's," he casually said.

Napatigil ako.

Gabi na, ah?

"Okay, ingat!" I smiled. "Alam mo, bagay talaga kayo ni Raf, eh."

Tumingin siya sa akin at tinaas yung dalawang kilay niya. I forced myself to smile even wider.

"Yieeee," panunukso ko. "Kilig ka 'no? Di talaga kita makita na nagjojowa ng ibang babae aside from Raf!"

Walang ekspresyon ang mukha niya. Tinalikuran niya lang ako at nagsimula nang maglakad palabas. Umirap ako sa kawalan at kumaway pagkapasok niya ng sasakyan niya.

Ano 'yon?! Bakit ko siya inasar?!

I groaned in frustration as I closed the front door.

Ugh! Hindi ko alam kung ano mga lumalabas sa bibig ko kapag nappressure ako. Bakit ba ako nappressure?!

Lord, patigilin Niyo na po, please! Kay Raf na si Vale.

Kay Raffy na 'yon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 89 15
MEDTECH SERIES #2 What Lula Madaline Quinto has prayed for ever since she was a kid was finally coming true--and that is to finally leave Laoag and s...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
528K 14.3K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.