Allastor Frauzz [Volume 1]

By NimrodAlfheimr

140K 11.9K 644

[Completed] Sa mahiwagang mundo ng Illunor, kung saan ang mahiwagang enerhiya ng magicules ay ginagamit sa pa... More

✯BLURB✯
✯Kabanata 01✯
✯Kabanata 02✯
✯Kabanata 03✯
✯Kabanata 04✯
✯Kabanata 05✯
✯Kabanata 06✯
✯Kabanata 07✯
✯Kabanata 08✯
✯Kabanata 09✯
✯Kabanata 10✯
✯Kabanata 11✯
✯Kabanata 12✯
✯Kabanata 13✯
✯Kabanata 14✯
✯Kabanata 15✯
✯Kabanata 16✯
✯NimrodAlfheimr✯
✯Kabanata 17✯
✯Kabanata 18✯
✯Kabanata 19✯
✯Kabanata 20✯
✯Kabanata 21✯
✯Kabanata 22✯
✯Kabanata 23✯
✯Kabanata 24✯
✯Kabanata 25✯
✯Kabanata 26✯
✯Kabanata 27✯
✯Kabanata 28✯
✯Kabanata 29✯
✯Special Thanks✯
✯Kabanata 30✯
✯[»System«]✯
✯Kabanata 31✯
✯Kabanata 32✯
✯Kabanata 33✯
✯Kabanata 34✯
✯Kabanata 35✯
✯Kabanata 36✯
✯Kabanata 38✯
✯Kabanata 39✯
✯Kabanata 40✯
✯Kabanata 41✯
✯Kabanata 42✯
✯Kabanata 43✯
✯Kabanata 44✯
✯NOTE✯

✯Kabanata 37✯

1.1K 200 16
By NimrodAlfheimr

†Kabanata--37†
『Imbitasyon sa isang halimaw』

"Hindi ko na pahahabain pa ang usapang ito, Ginoo. Nais kang imbitahan ng aming hari sa loob ng Kamara ng Trono. Nananabik na ang mahal na hari na makita ang mandirigma na tumalo sa maraming kulupon ng mga dark Mantises."

Nang marinig ito, namuo ang enerhiya ng kasiyahan sa pigura ni Allastor Frauzz. Masaya si Allastor sa mga sandaling ito. Unti-unti na kasi niyang nakikita ang resulta ng kaniyang pagsisikap. Kasama sa kaniyang plano ang pangyayaring ito, ang makilala ang kaniyang pangalan sa kaharian. Ito na ang simula, at ang susunod na ay ang pag-alam sa identidad ng kriminal na pumaslang at dumakip sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Mabilis na tumugon si Allastor sa heneral sa sinabi nito. Tumango siya at nagsabing, "Sasama ako." bago lumakad sa tabi ng heneral. Tumuro ang atensyon ni Allastor kay Kethra Beck na nakatingin lamang sa kanilang dalawa. Ngumiti siya at saka tumango sa dalaga. "Mauuna na ako, Heneral Kethra."

Sa ginawa ni Allastor, tumuro rin ang tingin ni Ayanno sa dalaga. Bahagya niya ring tinanguan ang dalaga, "Mauuna na kami, heneral Kethra."

"A-a-a" nauutal na pagtango-tango ni Kethra Beck. "Mmnn, mag-iingat kayo."

Matapos na magpaalam, nagsimula na rin silang tumungo sa palasyo ng kaharian, habang sa kanilang palibot naman ay ang sampung mga Gold Rankers na sundalo. Hanggang ngayon, habang pinagmamasdan at sinusundan ang Shadow-Terminator, labis pa rin ang nararamdaman nilang takot. Hindi nila alam kung hanggang saan magiging kontrolado ang lahat. Sa kanilang isip, sa oras na maging hindi maganda ang pangyayari at nagalit ang Shadow-Terminator, malaki ang tyansa na mamatay sila kaagad.

Matapos ang ilang mga paghakbang, inilabas ni Ayanno Nightangel ang kaniyang Sound Nullifying device mula sa kaniyang space ring. Pinindot niya ang boton sa parisukat na bagay na kaniyang hawak-hawak, dahilan upang pumalibot sa kanilang dalawa ni Allastor ang harang na hindi makikita sa mata. Ang harang na ito ay ginagamit upang hindi makalabas ang kanilang usapan sa labas ng harang. Pagkatapos na mapalibutan ng harang, nagpalitan ng usapan ang dalawang mga binata. Doon na rin nalaman ni Ayanno ang pangalan ni Allastor Frauzz.

Sa mga sandali ng kanilang pag-uusap, bukod sa pananabik na malaman ang identidad ng mga kriminal, nakaramdam ng kakaiba si Allastor Frauzz sa heneral na kaniyang sinusundan. Isa na siyang Platinum Ranker ngayon, ganoon pa man, hindi niya maramdaman ang totoong ranggo ni Ayanno Nightangel. Gusto niyang itanong sa heneral ang, "Isa ka ba talagang Platinum-Ranker?", ngunit hindi rin siya naglakas-loob na banggitin pa iyon sa heneral.

"kung ganoon ay mayroong halimaw sa loob ng kaharian..."Nakaramdam ng kaunting panlalamig si Allastor nang banggitin niya iyon sa kaniyang isip. "Ang ranggong kasunod ba ng Platinum ang kaniyang totoong ranggo? Ngunit ano ang tawag sa ranggo pagkatapos ng Platinum-Rank?"

Sa kabilang banda, naiwang nakatulala si Kethra Beck sa lugar na naiwan ng dalawang binata. Nakatingin lamang siya sa lumalayong pigura ni Allastor Frauzz. Sa kaniyang mata, mababakas ang nahihiwagaan ekspresyon.

"Kakilala siya ng Heneral Ayanno?" sa isip ng dalaga. "Kung ganoon, totoong taga loob nga siya ng kaharian!"
----

Nang makarating sina Allastor Frauzz at Ayanno Nightangel sa malaking pintuan ng palasyo, inabisuhan na ng heneral na bumalik na sa kanilang mga pangkat ang nakasunod na mga sundalo. Nang magsi-alisan ang mga ito, doon na sinimulan ng dalawa nina Allastor na pasukin ang malaking pintuan.

*Eeeeeeeek!*

*BAAAM!*

Sa tulak ng heneral, ang dambuhalang pintuan ay dahan-dahang bumukas. Sumilip sa paghihiwalay ng dalawang pinto ang napakaliwanag na pasilyo. Simple lamang ang pasilyong ito, maliban na lamang sa mga babasaging pang-ilaw na nakasabit sa ding-ding at kisame. Sa sahig naman ng pasilyo ay ang makapal at mahabang pulang panlatag. Mayroon ding mga pintuang magkatapat, at sa tansya ni Allastor, bawat labin-dalawang hakbang niya ay mayroong pintuan na magkatapat sa magkabilang dingding. Hula niya ay mga silid iyon ng importanteng mga tao.

Nagsimula nang humakbang ang dalawang lalaki sa loob ng pasilyo. Tumigil lamang sila sa paghakbang nang makarating sila sa pangalawang pintuan sa dulo.

"Ginoong Allastor, aabisuhan ko lamang ang mahal na hari na makadadalo ka. Maaari ka muna bang maghintay sa silid na ito pansamantala?" marahang ani Ayanno Nightangel. "Tatawagin na lamang kita kapag handa na ang lahat."

Bilang tugon ay tumango si Allastor.
----

Mula sa malawak at engrandeng silid, ang engrandeng bakal na pintuan ay agad na bumukas. Napangiti na lamang ang Haring si Leonardo nang iluwa noon ang pigura ng kaniyang pinakagagalang na...

"Guro, nakabalik kayo kaagad?!" agad at nanabik na napatayo si Leonardo sa kaniyang trono. Ganoon man, nang makitang wala ang inaasahan niyang tao sa likod ng heneral ay napasimangot din siya. "Hindi niyo kasama ang Shadow-terminator?"

Ngumiti lamang nang taimtim si Ayanno at marahang nagsabing. "Naroon siya sa silid ni Stallion Ibzaar ngayon. Ngunit sa ngayon," saglit siyang huminto. "Sa ngayon ay may gusto lamang akong linawin..."

Muling nanabik ang damdamin ni Leonardo sa kaniyang narinig, gayunman, itinago niya pa rin iyon sa kaniyang ekspresyon. Agad siyang tumugon ng tango at hinintay ang sunod na sasabihin ni Ayanno.

"Alam kong nagdududa ka pa rin nang kaunti sa Shadow Terminator."

Tumango si Leonardo roon. Hindi niya maipagkakaila ang bagay na iyon. "Hindi ko maiiwasang magduda, gayunman, gusto ko siyang masubukan. Kahit saang lupalop pa siya nanggaling, basta ay hindi siya lumaki sa masasamang tao at hindi kabilang sa mga bandido, bibigyan ko siya ng mataas na prebilehiyo sa kaharian."

Umiling si Ayanno sa kaniyang narinig. "Iyon ang gusto kong linawin sa mga oras na ito. Ang totoong pangalan ng Shadow Terminator ay Allastor Frauzz... Hindi siya lumaki sa masasamang mga tao at mas lalong hindi rin siya kabilang sa mga bandido. Ang isa pa, isa siya mamamayan ng iyong kaharian."

"Mamamayan ng Kreo Kingdom?!" taas-kilay na bulalas ni Leonardo. Napalakas ang sigaw niya roon, kung kaya't nahihiya siyang napa-ubo. Sa kaniyang pagpapatuloy ay gumamit siya ng mas marahan at mas mahinang tono. "Sigurado ka ba talaga rito, guro?"

"Mnn." taimtim at tumatangong tugon ni Ayanno. "Marahil ay natatandaan mo pa ang kuwento ko patungkol sa batang mayroong Fragments ng mga Natural Skills?"

Nanginig ang mga mata ni Leonardo sa kaniyang narinig at napahigpit ang pagkapit niya sa hawakan ng kaniyang trono. "Ang ibig mong sabihin---?!"

Tumango lamang si Ayanno. Ngumiti rin siya nang kumpiyansa. "Tama, siya at ang batang iyon ay iisa. Ang dahilan din sa mabilis niyang paglakas ay siguradong dahil sa pagbubukas ng isang Fragment na mayroong kinalaman sa mabilis na pagpapataas ng lebel."

Tama, noong makilala niya si Allastor at madiskubre niya sa binata ang mga nakasaradong Fragments ng Natural-Skills, agad siyang bumalik sa kaharian upang sabihin ang balitang iyon kay Leonardo Dracus. Ganoon man, hindi naman nila inaasahan na mabilis lamang din na magbubukas ang kaniyang Fragment, kung kaya't hindi nakagawa si Leonardo ng mas maagang pagkilala sa binata.

Umilaw ang Space-Ring ni Ayanno at iniluwa ng liwanag nito ang malilinis na mga papeles. Lumapit siya kay Leonardo at iniabot ang mga ito. "Ito ang patunay na isa siyang lehitimong mamamayan ng Kreo Kingdom... Allastor Frauzz, hindi legal na anak ni Allan Frauzz, ganoon man, sa taong iyon nakarehistro ang kaniyang apelyido. Sinubukan kong tuntunin ang pinanggagalingan ng taong iyon, sa kasamaang palad, napagtanto kong matagal na rin pala siyang namayapa... Lumaki rin si Allastor Frauzz sa maliit na bayan ng Irongrass, sa bahay ampunan. Kasalukuyan din siyang nagtatrabaho bilang isang Adventurer ng Adventurer's Guild." muling namuo ang isang kumpiyansang pagngiti sa labi ni Ayanno. "Mabuting tao si Allastor Frauzz, ang Shadow-Terminator. Hindi mo na kailangan pang maging mahigpit sa pakikipag-usap sa kaniya. Hindi rin malabong mahigitan niya si Kethra Beck kung sasanayin siya nang husto."

Napabuntong hininga na lamang si Leonardo nang mabasa niya ang nilalaman ng mga papel. Mapayapa rin siyang napasandal sa kaniyang trono. ganoon man, sa kaniyang loob ay kumukulo na ang kaniyang pananabik. Sa kaniyang isip, gagawin niya ang lahat upang makuha ang loob ng Shadow Terminator. Ngayong napatunayan na niya kung saan nagmula si Allastor, ngayon ay hindi na rin siya nakakikita ng hadlang at pagdududa sa mahiwagang Shadow-Terminator.

Nagkaroon ng limang segundong katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Leonardo Dracus. Sa sumunod na sinabi ni Ayanno ay napalunok ng kaniyang laway ang mahal na hari. "Ganoon man, hindi ko alam kung magiging madali ang pagkuha sa kaniyang loob. May alam ka sa paraan ng pagbubukas sa mga Fragments kaya marahil ay alam mo ang mga kundisyon o paraan upang maisakatuparan ang pagbubukas ng mga ito."

Naguguluhan man, sa kaniyang narinig ay mahinang napa-usal si Leonardo Dracus. "Upang mabuksan ang isang partikular na Fragment, kinakailangang konektado ito sa kinakailangan mo, mayroong kang sapat na lebel, mayroon kang matinding paghahangad na kapareho sa kakayahan ng Fragment, at dapat, mayroon kang matinding emosyon---teka lang... matinding emosyon?... Lumaki si Allastor Frauzz sa bahay ampunan... insidente sa Irongrass town..."

"Lumaki si Allastor Frauzz sa bahay ampunan!" bulalas ni Leonardo. Namutla ang kaniyang mukha sa kaniyang napagtanto. "Kabilang ang kaniyang kasama sa ampunan sa mga pinaslang at dinakip ng mga bandido! Kung ganoon, ang matinding paghahangad niya sa paglakas ang nagtulak sa Fragment na magbukas!"

Tumango si Ayanno. "Kaya kilangan mong piliin nang husto ang iyong sasabihin, mahal na hari. Kung hindi ay baka maging isa pa siya sa maging kaaway mo. Kung magbukas man ang ilan pang Fragments sa kaniyang katawan at dumating ang panahon na nahigitan ka na niya, katulad ng kundisyon ko na parating ipinaaalala sa iyo ay hindi pa rin kita tutulungan." sambit ni Ayanno. "Itinago natin sa buong kaharian ang katotohanan sa likod ng pag-atake ng mga bandido sa Irongrass town. Kung ako si Allastor, hindi ko kaagad magugustuhan ang ideyang iyon at mag-iisip ako ng masama laban sa palasyo."

"Kailangan mong maging marahan kung nais mong makuha ang kaniyang loob. Ang isa pa, kailangan mong sabihin sa kaniya ang totoo at ipaintindi kung bakit hindi nakagawa ng aksyon ang kaharian sa pag-atakeng iyon."

"Maaari kang magtagumpay kung susundin mo ang payo kong ito, ganoon man, nakasalalay pa rin iyon kay Allastor Frauzz. Kung hindi siya marunong makinig at nakatatak na sa kaniyang isipan na masama ka, wala na tayong magagawa pa." Pagpapatuloy ni Ayanno. Tumingin siya na mayroong taimtim na ekspresyon sa mga mata ng lalaki sa trono. "Gusto mo pa rin ba siyang makita, mahal na hari?"

Napalunok lamang ng kaniyang laway si Leonardo at namuo rin ang kaunting pamumutla sa kaniyang mukha. Hindi niya gusto ang ideya na kaya siyang mahigitan ni Allastor Frauzz, ganoon man, dahil ang kaniyang guro na rin ang nagsabi noon, syempre ay lubos siyang naniniwala sa posibilidad na iyon. Nabigla siya sa katotohanang ito. Sa kaniyang isip, kung hindi lang sana kabilang si Allastor Frauzz sa Bahay-ampunan, marahil ay magiging malinis pa ang kanilang pag-uusap. Ngunit ngayong alam na niya ang katotohanan, ngayon ay nagdadalawang-isip na siya sa disisyong ito.

Nahihirapan man, pinigilan ni Leonardo ang kaniyang kaba. Taimtim din siyang tumango.

"Gusto ko pa rin siyang makausap..."

"Naiintindihan ko, mahal na hari. Tatawagin ko na siya ngayon." tumatangong ani Ayanno Nightangel.

Sa bandang huli, tuluyan nang nakalabas ng Kampara ng hari ang heneral. Naiwan na lamang doon ang mahal na hari na ngayon ay nakatingin sa malayo. Bumuntonghininga siya at nag-usal ng salita.

"Sana man lang ay hindi talaga ako nag-imbita ng isang Halimaw..."
----

*Tok~tok!*

"Ginoong Allastor Frauzz, handa na ang lahat. Maaari ka nang tumuloy sa Kampara ng mahal na hari."

Sa tawag na iyon, si Allastor na naka-upo sa malapad na kama ay agad na tumayo. Nagsimula na rin siyang humakbang upang buksan ang pintuan. Sumilip sa pagbubukas niya ng pinto ang mukha ni Heneral Ayanno.

Tumango si Allastor at saka sinabing, "Tayo na."
----

Dumeretso ang dalawa nina Allastor at Ayanno sa malinis na pasilyo. Nang marating ang dulo, lumiko sila sa kanan hanggang sa maabot nila ang unahan ng dambuhala at engrandeng pintuan. Gawa ang pintuang ito sa kulay pulang metal at mayroon din itong kakaibang mga disenyo at simbolo na gawa sa ginto.

*Eeeeeek!*

*BAAAM!*

Agad na bumukas ang dambuhalang pinto sa tulak ni Ayanno. Nakita na lamang nila ang biglaang pagliwanag pa ng paligid. Isang malaking silid na mayroong maharlikang mga disenyo ang nakita ni Allastor Frauzz nang magmasid siya. Ganoon man, tumigil ang kaniyang tingin sa mahal na hari mula sa mataas na trono. Ngayong nakapasok na siya sa silid na ito, walang ibang hangarin si Allastor Frauzz kundi ang malaman ang identidad ng mga Kriminal.

"Ikinagagalak kong makilala ang kagalang-galang na si Allastor Frauzz." masayang sambit ni Leonardo Dracus. Tumayo siya at saka nagsabing. "Lubos ko pa ring ipinagpapasalamat ang pagtulong mo sa pagpaslang sa mga Dark Mantises. Dahil doon ay mas bumilis pa ang pagtatapos ng misyon patungkol sa paglilinis sa teritoryo ng mga High Orcs. Dahil sa iyo, ang inaasahan naming anim na buwan--hanggang sa isang taon ay mabilis na natapos sa loob lamang ng dalawang buwan."

Magalang lamang na tumango si Allastor at hinayaang magpatuloy ang mahal na hari.

"Syempre, ang pagtulong mong iyon ay hindi magiging libre..." muli at taimtim na sambit ni Leonardo Dracus. Naging seryoso ang kaniyang ekspresyon. "Allastor Frauzz, gusto mo bang maging isa sa aking mga heneral?"

Umiling si Allastor Frauzz at naging seryoso ang kaniyang ekspresyon. Sa mga sandali ring iyon ay para bang magkaroon ng kakaiba at mabigat na hangin sa paligid. Sa pagbubukas ng bibig ni Allastor, ay nagkaroon ng kaunting pamumutla sa ekspresyon ni Leonardo Dracus.

"Mahal na hari, gusto kong malaman ang katotohanan..."
-----

Ang inyong Votes at Comments ay makapagbibigay ng saya sa Author! <3

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 1K 65
Pagkatapos ng nangyaring gulo at digmaan sa Hyno Continent ay mas pinili ni Van Grego na maglakbay ngunit hindi naging madali ang paraan nito sa pag...
11.3K 498 58
Musical Mania is a PD-VRMMORPG that brought a fresh new concept to the same old fantasy adventuring game. Unlike any of the other games, Musical Mani...
7.6K 384 23
The day I've been shot at my head, I almost lose my breath when I opened my eyes, for the first time in my life; I never knew that miracles do exist...
133K 12.9K 145
Lucas Galileo Mizutani, also known as the mage healer LGM Purifier, was given a quest to protect an Amulet inside the online game Leimhyark Online. H...