Agent Carter

By MissKayi

568 371 26

Who is Agent Carter? More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19

CHAPTER 13

13 11 0
By MissKayi

"Sir Sai-" huminga muna ako ng malalim bago mag salita ulit.



"Salamat po. Pero may representative na rin po yung crim natin, supportahan nalang natin." Ngumiti ako ng bahagya sakanya.



Hindi na humaba pa ang aming usapan dahil may klase pa ito. Agad din akong dumiretso sa room ko.



Hindi ko maiwasang hindi isipin ang sinabi ni sir Sai.



Siguro ay pinangunahan lang talaga ako ng takot na baka matalo lang kami kapag ako ang ginawa nilang representative.



Hindi ko rin kasi maiwasang hindi kabahan kapag nakikita ko ang mga taong pwede kong makalaban.



Pero, hayaan nalang natin. Tapos na yun.



Talagang nasa huli ang pagsisisi.



"Sino si Alvarado?!" Isang malakas na sigaw mula sa unahan kaya lahat kami ay napatingin sa kung sinong loko-lokong sisigaw na akala mo kung sinong matapang.



"Ako bakit?" Maangas kong tugon sakanya.



"Wala gusto lang kita batiin dahil ikaw pala ang magiging representative namin!" Tugon niya sa mahinahong boses.



Nag-ingay naman ang lahat dahil sa narinig mula sa lalakeng 'to.



"May nag volunteer, hindi na ako saka umayaw ako" Walang emosyon kong tugon sakanya at sakanila na agad nagpatahimik sa lahat.



"Sino? Mas maganda sayo?" Pang-aasar ng isa sa mga blockmates ko.



Nag kibit balikat nalang ako sakanila at hindi na sila pinansin pa.



Naging okay naman yung naging araw ko at walang naging problema.



Buti nalang.



Ang misyon ko ngayon ay mahanap si Miggy para maibalik ko itong I.D na hiniram ko sakanya.



Pero paano nga kung hindi nakakapasok yun? Paano ko maisasauli ito?



Sa pagbabakasakali ko ay sinubukan kong maglibot-libot muna dahil baka makasulubong ko siya rito sa loob.



Sa hindi ko naman na inaasahang pangyayari ay dinala ako ng aking mga paa kung saan nakita ko kung paano umiyak si Eli.



Lahat ng galit ko sakanya ay unti-unting nawawala sa tuwing maaalala ko kung paano siya umiyak para sa isang babae.



Siguro ay wala akong karapatan na husgahan siya noong una dahil lang sa ginawa niya saakin, ibang-ibang Eli talaga ang nakita ko sa araw na yun.



Napadaan ako sa corridor at napatingin ako sa room kung saan nangyari ang lahat. Hindi ko masyadong natandaan ang mukha ng babae dahil na rin sa hindi ito nakaharap saakin.



Naglibot-libot pa ako roon pero wala akong nakitang Miggy kaya minabuti ko nalang na bumalik.



Habang tinatahak ko ang daan pabalik napansin kong may isang lalakeng nakatayo roon habang nakasandal sa pader.



Teka --- si Eli?



Hindi nagtagal ay nagsilabasan na rin ang mga estudyante na nasa loob ng room. Nanatili ako sa aking kinatatayuan at pinagmasdan lamang ang susunod na mangyayari.



Nang makalabas ang ex-girlfriend ni Eli ay agad niya na itong hinarang pero ni hindi man lang pinansin si Eli at nagpatuloy lamang sa paglalakad.



Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy rin sa paglalakad.



Nagpatuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa tuluyan ko siyang malampasan.



Napansin niya kaya ako?



Aminin ko man sa hindi ay umaasa ako na makita niya at nag babakasaling tawagin man lang sa aking pangalan, pero nagkamali ako. Alam kong tinignan niya ako pero hinayaan niya lamang ako sa paglalakad.



Hindi niya ako tinawag.



Hindi ko na rin nahanap pa si Miggy kaya pagkatapos ng klase ay agad din akong umuwi sa aking apartment para makapag pahinga.



Sa sobrang boring ko sa loob ng kwarto ay naisipan kong kunin ang lumang gitara na nakasabit malapit sa kama ko.



Pagmamay-ari pa ito ni papa.



I tried to strum the strings, bigla kong namiss si papa. Halos araw-araw niya akong kinakantahan gamit itong gitara.



Hindi ko alam pero bigla sumagi sa isipan ko si Eli.



Ang sakit siguro yung ganong klase ng pagmamahal? Yung pagmamaka-awa, paghihingi ng tawd, at pagbabakasali na pwede pang ibalik yung dati.



Nakakatakot isipin na bago ka mapunta sa tamang tao, dadaan ka muna sa maraming heartbreaks.



Kaya ako, ayokong magmahal. Nakakasira. Nakakasira ng sarili at nakakadurog ng puso.



Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising nalang ako pasado alas diyes ng gabi.



Hindi pa pala ako nag hahapunan, grr nakakatamad na mag luto! Dahil na rin sa angkin kong katamaran ay cup noodles nalang ang nagsilbi kong hapunan ngayon. Okay na 'to. Basta busog.



Kinabukasan ay naging maganda naman ang naging takbo ng araw ko pwera nalang---



"Paano ba kita mapapa Oo ha?" Seryosong tugon nito saakin pagkatapos akong tabihan sa pagkain sa loob ng canteen.



Ang halimaw at magnanakaw ng I.D na Eli ay nagbabalik!!!



Naguguluhan na ako!!!



Maaawa ba ako sakanya o magagalit?!! Bakit pagdating saakin ay ganito ang pinapakitang pag-uugali?!!



Sa tuwing kaharap ko siya ay isang halimaw ang palagi kong nakikita!



"Pwede ba, tigilan mo na ako. Diba may nililigawan kana? Focus kana lang dun ha?" Naiirita kong sabi sakanya.



"Jealous?" Natatawang sabi nito saakin dahilan para magsalubong ang aking dalawang kilay.



"Jealous mo mukha mo, ano ba? Kung wala kang balak ibalik ang I.D ko ayokong makipag-usap sayo, okay?" Mataray kong sagot sakanya na lalong nagpangisi sa loko-lokong 'to



Siguro mayroong dalawang Eli rito. Isang Eli na mabait at isang Eli na halimaw.



Malas mo kasi nakilala mo ang Eli na halimaw!



"Kaya nga nakikipag-usap ako sayo para ibalik 'to" Tugon niya sa lambing na boses.



Dahil sa naiirita na ako sa kakukulit niya ay binilisan ko na lamang sa pagkain para makaalis na ako at matakasan ang halimaw na 'to.



"Hey Carter, let's talk ano ba?" Pasigaw niyang sabi saakin habang hinahabol ako sa aking paglalakad.



Maraming tao sa loob ng canteen kaya wala namang nakakapansin saamin.



Hindi ko siya pinansin at mabilis na nag lakad, hindi siya natinag dahil patuloy lamang itong sa paghabol saakin hanggang sa crim building.



Sa aking paglalakad ay may biglang humawak sa aking kamay dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at agad ako nitong isinandal sa pader.



Si Eli...



Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad na nanlaki ang mga mata ko nang makaharap siya.



"Ano bang ginagaw---" Hindi pa man ako tapos sa pagsasalita ay agad niya na akong hinalikan sa noo na mas lalo kong ikinagulat.



WHAT THE FUCK? AS IN WHAT THE FUCK IS HAPPENING?!?!



ANG BASTOS NG LALAKENG ITOOOOO!!!---



"Take care baby, sunduin kita after class. I love you!" Malambing niyang sabi bago ako tuluyang bitawan at naglakad papalayo.



I LOVE YOU?!!! TAKE CARE BABY?!!!



Dahil naguguluhan pa ako sa nangyari ay naging malinaw ito nang makita kong dumaan ang grupo ng mga babae.



Kath?



Tumingin ito saamin at partikular na saakin.



Teka---



GUSTO NI ELI NA MAKIPAG DATE AKO SAKANYA PARA PAGSELOSIN ANG EX-GIRLFRIEND NIYA AT BALIKAN SIYA NITO?!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

KASHI By stuckinatale

General Fiction

408K 20.3K 42
"So, Mrs. Kashi Abhay Pratap Singh..chalte hai. Goodbye..". Saying this, he left her broken in this world of betrayal. ~~~~~~~~~~ Kashi, a simple gir...
264K 19.3K 23
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
BROTHERS IN ARMS By Arya

General Fiction

133K 7.7K 53
This is a story about three brothers. The eldest brother is serving his life for his nation while the other two brothers are following their eldest b...
45.7K 1K 30
โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ you got me down on my knees it's getting harder to breathe out . . . โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€โ”€ ๐‘ฐ๐‘ต ๐‘พ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ช๐‘ฏ . . . ๐œ๐ก๐ซ๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ง๐ข๐จ๐ฅ๐จ ha...