Bella Amor Historia: Cristina...

بواسطة wwiittyyccuuttiiee

92K 3.8K 1K

Historia#: 8 Cristina Helen Stevens Raven Joy Morales Date started: September 16, 2020 Date finished: Novembe... المزيد

Author's Note
Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
EPILOGUE
Special Chapter
Author's Note

Chapter XVI

1.9K 102 35
بواسطة wwiittyyccuuttiiee


CRISTINA HELEN STEVENS





"Cassandra"

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman pagkatapos kong makita ang nangyari dito.

Sobrang gulo ng bahay nina Thalia at Brook na akala mo'y dinaanan ito ng bagyo. Muntik pa nga akong masuka ng makita kong may dugo ding nakakakalat dito.

Shit lang talaga. Ano bang nangyayari?

"Where's Brooklyn Cassandra?" Raven asked her.

Oo, si Raven nga yun. Simula ng malaman namin ang mula kay Venus ang nangyari kay Thalia, agaran kaming sumugod dito. At hindi man lang nagawang magpa-iwan ng isang 'to.

Akala mo naman kailangan siya dito. Tss.

Charot lang. Haha.

"She's with Br-.."

"The hell Brooklyn! Bitawan mo yan!"

Gulat kaming napatingin sa kambal na nagtatalo ngayon.

Hindi lang basta nagtatalo dahil may hawak ding baril si Brook. Damn it! Bakit mayroon siyang ganun?  Saan naman niya nakuha yun?

"Put the gun down Brooklyn. Please." Brier calmly said to her.

Naramdaman ko naman ang mahigpit na paghawak ni Cassandra sa braso ko. Ngayon ko lang din napansin ang lahat ng kaibigan ko na tahimik na nanonood sa kambal.

"Thalia." Brooklyn said, crying. "All I want is Thalia. Where the fuck is she?"

"Anumang oras dadating na ang mga pulis. Kaya Brook, ibaba mo na yang baril. Bago ka pa nila makita sa ganyang kalagayan." Athena said.

"Just." I gulped hard. "Calm down Brook." Pagpapatuloy ko.

Mariin niya lang kaming tiningnan isa-isa bago niya tuluyang iabot kay Brier yung baril. Agad naman yung kinuha ng isa at mabilis na naiabot sa asawa kong nakalapit na agad sa kanila.

Halos lahat kami dito, napahing ng maluwag. Gosh. Akala ko kun ano na mangyayari. Akala ko din, mahaba pang pagpipilit ang gagawin namin sa kanya bago siya sumunod sa'min.

"Si Brin." she started. "Tinawagan niya ko kanina habang pauwi pa lang ako dito."

"Saan kaba galing?" Autumn asked her.

Tahimik lang naman akong nakikinig sa kanila. Hindi ko alam pero takot na takot ako ngayon. Lalo na sa kalagayan ni Thalia.

"Sinundo ko si Danae kina mommy." Brooklyn answered.

Saktong-sakto, lumabas mula sa kung saan si Selene kasama si Danae na may kinakaing ice cream.  

Kahit nasa ganito kaming sitwasyon, hindi ko napigilan ang pag-iling ko. Mukhang nakaisip ng maayos ang gaga.

"Mama?"

Lahat kami natuon ang pansin sa bata. Lalong-lalo na ng ilibot niya ang  tingin sa buong kabahayan. "It's a mess." She looked at her Ninang Selene. "And a lot of blood stain? What happened ninang?"

I gulped hard. Jusko po. Mabilis ang pagkilos na ginawa ko para makalapit sa kanila. Wala namang pagdadalawang isip na binuhat ko si Danae.

"Lalabas na muna kami."

Hindi ko na hinintay pang sumagot ang mga yun at mabilis akong lumabas ng bahay nila. Hindi pa kami tuluyang nakakalayo ng mapansin ko ang mga papalapit na pulis.

Napailing na lang ako.

Huli na sila. Tss.

"Ninang?"

I immediately looked at her. "Yes baby?"

"What happened po?"

Matamis lang akong ngumiti sa kanya bago siya gawaran ng halik sa noo niya. "Nothing baby. Everything's alright."

She nodded slowly. "Then, where's mom and Naomi?

Natameme naman ako. Ilang taon na ba ang inaanak kong ito at parang ang dami naman ata niyang alam? 

Ganito na ba katatalino ang mga bata ngayon? Seryoso?

"Ninang"

Sunod-sunod na paglunok na ang nagawa ko.

Bakit ba hindi ako makaisip ng idadahilan sa inaanak kong ito? Nakakainis ah. Ngayon pa talaga hindi gumana ang utak ko. Bwisit. 

"Ninang Raven!"

Hindi ko na nagawa pang pigilan ang bulinggit na 'to ng mabilis siyang bumaba mula sa pagkakabuhat ko at patakbong lumapit kay Raven na nakangiti ngayon.

Napairap na lang ako sa kawalan. Pati ba naman dito, nakabuntot parin siya sa'kin.

Hindi ko talaga maintindihan ang tumatakbo sa isip ng babaeng ito.

Binigay ko na yung kalayaan na gusto niya, nagpaubaya na ko, pero ito siya, patuloy na sumusunod sa'kin na akala mo'y anino ko.

Gustong-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at pugpugin ng halik, pero sa tuwing naalala ko na may babaeng naghihintay sa kanya, mabilis na dinadapuan ng sakit ang puso ko.

Ano pa bang kailangan niya sa'kin? Hindi pa ba siya napapagod na saktan ako? Kasi kung oo, ako na pagod na pagod na.

Unti-unti ng namamanhid ang puso ko dahil sa malalim na sugat na siya mismo ang dahilan.

Sana naman maawa na siya sa'kin, kasi ako, awang-awa na ko sa sarili ko.  Ayaw ko ng umiyak gabi-gabi, tinatanong ang sarili kung ano paba ang kulang para bumalik siya sa'kin.

Ayaw ko na.

 
"Cristina"

Doon lang nabalik ang ulirat ko. Iniwasan ko namang mapatingin sa nangungusap niyang mata at inakay ko lang si Danae na sumunod naman sa'kin. Dinala ko lang siya sa bench na nandito at saka kami naupo. Wala na kong pakialam sa babaeng panay parin ang pagsunod sa amin.

Para kasi siyang tanga. Nakakainis.

"Ninang pwede po ko maglaro?"

Napakagat labi naman ako. Nako baby, isa ka din ah. Kahit ayaw kong umalis siya, tumango na lang ako.

Nakakainis. Bakit ba hinahayaan nila kong maiwan kasama ang bwisit na 'to? Kakaurat ah.

"Cristina"

Inis na nilingon ko siya. "Ano na naman bang kailangan mo?"

Hindi naman niya ko sinagot bagkus tahimik siyang umupo sa tabi ko. At syempre, dahil dakilang pabebe ako, lumayo ako ng konti. Syempre konti lang 'no. Gusto ko parin naman siya makatabi kahit papaano.

Spell marupok.

Kayo nang bahala diyan.

"Aalis ka paba?" She asked, all of sudden.

I looked at her iritably. Hindi ko na talaga alam kung ano ang natakbo sa isip niya.

Nawalan na din ata ang common sense niya kasabay ng pagkawala ng nararadaman niya para sa'kin. Tss.

"Tingin mo ba makakaalis pa ko?" Inis na tanong ko. "Kung hindi mo sana ako pinigilan kanina, malamang nakaalis na ko. Paepal ka kasi ee." Bulong ko sa huli.

Okay na kasi ee. Tanggap ko na nga ee. Hinayaan ko na nga siya maging masaya tapos eepal na naman siya.

Saan ba pinaglihi ang bwisit na 'to? Kakaurat ah.

"Kahit naman umalis ka, hahabulin parin kita." She replied.

I glared at her. Sa totoo lang, para akong tanga na tinatago ang sakit sa puso ko gamit ang  matatalim na tingin sa kanya.

Sobra-sobra na ang pagpapahirap na ginagawa niya sa'kin.

"Wag mo na kong habulin Raven." I weakly said. "Kung sa bandang huli, aalis ka din at iiwan ako."

"Hindi kita iniwan Cristina." She inhaled deeply. "Sinaktan mo ko kaya wala akong nagawa kundi ang iwan ka."

Kahit paglunok, hindi ko magawa ng ayos ngayon. Parang may nakabara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan ako paglunok.

Nakakainis.

Hanggang ngayon, nasasaktan parin ako. Napaka sariwa parin sa puso lahat ng nangyari.

  
"But still, iniwan mo parin ako." Mahinang sagot ko habang patuloy na pinagmamasdan si Danae na tahimik na naglalaro sa swing nitong park.

Mapait akong napangiti sa loob loob. Ganito din sana ang magiging buhay naming dalawa kung hindi lang kami napaglaruan ng tadhana.

Napahawak na lang ako sa tiyan ko.

Paano ko ba magagawang buhayin ang batang ito ng hindi siya kasama?

Kaya ko ba? Magiging mabuting ina ba ko sa kanya?

Hindi ko alam..

Hindi ko na alam pa ang dapat na gawin.

Ayaw kong ipalaglag ang bata, pero ayaw ko ding magkaroon ng kahit anong kontektado sa kanya pagdating ng panahon.


Sobrang gulo na.

Gulong-gulo na ko. 

"Alam mong pangarap kong magkaroon ng pamilya." She said. "Matagal ko ng binabanggit yun sayo noon diba?"

Wala akong ibang nagawa kundi mapalunok na lamang. Ito na naman, masasaktan na naman ako. Sasaktan na naman niya ko.

Kung ginagantihan niya ko, tama na. Kasi sobrang sa'kit na.

"Ngayong natupad na." She paused. "Ngayong magkaka-anak na ko, tayo, ayaw ko ng palagpasin pa ang pagkakataon na 'to Cristina." Pagpapatuloy niya

I clenched my fist. "Stop this Raven." Bakit ba ganito siya? "May girlfriend kana." Buong tapang kong nilingon siya. "Please lang, wag mong gawin sa kanya ang ginawa ko sayo noon."

"Cris-.."

"Wala na ang bata." I lied.

Kitang-kita ko ang pagdaloy ng gulat sa mga mata niya. Kung kinakailangan na saktan kong muli siya, gagawin ko. Wag lang niyang gawin ang bagay na ganito.

I gulped hard. "Pinalaglag ko na ang bata." Pagpapatuloy ko.

She staring at me intently before she immediately shooked her head. "No, hindi mo magagawa ang bagay na yun. Hindi ka ganong klaseng tao." Mabilis akong napa-iwas ng tingin sa kanya ng makita ko ang pagdaloy ng luha sa mukha niya.

Nasasaktan ako.

Nasasaktan akong makita siyang ganito.

Pero mas nasasaktan ako kung hahayaan ko ang sarili kong magpakatanga sa kanya.

"K-kilala kita Cristina. Hindi mo kayang gawin ang pumatay ng inosenteng b-bata." Garalgal na saad niya.

I bit my lower lips so hard. "I'm sorry Raven."

"How could you do this to me?" 

Hindi ko na din pa napigilan ang luha ko at agad itong dumaloy sa pisngi ko. "Y-yes Raven." I nodded slowly. "How could you d-do this to me?" 


Bakit ba sa bawat araw na lumipas, walang araw na hindi ako umiyak. At ang tanging dahilan ng mga luhang 'yun, ay ang babaeng katabi ko ngayon.

"Kung hinabol mo lang ako dahil sa bata, Raven." I looked at her. "Nagsayang ka lang ng oras." Lihim kong minura ang sarili ko. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng sakit sa mata niya habang patuloy na pumapatak ang luha niya. Gustong-gusto kong pawiin ang sakit sa kanya at punasa ang luha niya pero kapag ginawa ko yun, parang pinain ko lang ang sarili ko sa sakit.

"T-tama na." Buong tapang kong saad sa kanya. "Sinimulan mong tapusin ang kung anumang meron sa'ting dalawa, itinutuloy ko lang ang nasimulan mo."

Mahal ko siya...

Mahal na mahal ko siya.

Ang makasama siya habang bumubuo ng masayang pamilya ang tanging pangarap ko.

Pero sa mga oras na 'to, tanging pangarap na lang yun. At kahit kailaman man, hindi na matutupad pa.

"P-pakawalan na natin ang isa't isa Raven." I sobb. "Bumalik kana sa kanya. Bumalik kana kay Veron."


Hindi niya ko sinagot, bagkus nakayuko lang siya habang patuloy na umiiyak. At aaminin ko, sa mga oras na 'to gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit at sabihing okay lang ang lahat, pero hindi ko magawa. Kaya buong tapang akong tumayo at humarap sa kanya.


Ito na...

Ito na ang kinakatakutan ko.

Ang mamaalam ng tuluyan sa taong mahal ko.


"Paalam Raven Joy Morales." Ang sakit. Ang sakit sakit.








"Hanggang sa muli."





__________________

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

43.3K 2.9K 19
Fall in love with my best friends brother? CHECK That's it. That's all I've got. I'm seriously stupid, how could this cliché happen to me. Kooper is...
11.6K 415 16
After the war, grey is left alone, every person that he has once knew, every one of his loved one are dead, the world is nothing but a shattered ruin...
619K 64.4K 25
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
1.8M 114K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...