The Devirginizer's Lady (COMP...

נכתב על ידי pinkriverx

22.5M 329K 32K

Lagi na lang atang mananatiling NBSB at birhen si Athalia nang dahil sa epal at napaka-overprotective na si E... עוד

The Devirginizer's Lady
SIMULA
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
TDL Series Books
Keep Updated
SOLD OUT/WARNING
NOTE
NOTE II

Chapter 10

478K 7.4K 546
נכתב על ידי pinkriverx

Chapter Ten

"Nothing's Wrong"

"Oh lil sis, ang aga aga mo atang umuwi." Nang pumasok ako sa front door ng bahay namin ay nakita ko kaagad si Kuya Jahziel.

Nakaupo siya sa sofa at nagkakape habang kaharap ang kanyang laptop.

"Kuya, get a shirt muna please?" Tinaasan ko siya ng kilay. Eh panu ba naman kasi, ang lamig lamig na ng aircon dito sa bahay pero wala na naman siyang suot pantaas.

"It's a guy thing lil' sis. I like it shirtless. Anyway, kumain ka na. May pagkain na dyan sa kusina." aniya, nakatingin na ulit sa kanyang laptop.

Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi.

"S-Sinong nagluto?" Tanong ko, napatingin siya sakin.

"Ako. Bakit?"

Nang narinig ko ang sagot niya, tumango tango ako at tumingin ako sa baba. God why was I expecting something else?

"Uhh.. Sige kuya kakain na lang ako mamaya." Tumalikod na sana ako para dumeretso sa kwarto ko pero humarap ako ulit sa kanya.

"Umm... Kuya?"

"Yup?" Uminom siya ng kape at tumingin sakin.

"Si a-ano.. Si Eleven?" Shit! Bakit ko ba tinatanong?

"Ah, wala siya rito Ath. Ewan ko kung nasan yun. Bakit mo pala hinahanap?" aniya.

Napalunok ako. Tumingin na lang ako ulit sa baba habang kumakamot sa ulo. Damn it! Bakit ko nga ba siya hinahanap?!

"W-Wala lang kuya. Hehe, gusto ko lang kasing malaman kung nandito parin ba yung asungot na yun. A-alam mo na. Gusto ko lang marinig kung lumayas na ba siya o hindi. H-hehe." Nginitian ko si Kuya at agad rin akong tumalikod para dumeretso na sa kwarto ko.

Aish. Pagdating ko sa kwarto ko ay tumalon ako kaagad sa kama at humiga ng patalikod.

"Ugh!!" Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos ako sa mukha ko habang sumisipa sipa ang mga paa ko sa kama.

Aish. E-Eh anu naman kung wala siya diba? Bakit ko ba siya hahanapin? M-Mas mabuti na nga tong wala siya eh! Bahala na nga siya kung nasan siya!

Pero bigla akong napahinto nang biglang may tumunog. Tumingin ako sa cellphone ko na nakalagay sa side table ng kama ko. Kumunot ang noo ko at gumapang ako sa kama upang kunin ang aking phone.

Tumingin ako sa screen at mas lalong kumunot ang noo ko. Unknown number ang nagtetext?

From: Unknown Number

Magkita na lang tayo sa plaza ng school. Sabay tayong pupunta sa bahay.

Tumaas ang isang kilay ko. Sino ba 'to?

Hindi pa nga ako nakakapagreply ay nagtext na naman siya muli.

From: Unknown Number

Tomorrow. 10 am. Don't be late.

T-Teka.. Sino ba ito? Ilang segundo ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang dalawang kamay ko at nabitawan ko ang cellphone ko sa kama. Posible kayang..

"S-Si Mishael?"

I-Impusible.. I mean, pwede ngang siya ito pero ayoko namang mag-assume! Atsaka panu naman niya nalaman ang number ko?

"Ay kabayo!" Napasinghap ako nang tumunog na naman muli ang phone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang message.

From: Unknown Number

Lab partner mo 'to Ms. Kuto.

Kumalabog ang puso ko. Nalaglag ang panga ko as in nalaglag talaga punta sa sahig!

Agad akong nagtype sa cellphone ko para magreply.

To: Unknown Number

Mishael?

Titig na titig ako sa cellphone ko para maghintay ng reply. Oh my god. Oh my god! Totoo ba 'to?

Muntik kong mabitawan sa sobrang kaba ang cellphone ko nang tumunog ito ulit.

From: Unknown Number

Oo.

Nanlaki ang mga mata ko. Nabitawan ko ang phone ko at natulala ako.

Ilang segundo akong tahimik hanggang sa..

"EEEEEEEEEHHHH!!" Tumili ako at tumalon talon ako sa kama habang nakahawak na ako ulit sa aking phone sa'king dibdib.

Nagtetext si Mishael sakin. Si Mishael Stratford!! Nagtetext sakin!! Nananaginip ba ako?! Totoo talaga ito?! Oh my god!

Umupo ako ng maayos sa aking kama at kinagat ko ang labi ko habang nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa aking cellphone.

Anong irereply mo Athalia? Ano?! Mag-isip ka bilis!

To: Mishael <3

Umm.. Anong dadalhin ko bukas Mishael?

Tumili na naman ako nang sinend ko ang message. Hindi nagtagal ay bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Nagtext na siya ulit!

From: Mishael <3

Bring yourself.

Napangiti ako. Letse! Ang gwapo niyo pong magreply! Pati na ata ang letters at font ng screen ng cellphone ko ay biglang naging gwapo naring tingnan!

Nang binasa ko ulit ang text message niya ay agad akong tumayo mula sa kama.

Hindi pwedeng sarili lang ang dadalhin ko bukas 'no! Inimbita ako ni Mishael sa kanyang bahay... Once in a lifetime opportunity ito! Dapat maganda ako bukas! Dapat makapag-ayos ako!

****

"Oh Ath? May lakad ka?" Nang lumabas ako sa kwarto at nakita niya akong hindi parin nakapagbihis ay kumunot ang noo niya.

"Ahh.. Oo may lakad ako Kuya." nginitian ko siya.

"Saan naman? Another date? Is it that Ronald guy again? Nililigawan ka na ba nun?" Ayun na naman po si Kuya Jahziel sa kanyang pagiging paranoid brother.

"No kuya. Nothing's going on with me and Ronald. Lalabas lang ako saglit dahil bibili ako ng bagong damit okay?" Paliwanag ko sa kanya.

Tumango siya. "Okay. But that's good to hear though. Ayoko sa Ronald na yun." Aniya. Tiningnan ko lang siya ng masama. Hayy..

"Alam ko kuya, no need to tell me how much you hate guys around me. Babalik lang ako kaagad kuya. Bye!" at pagkatapos nun ay agad akong lumabas ng bahay. Kinuha ko ang kulay asul na bike ko at nang nakalabas na ako ng gate ay nagbibisikleta narin ako palabas ng street namin.

One floor lang pero malawak at malaki ang loob ng bahay namin ni Kuya Jahziel. Regalo ito ng daddy namin nung nagsimula kaming tumungtong ng college ni Kuya.

Yung main house namin ay isang mansion na nakatayo sa isang sosyal na ville. Pero wala munang tao doon sa bahay naming yon kasi nga nasa States pa sina dad dahil sa kanilang trabaho bilang parehong mga doktor at doktora. At isa pa, malayo sa school namin yung mansion na yun kaya di muna kami doon titira ni Kuya.

"Good evening ma'am. Ano pong hanap niyo? Dress? Bags?" nang nakarating ako sa pinakamalapit na SM mall ay dumeretso ako sa isang boutique.

Bibili kasi ako ngayon ng mga bagong damit para may maganda akong isusuot bukas. Marami naman akong magagandang damit pero espesyal na araw bukas kaya dapat bago talaga ang bibilhin ko!

"Ififit ko muna ang mga ito miss." nginitian ko yung saleslady at tumango siya.

Nang natapos na ako sa pagsusukat sa fitting room, halos mag-iisang oras na akong nag-iisip kung alin ba talaga ang pinakamagandang bilhin.

"Ito kaya?" Hinawakan ko yung naka-hanger na floral dress. Halu-halo ang mga kulay ng white, blue, violet at baby pink and dress. Ang ganda!

Nagpasya na ako na 'yong dress na yun na lang ang bibilhin ko. Kaya pagkatapos kong bumili ay lumabas na ako kaagad ng boutique habang bitbit ang isang plastic bag.

Malapit nang mag-aalas syete ng gabi nang narinig ko ang tyan ko.. saka ko pa naaalala na hindi pa pala ako kumain ng dinner! Aish. Gusto ko ng umuwi pero nagugutom na talaga ako! Dito na lang muna ako kakain.

Mag-isa akong pumasok sa isang restaurant. Hindi na ako pumili ng pinaka sosyal na restaurant dahil ang importante sakin ngayon ay pagkain!

"Isa pong order nito." turo ko sa menu nang nilapitan na ako ng waitress. Tumango yung waitress pagkatapos niyang isulat ang order ko at naiwan ako sa inuupuan kong table mag-isa. Nagbuntong hininga ako.

Tumingin ako sa cellphone ko at nakita kong walang ni isang message galing kay Mishael. Nagbuntong hininga ako. Hayy.. Akala ko pa naman magiging textmates na kami ni Mishael -__-

Niclick ko na lang yung photo gallery ng cellphone ko para may matingnan-tingnan muna ako habang naghihintay ng mga order.

Mga litrato nina Rickzyn, Rui, Zara at ako ang madalas nakikita sa photos. May mga litrato din ako kay Kuya Jahziel na mga stolen shots kasama sina Moses, Dishon, Zarethan at..

Natigilan ako sa pagsoscroll ng pictures nang nahinto ako sa isang litrato. Litrato ni Eleven at ako.

Makikita sa litrato na nasa labas kami ng airport. May dala siyang mga maleta at nakakulay grey siyang jacket habang nakaakbay sakin, naka-V sign ang kanyang kabilang kamay at naka-wacky face siyang nakatingin sa camera. Ako naman ay nakahalukipkip at nakasimangot na nakatingin sa kanya.

Napangiti ako. Naaalala ko 'to. Ito yung araw na nakauwi na siya galing sa States last two years ago. Pinilit ako nito ni kuya na sumama sa kanya upang salubungin si Eleven sa airport tutal patitirahin na raw namin si Eleven sa bahay. Bad trip ako nun dahil ayokong makita siya muli at hindi rin ako sang-ayon na titira siya sa ilalim ng bubong namin.

Eleven... Nasaan na kaya yung asong 'yon ngayon?

Pero nang pumasok siya sa isipan ko ay nanlaki ang mga mata ko nang... nakita ko nga siya! Si Eleven!

W-What the?

Pumasok rin siya sa loob ng restaurant. Tatayo na sana ako para salubungin siya at tanungin kung ano bang ginagawa niya rito. Pero..

"Eleven! Halika! Dito ako gustong umupo!" May babaeng nakasunod sa kanya at agad na hinawakan siya sa braso. Eh?

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang menu. S-Sino yang babaeng yan?

Maputi siya at brown ang buhok na may konting kulot sa baba. Matangkad siya, sexy, makinis, at kitang kita ang legs niya dahil sa suot niyang maikling puti na short at sleeveless na pantaas. S-Siya yung mga tipong babae ni Eleven..

"Excuse me miss here's your orde--"

"Sssh!!" Nilagay na ng waitress ang pagkain ko sa table pero pinaalis ko siya kaagad. Tumingin ako ulit kina Eleven at ng mysteryosong babaeng kasama niya.

Kumakain ako ng fries habang panay ang titig sa kanilang dalawa. Nag order narin sila at dumating na ang kanilang pagkain. Aish.. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Sino ba ang babaeng yan? Bakit kasama siya ni Eleven?

This is not the first time na nakita kong may dala dalang babae si Eleven pero.. ugh!

Naubos na ang pagkain ko at hindi parin ako umaalis sa kinauupuan ko. Hanggang sa natapos na ata silang kumain (although hindi ko nakita kung kumakain ba si Eleven o hindi dahil nakatalikod nga siya) tumayo narin sina Eleven at naglakad na palabas ng restaurant. Ang bilis naman nilang natapos kumain!

Tumayo narin ako kaagad at sinundan sila. Ilang metro ang pagitan ko sa kanilang dalawa. Nakahawak na naman yung babae sa braso ni Eleven. Ugh! Naiirita ako! Bakit ba naiirita ako?!

Sinundan ko sila hanggang sa lumabas sila ng SM. Alam kong dala ni Eleven ngayon ang kotse niya kaya malamang pupunta sila sa parking lot sa labas! Agad akong tumakbo papunta sa bike kong nakapark din sa isang gilid.

Saan ba pupunta si Eleven at dapat niya pa talagang kasama ang isang babaeng yan? Sino ba kasi yang babaeng yan? Ugh!

Nang tumakbo na ang kanilang kotse ay agad ko naring pinatakbo ang bike ko. Susundan ko sila. Gusto ko silang sundan!

Sinikap kong hindi ako makikita ni Eleven sa side mirrors ng kanyang kotse. Sinusundan ko ang kotse niya hanggang sa..

Lumiko siya at huminto sa isang...

Bar?!

May malaking sign sa labas na nakasulat ang "Brooks Bar and Resto"

Napaawang ang bibig ko.

Ito ba yung lagi niyang pinupuntahan gabi gabi? Bakit? Saan? Para saan?

Nakita kong lumabas si Eleven ng kanyang kotse. Pinagbuksan niya ng pinto yung babaeng nakaupo sa front seat ng kanyang kotse. Nilahad niya yung kamay niya sa babae at ngiting ngiti naman yung babae na tinanggap ang kamay niya.

Nag-igting ang panga ko. Urgh! What the hell was that? Seriously Eleven? Who the heck is that skinny girl?!

Nang bumaba na ang babae ay niyakap na naman niya ang braso ni Eleven. Sabay silang pumasok sa bar...at ang huling nakita ko ay ang mukha ni Eleven.. na nakangiti sa babaeng kasama niya.

Hah.. Sabi ko na nga ba.

Napasandal ako sa tinataguan kong puno at hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa bike ko.

Sabi ko na nga ba.. He's still the same old Eleven. The same freakin playboy! The same exact malanding aso na asungot sa buhay ko!!

Damn it. Damn it! Nakakainis! So ito pala yung sinasabi niyang surpresa sakin? Haha! Gabi-gabi siyang wala sa bahay? dahil pumupunta lang pala siya sa bar para makasama ang kanyang mga babae?! Hah! Why should I be surprised?

Tch. So that's why hindi na siya nagdadala dala ng babae sa bahay! Naglipat lang pala siya ng headquarters upang ipagpatuloy ang letse niyang buhay bilang malanding aso!

Ugh! I hate him! Nakakainis siya! Naiirita ako sa kanya! Nabubuwisit ako! Letse! Peste! Tangina! Ugh!! I freakin' hate him!! I hate him!!

*****

Gumising ako kinabukasan at tumingin ako sa relo ko. Bandang alas ocho pa pala ng umaga. Bumangon ako at tinatamad akong lumabas ng kwarto. Ugh.

"Morning lil sis!" nang nakarating ako sa kusina ay nakaupo na si Kuya Jahziel sa may dining area.

May naaamoy akong adobo. Paborito ko ang adobo pero wala na akong gana. Dahil letse! Nandito siya!

"Good morning Athalia." nginitian ako ni Eleven habang may niluluto siya sa stove. Tss! Morning niyang mukha niya!

Hindi ko siya pinansin. Umirap lang ako at dumeretso sa living room. "Wala na akong ganang kumain."

Padabog akong umupo sa sofa at binuksan ang TV. Manonood ako ng Tom and Jerry! Tch!

Pero bigla na namang...

"Hey." napapaos ang boses niya nang lumapit siya sakin at tinabihan ako sa sofa. Lumayo ako ng bahagya palayo sa kanya. Tch.

"Ang aga aga mo namang nakasimangot Athalia. What's wrong?" Kinilabutan ako nang siningit ni Eleven ang konting buhok ko sa mukha patungo sa likod ng aking tenga.

What's wrong? Siya ang wrong!! Tss.

"Bakit? Kailangan ba lagi akong nakangiti? Huh? Hindi ako plastic kaya kung galit ako dahil sa letseng mga asungot sa buhay ko edi sisimangot at sisimangot ako! Ugh!"

Nanlaki ang mga mata ni Eleven nang nagsalita ako ng malakas.

"Asungot? Sino?" Kumunot ang noo niya.

"Ask yourself. Eleven." tumayo na ako at inirapan siya.

"Hey... Lady what do you mean?" Tanong niya. Sinusundan niya ako sa kwarto ko. Naguguluhan ang tono ng kanyang boses.

"Wag mo akong ma-lady lady Eleven! Wag mo nga akong kausapin!" Tumayo ako at pumunta sa kusina.

"A-Athalia!" Sinundan niya ako.

Padabog akong umupo sa dining table at tinabihan ko si Kuya Jahziel na mapayapang umiinom ng kape. Marahas kong nilagyan ng kanin at adobo ang plato ko.

"Athalia.. ano bang problema?" Umupo na si Eleven sa harapan namin ni kuya.

"Oh ano na naman ito? World war na naman kayo?" Tawa ni kuya. Ngumiwi lang ako at sumubo ng pagkain. Tss!

"Talk to your sister Jahzi. Di ko alam kung bakit ayaw niya akong kausapin. " ani Eleven, nakatitig parin sa akin.

"Kuya, aalis pala ako mamayang 10 am." tumingin ako kay kuya, di parin pinapansin si Eleven.

"San ka ba pupunta? It's a saturday."

"I know. May activity kasi kami sa chem. Inimbita ako ng lab partner ko sa bahay nila." sagot ko.

"Sinong lab partner mo?" Tanong bigla ni Eleven. Tss.

Tiningnan ko lang siya ng masama at hindi ako sumagot. Bumaling ako kay Kuya Jahzi.

"Baka doon ako maglunch, kuya. Di ko alam kung kelan kami matatapos kaya ako na lang uuwi mag-isa." Sabi ko.

"Is it a girl or a boy? Yung lab partner mo." Bigla na namang kumunot ang noo ni Eleven. Ugh.

"Yes it's a boy. And it's Mishael. What are you gonna do about it Eleven? Stalk me again?" Tinaasan ko siya ng kilay at nanlaki ang mga mata niya.

"Mishael... Stratford?" Nag-igting ang kanyang panga habang binabanggit ang pangalan.

"Oo, si Mishael, crush ko. May problema ka dun?" Tumayo ako at umirap.

Lumabas na ako ng kusina at mabilis na naglalakad palayo. Pero naririnig ko ang bawat tapak ng mga paa ni Eleven sa sahig dahil nakasunod siya sakin.

"Athalia.." Tinawag niya ulit ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Masasayang lang ang efforts ng leeg ko na lumingon sa kanya!

"Hey." Nasa tapat na sana ako ng kwarto ko para pumasok pero naramdaman ko na ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Humarap ako sa kanya.

"Athalia please. You're scaring me." tiningnan niya ako sa mga mata.

"What's wrong? Bakit ang cold mo bigla sakin? May nagawa ba akong mali?" Tanong niya at seryoso ang kanyang mukha.

"Nothing's wrong Eleven. At kung may mali man, wala kang dapat paki-alam! dahil ako, wala narin akong paki-alam." Inirapan ko siya.

Natigilan siya kaya nakapasok na ako kaagad sa kwarto ko. Nang sinara ko na ang pinto ay sumandal ako nito. Napahawak ako sa aking dibdib at nagbuntong hininga.

Tumunog ang cellphone ko at walang gana kong kinuha ang cellphone ko at tumingin ako sa lumilitaw na pangalan ni Mishael sa screen.

From: Mishael <3

Mamaya. 10 am. Don't forget.

המשך קריאה

You'll Also Like

785K 10.8K 69
[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their Un...
3.1M 82.2K 58
C O M P L E T E D R E P O S T E D --- Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old executive vice president ng Balajadia Industries, ang komp...
754K 11.4K 42
[Completed] Book 3 ng My Bestfriend is a Heartbreaker. Four years after makipagbreak ni Belle kay Ross. Belle was hurt, but Ross was even more devast...
8.5K 373 42
Sa mundong kinalakihan ko, hindi ko inaakalang may mundong magpapabago ng buhay ko. Kung sa ibang tao, yaman ang ipinamana nila sa mga anak nila, sa'...