Malay Mo Tayo [Published Unde...

Von TaojaTaoja

2.3K 148 7

Sa pagkakataong naghiwalay na ang pusong dating magkatugma, may pag-asa pa kayang muli itong magkita? Ang pag... Mehr

Author's Note
Prolouge
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Chapter fifteen
Chapter sixteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen
Chapter twenty
Chapter twenty one
Chapter twenty two
Chapter twenty three
Chapter twenty four
Chapter twenty five
Chapter twenty six
Chapter twenty seven
Chapter twenty eight
Chapter twenty nine
Chapter thirty
Chapter thirty one
Chapter thirty two
Chapter thirty three
Chapter thirty four
Chapter thirty five
Chapter thirty six
Chapter thirty seven
Chapter thirty eight - The Ending
EPILOGUE
Author's Note

Chapter twelve

22 2 0
Von TaojaTaoja

Malay mo Tayo
By: TaojaTaoja

Sabado ngayon at hindi ko lubos maisip na sa lunes na ang pasukan.

Kinakabahan ako kahit wala pa ako sa kaorasan na 'yun. The feeling of being nervous is mixed with excitement, 'yan ang nararamdaman ko.

Hindi ako nakahanap ng trabaho. Ginugol ko ang mga dumaang araw para makahanap ng mapapasukan kahit extra-extra lang pero mailap talaga sa akin ang swerte.

Siguro, gagawan ko na lang muna ng paraan ang gagastusin ko sa School. May naipon naman ako, hindi nga lang 'yon sasapat pero habang wala pa akong mahanap na trabaho ay gagamitin ko muna ang ipon ko.

Wala naman akong babayaran sa School dahil naipasa ko ang scholarship program ng Fate University pero syempre, kailangan ko pa rin naman ng pera pambaon.

Wala naman akong kukunan kung hindi ako magbabanat ng buto.

The scholarship exam is based on the result of the entrance exam kaya hindi ka na magdadalawa ng take. 

I just needed 90% above sa entrance exam to qualify sa scholarship. I got full scholarship kasi nakakuha ako ng mas mataas pa sa ninety percent.

I don't know the exact percentage of my exam, but it says in the portal that I got higher than ninety.

"Keesh excited na ako pumasok ulit, lalo pa ngayon at makakasama na kita." Umiral na naman ang kaeksaheradahan nitong kasama ko. Isipin mo ba namang may payakap pa siya at beso.

"Ako rin syempre, pero kinakabahan ako Ell."

"Ano ka ba? Bakit ka naman kakabahan? Easy lang sa'yo ang college for sure. Sinasabi ko sa'yo, baka maging Summa Cum Laude ka pa."

Summa Cum Laude? How can it be possible?

"Ella anong Summa Cum Laude ka d’yan? Akala mo ba madali 'yon? Eh kahit Cum Laude nga ata 'di ko masusungkit. Ano ako ambisosya ng taon?"

"Uy 'wag ka ngang magpaka humblerings d'yan. Eh baka nga matameme 'yung mga teacher mo ‘pag nagsalita ka na sa unahan."

"Walang madali Ell, lalo pa sa case ko."

Tumingin s'ya sakin nang may pagtataka.

"Ano bang case mo ha? Pencil Case?"
Tawang-tawa si Ella sa sariling biro n'ya.

"Alam mo naman na tumigil ako ‘di ba? Cuulture shock."

"Kung 'yun ang iniisip, 'wag mo nang isipin pa. Keesha, full scholarship nga na-achieve mo eh."

"Ewan ko ba, kinakabahan talaga ako."

"Maiba tayo, sure ka na ba sa course mo?"

Kung makatingin naman si Ella sa akin ay para bang hula-hula lang ang ginawa kong pagpili sa kurso na kukuhanin ko.

"Oo naman. Sure na sure na 'ko."

"Akala ko kasi gusto mo mag doktor. ‘Di ba 'yon ang pangarap mo? Bakit 'di ka nag nursing for your pre-med?" Kagat-kagat pa niya ang kuko niya nang magsalita.

Ewan ko ba, lahat ng mannerisms nitong si Ella ay napapansin ko. Lalo na ‘yung mga wirdong gawain niya.

Yes, I want to be a Doctor pero I guess, hindi para sa'kin ang propesyon na 'yun. Isa pa hindi ko kakayanin ang gastos.

Siguradong kahit tatlo pa ang maging trabaho ko kasabay ng pag-aaral ay hindi pa rin sasapat.

Sa totoo lang, masaya naman ako sa second choice ko.

"Siguro para talaga ako sa pagtuturo," makabuluhan kong saad. Walang halong lungkot pero hindi hindi rin nakangiti nang magsalita ako.

"Sabagay maganda rin naman ang Education." She nodded.

I've decided to take education. Hindi ko naman pinili 'yon kasi no choice ako. I chose Education because I wanted it.

I admired Teachers, and I really want to be like them. The course also suits my capacity. 

Hindi ko kakailanganing gumastos ng malaki para sa kursong 'yon. I think I'm meant for the profession.

"Ell may bibilhin ako sa labas gusto mong sumama?"

"Ano namang bibilhin mo?" Bakit ba nananarak ang mga mata nitong si Ella kapag kinakausap ako?

"Basta, sasama ka ba?"Ang dami pang tanong. Ang tanong lang naman ay kung sasama ba s'ya.

"Hindi na, ikaw na lang. Madami pa 'kong gagawin eh."

"Sige maiwan muna kita."

Kanina ko pang pinaplanong pumunta ng mall. May balak kasi akong bilhin. Sayang lang at hindi sumama si Ella sa akin.

Ang daming tao ngayon at hindi na 'yon nakakapagtaka dahil weekends.

Dumiretso ako sa book store. 

I really love to read. Mahilig ako sa mga romantic novels at 'yun ang stress releaver ko.

Napakadaming libro na nasa harapan ko ngayon. Each of them captures me pero hindi 'yun ang ipinunta ko.  I'm here to buy something.

Pumunta ako sa school supplies section para bilhin ang bagay na ipinunta ko.

I'm not here to buy stuff for school kasi nakapamili na ako. May isang bagay lang akong nakalimutan. Kinuha ko na 'yon at dinala sa counter.

"Ma'am ito lang po?" Nagtaka ako sa tanong ni ateng nasa counter.

Mukha ba akong may dalang iba? Syempre 'yun lang. ‘Yun lang ang ibinigay ko sa kanya eh. Hindi ko magawang magalit kasi mabait naman siya at mayroong pleasing personality.

"Oo 'yan lang ate."

Isinupot na niya ang binili ko.

"Okay po, I received 500 pesos ma'am, Here's your change po, 486 Ma'am."

"Salamat."

Nang makalabas ako'y chineck pa ng guard ang resibo ko. Ibinigay ko naman 'yon sa kanya.

"Pffft."

Natatawa ba s'ya?

"Okay na po Ma'am."

Nginitian ko si manong guard bago tuluyang nilisan ang book store pero nagtataka talaga ako kung bakit gano’n ang reaksyon ni manong sa akin.

Namumula rin siya at parang nahihirapan. Para siyang na-stroked.

Wala naman na akong ibang pupuntahan, pwede na akong umuwi pero may naisip akong ideya.

Actually, nasa baba na ako at nasa third floor ang book store pero dahil nga sa ideya ko ay bumalik ako do'n at tinahak ang books section.

I'm here at the books section again. Nandito na ako kaya susulitin ko na. I won't let the opportunity fall from my hands.

Kumuha ako ng isang libro at binasa 'yon. Wala namang sealed karamihan ng libro kaya pwede mong mabasa, pero syempre pasimple ka lang dapat.

Ang tagal ko nang hindi nakakabili ng bagong book kasi may mga bagay na mas dapat kong pagtuunan ng pansin.

Hindi na tuloy ako nakakapagbasa. Madami akong nakitang libro pero itong hawak ko ang nakapukaw ng atensyon ko.

"Love me Again" is the title of the story.

It talks about a lady who’s begging a man to love her again, but that man can’t do it anymore because he’s happily married already.

They were childhood sweethearts who had separate ways when they turned 18.

The girl held on to the promises of her man.

She waited for her man’s comeback, but when it finally came, she experienced the worst nightmare of her life.

His man fell out of love with her, and she couldn’t call him “her man” at all.

After four years of waiting, she never imagined feeling that way after seeing his one and only love for another time. She doesn’t even think it could happen—

"Ma'am mukhang kanina pa po kayo rito ah."

Naisarado ko nang biglaan ang librong binabasa ko.

Nandito na naman si Manong na mukhang na-strokeed sa harapan ko. Pero mukhang ayos naman na s'ya ngayon.

"Ah kuya tinititigan ko lang po kasi 'yong pages, balak ko po kasing bilhin."

Binigyan ko ng magandang ngiti si kuya, baka sakaling madala s'ya sa ngiting 'yon.

"Tinitingnan ko po  'yung bawat page, baka po may damage. Alam n'yo na." Nakamot ko ang ulo ko.

Nakakahiya naman kasi ang sitwasyon ko ngayon.

Halata naman na kanina n'ya pa ako pinagmamasdan at ngayon lang siya naglakas loob na sitahin ako.

"Bibilhin mo ba hija?"

Bibilhin? Nako wala talaga akong balak bilhin ang librong 'to. Hindi ako magkandaugaga sa paghawak ng libro na at hindi alam kung ibabalik ko ba 'yon o bibitawan.

"Ah kuya parang hindi na, kasi tingnan mo oh." Ipinakita ko sa kanya ang isang pahina na nabasa ko kanina. "May mga typographical errors kuya eh. Hindi worth it kung bilhin ko 'to, kaya d’yan na lang 'yan." Nagkaroon ako ng tsansang maibalik sa shelf ang libro. "Sana kuya walang gano’n 'no? Sayang bibilhin ko pa naman sana. Dapat kasi inaayos 'yan ng mga authors at publishing houses bago i-publish."

"Hanap ka na lang ng iba hija, madami pa d'yan." Ikinuha n'ya pa ako ng ilang mga libro. "Itong mga ito mukhang maganda." Inabot niya sa akin ang dalawang hawak niya pero hindi ko 'yon kinuha.

"Ah hindi na po, tinamad na ‘ko, alam n'yo na baka ma-disappoint na naman ako." Abot langit ang naging pagtanggi ko.

"Madami pa do'n sa kabila hija, maghanap ka pa do'n basta 'wag mo namang basahin 'yung buong libro. 'Yung description lang."

Hindi ko alam pero parang pinaringgan ako ni kuya sa sinabi n'yang 'yun. Hindi naman n'ya trabaho ang bantayan ang mga namimili.

"Ibig kong sabihin hija, syempre wala ng excitement ‘pag binasa mo sa bahay. Tama naman ako hija ano?"

Tama naman kayo Manong guard pero bakit parang ginigisa n'yo ko rito. Dapat nando’n s'ya sa entrance eh.

"Ay oo nga po. Hindi ko lang po maiwasan kasi medyo sigurista po kasi ako eh."

"Mukha nga hija. Alam mo 'yung iba nga na mga estudyante na pumupunta rito, palagi ko na lang sinita kasi ginawa ng library itong store namin."

Iyon na naman ang boses niya na may pasaring.

Ano bang gagawin ko sa isang 'to?

"Karamihan sa mga libro d'yan na unsealed ay dahil sa mga hindi mapagsabihang mga bata."

Napakasusutil naman pala ng mga estudyanteng tinutukoy nitong si Manong.

"Tapos 'yun namang iba dahil nakita ng bukas ‘yung mga libro ginagawa na rin ang asal."

Ngayon lang ako naka encounter ng ganitong guard sa store ah. May pa interrogation na eksena. Ang lakas din magparinig nitong si kuya.

"Ay kuya hindi ako gano’n ha. Balak ko nga sanang bumili ng apat na libro para idagdag sa koleksyon ko kaso nadismaya ako."

Tumawa si manong pero bakit nakakainsulto ang pagtawa n'ya?

"Kumusta na 'yung pambura na binili mo hija? Ireregalo mo 'yun sa kapatid mo?"

Anong meron sa pambura na binili ko?

Pati 'yun ay napasali na sa usapan namin dito? Hindi pa nagtatagal ay namula na naman si kuya. Natatawa ba s'ya at pinipigilan n'ya lang?

"Ah kuya hindi po. Akin po 'yun. Bakit ano po ang atraso ng pambura ko sa inyo?" Hindi ko napigilang magpaka-sarkastika.

"Ah wala naman hija."

"Kung gano’n po kuya mauna na siguro ako at baka naaabala ko na rin po kayo. By the way kuya, ngayon lang ako naka encounter ng guard na kasing chika n’yo. Siguro sa tagal n'yong nakatayo do'n sa entrance ng store, araw-araw ay natutuyo na ang laway n'yo ano?"

Nang hindi siya sumagot ay nilapitan ko siya ."Marami na rin ho siguro kayong natawanan na resibo kuya. Ako lang ba ang may pinaka murang binili dito?"

"Ay nako hija walang gano’n."

Undenial pa 'tong si kuya ah. Eh halata namang kanina pa n'yang pinipigilan na matawa sa binili ko.

"Ah ganon ba. Sana nga walang gano'n."

"Oo walang gano'n."

Lumabas ako ng book store dala ang kahihiyan at inis.

Hindi ko alam na napasarap na pala ako sa pagbabasa.

Sayang naman, nabitin ako do'n. Magkakatuluyan pa kaya sila? Ay nako si kuya kasi eh.

Habang nakasakay sa escalator ay napansin ko ang pamilyar na mukha.

Is that Lance?

Nang makababa ako ay do'n ko nakumpirma na s'ya nga ang nakita ko.

May kasama siyang babae and they're standing on the counter of a boutique.

Hindi ko naaninag ang kasama n'ya pero kahit na nakatalikod ito ay parang pamilyar ito sa akin. 

Maybe that's her girlfriend. Sayang naman pala at hindi ko kasama si Ella, e 'di sana masaya ako ngayon na nakikita s'yang pinapanood ang dalawang magkasintahan na ito.

Siguradong babaha ng luha sa loob ng mall kung kasama ko s'ya.

Dahil wala naman akong pakialam sa Lance na 'yun at sa kung sino mang babae ang kasama n'ya, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalabas at makauwi ng bahay.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1.2K 83 70
"And for the longest time, I got stuck in trying to spend one year fast just so I can get you back. I'm such a jerk, I know. Kasalanan ko lahat. So I...
551K 39.7K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
133K 4.1K 33
They break all the rules and let's discover what they don't. "Maniego"