Healed scar (Fan Fiction of A...

By Adellamarie6

7.9K 259 45

Azrael Montefalco Point of view. Ang daming kong sakripisyong hinarap para lang makuha siya. Ilang beses niya... More

Healed Scar
Simula
1st Healed
2nd Healed
3rd Healed
4th Healed
5th Healed
6th Healed
7th Healed
8th Healed
9th Healed
11th Healed
12th Healed
13th Behind
14th Healed
15th Healed
16th Healed
17th Healed
18th Healed
19th Healed
20th Healed
Wakas
Author's Note

10th Healed

169 10 2
By Adellamarie6

SCP

"Tangina ka! Jason." Sigaw ko nang makasalubong ko siya sa parking lot. Humandusay siya sa sahig nang matamaan siya ng kamao ko. "Ano? Hah! Akala mo ba hindi ko narinig lahat ng sinabi mo!"

Napahawak siya sa kanyang labi. Nasuntok ko ulit siya ng malakas sa mukha.

"Azrael!" Inawat ako ni Rafael simula sa likod ko. Silang dalawa lang ni Damon ang nakakaalam.

"Tangina! Subukan mo lang! Jason. Ako mismo magsasabi sa pamilya niya!"

Napangisi siya. Tumayo siya. "Stop being a hero here, Azi. Wala kang pakialam sa desisyon ko. Ako ang gusto niya! Nahuhulog na ang loob niya sa akin. Kaya wala kang karapatan na mangialam."

Umigting ang panga ko kaya mas lalo ko siyang nasapak ng malakas. "Don't try to rape her! Ipapatay talaga kita!"

"Bakit? Ano pa ba ang alam mo?" Napangisi siya. "Konti na lang! Azrael. Makukuha ko na siya, kaya labas ka dito!"

"Alam kong wala akong karapatan! Pero sa gagawin mo! Magkadimandahan na tayo! Hindi ako makakapayag na magawa mo yon!" Sabi ko habang bumibilis ang paghinga ko sa galit. "I will try my best to chase her! Kesa naman mapunta siya sa demonyong tao."

Sinapak niya ko buti na lang ay sinalo ako ni Rafael.

"Aba't gago-" Akmang sasapakin na siya ni Damon pero pinigilan ko. Napahawak agad ako sa bagang ko. Tumayo ako at buong matapang ko siyang hinarap.

"Ano Jason? Natatakot ka na ba?" Tinalasan ko ang aking tingin. "Natatakot ka na ba na malaman ng mga Dela Fuentes? Natatakot ka na ba matuluyan ng mapatay ang pamilya mo?"

Ngumisi siya. "Ano naman ngayon? Ano naman sayo kung gawin ko yon? Kahit kailan, Azrael. Kahit kailan hinding hindi siya mapupunta sayo!"

Akmang susugod na ko pero na sikmuraan ako. Agad na sumugod si Rafael sa kanya.

"Don't you dare to do this to my cousin! Hindi lang ito maabot mo!" Sigaw ni Rafael ng makasuntok siya.

Hinawakan ni Damon si Jason sa likod at sinikmuraan ito ni Rafael. Tumayo ako para awtin sila. "Tama na! Ako na bahala kay Victoria. Dadating din ang araw na makakatikim yan ng karma!" Sabi ko habang tinitigan siya na nakahandusay.

Kinuwelyuhan ko siya at tsaka hinarap sa akin. "Tandaan mo itong mukha ko! Jason. Wala akong pakialam kung gusto mo pa ko ipapatay. Makakarating at makakarating ito sa pamilya nila. Lalong lalo na sa kanya. Kung ayaw mong mawalan ng mana. Tigilan mo yang plano mo! At hayaan mo siya mapunta sa akin."

Tumawa siya. Hinawi niya aking palad sa kanyang damit. "Tapang mo din noh! Tignan lang natin! Montefalco. Tignan lang natin kung saan ang makakaya mo!"

Halos nanginginig ang katawan ko sa galit. I punch him again. Basag na basag na ang mukha niya sa pagsusuntok.

"Let's go!" Yaya ko. "Hayaan mo na yan! Kung matapang ka talaga! Planuhan mo na! Kung ipapatay mo ko. Pero sa lahat ng baho mo! Malalabas at malalabas yan!"

Umalis na kami at hinayaan siyang bugbog sarado doon. Damn it! Sakit ng kamao ko ah! Ganon na ba katigas ang mukha non. Nakita kong may sugat pa ito.

"Paano na kaya kung pabilugin ni Jason ang sitwasyon? Tayo ang mayayari?" Ani Damon habang naglalakad na kami palayo.

Ngumisi ako. "Ako ang bahala. Kakausapin ko si Ian."

Kumunot ang noo ng dalawa. "Ian?"

Napatigil kami sa paglalakad at tsaka ko sila hinarap. "Ian Ty. Victoria's first cousin."

Napaharap sa akin si Rafael. "He's a soldier right?"

Tumungo ako. "Yes! He's a soldier. Isa sa mga magagaling na sundalo ang Papa niya dito sa syudad, Isama mo na sa Davao."

"Azrael, are you sure about this? This is a serious problem. Hindi biro itong pinasok mo." Ani Damon.

Napalunok ako. "Yes! I'm sure. Kailangan na nilang malaman para mas maagang gumawa ng aksyon si Ian. Si Victoria ang mabibiktima dito. Siya ang unang apo ng mga Dela Fuentes."

"She's also a soldier." Sabi ni Damon. "She know how to protect her live."

Is she?

"Nakikita kong tinitraining na si Ian at Victoria. Hindi na lang din maalala kung sino yung isang babae kasama nila. Pero saan mo siya makakausap?" Tanong ni Rafael.

Bumuntong hininga ako. "Sa SCP"

"SCP?" Sabay nilang dalawa.

"Swat Cooperation of the philippines. Bahay ng mga sundalo. Doon sila nakatira ngayon."

"Azrael, tama ba itong ginagawa mo? Baka mamaya madamay tayo dito." Ani Rafael.

Napatingin ako sa kamay kong may sugat. Hindi ko alam kung saang parte ng katawan ni Jason tumama itong kamao ko. Tulis naman ng pagmumukha noon.

"Kung madadamay man tayo. Ako lang! Hindi kayo madadamaydahil ako ang nanghimasok, ako ang nakialam. Ang gusto ko lang ay malaman nila at mag ingat na sila." Napailing ako at naglakad. "Basta! Ipangako niyo lang sa akin. Itatago niyo ang problema na ito. Wag niyong sasabihin sa mga kaibigan natin lalo na sa pamilya."

Taon na ang nagdaan. Ganon at ganon pa din ang sitwasyon. Simula noon ay hindi na kami nag usap pa ni kahit kibo ay wala. Badtrip na lang ako lagi dahil lagi sila magkasama ni Jason.

"Too fitted!" Sabi ko habang tinititigan ang sarili sa salamin.

"Try this one!" Binigay sa akin ng bakla ang isang toxido. Tinaggal ko ang pinasukat niya sa akin. Ang sikip kasi sa kili kili.

"Relax! Ej. Ano bang problema mo kay Eion?" Tawa ni Damon. Tinitigan ko ang pinsan ko sa salamin. Nakasimangot siya at hindi ko maintindihan kung bakit badtrip.

"Sa dami daming lalaki na pwedeng piliin. Pinipilit niyang si Eion ang makasama niya." Reklamo ni Elijah habang badtrip na umupo sa maliit na coach.

"Let her! It's her debut. Wala ka nang pakialam doon, Ej." Ani Josiah na nagsusukat din.

Ano bang problema noon? Hindi ko naiintindihan ang dalawa. Elijah is a playboy too. Mahilig din siyang makipaglaro katulad ko. Pero kapag si Klare at lalo nang nanliligaw sa kanya si Eion ay galit na galit.

Akala mo siya pa yong boyfriend. Hay nako! Bahala silang dalawa. It's none of my business actually. Well! Di ko din naman siya masisi. Eion is not interested at all. Napilitan lamang siya dahil crush siya ni Klare.

Nagsukatan kaming mga pinsan kong lalaki para sa debut ni Klare. Ang mga babae ko namang pinsan at nasa kabilang side.

"Gym tayo mamaya, Azi. May pupuntahan ka ba?" Lapit sa akin ni Josiah.

"Meron, wala nga akong balak ngayon. I'm busy." Sabi ko.

"You're always busy." Napailing si Damon sa coach.

Natawa si Rafael habang inaayos ang polo niya sa harap ng salamin. "May binabantayan yan. That's why?"

Kumunot ang noo ni Damon. "Who? Nikka Salvador?"

Lagi na lang nirereto si Nikka sa akin. Pake ko doon!
Bagay daw kami dahil mahilig daw manapak para naman magising ako sa katotohanan.

Napapailing ako. "Fucker! Wala akong binabantayan." I lied.

Narinig kong tumawa si Rafael. Ang iba kong pinsan ay busying busy pa.

"Sino type mo? Yung kaibigan ni Eba." Tumawa si Josiah. Agad na napalingon si Damon sa akin. Di ko siya pinansin. Matagal niya ng type ang babaeng yon pero di siya pinapansin.

"Eba? Eba Ferrer?" Taas kilay na tanong ni Damon.

Napalingon sa kanya si Josiah. "Oo, kaibigan niya ang-"

Di natuloy ang sasabihin ni Josiah nang nakaramdam siya sa akin ng di maganda. "I mean, isa sa mga kaibigan ni Eba."

Daldal din ng isa na ito.

Magkaibigan si Eba at Victoria. Matagal nang nililigawan ni Damon yon pero di siya sinasagot.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagaayos. Nabaling ang tingin ko kay Elijah na tahimik lang sa isang tabi. Badtrip siya kaya pinabayaan lang namin.

"Magkasama silang dalawa ni Liezel." Pabulong ni Rafael nang makalapit siya sa akin.

"I know, I saw her while ago." Napatigil ako. "Akala ko ba si Tasha ang type mo?"

Nagbalik baliktad siya. "I don't know. Di ko nga akalain na magugustuhan ko yon."

Napangisi akong napailing. "You're just attract to her. You're not inlove."

"What if, It is?"

"Magulo ang buhay ni Liezel, Rafael. Papatol ka sa isang katulad niya?"

Agad na sumama ang tingin niya. "Alam kong magulo ang buhay nila, Azrael. Pero wag kang magkakamali ng-"

"Ng salita?" Napailing ako. "Okay! I get it! Alam ko na ang feeling niyan."

Binalewala na lang namin ang lahat. Panay pa din ang away ng dalawa kong pinsan dahil kay Eion. Di ko na lang pinansin.

"Saan ka ngayon? Azi." Ani Elijah nang maihatid na namin ang mga pinsan kong babae.

"Sumama ka na kay Josiah at Rafael. May pupuntahan pa ko."

Kumunot ang noo niya. "Saan?"

Nabalik baliktad ako. "Basta! Sumukay ka na sa kotse niya."

"May pinopormahan yan!" Tawa ni Josiah habang sumasakay sa kotse nila. Kaming apat lang ang nandito. Si Knoxx ay may pinuntahan. Si Kuya Justin ay hindi ko alam kung na saan. Ang mga pinsan kong babae ay na sa bahay ni Klare at hindi ko alam kung ano na naman pakana ng mga yon.

"Shut up! Jos."

Natawa na lamang ang pinsan ko. Si Damon ay nakahiga na sa passenger sit. Si Rafael ay may inaayos sa likuran.

"Saan ka namin ihahatid?" Ani Rafael pagkatapos niyang isara ang likuran.

"Wag niyo na kong ihatid. Ako na lang ang aalis."

Tumungo tungo na lang si Rafael. "Sige! Let's go! Ej."

Sumunod na lang si Elijah at hinintay ko silang umalis. Alam naman ni Rafael kung saan ako pupunta. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Ian.

Me:

On my way!

Tiningala ko ang buong SCP nang makarating na ko. Malaki ito at medyo luma na ang kulay. Of course! Puro military ang nandito. I think this is not the main building. May mas malaki pa sa kabila na sa tingin ko doon talaga ang training ng mga sundalo. Pumasok ako at isang babae ang unang humarap.

"Sino po ang hinahanap nila?"  Napatigil ako sa isang babaeng medyo matangkad at batang bata pa ang itsura. She's wearing a soldier uniform. Agad ako napatingin sa name tag niya.

Lex is her name.

"Ian Ty"

"Kayo po ba si Azrael Montefalco the third?" Tanong niya.

Tumugon agad ako. "Yes! I am."

"May kasama po ba kayo?" Tanong niya habang mag tinitigan sa form.

"Oo, ako lang." Nanuot ang noo ko. "Bawal ba na may kasama?"

Tumungo siya. "Opo! Bawal po kasi masyado ang outsider dito. Pinapasabi lang po sa amin ng pinuno kung sino lang ang pwede. Puro po kasi training ang nandito, baka mapahamak po." Sinara niya ang form at ngumiti sa akin. "Dito po tayo."

Sumunod ako sa kanya at tanaw ko agad ang bahay ng mga sundalo. May mga nagt-training din naman. Pumasok kami sa isang maliit na office.

May kausap si Ian na isang sundalo na sa tingin ko ay kasing edad ko lang din naman.

"Sir, nandito po siya." Aniya. Pareho silang napalingon sa amin at napaayos ng tayo.

"Sige, Aki. Mamaya na lang!" Ani Ian tsaka ako hinarap. "Azrael Montefalco" Ngiti ni Ian at naglahad ng kamay. "It's good to see you again."

Tinanggap ko yon at ngumiti.

"Sa office tayo." Aniya.

Pumasok kami sa office niya na may dalawang bandila sa likod. Pilipinas at China.

"Pasensya na, medyo magulo dito. Pinapaayos pa kasi ni Dad ang office niya."

Sinara ko ang pintuan. "Okay lang! Nandito din naman ako para makipag usap."

Umupo siya. "Take a sit." Naglahad niya. Sumunod ako at tsaka siya hinarap.

"Ano pala ang paguusapan natin?" Aniya.

Suminghap ako. "About Jason Zhang"

Napatigil siya. "Jason Zhang?"

Napatungo. "Ian, gusto kong bantayan mo si Victoria. Gusto ko may alalay kang may nakasunod sa kanya. Jason it's not a good person for her." Paliwanag ko. "Drug pusher ang mga yon." May pinakita akong litrato na galing sa universidad na pinapasukan ko. "Here! May mga sumusunod kay Victoria na dalawang lalaking chinese."

Kunot noo niya itong tinanggap. "May gustong pumatay sa inyo, Ian. Kaya ako nandito para protectahan si Victoria. Siya ang numero unong kawawa dito."

"Are you kidding me?" Inilapag niya ang litrato. "Baka hindi-"

"Totoo ang sinasabi ko, Ian." Putol ko. "Mayaman kayo! Mayaman ang pamilya niyo! Kaya ako nandito para ipaliwanag ang nalaman ko."

Nanatili ang kanyang tingin sa akin. "And then?"

"May balak silang patayin ang pamilya niyo. Narinig kong nag uusap si Benji Xiong at Lian Wang. Sinusundan na nila si Victoria."

"Paanong?" Halatang gulong gulo siya.

"You need to ask your grandfather, Ian. Hindi ko din alam ang buong dahilan kung bakit gusto kayo ipapatay. Kaya magdagdag kayo ng sundalo at body guard." Paliwanag ko. "Hindi ako nagbibiro at totoo itong sinasabi ko. Pero para sigurado na ay magtanong ka na sa mga magulang niyo."

May binigay pa ko isang litrato. "Matagal na din niloloko ni Jason si Victoria, Ian. Natalie Alesia Xiong ang totoong girlfriend ni Jason."

Tinitigan niya ito. "Paano mo nalaman lahat ng ito?"

"Gaya nga ng sinabi ko. Nakita ko sila at nagp-plano na. Kailangan gamitin ni Jason si Victoria para lang sa mana at mapatay kayo. Iyon ang gusto kong malaman niyo. Dahil lagi ako nakabantay sa pinsan mo."

Seryoso niyang tinitigan ang mga litrato.

"Please! Sabihin mo na din sa kanya ang totoo. Lagi kong nakikita ang pinsan mong nasasaktan dahil lagi siyang sinasaktan ni Jason. Mas maganda siguro kung pareho tayong magtulungan."

Napaangat siya ng tingin. "No need, Azrael." Ngumiti siya. "Madadamay ka lang dito pero salamat dahil sinabi mo. Makakarating at makakarating din ito sa kanila pero hindi nga lang sa ngayon."

Tumungo tungo na lang ako. "Okay! Sige! Ako na din ang bahala sa kanya."

"Wala ka na bang sasabihin?"

"Meron pa...nabalitaan mo ba nuong nawala siya ng isang buwan?"

Tumungo siya. "Yes! I heard that news. Nawala siya ng isang buwan."

"Nabugbog ko siya nuon dahil sa nalaman ko. Ako ang bumugbog sa kanya. Nawala siya ng isang buwan at pumunta sa Manila para makita ang girlfriend niya. Pati na rin sa nalaman ko lahat ng plano nila."

Natulala siya. Napaayos siya ng upo at napaisip. "Sinasabi ko na nga ba na may tinatagong kulog ang gagong yon! Kahit ako ay napapansin ko. Hindi din maganda ang kutog ko sa lalaking yon."

Pinagusapan pa namin kung ano plano ang gagawin. Sumangayon siyang lagi ako susunod kay Victoria para bantayan din siya.

Parehas kaming tumayo. "Salamat! Azrael Montefalco. Ako na ang bahala sa kanila."

Tumungo ako at nakipagkamayan sa kanya. "By the way! Sinabi ko na kay Klare na imbitado kayo sa Debut niya. Kinausap ko na ang Daddy niya para makapunta kayo at pumayag siya." May kinuha ako sa bag. "Eto ang inbitisyon. Mas maganda siguro kung wag mo muna sasabihin kay Victoria tungkol sa debut. Baka hindi lang siya pumunta."

Tinanggap niya ito at tinignan.

"Pinapasabi din ni Tito na baka daw pwede kayo mag volunteer sa debut ni Klare. Bantay lang naman." Dugtong ko.

"Oo naman! Magpapaalam ako kay Angkong. Dalawang buwan pa lang naman."

"Yep! Nandiyan na ang number niya kaya pwede mo na siyang tawagan." Sabi ko. "Sige!"

Umalis na ko. Nagkakilala kami ni Ian sa shooting range. Siya ang nagturo sa akin kaya naging magkaibigan kami. Isa na din sa sinabi ko.

Simula noong mag break sila ni Josiah ay hindi na kami nagpansinan pa. Everything changed. Kahit anino o titigan sa mga mata ay wala. Lumipat na din siya ng kabilang section kaya mas lalong lumayo.

Ako ang nagsabi sa kanya na may iba si Josiah, na guidance pa nga dahil yung babaeng pinatulan niya ay inatake sa puso. And yeah! He got fucked up!

Taon na din ang lumipas simula noon. Ang dami na din nagbago.

For short story short.

Hindi nila gusto si Josiah, kahit palahim lang ang lahat. Si Ian agad ang nakapuna kaya nag away pa daw sila ng pinsan niya dahil lang doon. Josiah is a flirty slut!

Pumapayag siya ng ganon?

Kung sa bagay ay pareho lang naman sila.

Nalaman ko na lang ulit na nakikipagdate siya kay Jason. Okay! Wala naman akong pakialam pero nandoon pa din yung tingin ko kapag nag uusap sila.

I'm not into it!

Wala naman akong balak na agawan o makialam sa buhay niya. Nasanay na lang siguro ako. Nasanay na lang siguro ako titigan at protektahan siya.

Lalo na sa mga nalaman ko, na kahit alam kong wala akong pakialam dito pero ibang usapan na ata ito.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 863 35
(M A Y W A R D S T O R Y) Mga bagay na di maipaliwanag na kusang dumarating ng di inaasahan. Mga taong umaalis, at iiwan ka dahil kasama ito sa naka...
44.3M 669K 73
Seven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagk...
10.8K 434 50
Ma. Gerlie Lopez also known as Magee. She is 17 yrs old girl who treated herself as a lesbian. She's very lucky to have four Boy Best Friends since g...
5M 15.8K 8
Meet Yelena Rae Falcon, the substitute bride, kayang gawin lahat para sa pinakamamahal na lolo't lola niya na nag-alaga sa kanya mula noong bata pa s...