Taming the Waves (College Ser...

By inksteady

42.1M 1.5M 1.5M

PUBLISHED UNDER LIB Note: If you're not into flawed characters who make wrong decisions, don't read this. Sav... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue
Note
TTW BOOK

Chapter 16

727K 30.7K 53.3K
By inksteady


I was sweating bullets while waiting for Troy. Nakasuot lang ako ng simpleng t-shirt at pantalon para hindi halatang pinaghahandaan ko. Nang malaman ni Mama na ang anak ni Ma'am Victoria ang pupunta, dali-dali syang nagluto at tinawagan agad si Papa.

"Chin, bakit nakaganyan ka lang?! Nakakahiya ka! Magsuot ka ng bestida roon!"

I rolled my eyes. Wag mo akong pangunahan, Ma! Hindi ko gusto ang darating, bakit ako magpapaganda?!

"Huwag na huwag kang magsasalita ng kung ano-ano mamaya, ha? Baka ma-turn off pa si Troy sa iyo!"

Lumabas ako para antayin ang lalaki sa terrace. Nasa taas pa si Papa dahil kauuwi lang nila galing simbahan at nagpapalit sya ng damit. Nainis pa nga ito dahil hindi ko raw agad sinabi na may pupuntang bisita.

I gasped when I saw Troy entering our gate. Nakaitim na polo ito at ang sleeves ay tinupi hanggang siko. Naka-tuck din iyon sa brown pants. Ang buhok nya ay maayos na naisuklay at nahalata ko agad na nagpagupit ito.

Damn, he's stunning!

Sa kaliwang kamay ay may hawak siyang isang pumpon ng puting rosas at sa kabila naman ay paper bag mula sa kilalang restaurant.

"Good afternoon, Chin," he said using his usual low voice.

Ngayong katapat ko sya, para akong nagmukhang alalay nya! Akmang kukunin ko na sa kanya ang mga bitbit nya nang ilayo nya ito sa akin.

"Para kay Tita Lucille 'tong bulaklak, next time ka na kapag nakakupit uli ako kay Mama."

"Troy!" reklamo ko dahil sa pagpipigil ng tawa. Ang pormal pormal nyang tingnan ngayon tapos ganoon pa rin ang bunganga!

"Why? Do you like flowers?" nang-aasar na tanong nya. "Hayaan mo, pag yaman ko, I will build a huge garden for our family, Chin."

"Tigilan mo ako, impakto ka! Ni wala akong planong sagutin ka!"

He let out a heartily laugh while looking at my frowning face. Sa gitna ng panlilisik ng mata ko, hindi ko maiwasang hindi humanga sa itsura nya ngayon. Para kasing pinaghandaan nya talaga ang araw na 'to. And man, he smells good, too!

"Oh, wag nang sad, halika na, ikikiss na 'yang baby na 'yan..."

Hindi ko napigilang hampasin nang malakas ang braso nya kaya muli syang napatawa. Lord, wala ka talagang ginawang perpekto!

"Chin, papasukin mo na ang bisita rito!" sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Gusto pa kasi akong solohin," bulong nya.

Hindi ko na sya pinansin. Nakabusangot akong umupo sa usual seat ko at hindi ko manlang niyaya ang lalaki na umupo. Kailangan pa akong pandilatan ni Mama kaya binalingan ko si Troy.

"Whatta tops, upo ka," pigil ang tawang tawag ko sa kanya.

He cleared his throat and bit his lower lip to hide his grin. Binati nya ang mga magulang ko at ibinigay ang mga dala nya. Matapos iyon ay umupo na sya sa tabi ko. Malawak ang kusina namin pero dahil sa presensya nya, parang lumiit ang espasyo nito.

"Whatta tops?" takang tanong ni Papa kay Troy. "Is that your nickname, hijo?"

Yumuko ako para pigilan ang pagtawa.

"Ah... no, Sir. It's actually... my favorite cupcake," he reasoned out. Pasimple syang sumulyap sa akin at sinamaan ako ng tingin.

Nakakainis! Bakit parang hindi sya kinakabahan? Mas kinakabahan pa ako kaysa sa kanya!

Nagsimula kami sa pagkain na puro tanong lang sila kay Troy. He's answering all their questions precisely. I also noticed his usage of 'po' and 'opo' na minsan ko lang gamitin sa mga magulang ko. Kunwaring magalang pa, napakawalangya naman ng bibig.

"Your father is a movie director, right?" tanong ni Mama. "Tapos campus director si Ma'am Victoria... wow! A family of directors!"

Ngumiti lang si Troy.

"Ikaw ba? Anong course mo?" tanong ulit ni Mama.

"Civil engineering po," he replied politely.

Nakita ko ang dahan-dahang pagtango ni Papa habang kumakain. Sumulyap sya sa lalaki at ibinaba ang kubyertos. He also wiped his lips before speaking.

"Are you good with your studies?"

Mula sa ilalim ng mesa ay bahagyang dinali ni Troy ang hita ko gamit ang hita nya.

"Uh... I'm trying, Sir."

Napangisi ako sa narinig na sagot sa kanya. I don't think you're trying, Troy! Ayan nga at puro panlalandi ka! Sinasamahan mo ako sa library pero natutulog ka lang! Kayo ang malapit nang mag-exam pero parang wala lang sa'yo!

"Nililigawan mo ang anak ko, hindi ba?"

He looked at me before smiling. "Opo."

Kahit alam ko na 'yon ay hindi maiwasang kabahan pa rin ako lalo at nakatingin sya sa akin. Pinilit kong iiwas ang tingin sa kanila dahil natatakot akong mapansin nila ang pamumula ng pisngi ko.

Umismid si Mama. "Have you met my eldest? Si Heather?"

"Hindi pa po. Nabanggit po sa akin ni Chin na nasa Japan sya pero sa pag-uwi nya po ay pormal akong magpapakilala," he answered.

Napalunok ako sa sagot nya. I don't think I'd like to introduce her to Ate Heather.

"You should! My Heather is beautiful! Cum Laude sya nung nakatapos at wala pang nagiging boyfriend! She's three years ahead of you! Hindi na masama," proud na proud na saad ni Mama.

I bowed my head and continue eating. Kahit saan ka talaga, isisingit nya ang paboritong anak. Ni hindi manlang naisip na narito si Troy bilang manliligaw ko.

"Lucille," Papa warned her.

"What?" she hissed.

Troy cleared his throat. "Uhm... I will meet her po... I'll introduce myself as Chin's suitor."

Mabilis na nagsalubong ang kilay ni Mama sa narinig. Oh, please! Stop making a scenario! Nakakahiya!

"I'm just giving you a better option," she said bluntly.

Parang lumubog ang puso ko sa narinig. I know that she doesn't like me but how can she disrespect me in front of him? Hindi ko na alam kung ano pang gagawing pagyuko dahil hiyang-hiya ako hindi lang sa kanila kung hindi maging sa sarili ko. Troy just saw how my mother treats me... he should reconsider courting me.

"Alam kong hindi rin magugustuhan ni Ma'am Victoria kapag nalaman nyang nililigawan mo si Chin. She knows her!" dagdag pa nya.

Napapikit ako. Of course she knows me! Ipinakilala mo ako sa lahat bilang masamang anak mo! Ni hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit mo!

"Excuse me, Ma'am. I don't think... I need more options. Si Chin lang po ang... gusto ko... at tingin ko naman ay rerespetuhin 'yon ni Mama."

"I'm sorry, hijo," si Papa.

"Okay lang po, Sir. Salamat po sa concern nyo sa akin..."

"Chin has suicidal tendencies," prangkang saad ni Mama.

"Lucille!"

My heart ached. I gulped a couple of times to remove the lump in my throat but it didn't go away. How... can she say it so lightly?

"Totoo naman, Renato! Kung gusto nyang ligawan 'yan, mas mabuti pang alamin nya kung anong pinapasok nya!"

Tuwing ganito ang nangyayari, gusto ko na lang umakyat sa kwarto ko at doon umiyak. Matagal ko nang kinalimutan ang pananakit sa sarili ngunit ngayong binuksan nya ulit ang usapang iyon ay hindi ko maiwasang madurog. I kept it to myself for years! It's a part of my past that scarred me... but it's a part of me that I loved.

Wala akong tinitingnan sa kanila. Ang kaninang gaan sa puso ko ay parang dinaganan dahil sa mga pasaring ni Mama. I can feel Troy's stares at me but I didn't look back at him.

He cleared his throat. "Hindi po komportable si Chin, Ma'am... I want to know her better but this isn't the right way to do it... not when she's being disrespected."

Nanlaki ang naluluha kong mata nang tumingin ako sa kanya ngunit madiin lang ang titig nya kay Mama.

My mother scoffed. "Anong sabi mo? I'm disrespecting her?!"

"Lucille, manahimik ka na!" galit ang tinig na saad ni Papa. "Pasensya ka na, Troy..."

It ended briefly after that. Mabilis na umalis si Mama sa bahay habang si Papa ay umakyat na sa kwarto nya matapos magpaalam kay Troy. Hiyang-hiya ako sa nangyari pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Nakaupo kami ngayon sa sofa, naghihintay ng oras para sa party... na tingin ko ay sobrang kailangan ko ngayon. I can't be alone with my thoughts.

"Is my baby okay?" panlalambing sa akin ni Troy.

Agad na nagtubig ang mata ko sa tinig na ginamit nya pero pinigilan ko ang sarili na ipakita iyon sa kanya.

"B-baby ka d'yan..."

He smiled. "Ako nga tinawag mong whatta tops, umangal ba ako?"

Isinandal ko ang likod sa sofa at tinitigan sya. Magkatapat kami kaya mabilis kong nagawa 'yon. Umayos din sya ng upo at nilabanan ang tingin ko.

I sighed. "I'm sorry that you have to witness that."

He shook his head and gave me an assuring smile. "I'm grateful that I've witnessed that."

"Ha?" natatawang tanong ko sa kanya. "Totoo lahat ng sinabi ni Mama. 'Yung tungkol kay Ate Heather, 'yung tungkol kay Ma'am Victoria... saka 'yung tungkol sa suicidal tendencies ko noon. You should take everything in consideration, Troy. You see, I have a lot of flaws."

"Those were not flaws, Chin. Kung totoong mas maganda o mas matalino sayo ang Ate Heather mo, does that make you less of a person?" he asked. "Kung ayaw ni Mama sayo, do you need her validation?"

Naninikip ang dibdib kong umiling sa kanya.

"And... your thoughts weren't flawed. You just think differently."

Tears pooled my eyes. He's saying the right words I didn't think I needed to hear. I repressed my waves of thoughts years ago and now that they've come to the surface, his words surfed with it.

He smiled. "Pero duda ako na may mas maganda pa sayo..."

I bit my lower lip. Hindi ko alam kung bakit parang isinasayaw ang puso ko sa pinaghalong sakit at saya. Pakiramdam ko, matapos ang ilang taon, may kakampi na ako. Kahit alam kong kasama ko lagi sina Vina at Mira, there are parts of me that I can't tell them. Alam kong hindi nila ako huhusgahan pero ayokong maging kargo pa nila ako.

"Troy..." I called him.

"Hmm?" malambing na tugon nya.

I gulped. Is it okay to ask him about his family? I feel like I want to know him better, too. Matagal ko nang gustong malaman 'yon ngunit parang hindi ko kayang tanungin sya dahil pakiramdam ko ay hindi pa oras.

"A-about your family..." I trailed off.

He leaned his body towards me. His eyes were attentive and encouraging, parang hinahalina ako na ayos lang ang pagtatanong ko.

"You said you're an illegitimate child..."

Ngumiti sya sa akin. "I was waiting for you to ask me," he chuckled. "Na-realize ko tuloy na hindi ka interesado sa akin."

Napanguso ako. I always make him feel like I'm not into him because I don't want him to take advantage of me. Pero kaya ako hindi nagtatanong ay dahil nahihiya ako! Pakiramdam ko ay wala akong karapatang itanong 'yon! Nakita ko ang paghinga nya nang malalim bago magsalita.

"Hindi ako anak ni Mama... nasa Switzerland ang biological mother ko," he uttered.  "It's not much, Chin. Habang kasal sila ay nagloko si Papa kaya ako nabuo."

I swallowed. Sa pagsasalaysay nya, parang madali lang ang naging buhay nya. He sounds like he's not affected.

"Kumusta naman ang pagtrato sayo ni Ma'am Victoria? Is she fine with it?"

He shifted his gaze almost instantly. Doon ko nabasa ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mukha nya pero agad din iyong nawala nang bumaling ulit sya sa akin.

"Mabait naman si Mama. She's just a bit harsh... sometimes. At naiintindihan ko 'yon."

I pouted, a bit sad that he's receiving his mother's hate.

"Iris is... uhh... my biological mother's niece," he added.

"And she's flirting with you?" I asked, my voice is dripping with disgust.

He gulped before nodding. "Oo... she blackmailed me. Alam nya kasi ang tungkol sa pamilya ko... but I have no fear now."

Sa sala lang kami habang nag-aantay ng oras. We watched movies and talked about things. There are no dull moments with him. He's funny, sweet, and clingy. Pero kahit nang magtabi na kami sa sofa, hindi sya dumidikit sa akin. Parang alam nya kung saan muna sya lulugar lalo at naniniwala syang hindi ko sya gusto.

Nang mag alas sais, nagsimula na akong mag-ayos. I've realized that Troy can go home para mag-ayos pero talagang nagkulong kami sa bahay! Ang haba-haba ng oras naming dalawa!

I wore a yellow stringed dress and white sandals. Inilugay ko ang itim at bagsak na hanggang bewang na buhok bago naglagay ng puting clip sa gilid. I also applied pink liptint on my lips before staring at my reflection. My eyebrow shot up. Mukha akong mahinhin! Ni walang taray sa mukha ko!

Habang pababa sa hagdan ay natanaw ko na si Troy na nakaupo sa sofa. Unlike his formal aura earlier, he now looks refreshing! He's wearing a basic statement shirt partnered with black tattered pants... aba at talagang nagpalit pa ng pantalon! His hair is a bit disheveled but that only makes him a lot hotter.

He glanced at me and I almost stopped walking. Napatayo sya nang makita ako at sa laki ng hakbang nya ay mabilis syang nakarating sa dulo ng hagdan. His lips parted. Nang tuluyan akong makababa ay nakatitig pa rin sya sa akin.

Nang lingunin ko sya ay humawak sya sa puso nya at nangingiting umiling kaya napatawa ako.

"Bakit?" natatawa pa ring tanong ko.

I was expecting compliments from him but to my surprise, he stood properly and shook his head.

"Wala lang, tara na."

I glared at him. "Bwiset ka!"

Tawa lang sya nang tawa kahit hanggang makalabas kami ng bahay. Nakasalubong pa namin si Mama bago tuluyang umalis kaya nagpaalam si Troy. And of course, my mother, being her usual bitchy self, ignored him. Mabuti nga at hindi na lang pinansin iyon ni Troy!

We reached the venue on time. Marami na akong kaibigan na naroon at nakasunod lang sa akin si Troy. I introduced him to some of my highschool friends and they immediately know what's going on. They teased us but because the party is on going, nawala rin agad ang atensyon sa amin.

I saw Vina on the dance floor pero nang makita ako ay agad syang lumapit sa akin. Inirapan nya muna si Troy bago kumapit sa braso ko.

"Ang ganda mo ngayon, ah? Nadiligan?" she whispered.

Pinigilan ko ang sariling masapok sya. She led us to a huge table with six chairs and two couches kaya naupo kami roon ni Troy.

"Nasaan ang gamit mo?" tanong ko sa kanya.

"Iniwan ko muna sa inyo. Nakakahiya namang magpa-party tayo tapos may backpack ako..."

Luminga ako sa paligid at napansing wala si Mira. She's never late at parties! Paanong wala pa sya rito? The lights are beaming and the music really makes me want to dance but I can't bring myself to leave Troy here. Ako ang nagyaya sa kanya! Nakakahiya namang iwan ko sya rito para lang sumayaw!

"Achi, let's dance!" sigaw ni Joaquin nang tumapat sya sa mesa namin.

I noticed how Troy slightly covered my body with his. Kung kanina ay nakasandal lang sya sa couch, ngayon ay hinaharangan nya na ako!

"Later, Wax!" I answered.

Nang makaalis ang lalaki ay bahagya ko syang tinulak sa gilid. Napatingin sya sa akin at napanguso.

"Why? Gusto mong sumayaw?" namamanghang tanong nya sa akin.

"Oo!" I fired.

He nodded before giving me a smile. "Bakit ka galit?" he chuckled. "Mag-enjoy ka, Chin. Minsan mo lang makasama ang mga kaibigan mo... sana lang ay hindi ka landiin ni bro."

"Pwede?" I asked, ignoring his last sentence.

He grinned wider. "You don't need my permission to enjoy, Chin."

I stared at him and smiled. I want to dance and enjoy but I love to be here with him. Buong araw na kaming magkasama at pakiramdam ko ay nagsasawa na sya sa akin. Umiling na lang ako at tumayo. I should let him enjoy by himself. Baka mamaya ay maumay sya sa mukha ko.

I was about to go near the dance floor when I heard some of my classmates gasped. Lahat sila ay nakatingin sa entrance ng club kaya sumilip din ako roon.

My heart clenched when I saw Mira entered the place beautifully. Her face is blooming with happiness and her hair is unusually neat. Her heels were sophisticated and elegant... making her appear taller and more slender.

But there's something weird about her black dress. It reminds me of the dress I've bought and... lost.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
25.2M 1M 50
THE LOSERS' CLUB SERIES #1 Have you ever been so smitten with someone that you were just so grateful they existed? Tipong makita mo lang siya, solved...
66.6K 1.4K 18
Si Chloe, isang dalagang taga-probinsya ng Capiz, ay handang magpatuloy sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa Iloilo City para sa mga susunod na taon...
23.5M 1M 54
THE LOSERS' CLUB SERIES #2 Someday you'll look back on your mistakes and laugh. To name a few instances, these are those awkward first kisses you sha...