Road Trip

By Kuya_Soju

388K 9.7K 1.7K

Sasama ka ba sa ROAD TRIP kung sa bawat pagliko mo ay kamatayan? Walang PRENO ang katatakutan dito! More

TEASER
1ST STOP- Engine Starts
3RD STOP- Wrong Way
4TH STOP- Where's Mommy? [Part 1 of 2]
4TH STOP- Where's Mommy? [Part 2 of 2]
5TH STOP- Tortured
6TH STOP- Gruesome Farewell
7TH STOP- Deborah
8TH STOP- Captured
9TH STOP- Fight Back
10TH STOP- Face Off
11TH STOP- Sister's Love
12TH STOP- Tied Up
13TH STOP- The Last Stop

2ND STOP- Fixing A Broken Family

35K 721 124
By Kuya_Soju

2ND STOP- Fixing A Broken Family

NASA isang coffee shop si Catherine ng araw na iyon. Kasama niya si Jhovie na enjoy na enjoy na kinakain ang inorder nitong chocolate cake.

Bahagyang tinabig ni Catherine ang braso ng kapatid. "Ano ba, Jhovie! Hindi pa ba darating si Lester? Kung matatagalan pa siya ay aalis na ako. Two hours na lang at late na ako sa shift ko!" aniya sa kapatid.

Kanina kasi nang magising siya ay inaya siya ni Jhovie na magpunta sa malapit na coffee shop sa bahay nila. Ayon dito ay mag-iisip daw silang magkakapatid ng paraan para magkabati ang kanilang mommy at daddy.

Uminom muna ng iced coffee si Jhovie bago ito nagsalita. "Relax ka lang diyan, Ate Catherine. Fifteen minutes pa lang naman nating hinihintay si bunso, eh," tukoy nito kay Lester. "Saka ang alam ko, pauwi na iyon from school sa oras na ito."

"Tinext mo na ba siya?" tanong niya.

"Oo."

"Anong sabi?"

"Pupunta daw siya, sabi niya..."

"I-text mo nga ulit at sabihin mo bilisan niya! Ayokong magkaroon ng late record sa trabaho ko," aniya. Pinapangalagaan niya kasi ang reputasyon niya sa trabaho dahil ang goal niya ay ma-promote bilang supervisor.

Kinuha ni Jhovie ang cellphone nito sa bulsa. "Oo na, ate. 'Eto na nga, ite-text ko na si bunso."

"Bakit kasi kailangan na kasama pa si Lester, eh, wala namang pakialam iyon sa pamilya natin. Palagi na lang siyang may malaking headset na nakapatong sa ulo niya!"

"Eh, ganoon talaga ang mga kabataan ngayon, ate... Oh, 'yan. Nagreply na siya. Papunta na daw siya-" biglang tumayo si Jhovie. "'Ayan na pala siya, ate, eh."

Kumaway si Jhovie kay Lester na papunta na sa kanila. Umupo ito sa harapan nilang dalawa.

Iba ang personalidad ni Lester sa kanilang dalawa ni Jhovie. Tahimik ito at kung maaari ay nais na mag-isa palagi. Samantalang sila ni Jhovie ay halos parehas ng ugali. Masayahin at pala-salita. Ang pinagkaiba nga lang nila ay matapang siya habang si Jhovie naman ay iyakin. Pero kahit ganoon si Lester ay mahal niya pa rin ito bilang bunso nilang kapatid. Iniintindi na lang niya ang ugali nito na medyo masungit dahil siguro na rin iyon sa mag-isa itong lalaki na anak ng mommy at daddy niya. Dagdag pa ang pagiging bunso nito sa kanila.

"Magtititigan na lang ba tayo dito?" basag ni Lester sa katahimikan.

"Mag-order muna kayo-"

"Kayo na lang, Ate Jhovie," ani Lester. "Busog pa ako..."

"Ayoko na ring umorder. Paalis din naman ako," sabi ni Catherine. "Ano na, Jhovie? May naiisip ka na bang way para magkaayos sina mommy at daddy?"

"Ano kaya kung i-lock natin sila sa room nila. For sure, hindi nila matitiis na hindi kausapin ang isa't-isa. And then, magkakabati na sila! Ang sweet no'n, 'di ba?" Tila kinikilig na ngumiti pa si Jhovie.

Umiling si Catherine. "Hindi magandang idea 'yan, Jhovie. Baka magpatayan lang sila kapag ni-lock natin sila sa room nila. Knowing our mother..."

"Pero-"

"Alam niyo, I have a better idea kung paano natin magpagbabati sina mommy and daddy..." biglang singit ni Lester.

"Paano?"

"Mag road trip tayo!"

"Road trip?" magkasabay pang sabi nila ni Jhovie.

"Sembeak na next week at ikaw Ate Catherine, pwede ka naman na mag-leave sa trabaho mo ng one week, 'di ba? Kapag nag-road trip tayo, magkakaroon ng bonding time ang family natin. Sa tingin ko kasi iyon ang kulang sa atin lalo na kina mommy at daddy. Masyado silang naka-focus sa business natin," paliwanag ni Lester.

Medyo humanga si Catherine sa ideya ni Lester. May point ito. Bakit hindi niya naisip iyon dati pa?

"Sounds exciting!" ani Jhovie.

"Agree din ako sa'yo, Lester pero... hindi ako pwedeng umabsent ng ganoon katagal sa trabaho ko. Alam niyo naman na tinatarget ko ang maging supervisor."

"Ang pagiging supervisor mo o ang pag-aayos nina mommy at daddy - ano ang pipiliin mo, ate?" tanong sa kanya ng bunso nila.

Biglang natahimik si Catherine at hindi nasagot ang tanong na iyon ni Lester. Huminga siya ng malalim at tiningnan sina Jhovie at Lester. Alam niyang hinihintay ng mga ito ang sagot niya.

-----***-----

"HINDI ako sasama sa road trip na iyan kung kasama ang daddy niyo!" tigas-tanggi na sabi ni Lea nang sabihin sa kanya ng pangalawang anak niya na si Jhovie na plano ng mga ito na mag-road trip silang mag-anak.

"Pero, mommy! It's our time para mag-bonding naman tayo," giit ni Jhovie. "Nag-leave na si Ate Catherine for this tapos wala na naman kaming pasok ni Lester. Everything's perfect na, mommy. Pumayag na rin si daddy-"

"Kaya nga ayaw kong pumayag dahil kasama ang daddy mo..." Tumayo na siya sa pagkakaupo sa sofa at akmang pupunta sa kusina nang humarang sa daraanan niya si Dennis.

Tiningnan niya ito ng masama.

"Pumayag ka na, Lea. Mga anak na natin ang nagre-request, eh. 'Wag kang mag-alala at hindi kita guguluhin doon," anito sa kanya.

-----***-----

INILAGAY na ni Catherine ang huling bag sa kulay puting van na gagamitin nila sa pagpunta sa Santa Barbara-ang bayan kung saan isinilang ang kanyang ina. Isang taon na ang nakakalipas simula nang maipundar nila ang naturang van dahil sa water refilling station nila.

Alas-tres pa lang ng madaling araw at ngayon ang araw kung saan sila magro-road trip. Matagal kasi ang biyahe papunta ng Santa Barbara kaya kailangang agahan talaga nila.

Handa na ang lahat. Naisakay na nilang lahat ng gamit nila. Nasa loob na rin ng van ang buong pamilya niya kaya pumasok na rin siya sa loob.

"Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ng kanyang daddy na siyang magda-drive.

Katabi nito sa unahan ang kanilang mommy na pinilit pa talaga nila para umupo lang sa tabi ng kanilang daddy. Wala na itong nagawa dahil sa tatlo silang pumilit dito.

"Wala na, daddy," sagot ni Catherine.

"Sure?"

"Yes po. Tara na po!" Excited na sabi pa niya.

-----***-----

NAGLALAKAD mag-isa si Catherine sa isang hindi pamilyar na lugar. Hindi niya alam kung nasaan siya kaya huminto muna siya sa paglalakad upang tingnan ang paligid.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng oras na iyon.

Maraming palayan sa paligid at sa di-kalayuan naman ay may malawak na kagubatan. May mangilan-ngilan na bahay na kubo siyang nakikita ngunit wala siyang makitang kahit na isang tao.

'Nasaan na ba ako? Bakit hindi ko na kasama ang mga kapatid ko? 'Asan na sina mommy at daddy?' Tanong niya sa kanyang sarili.

Saktong pagtingala niya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad siyang tumakbo at kumatok sa isang kubo na pinaka malapit sa kanya. Dahil lupa ang kanyang tinatapakan ay puro putik na ang kanyang mga paa at binti.

"Tao po! Tao po! Makikisilong lang po!" sigaw ni Catherine habang binabayo ang pintuan ng kubo.

Walang nagbukas sa kanya. Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan. Palakas nang palakas na parang may bagyong paparating. Dahil doon ay naging desperada na siya. Malakas niyang itinulak ang pintuan at bumukas iyon. Mabilis siyang pumasok upang hindi na mabasa pa ng ulan. Isinara rin niya agad ang pinto dahil pumapasok sa loob ang patak ng ulan.

Lumanitngit ang kawayang sahig sa pagpasok ni Catherine. Pinakiramdaman ni Catherine ang bahay na kanyang kinaroroonan. Mukhang wala namang tao dito. Medyo luma na rin ang mga kagamitan at halatang napabayaan na dahil sa mangilan-ngilan na agiw na kanyang nakikita.

Hindi pa man siya nagtatagal sa loon ng naturang bahay ay bigla siyang nakaamoy ng masangsang na amoy. Parang patay na daga. Nanunuot iyon sa kanyang ilong kaya parang masusuka na siya. Itinakip niya ang kanyang kamay sa ilong upang kahit papaano ay maibsan ang mabahong amoy na kanyang nalalanghap.

Hanggang sa isang napakalaking banga ang pumukaw sa kanyang atensiyon. Halos kasingtaas niya iyon at nakalagay iyon sa gilid ng bahay. Sa wari niya ay doon nanggagaling ang amoy na iyon.

Walang ideya si Catherine kung bakit naengganyo siyang lapitan ang banga. Nang alisin niya ang takip niyon ay mas lalong tumindi ang pag-alingasaw ng mabahong amoy kaya nasigurado niya na doon nga iyon nanggagaling.

Kahit na medyo nandidiri ay sinilip pa rin niya ang loob ng banga. At ganoon na lang ang kanyang pagkagimbal nang makita niya ang mga pugot na ulo ng kanyang dalawang kapatid at magulang na nakalutang sa tubig sa loob ng banga!

Kumawala ang isang napakalakas na tili mula sa lalamunan ni Catherine.

-----***-----

HUMIHINGAL na gumising si Catherine mula sa napakasamang panaginip na iyon. Kung panaginip nga bang matatawag iyon o isa nang bangungot!

Nagulat pa siya nang may biglang humawak sa kanyang braso.

"Ate, okey ka lang? Pinagpapawisan ka, ah!" Si Johovie lang pala at doon lang niya nalaman na nasa van pa rin siya kasama ang buong pamilya niya.

Pilit siyang ngumiti sa kapatid. "Ah, w-wala..." sagot niya at kumuha siya ng isang bottled water sa cooler na dala nila.

Dire-diretsong ininom niya ang laman niyon hanggang sa maubos. Pilit niyang iwinawaglit sa kanyang isipan ang napanaginipan niya kanina. Hindi niya alam kung bakit siya nanaginip ng ganoon gayong wala naman siyang iniisip na masama o kung ano pa man. Positibo pa nga ang isip niya dahil sa umaasa siya na magkakabati na ang kanilang mga magulang dahil sa road trip nilang ito.

"Nasaan na ba tayo?" tanong niya pagkatapos uminom.

"Palabas na tayo ng Manila..." ang daddy niya ang sumagot sa kanya.

"Mag-stop over muna tayo sa isang restaurant para mag-breakfast," sabi naman ng kanyang mommy.

Ang unang fastfood restaurant na nakita nila ang hinintuan nila. Sa drive thru na lang sila nag-order para hindi maabala ang kanilang biyahe. Burgers, spaghetti, french fries, pancakes, coffee at pineapple juice ang inorder nila at itinuloy na ulit nila ang kanilang paglalakbay.

Maya maya ay nagkatinginan sina Catherine at Jhovie nang mapansin nila na lahat sila ay kumakain puwera sa kanilang daddy. Kinindatan siya ni Jhovie at nakuha niya agad ang ibig nitong sabihin.

"Kawawa naman si daddy. Hindi siya makakain kasi nagda-drive siya. Mommy, subuan mo naman si daddy, oh..." Nangingiting turan ni Jhovie.

Nilingon sila ng kanilang mommy. "Tigil-tigilan mo nga ako, Jhovie! Kung gustong kumain ng daddy mo, kumain siya habang nagda-drive!"

"Baka naman maaksidente tayo, mommy kapag ginawa iyon ni daddy. Hindi siya makakapag-concentrate sa pagda-drive," tugon naman niya. "Sige na, subuan niyo na po si daddy."

Inirapan siya ng kanilang ina. Ang buong akala nila ay hindi nito gagawin ang sinabi nila ngunit nagulat sila nang subuan nito ng burger ang kanilang daddy. Ngunit kahit nakasimangot ito nang gawin iyon ay kinikilig pa rin sila dahil ibig sabihin lang niyon ay may pakialam pa rin ang kanilang mommy sa kanilang ama.

Hindi na nga napigilan ni Jhovie ang sarili at bigla itong napahagikhik sa kilig.

"Ano ba, Jhovie! 'Wag ka ngang tumawa diyan!" sita ng kanilang ina. "Ayoko lang na maaksidente tayo kaya ko 'to ginagawa."

"Wala naman po akong sinabi!" natatawang turan ni Jhovie.

Napapangiti na pinanood ni Catherine ang mga magulang. Kahit papaano ay nakakakita na siya ng pag-asa na magkakaayos din ang mga ito. Tama nga si Lester, bonding moment lang ang kulang sa mga ito.

Nagpatuloy lang ang kanilang paglalakbay ngunit hindi na binalak pa ni Catherine na umidlip ulit dahil natatakot siya na baka magkaroon na naman siya ng masamang panaginip.

Unti-unting nabawasan ang nakikita niyang building at mga establishimento sa daan. Hanggang sa ang mga iyon ay tuluyan nang mawala at mapalitan ng mga puno at dagat. Binuksan ni Catherine ang bintana upang sumagap ng sariwang hangin. Pakiramdam niya ay natanggal ang anumang bigat sa kanyang dibdib nang gawin iyon.

Nang sumapit ang tanghali ay inihinto ng kanilang daddy ang van sa gilid ng kalsada kung saan nasa harapan nila ang napakalawak na dagat.

"Dito na lang tayo kumain. Sayang ang view. Ang ganda, oh!" ani ng kanilang daddy. May baon kasi silang kanin at adobong baboy upang kapag nagutom sila ay makakain sila.

"Oo nga! Parang paraiso!" pakli naman niya. "Anong lugar na ito, daddy?"

"Atimonan, Quezon na ito. Tatlong oras na lang siguro at nasa Santa Barbara na tayo...": anito at naghanda na sila para makakaon na.

---DEAD-END---

Continue Reading

You'll Also Like

298K 9.6K 20
(NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIFEBOOKS) A family that KILLS together, stays together.
7.9K 283 14
For all of my life, I've always been thankful how lucky I am to have a perfect family. I was born "princess" surrounded with cool royal knight in shi...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
325K 10K 25
PUBLISHED UNDER LIB (DARK). GRAB YOUR COPIES NOW AT YOUR NEAREST PRECIOUS PAGES CORP. STORES [08-02-19]. • BOOK 1 • Horror • Mystery • Thriller • P...