2ND STOP- Fixing A Broken Family

35K 721 124
                                    

2ND STOP- Fixing A Broken Family

NASA isang coffee shop si Catherine ng araw na iyon. Kasama niya si Jhovie na enjoy na enjoy na kinakain ang inorder nitong chocolate cake.

Bahagyang tinabig ni Catherine ang braso ng kapatid. "Ano ba, Jhovie! Hindi pa ba darating si Lester? Kung matatagalan pa siya ay aalis na ako. Two hours na lang at late na ako sa shift ko!" aniya sa kapatid.

Kanina kasi nang magising siya ay inaya siya ni Jhovie na magpunta sa malapit na coffee shop sa bahay nila. Ayon dito ay mag-iisip daw silang magkakapatid ng paraan para magkabati ang kanilang mommy at daddy.

Uminom muna ng iced coffee si Jhovie bago ito nagsalita. "Relax ka lang diyan, Ate Catherine. Fifteen minutes pa lang naman nating hinihintay si bunso, eh," tukoy nito kay Lester. "Saka ang alam ko, pauwi na iyon from school sa oras na ito."

"Tinext mo na ba siya?" tanong niya.

"Oo."

"Anong sabi?"

"Pupunta daw siya, sabi niya..."

"I-text mo nga ulit at sabihin mo bilisan niya! Ayokong magkaroon ng late record sa trabaho ko," aniya. Pinapangalagaan niya kasi ang reputasyon niya sa trabaho dahil ang goal niya ay ma-promote bilang supervisor.

Kinuha ni Jhovie ang cellphone nito sa bulsa. "Oo na, ate. 'Eto na nga, ite-text ko na si bunso."

"Bakit kasi kailangan na kasama pa si Lester, eh, wala namang pakialam iyon sa pamilya natin. Palagi na lang siyang may malaking headset na nakapatong sa ulo niya!"

"Eh, ganoon talaga ang mga kabataan ngayon, ate... Oh, 'yan. Nagreply na siya. Papunta na daw siya-" biglang tumayo si Jhovie. "'Ayan na pala siya, ate, eh."

Kumaway si Jhovie kay Lester na papunta na sa kanila. Umupo ito sa harapan nilang dalawa.

Iba ang personalidad ni Lester sa kanilang dalawa ni Jhovie. Tahimik ito at kung maaari ay nais na mag-isa palagi. Samantalang sila ni Jhovie ay halos parehas ng ugali. Masayahin at pala-salita. Ang pinagkaiba nga lang nila ay matapang siya habang si Jhovie naman ay iyakin. Pero kahit ganoon si Lester ay mahal niya pa rin ito bilang bunso nilang kapatid. Iniintindi na lang niya ang ugali nito na medyo masungit dahil siguro na rin iyon sa mag-isa itong lalaki na anak ng mommy at daddy niya. Dagdag pa ang pagiging bunso nito sa kanila.

"Magtititigan na lang ba tayo dito?" basag ni Lester sa katahimikan.

"Mag-order muna kayo-"

"Kayo na lang, Ate Jhovie," ani Lester. "Busog pa ako..."

"Ayoko na ring umorder. Paalis din naman ako," sabi ni Catherine. "Ano na, Jhovie? May naiisip ka na bang way para magkaayos sina mommy at daddy?"

"Ano kaya kung i-lock natin sila sa room nila. For sure, hindi nila matitiis na hindi kausapin ang isa't-isa. And then, magkakabati na sila! Ang sweet no'n, 'di ba?" Tila kinikilig na ngumiti pa si Jhovie.

Umiling si Catherine. "Hindi magandang idea 'yan, Jhovie. Baka magpatayan lang sila kapag ni-lock natin sila sa room nila. Knowing our mother..."

"Pero-"

"Alam niyo, I have a better idea kung paano natin magpagbabati sina mommy and daddy..." biglang singit ni Lester.

"Paano?"

"Mag road trip tayo!"

"Road trip?" magkasabay pang sabi nila ni Jhovie.

"Sembeak na next week at ikaw Ate Catherine, pwede ka naman na mag-leave sa trabaho mo ng one week, 'di ba? Kapag nag-road trip tayo, magkakaroon ng bonding time ang family natin. Sa tingin ko kasi iyon ang kulang sa atin lalo na kina mommy at daddy. Masyado silang naka-focus sa business natin," paliwanag ni Lester.

Road TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon