My Tag Boyfriend (Season 2)

By OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... More

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 42
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 45
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 41

204K 4.2K 631
By OppaAnja

My Tag 41

Kaizer's POV

            DAHAN-dahan kong idinilat ang mata ko at tatayo na sana nang bigla na lang ako salubungin ng pakiramdam na sobrang bigat ng ulo ko.

            Parang lalagnatin pa yata ako, sa isip ko habang nakahawak ang isang kamay ko sa ibabaw ng ulo ko.

            Hindi ko na maalala ang mga nangyari kagabi. Ang natatandaan ko na lang ay nang magkalapit ng sobra ang mga mukha namin ni TG. 'Yong bigla niyang pagtulak sa akin nang malakas at 'yong madalas naming pagbabangayan.

            Tapos no'n wala na akong maalala. Para akong nalasing at kasalukuyang may hangover kahit wala naman akong ininom na kahit anong nakakalasing na inumin kagabi.

            Napalingon-lingon ako sa paligid saka ko nakita 'yong mukha ni Mobi na sobrang lapit sa akin habang nakapikit ang mga mata nito.

            Bakit katabi ko 'to? sabi ko sabay lingon sa isang gilid ko saka naman sumalubong sa akin ang mukha ni Kris na mukhang natutulog din.

Paano ako napunta sa tabi ng mga 'to?

            Marahas kong inalis sa ibabaw ng katawan ko 'yong kamay ni Kris na nakatanday sa akin saka ako bumangon.

            Napatingin ako sa kanilang lahat na nagkanya-kanya ng latag sa sahig ng kwarto ni TG at mahimbing na tutulog. Lahat sila ang gulo-gulo ng pagkakahiga maliban kay Patty na sobrang ayos ng pagkakahiga at balot na balot ang buong katawan hanggang leeg ng kumot at si Margaret naman na sa tingin ko ay 'yong nasa loob ng nakasaradong comforter.

            Oo nga pala. Dito nga pala kami nagpalipas sa bagyo kagabi.

            Automatic na hinanap ng mata ko ang kama ni TG saka ko siya nakita na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama niya.

            Hindi ko mapigilan na mapangiti nang makita ko siya. Kakornihan na pero nakakatuwa talagang gumising sa umaga na mukha ng girlfriend mo ang una mong makikita—kahit na ang mukha talaga ni Mobi ang una kong nakita pero hindi na counted iyon kasi hindi naman siya si TG at hindi siya babae at hindi ko siya girlfriend.

            Mabilis kong kinapa 'yong bulsa ng pantalon ko kung saan ko itinago 'yong mga stick notes na galing kay TG saka biglang nanlaki ang mata ko nang makapa ko iyon sabay mabilis ko iyong dinukot palabas ng pantalon ko.

            Sobra-sobra ang paghinga ko nang maluwag nang makita ko na hindi naman pala masyadong nabasa ng ulan kagabi 'yong pantalon ko maging ang stick notes na nasa loob noon. Saka siguro natuyo na rin iyon dahil sa nakapagpatuyo na rin naman ako.

            "Mabuti na lang talaga," mahinang sabi ko sa sarili ko saka ko isa-isang binasa ang mga nakasulat sa mga maliit na papel na iyon.

            Ang yabang mo!

            Akala mo kung sino kang magaling—okay sige! Magaling ka na nga! Pero tama bang lagi mo na lang isampal sa mukha namin iyon huh?

            Tsk! Akala mo ang pogi-pogi mo? Mas gwapo pa si Trafalgar Law sa'yo 'no!

            Magaling ka lang kumanta! Pero ang yabang mo pa rin!

            Life is unfair. Lahat na lang sa'yo maganda! Yabang!

            Forehead bully!

            Stick note monster!

            Dream stealer!

            Yabang! Yabang! Yabang!

            Bigla kong naitakip sa tapat ng bibig ko 'yong isang  kamay ko para pigilan ang sarili ko na matawa sa mga nabasa ko sa stick notes ni Sitti saka ako muling napatingin sa direksyon ni TG na mahimbing pa ring natutulog.

            Dahan-dahan akong lumapit sa lugar niya saka siya niyuko at binulungan.

            "Thank you, TG."

            Nagpasalamat na lang ako na hindi siya nagising sa pagbulong ko sa kanya o kahit na sinong kasama namin dito sa kwarto niya.

            Napangiti ako sa sarili ko nang may maisip akong magandang ideya para may ibigay naman ako pabalik sa lahat ng ginawa ni TG sa akin kahapon para sa second monthsary namin.

            At sana lang hindi na siya mag-inarte pa sa ibibigay ko sa  kanya.

            "O, KAIZER! Ang aga mo naman yata nagising? Good morning!"

            Nagulat ako nang sa pagbaba ko sa sala ay nakita ko na agad si tita na umiinom ng kape sa may mesa.

            "Good morning din po, tita."

            "Gusto mo na bang magbreakfast?"

            Mabilis akong umiling saka naupo sa isang upuan malapit sa kanya. "Okay lang po ako, tita."

            "Teka! Nagtoothbrush ka na ba?"

            "Po?"

            "Naghilamos?"

            Napakunot-noo ako sa tinatanong ni tita sa akin. "Ano pong ibig nyong sabihin, tita?"

            "Anong nilalagay mo sa mukha mo? Bakit ang gwapo mo pa rin kahit bagong gising ka? Naggu-gluta ka ba? Pills? BB cream? Anong sekreto mo? Sabihin mo na dali nang magamit ko rin!"

            Hindi ko na napigilan ang matawa sa sinabi ni tita saka siya sumabay sa pagtawa na rin sa akin.

            "Pinapatawa lang kita, Kaizer. Masyado kasing nakakunot 'yang noo mo ke-aga-aga. Smile-smile din 'pag may time!"

            Napangiti ako doon sa sinabi niya. "Opo, tita."

            "Ikaw pa lang ba ang gising?"

            Tango na lang ang sinagot ko saka ako nagpasalamat nang abutan ako ni tita ng isang baso ng mainit na tsokolate na tinitimpla niya habang nag-uusap kami kanina.

            "Hindi ko na tatanungin 'yong anak kong maganda dahil mamaya pa gising no'n. Alam mo naman 'yon may pagka-aswang iyon. Tulog sa umaga, gising sa gabi. Mabuti na lang at na-cancel ang klase sa lugar natin dahil sa bagyo kagabi. Kaya hindi ko na rin kayo ginising."

            Hindi na ako nagsalita pa sa mga sinabi ni tita saka sinimulang inumin 'yong kape na binigay niya.

            "Kaizer, nga pala, may balak ka bang pakasalan ang anak ko?"

            Bigla kong nabitawan ang baso na hawak ko sabay naibuga 'yong iniinom ko nang bigla na lang mapaso ang dila at bibig ko sa gulat ng tinanong ni tita.

            "Hala! Nako bata ka! 'Wag kang kabado masyado! Hindi ko naman ipapasagot lahat sa'yo 'yong magiging gastos sa kasal niyo ni Sitti eh! Pang matrikula lang."

            Parang hindi lang yata 'yong dila ko ang napaso nang kape kundi 'yong buong mukha ko na rin saka 'yong lalamunan ko dahil hindi na mawala-wala 'yong pagkasamid ko doon sa ininom ko.

            Tinulungan ko si tita na magpunas sa ginawa kong kalat bago kami nakaupo ulit ng maayos sa may hapag-kainan.

            "Seryoso ako sa tanong ko sa'yo kanina, Kaizer," sabi ni tita nang mapalingon ako sa kanya. "Gusto mo ba ang anak ko?"

            "Opo," mabilis na sagot ko. "Mahal ko po si Sitti."

            "Papakasalan mo ba siya?"

            Hindi ako makasagot at hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang uminit sa lugar namin ni tita ngayon kahit na umuulan pa rin sa labas.

            "Kaizer, magmula nang makilala ka ng anak ko, hindi ko siya nakita na ganoon kasaya at ganoon kabuhay sa tanang-buhay niya," pagki-kwento ni tita habang nakatingin siya sa baso ng kape niya at napapangiti sa sarili niya.

            "Magmula nang dumating ka sa buhay ng anak ko, naging kampante ako sa magiging hinaharap niya kasi alam ko na napunta siya sa isang lalaking kaya siyang alagaan nang maayos. 'Yong kaya siyang protektahan. At 'yong lalaking kaya siyang hindi iwan dahil lang sa mababaw na dahilan."

            Napatingin ako sa mukha ni tita nang mag-angat siya ng tingin niya sa akin.

            "Alam mo naman siguro na wala ng tatay si Sitti 'di ba? Pero gano'n naman talaga 'yon. Minsan may mga tao talaga na darating na lang sa buhay mo tapos bigla-bigla na lang din mawawala. Pero hindi naging hadlang iyon para hindi maging masaya ang anak ko sa buhay niya kasama ko."

            Medyo nagulat ko nang bigla na lang kunin ni tita ang kamay ko saka niya ako hinawakan.

            "At alam ko na mas naging masaya siya ngayon kasi nakilala ka niya, Kaizer," nakangiting sabi ni tita. "Kaya hindi ako tututol kung sakaling pakasalan mo man si Sitti balang-araw. Nasa sa'yo ang boto ko, bata."

            "Tita Aimee..."

            "Pero bata pa kayo, Kaizer," putol ni Tita sa mga gusto ko pa sanang sabihin pero hindi ko masabi-sabi. "Kaya kung anong mayroon kayo ngayon, kung ano kayo ngayon, i-treasure niyo 'yan. Kasi ang isang relasyon, kapag masyadong minadali, mas marami kayong mami-miss na magagandang bagay at mami-miss niyo rin ang mga pagkakataon na mas makilala niyo pa ang isa't-isa. Hindi sa lahat ng oras pwede nating gawing rason ang love para maging illogical at hindi maging praktikal. Hindi isang laro ang pakikipagrelasyon. At dahil alam kong mga mature na kayo, sana maging mature din kayo sa mga magiging desisyon niyo sa buhay balang-araw."

            "Tita."

            "Alam ko na mabuti kang halimbawa sa anak ko, Kaizer. Alam ko na hindi ka gagawa ng masama sa kanya o ano mang ikakasama niya o ninyong dalawa. Kaya sana 'wag mong sisirain ang tiwala na binibigay ko sa'yo huh?"

            Ngayon ko lang nakausap si tita nang ganito kaseryoso.

            Naipatong ko na lang bigla ang bakanteng kamay ko sa ibabaw ng kamay niya na nakahawak sa akin.

            "'Wag kayong mag-alala, tita. Ginawa ko ng misyon ko ang pag-aalaga kay Sitti."

            Napangti si tita sa sinabi ko. "Alam ko naman iyon. Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko medyo slow 'yan minsan."

            "Hindi lang po minsan, tita. Lagi po."

            Parehas kaming natawa ni tita sa huling sinabi ko.

            "Tita, siya nga po pala, may hihingin sana akong pabor sa inyo."

            "O, sige. Malakas ka sa akin eh! Ano ba iyon?"

            Napangiti muna ako kay tita bago ko binulong sa kanya 'yong binabalak kong gawing sorpresa at pangbawi kay Sitti.

            Masaya ako na malaman na malaki ang tiwala sa akin ni tita.

            At sana lang, mapasaya ko rin siya sa ibibigay ko pabalik sa kanya at sa lahat ng mga ginawa niya kahapon.

Sitti's POV

            RESUME na ng klase. Pero parang kulang pa sa akin 'yong isang araw na bakasyon dahil pakiramdam ko nahigop ng second monthsary na iyon ang lakas ng katawang lupa ko.

            Tapos idagdag mo pa 'yong pinakain sa akin ni yabang. Argh! Sa tuwing maaalala ko 'yon, parang masusuka ulit ako eh!

            "Good morning, TG!"

            "Morning. Anong mayroon? Bakit parang ang saya-saya mo yata?"

            "May sopresa ako sa'yo."

            "Ah talaga? Ano 'yon? Saka bakit naka-apron ka? Anong okasyon? Birthday mo?"

            "At saan ka naman nakakita ng birthday celebrant na naka-apron, TG? Ang aga-aga umaandar na naman 'yong pagkabaliw mo."

            "Ewan. Malay ko bang may pinapauso ka na naman para mas maging famous ka pa sa school. Bakit ka nga naka-apron? At hindi ako baliw 'no!"

            "Galing ako sa kusina malamang. Bakit? Nag-i-apron ka ba kapag matutulog ka o pupuntang banyo? TG, pwede ba? Maupo ka na nga lang!"

            "Bakit? Anong gagawin mo?"

            "Basta! Upo!"

            Umandar na naman pagigiging laking pang-asar ng utak ko. Tama daw ba na mag-flashback na lang siya bigla sa nangyari kahapon?

            "Ano 'to?"

            "Ginawan kita ng breakfast!"

            "Asan 'yong breakfast dito? Bakit puro itim 'to?"

            "Nasunog lang ng kaunti 'yan pero nakakain pa 'yan. Kainin mo na, TG!"

            "Ayoko! Mamaya may lason pa 'to eh!"

            "Hindi ako naglagay ng lason d'yan kaya 'wag kang paranoid."

            "Gawa mo 'to?!"

            "Kakasabi ko lang 'di ba? Sige na! Kainin mo na 'yan!"

            "Ayoko! Nakakatakot itsura niya! Ano ba 'to?"

            "Fried rice lang 'yan saka sunny side up na may kasamang bacon."

            "Bakit literal 'yong pagkaka-fried nito? Sinunog mo talaga 'yong kanin?"

            "Medyo sunog lang 'yan! Kaya kainin mo na bago pa lumamig."

            Bigla akong nahinto sa paglalakad ko saka ko biglang naiyakap ang mga braso ko sa katawan ko nang bigla akong makaramdam ng malamig na hangin sa balat ko.

            Kaizer Buenavista. Ang sikat na sikat na prinsipe sa school na dapat i-ban sa kahit saang kusina at kahit anong pamamaraan sa pagluluto.

            Baka makapatay siya ng tao sa mga luto niya. Waaaaah!

            Ngayon pa lang iiyak na ako sa mga susunod na tao na makakatikim sa luto ng isang Kaizer Buenavista.

            RIP mga susunod sa akin.

            "Sitti!"

            Agad akong napalingon nang marinig ko ang pangalan ko saka ko nakita si Mia na tumatakbo papalapit sa direksyon ko.

            Teka! Tumatakbo? Si Mia?

            "Hi! Good morning!"

            Hindi ko na muna sinagot si Mia sa bati niya sa akin dahil busy ang mata ko sa pagtingin sa paa niya.

            "Nakakalakad ka na?" gulat na gulat na sabi ko sabay tingin sa mukha niya.

            "Yup!" masaya at abot-tainga ang ngiti na sabi niya. "Kakagaling lang ng paa ko kagabi."

            "Wow! Congratulations!" masayang sabi ko sabay kuha ng kamay niya at masayang iyong tinaas-baba sa harapan namin. "Natutuwa ako na magaling ka na, Mia."

            "Thank you! Thank you sa pagiging mabait mo pa rin sa akin no'ng mga panahon na hindi pa ako makalakad ng maayos. Thank you sa mga naging tulong mo sa akin, Sitti."

            Magsasabi na sana ako nang walang anuman nang may bigla na lang kuhanin si Mia sa loob ng bag niya.

            At maya-maya pa nga ay nakangiti niyang pinakita sa akin ang isang scented paper na may cute na design at kulay pink.

            OH MY GAD! Pink! Favorite color!

            "Ito Sitti para sa'yo 'to," sabi niya sabay kuha ng kamay ko at inilagay niya sa palad ko 'yong papel na dala niya.

            "Huh? Para saan 'to?" sabi ko sabay tingin doon sa papel.

            "Birthday ko na kasi nest two weeks at gusto ko sana na pumunta ka rin sa birthday party ko sa bahay."

            Biglang nanlaki ang mata ko doon sa sinabi niya saka doon sa nakasulat sa papel na hawak ko.

            "Malapit na birthday mo?" gulat na gulat na sabi ko.

            "Oo. At gusto ko nandoon ka. Gusto kong nandoon ang isa sa mga bagong kaibigan ko."

            Alam niyo hindi na ako magtataka kung bakit naging sila ni Kaizer.

            Ang lakas niya rin magpakilig! Waaaah! Bigla na lang tumibok 'yong puso ko sa sobrang tuwa dahil inimbita niya ang isang papatas na gaya ko sa isang birthday party—18th birthday party—na mukhang pang mayaman dahil pangmayaman 'yong invitation card niya.

            "I hope na makapunta ka, Sitti," sabi ni Mia na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.         

            "Pero wala akong maibibigay sa'yo na regalo," alanganing sabi ko.

            Wala pa man 'yong birthday, ang laki na ng problema ko sa ibibigay kong regalo sa kanya.

            Dahil una, hindi bagay sa itsura at ganda ni Mia ang mga bagay na mumurahin lang. Pangalawa, 'di ba galing siyang ibang bansa? At pangatlo, malamang sa malamang, lahat ng magiging regalo sa kanya sa birthday niya eh sosyal.

            At saka eighteenth birthday 'yon. Obligado kang magregalo sa mga ganoong event.

            At wala akong pera para sa mga ganoong event.

            "Okay lang naman kahit wala kang ibigay na kahit ano sa akin, Sitti," nakangiting sabi niya. "Basta nandoon ka lang, okay na ako doon. You're presence will be enough kaya dapat pumunta ka."

            "Pero—"

            Biglang iniharang ni Mia 'yong isa niyang daliri sa tapat ng bibig ko para pahintuin ako sa pagsasalita.

            "Gusto kong nandoon ka, Sitti. May regalo man o wala. Kaya pumunta ka na huh? Please?"

            Oh. My. Gad. Aegyo. Too much aegyo. Too much kawaii! Ang cute-cute ng mukha ni Mia nang sabihin niya ang please sa akin.

            At malaking kasalanan ang tumanggi sa mga bagay na kawaii.

            Napatango na lang ako sa kanya saka biglang nanlaki ang mata ko sa gulat nang bigla na lang niya akong yakapin ng mahigpit.

            "Thank you, Sitti! Aasahan kita!"

            Napakaway na lang ako sa kanya nang magpaalam siya na mauuna na sa pagpasok sa classroom namin.

            Napangiti ako sa sarili ko nang muli kong tingnan 'yong sosyling invitation card para sa debut ni Mia.

            Hay. Sana lang hindi ako magkalat doon at susubukan ko talaga 'yong payo ni yabang noon pa na iwan ang kabaliwan ko sa bahay.

            "Dapat siguro mag-ipon na ako ngayon pa lang para may maibigay naman ako na kahit ano sa kanya."

            Pangalawang pagkakataon ko na makapunta sa birthday ng isang kaibigan.

            Una kay MM. Sunod naman kay Mia.

            Sana maging maganda rin ang memories ko sa magiging birthday ni Mia dahil gustong-gusto ko talaga siya bilang isang kaibigan.

            Saka ang ganda niya talaga. Isa pa 'yon sa dahilan.

            "OKAY class, magsi-upo na kayong lahat. 'Wag kayong magulo dahil hindi tayo matatapos nito kaya manahimik na kayo," sabi ni Prof Pin sa klase namin.

            Hindi talaga Pin ang pangalan niya. Iyon lang ang ipinangalan ko sa kanya kasi hindi ko na matandaan 'yong pangalan niya at hawig na hawig talaga siya kay Pin sa Kimi ni Todoke na isa sa mga paborito kong anime.

            "Dahil alam ng mga mababait niyong guro na gaya ko na inaanod pa ng baha ng katamaran ang mga utak niyo, magbibigay na lang muna ako sa inyo ng announcement sa inyo imbes na assignment."

            Palakpakan ang lahat ng kaklase ko sabay hiyawan ng malakas sa sinabi ni Sir at syempre nakipalakpak na rin ako.

            Ang saya kaya nang mawalan ng assignment kahit isang araw lang!

            "Ang sabi dito, blah blah blah, blah blah blah," basa niya doon sa papel na hawak niya habang nililipat niya ang mga page noon.

            Talaga bang may blah blah blah doon sa papel na hawak niya? Ang galing naman ng announcement na gano'n!

            "Ayun! Nakita ko na!" tuwang-tuwang sabi ni Sir. "Announcement! Next week na gaganapin ang Mister and Miss Eastton University. Lahat ng gustong sumali, sumali. Sa ayaw, eh di 'wag. 'Di kayo pinipilit ng student org. 'Yon lang. Class dismissed!"

            Sabi na! Si Pin talaga siya! Ang kulit niya saka ang cool-cool din niya na teacher!

            "Tsk! Panibago na namang sakit sa ulo."

            Napalingon ako kay Kaizer nang marinig ko siyang magsalita.

            "Huh? Bakit? Ano daw mayroon maliban sa class dismissed?"

            Nilingon ako ni yabang na may bagot na itsura sa mukha. "Nakikinig ka ba talaga sa announcement, TG?"

            Tsk. Ang sungit naman nito!

            Siguro ang sama pa rin ng loob niya sa akin dahil doon sa panlalait ko sa ginawa niyang breakfast na kalait-lait naman talaga dahil wala akong natikman doon kundi puro sunog na pagkain.

            Pero sa totoo lang, ayokong aminin sa kanya na natuwa ako sa ginawa niya kahit medyo epic fail.

            Sabi nga nila, it's the thought that counts nga 'di ba? Siguro puro maiitim 'yong thoughts ni Kaizer sa akin kaya gano'n 'yong kinalabasan ng ginawa niyang pagkain pero kahit na pa dahilan niya, na-appreciate ko pa rin ang gawa niya.

            Siguro ipi-PM ko na lang siya sa Facebook mamaya para pasalamatan siya at 'yong ginawa niyang breakfast.

            "Bakit? Ano raw ba sabi ni Sir?"

            Tinitigan ulit ako ni Kaizer sa mukha bago siya bumuntong-hininga at bumulong sa sarili niya.

            "Bakit ba ako nag-aksaya ng panahon na gawan ng almusal ang babaeng 'to na bingi na nga, 'di pa marunong um-appreciate?"

            "Huh? May sinasabi ka ba?"

            Napatingin ulit siya sa akin saka siya nagsalita.

            "Next week, may event na naman. Ang Mister and Miss Eastton University na. Kaya humanda ka. Kasali na naman tayo doon."

            Ah! May event lang naman pala! Sus! Big deal!

            Teka...

            "ANO?!" gulat na gulat na sabi ko sabay napatayo sa kinauupuan ko.

            Mauulit na naman 'yong naging paghihirap ko last sem?

            May Mister and Miss Eastton University na naman?!

            Hindi!

A/N: Sa next two week pa sana ako mag-a-update pero ipopost ko na rin 'to since sabi ko nga last author's note ko, gusto ko nang umusad ang kwento.

P.S. Kung iniisip niyo na magiging cliché ang scene dito sa another Mister and Miss Eastton University, no. Mas magiging exciting ang event na ito for the second time around dahil una, nandyan na si Mia at Jonas at pangalawa, may surprising "twist" na ihahanda ang student organization sa mga mananalo ngayong semester. Isa 'yan sa mga aabangan nyo. Kaya pala maghulaan na kayo kung sino-sino ang mga mananalo ngayong semester at ano-ano ang mangyayari sa event?

Another P.P.S. Napapansin ko na kumo-konti ang mga comments. Wae?! WAE?! T____T Magcomment naman kayo fles! Aigoo!

Sensya na kung walang masyadong kilig moments. Wala munang ganyan sa mga susunod na eksena. Kailangan ng kwento ang isang kwento. Gets? Gets.

LEAVE COMMENTS! ONEGAI! JEBAL! Mas madaming comment, mas namo-motivate akong mag-update. YEAH!

Last na, sino excited sa birthday ni Mia? >:) LOL.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 23.7K 21
Aragon Series #5: The Aragon Goddess and Aragon Princess Story. EVERYTHING WILL REPEAT.
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
9.1K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...