The Wife's Trap (Completed)

By 4straeaLuna

1.3M 39.4K 3.6K

Red Society 1: Mavis "Red" Schneider Maria Vienna Schneider is a second-ranked mafia assassin who disguised h... More

The Wife's Trap
Luna's Note
Red Society
Blurb
Prologue
1st
2nd
3rd
4th
5th
6th
7th
8th
9th
10th
11th
12th
13th
14th
15th
16th
17th
18th
19th
20th
21st
22nd
23rd
24th
25th
26th
27th
28th
29th
30th
31st
32nd
33rd
34th
35th
36th
37th
38th
39th
40th
41st
42nd
43rd
44th
45th
46th
48th
Epilogue

47th

22.2K 617 20
By 4straeaLuna

Tahimik akong sumunod sa kung saan nila ako dalhin at saka ko lamang napansing nasa tuktok na kami ng isang gusali. Hindi ko masasabing abandunado dahil maayos pa ang itsura ngunit hindi ko rin namang masasabing isang gusaling pinagtratrabahuhan pa.


Pinapkiramdam ko ang tahimik na si Emjie ng siyang tumutulak sa akin hawak ang kamay kong nakagapos sa likuran ko.


Hindi ko makita kung saan niya dinala ang mga kaibigan ko at si Draven.


Nasa likod namin ang ilang mga tauhan niyang may kaniya kaniyang baril.


"Maligayang pagdating aking numero unong panauhin." Umalingaw ngaw ang boses ni Edern na halatang nasa isang audio room na konektado sa buong gusali kaya natitiyak kong sa lahat ng parte ng gusaling ito'y maririnig ang boses niya.


"Matagal kong hinintay na masimulan ang isang palabas na kasama ka, hindi ba't napakaganda ng magiging palabas kapag tayo ang magkasama?" Malakas siyang tumawa na halos ikaikot ng mga mata ko.


I gritted my teeth, pinaglalaruan niya kami, pinaglalaruan niya ako.


"Mavis Schneider, Napakagandang pangalan—napakagandang babae na minsan kong hinangaan. Simulan na ang palabas, kung saan isa sa ating dalawa ang maaaring mamaalam." Agad na kumalabog ang dibdib ko ng agad na siyang nawala sa audio room.


Mabilis akong itinulak ni Emjie sa isang silid, na kung saan akala mo ako'y lilitisin.


Pinaupo niya ako sa isang silya at ang nasa paligid ko'y puro salamin n dingding kaya pulos sarili ko at si Emjie ang nakikita ko.


Maya-maya'y biglang namatay ang ilaw at nang bumukas iyon ay nagtransparent na ang salamin at bawat tingnan ko'y naroroon ang nga kaibigan ko. Sa harapan ko'y si Draven, sa gilid ko ang walang malay na si August, sa kaliwa ko'y si Amanda at sa likuran ko si Tiya Ysabella.


Nanlalaki ang mata ko sa nakikita. Lahat sila'y nakapalibot sa akin at nasa kabilang bahagi.


Tila ako ang nasa gitna nila at pagmulat ng mata nila'y ako lang ang makikita nila habang ako'y kita ko silang lahat.


"Nakikita mo ba sila Mavis, sila ang magiging premyo sa t'wing makakaligtas ka sa mga laro ko."


"Hayup ka Edern! Tigilan mo ako! Tigilan mo ang laro mo at magharap na lang tayo!" Sigaw ko kahit hindi ko siya nakikita pero alam kong kitang kita niya ako.


"First stage," Agad na bumukas ang isang pintuan at pumasok roon ang sampung kalalakihan na may mga hawak na kutsilyo.


"Matira matibay, kapag nagawa mong mapatumba silang lahat, dalawa sa apat na mahahalaga sa 'yo ang makakasama mo sa loob ng kwartong 'yan."


I can hear the sounds of something—it was like a clock doing the countdown. Nang tumunog ito'y agaran na sumugod sa akin ang mga lalaki habang nakagapos padin ako. Nasa gilid lamang si Emjie na tila siya ang magmimistulang witness.


Mabilis kong iniilagan bawat atake nila, wala akong magamit na kamay kaya puro sipa ang ginagawa ako. I could feel someone behind me who was about to stab me when I immediately kicked him, nasalo ko mula sa likuran ang kutsilyo at habang nakikipaglaban ay pilit kong kinakalas ang tali gamit ang kutsilyong hawak ko.


Dahil masyado akong nadidistract sa pagkakalas ng tali ay bumagal ang ginagawa kong pagiwas sa mga atake ng natitira—tinamaan ako nito sa mukha ngunit hindi ko 'yon ininda.


Nang matagumpay kong makalas ang aking tali ay mabilis kong tinarak ang kutsilo sa papasugod palang, agad na tumalsik ang dugo nito sa damit at leeg ko ngunit wala na akong pakialam. Sunod kong sinipa ang isa pa at mabilis na hinila ang kamay niya saka malakas na hinampas bago pinilipit at malakas na sinipa, I can hear his scream ngunit hindi na ako naaapektuhan noon. Nakita ko ang pagamba ng isa pa kaya agad kong ginawang pansalag ang lalaking hawak ko sa saksak ng kasama niya at pagkatapos ay saka ko sinipa ang sumugod at malakas na hinampas sa ulo.


6 down. Apat pa.


Sabay-sabay silang sumugod kaya mabilis akong yumuko at hinila ang dalawang binti ng isa saka siya binalibag sa sahig bago tinuhod ang isa sa kung saan pinakamasakit na parte kapag natamaan bago siya sinipa. Sinunod ko ang dalawang pilid kong iniilagan at nang makuha ko ang kamay niyang may hawak na kutsilyo'y mabilis ko iyong pinilipit saka siya siniko sa mukha ng ilang beses at tinuhod saka sinaksak sa dibdib bago muling sinipa. Halos tumalon ang puso ko sa gulat ng pagharap ko'y sumalubong sa akin ang talim ng kutsilyo na agad kong nailagan ngunit mukhang nahagip noon ang takas kong buhok.


Malakas ko siyang sinipa at sinungit paangat ang kutsilyong nasa baba gamit ang aking paa saka iyon mabilis na sinalo at binato sa lalaki na animo'y nagmistulang dart board.


Humihingal na napaayos ako ng tayo at pinunasan ang kumikirot na parte ng aking pisngi gamit ang likurang bahagi ng kamay ko.


I heard claps, and I knew it was from Edern, who was hiding somewhere.


Napalingon ako kala amanda at nakitang gising na sila. They were talking, but I couldn't hear them, tanging pagbukas lang nang bibig nila ang nakikita ko, while Draven was just staring at me.


Agad na bumukas ang glass wall kay Amanda at Tiya kaya agad silang napatakbo sa akin.


"Good job Mavis! Pinahanga mo ako! That was a show! Kahit kailan talaga'y hindi nawala ang galing mo sa pakikipaglaban. Now, for our stage 2. Mas mahirap kumpara sa nauna."


"Isa sa kanilang dalawa ang kailangan mong kalabanin, isa sa kanila ang kailangan mong patayin kung hindi kayong lima ang mamamatay."


Para akong pinokpok ng isang matigas na bagay sa narinig.


"A-ano?! Nahihibang ka na Edern! Hindi ako tanga para patayin ang isa man sa kanila! Ano?! Naduduwag ka ba?! Kaya gusto mong kami ang magpatayan dahil natatakot kang baka ikaw ang mapatay kapag wala sa aming napahamak!? Tangina mo! Harapin mo ako! Lumabas ka sa kakatago mo!"


"Relax Mavis para namang hindi mo ako minahal noon," Humalakhak ito sa sinabi niya.


"Choose Mavis, Ang lalaking noon pa man ay pinapahalagahan mo na at hindi mo magawa gawang saktan? O ang lalaking kahit sinasaktan ka na, mahal na mahal mo pa?" Gusto kong maiyak, nanginginig ang katawan ko sa galit.


Hindi ko malingon si August at si Draven. Gusto kong sumigaw at magwala.


"I will count Mavis, kapag wala kang pinili ako ang pipili."


"M-mav..." nanginginig na sabi ni Amanda habang naiiyak.


"H-hija, Mavis magiingat ka." Umiiyak na si tiya habang yakap siya ni Amanda. Mabilis silang hinila ni Emjie sa gilid at naiwan nanaman ako sa gitna, nahahati sa dalwang pinakaimportanteng tao sa akin.


"Mav please!" Amanda was torn too, afraid of whatever decision I would make.


"One," shit!


"Two!"


"Bullshit Edern!" Narinig ko ang pagtawa niya. Marahas akong napahinga, hindi alam kung sino ang pipiliin.


"Three! Time's up. Ako na ang pipili para sa 'yo. Dahil gusto ko maging mas masakit—I choose your husband."


Hindi ko inintindi ang sinabi niya at napalingon sa gawi ni Draven na namumungay ang mga matang nakatingin sa akin habang naglalakad palapit. Nakita ko ang paglabas niya ng isang patalim habang naglalakad papalapit sa akin.


Walang ano-anong bigla niya akong sinugod kaya agad ko iyong iniligan, mabilis akong umamba ng suntok na mabilis niyang nasalo at nilapit ang sarili sa akin. Humihingal parin ako habang nakikipagtitigan sa kaniya, confused about how he learned to fight.


"Fake it," Hindi ko agad nakuha ang gusto niyang ipahiwatig ng sabihin iyon kaya mabilis ko siyang sinipa at binalibag saka kinububuwan at inambahan ng suntok ngunit ng malapit ko na siyang matamaan ay agad akong napahinto.


Fvck! hindi ko siya kayang saktan.


"I said fake it."


"What the hell are you talking about?"  Pagbubulungan namin habang pinapakitang naglalaban parin kami at sinasalag niya ang mga atake ko.


"My knife was fake, kapag sinaksak mo sa 'kin"


Nagsasalita siya habang naglalaban kami.


"I'll pretend to be dead. Didikit 'yon sa katawan ko at maglalabas ng pekeng dugo."


Bigla akong natigilan, it's fake.


Nilingon ko ang kutsilyong iyon na nasa baba bago siya sinipa. Umaatake rin siya sakin hangang sa mapaluhod niya ako at pinakita kong opportunidad iyon para makuha ang kutsilyo kaya sabay ng paglapit niya'y agad kong nakuha ang kutsilyo at buong pwersa iyong sinaksak sa tiyan niya at halos manginig ako ng may dugong tumalsik mula roon hanggang sa bumagsak si Draven.


Nanginig ang tuhod ko at mabilis na napaluhod saka siya tiningnan, agad na bumuhos ang luha ko ng mapaubo siya at makita ang dugong lumalabas sa bibig niya.


I cried, with my lips shaking in pain and frustration. Hindi ko alam ang gagawin ko napahagulhol na lang ako.


"You told me it's fake! What the fuck Draven?! What the fuck?! Why did you do that h-huh?! Come on! Come on, tell me it's fake! Come on Drei! Don't d-do this, please! Please!" Iyak ako ng iyak habang niyayakap siya ng makarinig ako ng malakas na pagtawa hangang sa makapasok ito sa kung nasasaan kami.


Balisa akong inangat si Drei para yakapin.


"D-drei, Drei hold on huh? Ilalabas kita dito, I'm sorry—I'm so sorry."


"D-don't c-cry..." Hirap na sabi ni Drei habang nakatitig sa akin at namumungay ang mata. I can hear Amanda's cry. Habang si tiya ay tahimik na umiiyak at inaalos si Amanda.


"Very well, Mavis, very well."


"Hayup ka Edern, hayup ka."


"At least ikaw ang gumawa niyan sa kaniya at hindi ako. What a demon you are, Mavis. Kung sabagay ako nga na mahal mo noon, nagawa mong iwan sa loob ng nasusunog na gusali, siya pa kaya?"


"Quit your fvcking bullshit! You want me dead? Then kill me! Patayin mo ako sa pinakamasakit na paraan na gusto mo!" Inabot ko sa kaniya ang kutsilyong nababalutan na ng dugo. Ngunit ngumisi lamang siya sa akin bago bumunot ng baril at tinutok iyon kay draven na mukhang nanghihina na dahil sa dugong nilalabas ng sugat niya.


"I want to kill you, but like what I said, I want to show you and make you feel what it feels like---kung gaano kasakit mamatayan ng harapan."


He was about to pull the trigger when I immediately kicked his hand. Wala na akong maisip na gawin kundi ang sipain iyon para mabitawan niya.


Sunod kong ginawa at mabilis k siyang sinipa at sinuntok, sa pangalawang atake ko'y mabilis na niyang nahawakan at agad akong nasuntok. Masyadong malakas iyon dahilan para bumagsak ako sa sahig. I groaned in pain when he stepped on my back.


"Arrgh!" Mas lalo akong napahiyaw ng ilang beses niya pa akong sipain sa likod. Napaubo ako ng dugo sa ginawa niya at hinang hinang namilipit sa sakin. I can hear his laugh hangang sa isang malakas na sipa ang nakapagpatihaya sa akin.


I stares at him staring at me with the smug on his face. Kinuha niya ang baril niya at itinutok iyon sa akin. Hangang sa mabasag ang isang salamin at may balamg tumama kay Edern. He was about to shoot August ngunit naunahan ko na siya ng mabilis kong makuha ang kutsilyo sa sapatos ko. Mabilis ko siyang sinaksak na agad niyang kinatumba.


Sunod-sunod na nagsipasukan ang ilan niyang tauhan na isa-isa ring natumba dahil kay—Emjie.


Hinang hina akong lumapit muli kay Drei at hindi na pinansin ang pakikipaglaban nila August at Emjie habang si amanda ay pinroprotektahan si Tiya.


Pinunit ko ang damit ni drei saka iyon pinagdugsong at itinali sa katawan niya upang kahit papano'y mapigilan ang pagdurugo ngunit kapansin pansin ang tattoo niya malapit sa waistband, simbolo ng Red Society?


Nanlalaki ang matang napatitig ako sa mukha ni Draven. Bakit siya may tattoo nito?


Napalingon ako sa mga kasamahan kong nakikipaglaban hanggang sa pumasok pa ang ilang tauhan ni Edern na akala ko'y kami ang pontirya ngunit nagulat ako ng itinutok nito ang mga baril kay Edern.


Galit na napalingon si Edern kay Emjie at sa mga tauhan nito, at agad namang lumingon sa direksyon ko.


"Hindi ako makakapayag na walang ibang mamamatay sa gabing ito!" Kumalabog ang dibdib ko ng lumingon ito sa direksyon ko, dalwang baril ang nakatutok sa akin.


"Mavis!"


"Mav!"


"Jusko anak!"


"Mavis!" Apat na boses, ngunit tila namanhid ako sa kinauupuan. Pigil hiningang hinintay ko ang pagtama ng baril sa akin ng dalawang pares ng braso ang yumakap sa akin kasabay ng tunog sunod sunod na pagputok ng baril na siyang kinatulala at kinamanhid ko.


"Mavis!"


I feel so numb, processing what has just happened.


I heard voices, but my eyes remained open and staring at nowhere. Unti unting bumuhos ang luha ko ng agad na lumuwag ang yakap sa akin at bumagsak sa harapan ko ang lalaking pinakamamahal ko.


"Drei!" I screamed in pain and fear. Nanginginig ang kamay na tinapik ko ang mukha niya, umaasang tulad kanina'y magmumulat siya ngunit ngayo'y hindi na niya ginawa.


"Drei! Drei gumising ka please! Why did you do that, huh?! Hinayaan mo nalang sana ako! Deserve mo 'yon! Hindi ka pwedeng mawala! Hindi mo ko pwedeng iwan! Marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin! 'Di ka pwedeng mawala! Dreiiiii!"


Naramdaman kong may yumakap sa akin ngunit wala na akong pamialam, iyak lamang ako ng iyak roon at hindi na pinapansin ang kung sinong dumarating.


I can hear my Ragents. I can hear Meast's voices. I can hear Emjie. I can hear Clover. I can hear Zaira's. I can hear their voices.


"Tinapos na namin lahat ng tauhan niya."


"Emjie, prepare the car!"


"Mavis, let's go."


"Mavis dadalhin na natin si Drei sa hospital, come on." Pinipilit nila akong maitayo at mailayo kay Draven ngunit tila nawalan na ako ng lakas. Hindi ko ito magawang iwan hangang sa unti-unting dumilim ang paningin ko.

_____

EMJIE


Shit! Hindi ko sila nagawang protektahan! Nagmadali akong inihanda ang sasakyan. Kung sana naging mas mabilis ako hindi na aabot sa ganito.


"Sino kayo?! Anong kailangan niyo?!" Kakatapos lamang mailibing nang tito at pinsan ko ng may kalalakihan ang biglang nagsakay sa akin sa isang itim na van.


"Gusto ko lang makausap ng boss namin."


"Boss?! Sinong boss!? Wala akong atraso sa kaniya!"


"Huwag kang magalala, hindi ka naman niya papatayin."


Natahimik nalang ako hangang sa makita ko ang hindi ko kilalang lalaki sa harapan ko.


"Kumusta ka Mario Gostav?"


"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?"


"I am so sorry for your loss, Mario—talaga namang walang puso ang gumawa sa kanila noon." Kumunot ang noo ko, alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin.


"Wala talaga siyang puso."


"Kaya nga pinapunta kira dito, dahil tulad mominsan din akong nawalan."


"Bakit anong atraso niya sa 'yo?" tila interesadong interesado ako sa gusto niyang mangyari.


"Anong atraso? Malaki! Pinatay niya ang daddy ko, at tinangka niya rin akong patayin sa sunog mabuti na lang at nakaligtas ako, kaya naman—ginawa ko lahat para makabangon at ngayon konting panahon na lang at magagawa ko nang makapaghiganti sa babaeng 'yon." Maghihiganti siya, sasaktan niya si Mavis. Hindi maaari, kailangan alam ko ang maging kilos at mga plano niya, kailangan kong protektahan si Mavis.


"At gusto mong?"


"Gusto kong maging parte ka ng plano ko, ng isasagawa ko." Ngumisi ako para ipakitang sangayon ako.


"Magandang idea 'yan, pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa pinsan at tito ko." Isasailalim kita sa bitag ko at sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay sa plano mo. Hindi ko hahayaang masaktan mo ang babaeng iniligtas kami.


Sumali ako, para malaman ang bawat galaw niya, at ang pangyayaring ito na akala niya'y magtatagumpay ay nagkakamali siya. Alam nila Meast ang mangyayaring ito, gano'n na rin ni Draven. Ginawa talaga namin ito para mahuli siya. At kinailangan naming nakisabay sa plano niya ngunit wala sa naplano namin ang larong ginawa ni Edern, hindi ko napaghandaan ang kagustuhan ni Draven na saksakin siya ni Mavis. The card, sinadya kong ibigay ang card na gusto ni Drei na ibigay ko kay Mavis kay Edern para ipakita rito na napakagandang opportunity nito para sa kaniya at maisagawa ang pinaplano niya, at pumayag naman si Drei. Pinaghandaan namin—ng Red Society ang mangyayaring ito at inaasahan na naming isa sa amin ang magbubuwis ng buhay ngunit hindi ko inakala na si Draven iyon.


Shit! We can't lose him! Nanginginig ang kamay na nagmaneho ko habang lulan ang nasa kritikal na condition na si Draven at ang walang malay na si Mavis.


Kailangan kong magmadali, buhay ni Drei ang nanganganib, tangina halos ilang beses na kumawala ang luha ko sa dami ng naiisip.


Iniwan naming nasusunog ang gusali na 'yon, tulad noon at siniguro naming hindi na makakaligtas pa si Edern.


Kapit lang Drei, hindi mo pwedeng iwan ang asawa mo, para kay Mavis Drei 'wag kang mawawala sa 'min.




L.Luna

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 309 45
Scars of Pain Series #2 Elisha Natalie Gonzales is a soft hearted girl especially to her family. She is always obeying her parents even herself forbi...
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

103K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
3.8K 179 46
Scars of Pain Series #3 Serenity Peace Austin, Siya ay isang manghuhula dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may sumunod sa kanyang yapak at dahil s...