Innocently Dangerous

By astraea_writes

16 0 1

She's a devil dressed like an angel. More

Innocently Dangerous
Epilogue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Casts

Chapter 4

2 0 0
By astraea_writes

♧♧Flynn's POV♧♧

"ARAY!" Sigaw ko nang biglang diniinan ni bella ang cotton na may betadine sa sugat ko.

Paano ba naman kasi eh! Ang sakit niyang maggamot. Yung maliit lang na sugat pinapasakit niya! Dinidiin niya talaga.

Napanguso nalang ako nang naging seryoso sya na parang galit.

"Ayan! Makikipaglaban sa undeground tapos pag ginagamot ang sugat umaaray!" Sermon niya sa'kin.

Nasugatan kasi ako dahil nasuntok ako nang pangpitong kalaban ko.

Oks lang sa'kin kasi nasa ospital na naman iyon.

'Kala niya?! Hindi ako gaganti?! Duh!

Ako magpapa-api? Ang isang Flynn Razel Samonte magpapa-api?!

Lintik lang ang walang ganti noh!

"Oh paano iyan?! Anong idadahilan mo sa mama mo?!" Tanong niya sa'kin.

⊙~⊙

Anong idadahilan ko?

Hmmmmmm.........

Hmmmmmm......

Hmmmmmm......

Ay alam ko na!

"Sasabihin ko na mags-sleep over tayo sa bahay niyo!"
Sabi ko na parang nagmamalaki.

Talino ko noh?

Muahahahahaha-

"Aray!" Napadaing nalang ako nang bigla niya akong sinapak.

"Tanga! May magic powers ka ba?! Para gumaling iyang sugat mo nang overnight?!" Sigaw niya sa'kin.

T~T

"Eh ano?!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Ewan ko sa'yo! Problema mo na 'yan!"

"Yun na nga dito ako matutulog tapos bukas sasabihin ko na nagb-bike tayo tapos na aksidente! Idadahilan ko na sadyang tanga ka kaya hindi mo nakita ang dumaan na aso!"

"Aba! Hoy! Ako pa ang idadahilan mo?! Eh kung tawagin ko kaya si tita at sabihin na pumunta ka nanaman sa underground?!"  Pananakot niya sa'kin.

Biglang naging maamo ang mukha ko sa banta niya.

"Eto naman! Hindi na mabiro! Ikaw na nga nag sabi diba problema ko na iyon?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti.

"Hay nako--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Kinuha niya ito at bahagyang nanlaki ang mata niya.

Pinakita niya sa'kin kung sino ang tumatawag.

⊙¤⊙

Si mama! Si mama ang tumatawag!

Sumenyas ako sa kanya na manahimik. Tumango lang siya sa'kin.

Sinagot niya ang tawag at pinindot ang loud speaker.

"Hello tita?"

{"Hello Bella? Kasama mo ba si Flynn?"} Tanong ni mama sa kabilang linya.

"Opo. Mags-sleep over po kami dito sa bahay." Magalang na sagot ni Bella kay mama.

{"Ah ganoon ba? Sige mag-ingat kayo hah? Ipapahatid ko nalang diyan ang uniform ni Flynn para susuotin niya bukas."}

"Opo ma!" Sagot ko kay mama.

{"Sige ba-bye anak."}

"Bye po ma~~"

Nang naputol na ang linya ay nakahinga kami nang maluwag.

Tumingin siya sa'kin.

"Oh eh pa'no 'yan? May pasok ka bukas? Anong gagawin mo?" Tanong niya.

"Bella may tinatawag na sumbrero. Yun ang gagamitin ko."
Sarcastic kong sagot sa kanya.

"Ewan ko sa'yo Flynn! Bahala ka na nga!"

Pumunta sya sa kama niya at humiga. Tumabi ako sa kanya ag natulog.

[Kinabukasan.....]

Nagising ako nang may yumuyogyog sa'kin.

"Hoy Flynn! Gumising ka na!"

"Mamaya na..." sabi ko at tinakpan ang mukha ko nang unan.

"Alas siete na! Papasok ka pa ba?!"

Bigla akong napabangon sa sinabi niya. Alas siete na?!
Tumingin ako sa wall clock ni Bella at alas siete na nga!

Putspa!

"Alas siete na! Ba't di mo ako ginising?!" Tanong ko sa kanya.

Tumayo na ako at pumunta sa bathroom niya. Dali-dali akong naligo at nagbihis.

Paglabas ko ay wala na si Bella. Nasa baba na siguro iyon.

Bumaba na ako at nakita ko sya na nag aantay sa'kin.

"Kumain ka muna." Sabi niya.

"Wag na! Sa school na ako kakain." Sabi ko at lumabas ako ang naunang sumakay sa kotse niya.

Kapal ng mukha ko noh? Hmph!

Sumakay na siya at umupo sa driver's seat.

Pinaandar na niya ang sasakyan niya at nagmaneho. Nang makarating na kami sa school ay bababa na sana ako nang pinigilan ako ni Bella.

"Hoy!" Sigaw niya sa'kin.

"Ano?! Bilisan mo! Malelate na ako!"

"Tanga! Yung sumbrero mo oy!" Sigaw niya at binigay ang isang cap na black.

"Salamat! Sibat nako!" Sigaw ko at bumaba sa kotse niya.

Pansin ko na wala nang mga estudyanteng dumadaan.
Mabuti nalang at kaibigan ko si manong guard at pinapasok ako.

Hehehe the benefits of connections.

Nang makapasok na ako sa school ay tumatakbo ako papunta sa classroom.

Pagpasok ko dun ay nagle-lecture na si ma'am.

"Good morning Ms. Samonte! Dinaig mo pa ang isang guro!" Sermon niya sa'kin.

"Sorry ma'am nalate po ako ng gising." Mahinahon kong sambit.

"That is not my problem! Umupo kana bago pa kita palabasin!"

Sumunod nalang ako sa sinabi niya. Pero pag upo ko pa lang ay ang buwisit na isang miyembro ng FG ay nagsumbong.

"Ma'am!" Tawag niya sa atensyon ng aming guro.

"Yes Ms. Villanueva?" Tanong ng guro.

"As far as I know ma'am may rule tayo na bawal ang magsuot ng sumbrero inside the classroom." Maarte niyang sumbong kay ma'am.

Tumingin sa akin si ma'am na sinasabing 'She's right'. Wala akong nagawa kundi ang magbuntong hininga.

Mabuti nalang talaga at wala akong black-eye. Sugat lang sa gilid ng labi, maliit na sugat sa ilong at sugat sa kilay. Yun nga lang malaki ang sugat ko sa kilay dahil may singsing ang lalaking sumuntok sa'kin.

Tinanggal ko na ang sumbrero ko. Narinig ko pa ang pagsinghap ng ibang kaklase ko at kay ma'am.

Ang sarap stapler-an ng bibig ni jeanie. Yung nagsumbong na miyembro ng FG.

"What happened to you Ms. Samonte?" Tanong ni ma'am.

"Napaaway lang po." Mahinahon kong sagot.

Pag ito nakarating sa mama ko lagot talaga sa'kin iyang si jeanie.

"Lang?! We will talk later Ms. Samonte. Sa ngayon pumunta ka muna sa clinic at magpahinga duon. No buts."

"Sasamahan ko na po si Flynn." Sambit ni Nyx.

[Few minutes laterrrrr...]

"Ms. Samonte! Kababae mong tao nakikipag-away ka?!"

Nandito ako ngayon sa guidance office at sinesermonan ng dalawang guro.

"May nambastos po kasi sa kaibigan ko kaya tinulungan ko siya." Pagdadahilan ko.

Patawad mahal kong Isabella ngunit gagamitin muna kita. Hehehe.

"Sa pamamagitan ng pakikipag-away?" Mahinahon na sambit ni Ms. Cunjuatco.

Mabuti pa 'tong si Ms. Cunjuatco mabait di tulad ng matabang baboy na daig pa ang nanay ko.

"Wala na po kasi akong choice." Sambit ko.

"Kailangan 'tong malaman ng Mother mo!" Agad akong naalarma sa sinabi niya.

"Wag!" Tumingin silang dalawa sa akin na kunot ang noo.

"Ayoko po kasing mag-alala ang mama ko." Sabi ko sa kanila.

"But Ms. Samonte kailangan 'tong malaman ng mama mo."
Mahinahon na sambit ni Ms. Cunjuatco.

"Busy po kasi si mama sa isang meeting. Baka po makaabala ako." Pagdadahilan ko pa.

"Then we have no choice but to call your father." Sabi ni Ma'am De leon.

"Huwag po--" pero bago ko pa mapigilan si ma'am De Leon ay tinatawag na niya ang 'ama' ko.

"Halika muna Ms. Samonte titignan natin ang mga sugat mo." Sabi ni Ms. Conjuatco.

Nang makalipas ang ilang oras ay dumating na ang 'ama' ko.

"Mr. Walter, your daughter Ms. Samonte ay nabalitaan namin na nakipag-away." Sambit ng principal.

Hindi ko aakalaing ang taong ilang taon kong kinamumuhian ay nasa harapan ko na ngayon. How could he claim me as a daughter matapos sa ginawa niya?

Nasa principal's office na kami ngayon.

Hindi ko mabanggit kung ano ang kanyang nararamdaman base sa ekspresyon niya.

Mabuti naman at may oras siya para puntahan ako dito.

"I'm sorry for my daughter's baheavior."

Nye nye nye puro lang iyan ang mga dinig ko.

Nang lumabas na kami sa principal's office pumunta kami sa clinic at pinatignan ulit ang mga sugat ko. Ang liit lang ng mga sugat ko kung makaasta sila para akong may malubhang sakit.

Nang tapos na akong gamutin ulit ay naiwan kami ng 'ama' ko sa silid.

"My god Flynn Razel! You're such a disappointment!"

"Disappointment lang pala ako sa'yo ba't mo 'ko pinuntahan dito?"

Naramdaman ko nalang ang sampal niya.

"Ganyan ba ang natutunan mo sa mama mo?!"

"Wala kang karapatan para sabihin iyan sa akin! Dahil alam mo sa sarili mo na hindi sana ako magkakaganito kung hindi mo pinili ang kabit mo!"

Isa na namang sampal ang naramdaman ko galing sa kanya.

"How dare you talk to me like that! I am still your father!"

"Simula nung pinili mo ang kabit mo wala na akong kinikilalang ama!"

"Do not call her like that Flynn! Magiging step-mom mo na siya!"

Seryoso talaga siya sa kabit niya? Bigla nalang tumulo yung mga luha ko.

Mapait akong napangiti at pinunasan ang luha ko.

"Nakakatawa lang isipin na nakaya ng konsensya mo na may naiwan kang anak dito sa Pilipinas at pinili mong alagaan ang anak ng kabit mo! At kahit kailan hindi ko tatanggapin ang babaeng 'yon bilang ina ko!"

"You have no choice but to accept her as your step-mother! Emma is also your sister! At kahit anong gawin mo baliktarin mo man ang mundo ama mo parin ako  at sa ayaw at gusto mo ikakasal kami!"

"Edi magpakasal kayo! Tutal makasarili naman kayo eh! Oo     naging ama kita nung mga panahon na tinuring kitang isang miyembro ng pamilya namin! Pero simula nung araw na pinili mo ang kabit mo patay kana para sa'kin!"

Sa ikatlong beses sinampal na naman niya ako. Halos wala na nga akong maramdaman dahil para na akong namanhid.

"How dare you! Wala ka nang galang! Parang hiniling mo na namatay nalang sana ako! Wala kang utang na loob! Pag natapos na kaming ikasal ni Evelyn ay isasama ka namin sa States at duon tayo maninirahan bilang isang pamilya! At magiging isang Walter ka na pag naikasal na kami!"

"Hindi! Kahit kailan hindi ko kayo ituturing isang pamilya!" Sigaw ko at lumabas sa silid na iyon.

Kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko dahil sa hayop na lalakin 'yon!

Simula nung araw na pinili niya ang kabit niya patay na sya para sa'kin. At kahit kailan hindi ko sya mapapatawad sa ginawa niya.

Putspa din iyong si jeanie lagot yun sa'kin.

Lintik lang ang walang ganti!
________________________________________________________

astraea_writes

Continue Reading

You'll Also Like

135K 6.2K 35
"I can never see you as my wife. This marriage is merely a formality, a sham, a marriage on paper only." . . . . . . She was 10 years younger than hi...
139K 4.9K 39
โ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. โž She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...
252K 7.4K 87
Daphne Bridgerton might have been the 1813 debutant diamond, but she wasn't the only miss to stand out that season. Behind her was a close second, he...
625K 31.7K 60
A Story of a cute naughty prince who called himself Mr Taetae got Married to a Handsome yet Cold King Jeon Jungkook. The Union of Two totally differe...