Heiress: Forgotten Memories (...

By YuriYuriYuriYuki

109K 4.5K 411

Heiress Series #2 Story of Aishelle Yesha Autumn Blanc Arcavia and the Goddess of Creation Serene Lianne Luna... More

Paalala
Characters
Ariella
Extra: The Missing Queen
Prologo
HFM 1
HFM 2
HFM 3
HFM 4
HFM 5
HFM 6
HFM 7
HFM 8
HFM 9
HFM 10
HFM 11
HFM 12
HFM 13
HFM 14
HFM 15
HFM 16
HFM 17
HFM 18
HFM 19
HFM 20
HFM 21
HFM 22
HFM 23
HFM 24
HFM 25
HFM 26
HFM 27
HFM 28
HFM 29
HFM 30
HFM 31
HFM 32
HFM 33
HFM 34
HFM 35 Part 1
HFM 36 Part 2
HFM 37
HFM 38
HFM 39
HFM 40
HFM 41
HFM 42
HFM 43
HFM 44 [Kenna&Silvia]
HFM 45 [Julian&Krystal]
HFM 46 [Sabrina&Joyce]
HFM 47 [Arrianne&Wina Heidi]
HFM 48 [Gabriel&Franco]
HFM 50
Epilogue
Announcement

HFM 49

1.1K 52 1
By YuriYuriYuriYuki

Thirdperson

"Sheryl kailan matatapos ang pag kalat ng mga portal?"nanginginig na napayuko ang babae ng tanungin siya ng kanilang leader.





"Malapit na po, konting panahon pa po at sinisigurado kong kakalat na ang portal sa buong Atlancia at Arcavia"nakayukong sagot nito sa leader ng kanilang grupo.





"Gusto ko mas mapabilis pa ang pag kalat ng mga portal, hinihintay na tayo ng mahal na Dyosa Selina"lumapit ang nasabing leader sa nakayukong babae.




Napapikit ito ng maramdaman niya ang ginawang pag hawak sa leeg nito at naramdaman niya ang lamig ng kamay nito at ang labi sa kanyang leeg.





"Faith nanghihina pa ako ngayon, hindi ko na kaya magbigay ng dugo sayo ngayon"mahinang tutol niya dito at marahas na hinawakan siya sa leeg nito.






"Tinututulan mo na ba ako Sheryl? Huwag mong sabihin may iba ka?"galit na sabi nito sa babaeng sakal sakal at umiling naman ito.





"H-hindi pinuno naubos lang ang lakas ko sa pag gawa ng portal lalo na nakakaubos ng mana ang ginagawa ko"paliwanag nito ng makita ang pag iiba ng kulay ng mga mata nito sa pula.




"Sa ngayon pag bibigyan kita Sheryl pero siguraduhin mo na matatapos mo ang mission mo. Lalo na pabalik na si Dyosa Selina mula sa mundo ng mga halimaw"inalis nito ang pagkakasakal at tumango sa kausap.





Napabuntong hininga siya ng umalis na sa kanyang kwarto ang kausap kanina at nakaramdam siya ng pagkakalma.





Alam niya sa sarili na hindi siya mapapahamak sa ngayon lalo na isa siya sa may kakaibang kakayahan na mahirap mahanap.





Pagiging Portal Maker ay isa sa mga rare magic at sinasabing isa sa mga lost magic ng History of Atlancia.




Nahiga siya at napatingin sa kisame ng kwarto dahil alam niya na kailangan niya na matapos ang mission bago dumating ang Dyosa.





"Once na matapos ang mission ko ay alam kong magiging isa ito sa dahilan para mawasak ang mundong ito"nasabi na lang niya sa sarili.




----

Serene Lianne Heaven

"Nini ayos ka lang?"tanong sa akin ni Lili at napangiti ako ng makita ko ang pag aalala nito sa akin.




Nakabalik na kami sa Academy at nabigay kay Headmistress ang mga pinakuha nilang magic item.





Nalaman namin na hindi nagawa nila Gabriel at Franco ang mission dahil sa nakita nila na pinamamahayan na pala ng mga goblin ang nasabing Dream Cave.





Isa yun sa iniisip ko lalo na alam ko may kinalaman ang kakambal ko sa mga nangyayari dito ngayon sa Atlancia.





"Ayos lang ako Lili, sige na makinig ka muna sa lesson"sabi ko dito at ngumiti naman ito dahil nakita niya na nginitian ko din siya.





Makabalik ito ay tinignan ko si Wina at tumango ito dahil nasabi niya sa akin ng makabalik ako ng nakaraan.




May mga demon siyang nakalaban at hindi lang yun, isa yun sa mga mababang uri ng demon pero nakakapagsalita ng lengwahe ng Atlancian at Arcavia.




"Nini?"napabalik ako ng tingin kay Lili ng makita ko na naguguluhan na tinignan ako nito. At doon ko lang napansin na tapos na ang klase namin.




Napansin ko na lumapit na din pala ang ibang kasamahan namin. Napabuntong hininga ako dahil kailangan ko sabihin sa kanila ang unting unti nangyayari dito.




"Alam kong nalaman niyo na ang nangyayaring gulo dito sa Atlancia at Arcavia. Ngunit may dapat pa kayo malaman na hindi pa maaaring kumalat sa ngayon"seryosong sabi ko at napatango naman sila at mukhang may napansin na din sila lalo na sa mga nakita nila ng pumunta sila sa mission.





"May mga demon na nandito sa mundong ito. Nakasagupa ni Wina ng pumunta sila sa mission nila para makuha ang magical leaf"pag uumpisa ko at nagkatinginan naman sila.





"Demon? As in yung isa sa mga sinaunang halimaw na may kakaibang bangis at lakas?"tanong ni Julian sa akin at tumango ako dito.





Dahil daang taon na ang lumipas ay marami na ang nakalimot sa mga kakaibang nilalang na nabuhay noon dito.





"Ang mga demon ay isang nilalang na nag mula sa Dark Portal, ang dark portal ay doon naninirahan ang mga demon at meron din silang tinatawag na Demon Queen. Ngunit nagkaroon noon ng kasunduan ang Dyosa na si Serene at ang Demon Queen. Hanggat walang makakasira sa kasunduan na yun ay hindi niya hahayaan na may makarating na Demon sa mundo na ito"paliwanag ko at mariin silang nakikinig sa akin.




"Sa ngayon ay hindi ko alam kung paano na may nakalabas na demon kung walang Dark Portal na bukas. Unless sa pinakatagong lugar ito ginawa. Kaya hanggat maaari ay mag ingat kayo lalo na may kakaibang akong nararamdaman na maaaring magkaroon ng gulo sa mundong ito"sabi ko sa kanila at tumango naman sila sa sinabi ko. Matapos namin mag usap ay nagkayayahan silang kumain.






"Lili kailangan ko pala magpunta sa Arcavia"paalam ko dito ng kaming dalawa na lang naiwan dito sa classroom.





"Bakit? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"naghihinalang sabi nito kaya hinawakan ko ang kamay nito.





"Tayong dalawa ang pupunta sa Arcavia"hindi na ito nakatutol ng magteleport ako bigla at ilang sandali lang ay nasa bulwagan na kami ng Arcavia.




"Antonette"tawag ko dito ng makita ko itong nakatingin sa amin ni Lili at napadilat naman ang kasama ko.





"Woah"gulat na sabi nito pero mabilis na lumapit si Cheska sa anak niya at niyakap ito.





"My baby Autumn"naiiyak na sabi nito at ng mag usap na sila ay pinuntahan ko na si Antonette.




Napansin ko ang pagod sa mga mata nito at alam ko kung anong dahilan yun.





"Mas dumami na ba?"tanong ko dito at ang tinutukoy ko ay ang mga bumubukas na portal sa bawat panig at sulok ng Arcavia.






"Oo at marami ng namamatay na mga nilalang dito sa Arcavia. Hindi ko lang pinapakalat pero halos nakikitang mga nilalang na namatay ay hiwalay na parte ng mga katawan at ang iba naman ay walang dugo"nanghihina na sabi nito at tinignan ko ito dahil alam ko na hindi lang sa Arcavia ang nangyayari na ganitong bagay maging sa Atlancia.




"Mukhang may kinalaman dito si Selina"mabilis na napaangat ito ng tingin sa sinabi ko at napakagat ito sa labi.





"Iniisip ko din yan, lalo na ng makalaban ko siya noon ay sinabi niyang babalik siya at hindi ko talaga siya napatay noon. Dahil impossible mapatay ng isang tulad ko ang Dyosa"pagod na sabi nito at tama siya dahil kami ay hindi basta bastang mapapaslang lang.






"Hindi natin maiiwasan iyon, lalo na si Selina ay isang Dyosa ng pagkawasak. Habang ako ay Dyosa ng pagkabuo. Kumbaga nabuhay kami bilang Creator and Destroyer. Hindi maaaring mamatay ang isa sa amin dahil hindi magiging balanse ang mundong ito kahit na ako pa ang gumawa"paliwanag ko dito dahil kambal kami ni Selina ay nakasahad na sa amin at alam kong mangyayari ang lahat ng kaguluhan na ito.





Maaari akong tumulong pero hindi ko pwede pigilan ang mangyayari, isa ito sa mga kondisyon ni Ina sa akin.




Dahil alam namin na darating ang araw na ang kapayapaan na nararanasan ngayon ng mundong ito ay magwakas.





Lalo na nag sisimula na ito ngayon, hindi naman ako manonood lang sa nangyari maaaring magbigay lang ako ng banta.




Maaaring sumali ako sa laban ngunit hindi ko pwede pigilan ang dapat maganap sa kanila.




"Antonette hanggat maaari ihanda niyo na ang sarili niyo. May malaking kaguluhan na mangyayari sa mundong ito"babala ko dito at nakita ko ang nagdaang takot sa mga mata ni Antonette.




Napansin ko na nakikinig na din pala si Cheska at Lili sa amin ngunit maganda na malaman na din nila.





"Nini isa kang Dyosa? Ikaw si Serene ang Dyosa ng pagkabuo?"gulat na sabi nito sa akin na nginitian ko ito. Binalik din ang ngiti nito sa akin dahil alam kong may hinala na siya at ngayon lang niya na confirm ang totoo.




Magsasalita pa sana si Antonette ng biglang may bumukas ng pintuan sa bulwagan at pumasok si James ang kapatid ni Antonette.




"Antonette nagkakaroon ng mga pagsalakay sa bawat distrikto ng Arcavia. May mga halimaw na biglaang sumulpot ng may portal na bumukas sa loob ng mga bawat distrikto"sigaw nito at mabilis na napatayo si Antonette at nakita ko ang takot sa mga mata nila habang ako ay malungkot na napayuko na lang.




"Antonette magsisimula na"sabi ko dito bago ito makaalis at sinundan agad ito ni Cheska habang si Lili ay lumapit sa akin.





"Anong ibig mo sabihin Nini?"kabadong tanong nito sa akin at yumakap ako dito dahil kahit ayaw kong sabihin ay kailangan niya malaman.




"Kaguluhan dumating na at magsisimula na ito ngayon. The Dark Age is coming"seryosong sabi ko at marahan na napabitaw sa yakap si Lili at umiyak ito sa sinabi ko.





Kailangan maganap ang dapat maganap. Hindi ko maaaring baguhin ang kapalaran ng mangyayari sa mundong ito.




Ngunit kapag may kinalaman sa pangyayari na iyon si Lili ay gagawin ko ang lahat maligtas lang siya.





----

2 chapters to go hehehe. Dapat mga 5 chapters pa kaya lang naisip ko sila parin pala ang character sa book 3.


Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 24.2K 58
Rouchless Possessive Series #1
611 41 37
This is Girlxgirl Fantasy story (Taglish) Date Started - December 02, 2023
2M 71.8K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...