Drowning (Della Rovere Series...

By azurezenid

4.4K 194 42

Eloise Adelaide had a though life, living a life without the feeling of having a family, working and striving... More

Nota Dell'autore
Prologo
Capitolo 1
Capitolo 2
Capitolo 3
Capitolo 4
Capitolo 5
Capitolo 6
Capitolo 7
Capitolo 8
Capitolo 9
Capitolo 10
Capitolo 11
Capitolo 12
Capitolo 13
Capitolo 14
Capitolo 15
Capitolo 16
Capitolo 17
Capitolo 18
Capitolo 19
Capitolo 20
Capitolo 21
Capitolo 23
Capitolo 24
Capitolo 25
Capitolo 26
Capitolo 27
Capitolo 28
Capitolo 29
Capitolo 30
Capitolo 31
Capitolo 32
Capitolo 33
Capitolo 34
Capitolo 35
Capitolo 36
Capitolo 37
Capitolo 38
Capitolo 39
Capitolo 40
Epilogo
Capitolo Speciale
Riconoscimento

Capitolo 22

68 4 1
By azurezenid

-I'm married-

"Adie, may naghahanap sa iyo." Tugon ng isang staff namin sa hotel habang kumakain ako ng almusal sa tagong veranda ng Casa.

Kumagat ako mula sa Italian toast bago sumagot, "Sino?"


"'Yong kahapon pa rin ma'am. Si Sir Skion po."


Agad akong natigilan pero nagpatuloy lang sa pagbabasa ng libro. "A, sabihin mo busy ako."


"E, ma'am hindi ka naman po busy e," pang-uusisa niya.


"Basta 'yon ang sabihin mo," diin kong utos kaya natakot yata at umalis na. 


It's been a week after that night and I've been continously avoiding Skion. And he just wouldn't stop bugging me. Langaw nga. Mabuti nga at wala si tito Jondi dito kasi nasa Bukidnon pa siya at inaasikaso ang pinapatayong resort doon kundi papagalitan talaga ako no'n sa mga pinaggagawa ko.


And how unfortunate of me umalis rin ang mag-amang Jethro at Jiro para bumisita sa bagong negosyo niya sa Del Carmen at heto ako, naiwan para asikasuhin ang resort.


Pagkatapos kong mag-almusal ay pumunta ako sa office para magtrabaho. Malapit na ang pasahod kaya mas tinuunan ko iyon ng pansin at inisa-isa lahat ng staffs at crew upang siguradong walang kulang sa perang ipalalabas. Dinouble check ko rin ang mga binili naming mga gamit para sa bagong project.


Sa pagfofocus ko sa laptop ay hindi ko na namalayan na may pumasok na pala sa office.


"Adie, sorry pumasok na ako kasi kanina pa po ako kumakatok e."


I stopped typing, "Oh, I'm so sorry. What is it?"


"Dumating na 'yong order niyo na furnitures."


"Talaga?!" Ang bilis naman. Agad kaming nagpunta sa labas para tingnan ang pag didiskarga ng mga gamit.




Tatlong truck ang naroon at inuumpisahan na nilang ibaba ang nasa loob nito.


Lumapit sa 'kin ang isang lalaki. "Ma'am kayo po ba si Adelaide Dela Rovere? Binilin po kasi ni sir Jondi na siya raw ang tatanggap."


"Yes, it's me," I smiled.


"Paki pirmahan na lang ma'am," inilahad niya ang isang ballpen at papel.


Medyo nahirapan ako sa pagpirma dahil walang mesa kaya ipinatong ko na lang ang paa ko sa batong hindi naman malaki hindi rin maliit na nasa malapit at yumuko ng konti para pumirma.


Napansin kong napako ang tingin niya sa aking dibdib kaya mabilisan kong ibinigay ko iyon sa nagdeliver. "Salamat ma'am."




Marami rami rin ang hinakot ng mga kasama niya kaya nag-utos akong maghanda ng merienda para sa kanila. Nasa pangalawa na silang truck nang dumating ang pagkain.


"Kumain muna kayo," aniyaya ko sa kanila na agad namang tumigil sa trabaho para magpanginga.


"Ang bait niyo naman ma'am." Sabi ng isa sa kanila na walang suot na t-shirt.


"Nakakapagod naman kasi ng trabaho niyo kaya magpahinga muna kayo."




I also ate with them dahil marapat lang na sinusubaybahan ko ang mga furnitures para i-check kung mayroong mga damages. 




"Ma'am may boyfriend na ba kayo?" tanong nung naka puting sando habang kumakain ng tinapay sabay kantyawan ng iba niyang mga kasamahan.


"Wala...," simple kong sagot.




"Uy wala daw pre!"


"Cause I'm married already," itinaas ko ang kamay kong may suot na singsing. Alam na alam ko na 'yang mga style na 'yan.


At dahil doon ay natahimik sila. Kay bilis lang abugin ng mga langaw.


"O, kumain pa kayo. Juice o," binuhusan ko ng juice ang iilang baso at ibinigay sa kanila.


"El!" I suddenly stop what I'm doing. Here he go again. The grumpy big guy is now marching towards us.




"Asawa mo ma'am? Ang gwapo naman. Wala pala talaga tayong laban pre." Sabi nung kausap ko kanina.




"El."

"What-" he suddenly pulled me away from the table.




"Ano ba?!" Pilit kong inaalis ang kamay niyang nasa braso ko pero sadyang mas malakas siya. Tumigil lang siya ng nasa garden na kami.


"They were obviously checking you out." He looked at my chest and heavily sighed. "At ikaw naman tuwang-tuwa sa mga gagong 'yon," he added.


Malay ko bang darating 'yong mga gamit at naka loose sando at shorts lang ako. Anong gusto niya magbihis pa ako para lang sa mga 'yon. 

I can wear what I want to wear. Period.


"And so what? Pakialam mo ba ha!" Kung sa tingin niya nakikipaglandian ako e, wala na siya do'n. Puwede bang accomodating lang talaga ako. Ang dali naman niyang manghusga, hindi pa rin pala siya nagbabago. Kung sa tingin niya ay bibigay agad ako pagkatapos niyang sabihing gusto niya ako uli, ay nagkakamali siya. Hindi ako marupok at kung patuloy niya akong kukulitin ay mapipilitan na akong pigilan siya.


His brows furrowed and his eyes screams anger. He took a step closer making my heart skip a beat and I step back right away but he didn't stop until my back hit a wall. 

Dead end.


"I meant what I said, El. I'm not gonna stop until you'll find your way back to me. I'm here to reclaim you and I wouldn't want seeing you flirting with someone else."


I pushed him away trying to escape but he was like a rock that can't be move. So I did what would make him stop. I hope this would stop him cause he gave me no choice.



"Why are you so damn possessive? Bakit, tayo ba? Tayo ba ulit? 'Di ba hindi," dinuro-duro ko siya at tinulak nang malakas.

"I'm married, Mr. Sanseverino. So please, back the hell off!" showing him my ring.


He was frozen after hearing my words. There, he should stop this nonsense. Kung sa tingin niya ay babalik ako sa kaniya nang gano'n kadali ay diyan siya nagkakamali.


As if naman hindi niya pa 'to nakita nung nakalipas na mga araw. E, suot-suot ko ang singsing ko kahit saan magpunta. Hindi rin ba sapat na nagbago na ang apelyido ko nang ako'y magpakilala sa kaniya?


Bago pa may makakita sa 'min ay umalis na ako at bumalik sa Casa. Mas mabuti pang magkulong dito kaysa sa gambalain ng lalaking iyon.


"Nyx, ikaw na muna bahala doon sa mga dumating na furnitures a. Ang sakit kasi ng ulo ko," tugon ko sa isang staff bago pumunta sa kuwarto ko.


Reclaim me his ass. Try until you die, asshole!


Matagal ko na siyang inalis sa buhay ko at ngayon babalik siya na parang and dali-dali lang. Na parang walang nangyari. 




Kung noon ay madali niyang natibag ang pader ko ngayon sisiguraduhin kong mas matayog pa ang pader na ginawa ko, hindi lang siya makapasok ulit.


Sa nasira kong araw dahil kay Ski ay tinulog ko na lang.


Makulimlim na nang ako'y magising at agad na kumulo ang gutom kong tiyan. Lumabas ako sa kuwarto at bumaba.




"Adie nakahanda na ang dinner mo. Saan ka kakain?"


"Sa veranda na lang po nay Isabella."


"Sabi ni Nyx masakit raw ang ulo mo hija, gusto mo ba ng gamot?" nag-aalalang tanong niya.


"Sige po." 


Naistress ako sa mga pinagsasabi ni Ski pero hindi naman talaga masakit ang ulo ko, sadyang sinabi ko lang 'yon bilang palusot. 


Pagkatapos kong maghapunan ay pumunta ako sa I Pirati (The Pirates) ang club dito sa resort. Medyo malayo at tago iyon para hindi masyadong makaabala ang malakas na tugtugin tuwing gabi kaya naglakad pa ako ng mga sampung minutos.




I just need something to forget. Something that will help me clear my mind. 




I ordered some drinks and sat comfortably in the VIP lounge. I drank a few shots before going to the dancefloor.




Loosen up, that's why I'm here.


"Hey sexy," a man behind me said, slightly touching my waist.


I turned and replied, "I'm married mister..."


He put his both hands up, "Oh, sorry." And he left. See, it's so easy to stop men from flirting.


I continued roaming around the dancefloor until I saw a familiar face.

"Adie!"


"Hi Zach. Sino kasama mo?" Binigyan niya ako ng isang bote ng beer at tinanggap ko iyon.


"The boys and Ariana," he replied.


"Napadpad yata kayo dito."


"Utos ni Neo e," he shrugged.


"Where's Neo?" I drank and focused my gaze on him again.


"Nandito lang 'yon, hinahanap ka rin."


Napaisip ako at tumungga ulit sa boteng hawak-hawak.


"There, he finally found you," pointing to the one behind me.


"Adie, kanina pa kita hinahanap."


"Why didn't you just text me. I'm just one text away." Kanina ko pa sana sila kasama kung sinabi nilang pupunta sila dito.


"Sige, iwan ko muna kayo. May babantayan pa ako." Tinapik niya ang balikat ni Neo saka naglakad palayo.


"Ariana?" I asked.


"Sino pa ba." Neo agreed. 




Zach's been that over protective brother towards Ariana and we all know why he's acting like that but Ariana's just too dense to get the idea. How sad.


That was our topic, talking about how Zach is so transparent about his feelings pero sadyang manhid itong si Ariana. 


"Do you remember how Zach became hulk when someone touched Ariana's butt? Damn, that was one of the most obvious things he did."


"Sinabi mo pa," I laughed. "Ewan ko na lang talaga bakit hindi napapansin ni Ariana."


"There are just things you really don't notice even if it's too obvious," he stared at me longer than I could ever count.


"Bakit naranasan mo na ba?"


He looked away, drinking one shot before answering, "Maybe..."


"Really? Sino 'yan? Tara batukan natin para makita ka." Mga hopless romantic pala tong mga lalaking 'to. Sa gwapong taglay nila, sa kabaitan nila, 'di ko lubos maisip kung bakit bulag ang mga babaeng gusto nila at 'di sila napapansin.


He gently hit my head at my joke " You really don't get it don't you..."


"Wha-" His phone suddenly rang, saving him from my question.


His forehead creased seeing his phone. "I'll be back. Don't go anywhere." He exited until I couldn't see him.


I enjoyed a couple of drinks again feeling more high at the moment. Dancing, following the the rhythm and beat of the loud music.

"You said that you're married, but you act like you're not." A low voice from my back causing me to stop what I'm doing.


"I saw you flirting with another guy again. Isn't your husband gonna be mad about that?" he said.


"Cause if I was your husband, I wouldn't let you go to this place alone."


"This is none of your business Mr. Sanseverino." Diin kong sabi bago umalis ng hindi siya nililingon. Nakakawala talaga siya ng gana. Panira! Paano ako makakalimot kung sa tuwing gagawin ko iyon ay ginugulo niya ako.


"Are you really married or you're just using that to avoid me?" feeling his presence near me as I continue to leave.


Ang dali-daling itaboy ng ibang mga lalaki pero bakit pagdating kay Ski ay hindi umuubra. Oh right, he is Mister Insistent, how did I forget that.


Nagpatuloy lang akong nagmartsa palabas sa I Pirati. Ganoon ba talaga kababa ang tingin niya sa 'kin? Flirting... really? Lahat na lang siguro ng lalaking makikita niyang kasama ko ay pagsususpetsyahan niya. Baka siya pa nga ang nanglalandi sa 'kin sa pinagagawa niya ngayon.


Kahit gaano pa kabilis ang mga yapak ko ay naabutan niya pa rin ako. Hinawakan niya ang aking braso na nag-undyok sa akin para harapin siya.


Mabilis na lumapat ang kamay ko sa sa pisngi niya at umalingawngaw iyon kasabay ng pagragasa ng mga alon sa dagat. 


Nagtiim bagang siya bago tinignan akong muli. "Tigil-tigilan mo nga ako. Ikaw 'yong malandi sa ating dalawa. Kukunin mo ako? Sinong matinong tao ang gustong angkinin ang tulad kong kasal na?!" Sa nag-uumapaw kong galit ay hindi na ito napigilan ang pagtaas baba nga aking dibdib.


"Saan ba 'don ang hindi mo maintindihan? Kasal na ako at isaksak mo 'yan sa kokote mo!" marahas na binaklas ang kamay niyang tila pinapaso ang aking kaluluwa.


"El, why did you leave? Why did you left me?" his voiced cracked.

Natigil ako sa paglalakad. Halos gusto ko na siyang sabuyan ng buhangin. Mas lalo pang dumami ang galit kong pilit na pinapahupa sa mga tanong niyang dapat siya ang sumagot, na dapat ako ang nagtatanong.


Mapait akong tumawa at hinarap siya. "Why are you asking me that? Aren't you the one who left first?"


"El..." he begged and pleaded.


"Stop this nonsense Mr. Sanseverino, let it all be in the past. I can forgive you for the wreckage that you've costed. But my heart cannot forget how I was torn down... You cannot just barge in back into my life like nothing happened."



Sana sa aking pagtalikod sa lalaking naging mahalaga sa buhay ko ay magawa ko ring kalimutan ang aming nakaraan. Nakaraang pinaghalo ng saya, puot at sakit. Sakit na tumatak na sa aking puso't isipan.

___

Azure

Continue Reading

You'll Also Like

3.8K 177 44
Intoxication caused Cera to lose track of the stranger's face throughout a boozy night she spent with him. After that evening, her life grew more dif...
10.9K 386 46
ISLA DEL TESORO #2. Ang taong nasa nakaraan na ay dapat kinakalimutan. Hindi na sila importante at wala na silang puwang pa sa kasalukuyan. Iyon ang...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...