Selcouth University: School o...

By MamSharl

910 237 59

Elisse Kit Gomez is just an ordinary girl, with a big dream. Pero nang dahil sa isang pangyayari ay napalipat... More

Selcouth University: School of Badboys
Chapter 1: Selcouth High
Chapter 2: First Day
Chapter 3: Rest Day
Chapter 4: My Alalays
Chapter 5: Unexpected Visitor
Chapter 6: Prank Gone Wrong
Chapter 7: Section A and B
Chapter 8: What's wrong with these guys?
Chapter 9: Apology
Chapter 11: Someone is in Danger
Chapter 12: Collaboration of Section A and B
Chapter 13: I'm Confused

Chapter 10: Forgiven

50 16 3
By MamSharl

Chapter 10: Forgiven




Elisse's POV




Weeks have passed since the day, Nathan apologize to me. At nung araw din na yun ang unang pasok ko sa Section A.




I must say na mas may puso ang section A, kaysa sa mga unggoy na yun. Pwera nalang dun sa Andrei na yun, anlaki yata ng galit sa mundo. Tapos palagi niya pang inaaway yung kakambal niya na si Adrian.




"Hey! Ma'am Elisse, ang lalim ng iniisip natin ha? Baka naman malangoy mo na yung kailaliman ng bundok niyan, sa sobrang lalim ha" sambit ni Peter na nasa likuran ko pala.




Wait--- what did he just say? Malangoy yung bundok? Pwede ba yun?





"Peter, may tanong ako sayo" I seriously said as I look straight into his eyes.




"Yes, what is it Ma'am Elisse?" He gave me an smirk, before looking at me seriously.




"Pano ba languyin yung bundok? Paturo naman oh, curious lang kasi ako e" napakurap-kurap pa siya ng ilang beses, bago tumawa ng malakas. Eh? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ha.




"Pfft seryoso ka sa tanong mo?" Hanggang ngayon ay napapatawa parin siya, parang tanga lang e.





"Ikaw kaya nagsabi na baka malangoy ko na yung bundok, kaya nga na-curious ako e. Alam mo? Ang labo mong kausap, dyan kana nga" iniwan ko siya dun na nakatulala, bago umalis ay nakita kopa siyang napakamot sa kanyang ulo, may kuto yata.





Oo nga pala, dahil mayroong palayaw sakin yung section B. Kailangan ko din, bigyan ng palayaw yung mga section A, baka magselos sila e.





Unggoy at mokong na yung sa section B, kaya hindi na pwede yung mga yun. Ano kayang maganda? Pano kung dinosaur at itlog nalang itawag ko sakanila? Pero ang panget naman nun.




Hayst, ano kayang magandang palayaw? Ang alam kolang kasi, maganda ako pero hindi palayaw e huhu.




"Ay letseng palaka" napasigaw ako nang may mabangga akong isang lalaki. Nung una ay hindi ko siya nakilala, dahil nakayuko siya.




Pero sa hubog ng katawan niya, kilalang kilala ko na siya. Kapag minamalas ka nga naman, may makakabangga pa akong isang mokong--- ang lider ng mga unggoy. Ang gorilla na nagngangalang Nathan.




"Hay nako! Pumanget na tuloy yung araw ko, kasing panget nang nabangga ko" pagpaparinig ko.




He looked at me emotionless, hayst! Lagi nalang siyang walang reaksyon, simula nung hindi ko siya pinatawad. Masyado yatang natapakan ang ego niya.





"Kung ganon pala, naging maganda yung araw mo dahil sakin? Wala kasi sa bokabularyo ko yung salitang panget e" napakurap-kurap ako ng ilang beses, bago natauhan sa sinabi niya. What did he just say? Ang kapal ng mukha niya.




"Spell feelingero--- N-A-T-H-A-N. Excuse meeee! Masyado yatang makapal yang mukha mo, huh?" Nakitang kong bahagya siyang napangiti. Wow! Once in a blue moon yung pagngiti niya ha.





"Hindi makapal ang mukha ko, let's say na I'm just stating the fact" tinignan niya ako sa aking mga mata, pagkatapos ay nginisian niya ako. Parang sinasabi niya na 'Oh! Ano? Speechless ka sa kagwapuhan ko noh. Walang makakatalo sa Nathan Monteverde lol'





"Chee! Lumayas ka nga sa harapan ko, bwisit ka. Sinisira mo yung araw ko" pagkasabi ko nun, ay naglakad na ako agad agad.





Wait--- bat ako yung umalis dun? Pinapalayas ko siya sa harapan ko, pero ako yung nag-walk out? Oh! No, ang tanga ko sa part na yun.





Naglakad na ako nang tuloy-tuloy, hindi siya nililingon. Sana this time, wala na namang manggulo sa paglalakad ko.




Tuwing naglalakad talaga ako dito, kung saan-saan sumusulpot ang mga mokong. Kagaya ngayon, nakita ko sina Kian, Kurt, David at Psalms. In fairness, kumpleto sila.




"Ul*l David! Ang corny nung ganon" rinig kong bulong ni Kian.




"Masyado ka kasing old-fashioned, mas corny yung sinuggest mong idea" sagot naman ni David.




Hanggang ngayon ay hindi parin nila ako nakikita, kasi busy sila sa pakikipagtalo sa isa't isa.





"Simple nalang, para wag masyadong magastos" sabat ni Kurt, habang inip na inip na tumingin sakanila.





"Shut the f*ck up Gonzaga, limang piso lang ambag mo" natatawang sambit ni Psalms.






Biglang napalingon sa gawi ko si Kian, nanlaki pa ang mga mata nito nung una. Parang nakakita ng multong maganda.






"Shh! Wag muna kayong maingay, nandyan siya" bulong ni Kian, na akala mo may kalaban na multo. Yung tipong ayaw niyang may makarinig sakanya, pero sadyang narinig ko.






Tumingin silang lahat sa akin, at ngumiti ng pilit. Eh? Ang weird naman ng mga 'to.





"Hi Ma'am Eliot, kanina kapa nandyan?" Psalms said as he gave me an wide smile, tapos ay inakbayan niya pa ako. Feeling close talaga ang isang 'to. Akala mo naman bati na kami.





"Not really," I said as I walked away.





Bakit ba kasi ang feeling close nung isang yun. Sakanilang lahat, siya lang naman yata yung mabait sa buong section B. Ay Mali! Pati pala si Kian, medyo mabait ng konting-konti. Naging crush ko nga yun nung una e hihi.





"Aish! Bat ba kasi ayaw niya pa tayong patawarin? Ganon ba kalala yung nagawa natin huh?" Rinig kong reklamo ni David, napalingon ako at nakita ko siyang nagkakamot-kamot sa ulo niya. Halatang naiirita na.






Sa pagkakaalam ko si David ang pinakabata sakanilang lahat, bunso kumbaga. Kaya pala nung una naming pagkikita, medyo childish siya.






Nakarating ako sa dorm ko, nang walang nanggugulo sakin. Pagpasok ko ay nakapatay ang ilaw, kaya medyo madilim sa loob. Gabi narin kasi ngayon, pero sa pagkakatanda ko ay hindi ko pinapatay ang ilaw dito kasi naman natatakot ako minsan.






Bubuksan kona sana ang ilaw, nang biglang magvibrate ang phone ko. Kaya kinuha ko muna ito, at nakita ang pangalan ni Mama sa screen.





Mama Erina is calling...





Sinagot ko ito, pero ilang minuto ang lumipas ay walang sumasagot sa kabilang linya. Puro kaluskos lamang ang naririnig ko.





"Hello Ma?" Pagtawag ko rito, ngunit wala paring sumasagot hanggang ngayon.






"Ma--- sumagot ka please, nandyan kaba?" Nakaramdam ako ng kaba, nung hindi parin siya sumasagot. Nakarinig ako, nang parang paghikbi.






"WHAT THE HELL! WHY ARE YOU CRYING MA?" I shouted. Shit! Is there something bad happened to her? Sana wala naman.





Kasabay nang pagputol ng linya, ay siya rin namang pagkarinig ko ng kaluskos sa loob ng dorm ko. W-wag mong sabihin na may multo dito?






Nakakita ako nang parang anino ng tao, kaya alam kong hindi multo yun. Kundi masamang loob, na pumasok sa dorm ko.






Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan, parang nanigas ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil sa kaba at takot. 'Ayoko pang mamatay, sana ay walang mangyaring masama saakin' ayan ang katagang lumalabas sa bibig ko. Gusto kong malaman kung bakit umiiyak si Mama, baka may nangyaring masama sakanya.






"S-sino ka?" Naglakas-loob na akong magsalita, dahil alam kong nakatingin siya sa akin ngayon.






Pero wala akong narinig na sagot sakanya, mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko siyang ngumisi. Isang nakakakilabot na ngisi, nanindig ang balahibo ko nang dahil duon.






"A-anong kailangan mo? B-bakit ka ba nandito huh?" Sunod-sunod kong tanong, sa pangalawang pagkakataon ay nginisian na naman niya ako. But this time, may tinuro siya--- yung switch nung ilaw.






Gusto niya bang buksan ko yung ilaw? Kasi kung oo, abnormal siya.





Unti-unti akong naglakad papunta sa may switch light, pero hindi ko parin tinatanggal ang tingin ko sa lalaking nasa loob. Baka bigla niya akong sunggaban ng patalim, mamatay pa ako. Mabuti na ang nag-iingat.






Malapit na ako sa switch, nang bigla siyang tumayo. Unti-unting naglakad papunta sa gawi ko, dali-dali akong nagpunta kung nasaan ang switch ngunit may malapot akong nahawakan.






Malapot, masangsang, a-at pagkatingin ko sa kamay ko ay kulay pula. D-dugo.





"What the hell! Ano ba kasing kailangan mo huh?" Sigaw ko rito, 2 meter ang layo sa akin.






"Just turned on the f*cking light" t-that familiar voice. Yung iritado niyang boses, yung laging emotionless kapag tumitingin.






Napahinga ako nang maluwag, nung marinig ang boses niya. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa panganib. Hindi kona pinansin ang malapot na bagay sa kamay ko, at binuksan na ang ilaw.






Saktong pagbukas ng ilaw, ay siya ring pagpasok ng mga mokong sa dorm ko.






At hindi lang yun may mga dala-dala pa silang bulaklak, balloons, at tarpaulin na kung saan ay nandoon ang mukha ko. Napasimangot ako nang makita ang itsura ko dun, ayun yung time na nilagyan nila ako ng ipis sa mukha. Mga pashnea.







"Please, forgive us Ma'am Eliot" sabay sabay na sambit nung apat, habang si Nathan naman na tinakot ako kanina ay nasa isang tabi lang.






Napangiti ako dahil sa effort nila, pero hanggang ngayon ay nagtataka parin ako sa marka ng dugo.






"Wait--- bago ko kayo patawarin, saan nanggaling yung dugo sa switch?" Tanong ko sakanila, napatingin sila sa isa't isa--- nagtatakha.






Nginitian ako ni David at sinabing "ah--- isa yun sa mga surprise namin. It's not blood, it's just a ketchup lol" inakbayan niya ako, at pinitik ang noo ko. Pero hindi nawala sa paningin ko ang pasimpleng tingin niya kay Nathan.







Ketchup pala yun? Pero parang totoong dugo e, hayst!






"Okay, sabi mo e. Y'all forgiven" I said as I gave them my sweetest smile--- a genuine one.






"Ayun! Let's celebrate" sigaw ni Psalms, at pinutok ang isa sa mga lobo. Kaya medyo nagulat ako.






"Thank you Ma'am Eliot" bulong ni David sa tenga ko.




"Ayown! Sa wakas, wala nang magsusungit sa atin" sigaw naman ni Kurt, habang nakangiti pa.






"Glad to hear that, Ma'am Eliot. Alam ko namang hindi ka makakatiis sa kagwapuhan namin e" sabi naman ni Kian, kaya napasimangot ako. Medyo mahangin din pala siya.







"I need to go, may gagawin pa pala ako" nginitian ako ni Nathan, at naglakad na paalis. Parang nanghihina pa siya.






"Ay teka! Kayo rin ba yung may pakana dun kay Mama? Tumawag kasi siya kanina, tapos narinig ko siya na parang humihikbi. Nung tinanong ko naman, tanging kaluskos lang ang naririnig ko" malapad parin ang ngiti sa aking labi.






Nagkatinginan na naman sila sa isa't isa, na para bang nagkakaintindihan sila. Maging si Nathan ay napahinto sa paglalakad at napatingin sa gawi namin.






"Ahh- yes! Wag ka ng mag-alala kay tita, kami yung nagsabi sakanya na tumawag sayo" sabi naman ni Kian.






Nawala ang kaba ko nang dahil duon, pero parang weird e. May naaamoy akong mali.







++++++++
Enjoy reading my angel, lovelots mwuah❤

Continue Reading

You'll Also Like

Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

169K 3.9K 17
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
7.4M 206K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
694K 2.6K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
2.9M 71.8K 38
Charlie; a little girl who desperately needed catching. Leo, Oscar and Atlas; her three older brothers who awaited with open arms. ~ Five year old Ch...