When Miss Go-getter and Miste...

By somberDoll

1.3K 54 54

Isang agresibo at go-getter na babae at isang suplado at tsundere na lalaki ng nagkakilala sa tapat ng isang... More

PROLOGUE
chapter 1 **starting point -- zero**
chapter 2 ** target lock -- alien **
chapter 3 ** first day -- again?! **
chapter 4 ** bring it ON! -- challenge accepted **
chapter 6 ** Luigi -- Ysabelle **
chapter 7 ** singing voice - chance **
chapter 8 ** broken hearts -- trouble-maker prince **
chapter 9 ** my konyo friend -- tutor **
chapter 10 **why on Earth?! -- *facepalm*! **

chapter 5 ** epic date -- consequence **

71 3 4
By somberDoll

Chapter 5

Epic Date -- Consequence

This is it! Ang pagtyatyaga kong mag-aral at ilang araw ng pagpupuyat sa wakas matutupad na ang pangarap ko. 2 hours na kong naghihntay dito sa meeting place namin. Tumingin ako sa relo ko. 15 minutes nalang. 15 minutes nalang?! Huwaaaa! Naeexcite na ko~ nakakaloka tooooo! O________O”

Pero bago ko ipagpatuloy ang excitement ko, bibigyan ko muna kayo ng konting recap sa nangyaring laban.

“ So far, dikit pa rin ang laban.” Announce ng eMCee ng laro na si Kalen, president ng klase. “ Parehong 45 points ang nakuha ng dalawang kalahok. At etong huling tanong ang makakapagsabi kung sino ang mananalo. Kaya Sir Raffy, ang huling tanong, ibigay mo naaaa!”

“ Salamat sa nag-uumapaw na energy Miss President. Sabi nga nya, eto na ang ika-15 na tanong at kung sino man sa inyong dalawa ang manalo, sya ang magiging amo ng natalo. Kaya para sa huling tanong …”

Dalawang minuto rin kaming nagsagot ni Eros. Mas nauna syang nagtaas ng ballpen, hudyat na tapos na sya. “ Wag kang mag-alala Aya, may 30 seconds ka pa para sagutin ang tanong.”

Siguro 10 seocnds nalang ang natitira nun nang itaas ko na rin ang ballpen ko.

“ Pareho ng tapos sina Aya at Eros. Alamin natin kung anong sagot nila. Eros, mauna ka na. Ipakita mo ang iyong sagot.” Utos ni Kalen.

Hinarap ni Eros sakin, kay Sir Raffy, kay Kalen at sa lahat ng mga kaklase namin ang sagot nya. “ …”

Shooot! Kill me now! Magka-iba kami ng sagot! Mali akoooooo~ Huwaaaaa! Lahat ng pangarap kong gawin sa date namin, naglaho na parang bula. Huwaaaa! TT___________TT

“ Ikaw naman ngayon Aya. Show us your answer.” Pinakita ko kay Sir Raff yang sagot ko. “ Ipakita mo rin sa kanila ang sagot mo.” Nahihya kong pinakita sa kanila ang nakasulat sa illustration boards ko.

“ Ow-my-geee! Magka-iba sila ng sagot ni Eros. Siguradong loser na si Aya. ” Malakas na bulong ni Ania sa katabi nya.  “ Coz I bet na ang tamang sagot is yung kay Eros. Right?”

Coz I bet, coz I bet ka pa jan. Isabit kaya kita sa puno gamit yang pina-retoke mong ilong. Nakaka-imbyerna ka te!

“ As you notice class, ngayon lang nangyari na magkaiba sila ng sagot. Sino kaya ang tama? Kalen, paki sulat sa board ang tamang solution.”

“ Yes Sir.” Tumayo n si Kalen at kumuha ng chalk. Habang nagsosolve sya, parang gusto ko ng um-exit frame habang naiyak para dramatic ang ending. Ano kayang ipapagawa sakin in Eros? Sana something na ikaka-enjoy ko pa rin tulad ng maging alipin nya o kaya taga-gawa nya ng assignment o kaya naman~ “ Eto po ang tamang sagot Sir.”

Umalis na sa harap ng blackboard si Kalen. Kitang kita naming lahat kung alin sa dalawang illustration borad kung sino ang nanalo sa laro. Napasigaw ako habang nagtatatalon-talon dahil sa tuwa. “ Yaaaaah! Tumama ako! Omooooo! Thank you Lord! Thank you po talaga! Yaaaaaay~” Napalingon ako kay Eros at mukhang hindi sya Masaya para sakin kaya bigla tuloy akong tumigil.

Napatawa lang si Sir Raffy, “ Kitang kita naman natin ang nanalo. Sorry Eros pero nagkamali ka kasi sa pag-round off dito sa part na to” tinuro nya yung equation. at malaki ang naging epekto nun sa final answer. But nonetheless, you did good. It is a great game guys. Job well done for you two. Especially you Miss Alonzo.”

“ Thank you Sir. Lahat po talaga magagawa natin pag pinagsikapan at ginusto po nating ng buong puso. Tska inspired din po ako Sir.” Pabulong ko nalang sinabi ang huling linya.

“ Tama ka dun Aya. Congrats ulet sayo. Dahil jan, Eros at Aya lumapit kayo dito.” Umalis naman kami ni Eros sa tapat ng tables namin at naglakad papunta sa gitna ng flatform. “ Mag-shake hands kayo biglang simbolo ng sportsmanship.”

Hanudaaaw!?!?!?! O_________O

Tama ba ang dinig ko?! Shake hands! Ako?! At ang Prinsipe kong si Eros?! Oh my geeeee! Jackpot na to~!

Nilahad agad ni Eros ang kamay nya. Ano ba naman yan Eros. Masyado ka namang nagmamadali. Pwede bang magdahan-dahan muna tayo? Slow motion kong inabot ang kamay nya. Syempre ninanamnam ko pa tong moment na to ii. At nang magpang-abot na ang mga kamay namin, kalokaaaaaa! Feeling ko hihimatayin ako dahil sa sobrang kilig. Ang lambot ng kamay nya at ang laki. Yan ang gusto kong kamay. Malaki. Para swak na swak, dakot na dakot. Oy ah! Baka kung anong naiisip nyo ha. Swak na swak at dakot na dakot ang hawak sa kamay ko. Feeling ko safe ako. Wag kayong berde mag-isip. Wholesome kaya ako. Chos! ~^___^~

Binitawan na nya ang kamay ko. Tinitigan ko naman sya at ang pogi-pogi nya kahit mejo nakasimangot sya at iritang irita na sa nangyayari.

“ Ngayon, Aya sabihin mo kung anong parusa ni Eros.”

“ Parusa talaga Sir Raffy? Grabe ka naman.” Sabi ko. “ Well, I’d like to call it a reward rather than a punishment. By the way, you did great Eros. Nice game.” Hindi sya nag-comment. Ni hindi nga nag-iba ang expression ng mukha nya ii.

Habang naghihintay ako nag-reaction mula sa kanya, bigla namang umepal tong si Sir Raffy, “ Wow. Sige nga. Say it.”

Naglakad ako palapit kay Eros. Napatitig sya sakin. Tiningnan ko sya derecho sa mata. Oh my gee~ Ang ganda ng mata nya. Singkit pero mejo bilugan. Malungkot pero nangungusap. He owns the best pair of eyes in the world. I get a hold of myself and manage to speak. “ Meet me at Café Fiorgara, Saturday 1pm. OK?”

“ Ha~”

“ I’ll see you there.” Kinuha ko ang kamay nya at nakipagkamay ulet. “ It’s a date, ok, Eros?”

And that brought me here.

Habang in-e-enjoy ko ang panglima kong tasa ng kape, naaninag ko ang nag-uumapaw na kagwapuhan ni Eros habang papasok sya ng mall. Kinuha ko ang bubuyog shades ko at wide brim na sombrero. Nagpunta ko sa counter para iaabot ang bayad ko. Lumabas na ko ng coffee shop at tumakbo agad sa CR.

Naglagay ako ng polbo, lip gloss at pabango. Inayos ko rin ang buhok ko na dalawang oras kong kinulot. Nagpa-cute muna ko saglit sa salamin bago bumalik sa shop. “ Ang ganda mo!” bulong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad ako palapit, nakita ko agad si Eros na naka-upo sa pwesto ko kanina. Huminga ako ng malalim bago pumasok. “ Oh my gash Eros. Sorry I’m late. Kanina ka pa ba dito?” Ang arte ko nuh? Shet!

 Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan nya.

“ Hindi naman.” Sagot nya.

Lumapit samin yung isang waiter. “ Ma’am buti bumalik po kayo. Naiwan nyo po kasi to kanina.” Inabot nya sakin ang isang pink na payong.

Ay shetemers! Ang galing naman nitong waiter na to.  Pak napak na nga ang effort ko sa pag-arte dito na  late tapos dadramahan naman nya ko ng ganito. Ano sa tingin nya?! Magiging employee of the month sya dahil sa ginawa nya?! Aiiiish! Mabibisto ako kay Eros nito ii. I compose my self. “ Ahmmm Sorry pero hindi akin yan ii.”

“ Pero sa inyo po talaga to.”

Ang kulet nito aa! Sabi ng hindi sakin yan ii. Tumalikod ako kay Eros saka tiningnan ng masama ang kawawang waiter na to. “ Hindi. Sakin. Ang. Payong. Yan. ok?!”

Para namang kinuhanan ng dugo tong si Kuya, “ Aa ee. O-ok po. Pa-pasenxa na po Ma’am.” Umalis na agad sya.

Humarapa ulet ako kay Eros. All smiles and positive vibes. “ So, let’s get this started?”

Naglakad-lakad kami. Ilang beses ko ring tinry na hawakan kahit braso man lang nya pero tuwing lalapit ako ng less than 2 feet sa kanya, bigla syang umiiwas. Ouch! Basted ako aa. After naming mag-window shopping at parang napapagod na rin ako sa kakalad, umupo muna kami sa bench.

“ Gusto mo bang manuod ng movie?” tanong ko.

“ Hindi ba ikaw ang nanalo sa game? So kahit anong gusto mo, gagawin ko. That’s the deal,right?”

Oy ah! Gusto kong yung idea na lahat ng gusto ko gagawin nya. Ee kung ano kaya~ Ahihihi. Wag na nga lang. Ang naughty kasi ng naiisip ko. Hmmmm. O sige na nga. Susundin ko na ang plano ko.

“ Aa yeah. Right.” Tumigil ako saglit para isipin naman nyang nag-iisip ako. “ Ahmmm. May gusto akong panuorin na movie, gus~”

“ Ok. Let’s watch a movie.” Tumayo na sya bago pa ko mag-side comment. Hay nako Eros. Ibang klase ka talaga.

Sinundan ko lang sya. Nakakaloka. Para naman akong yaya ng gwapong to. Pero wait lang! Masyado akong maganda para maging muchacha nito. Mas bagay saking maging girlfriend nya. Gwapo sya, maganda ako. Bagay na bagay. Parang manga at bagoong o kaya spaghetti at keso. Kahit saang anggulo tingnan, kitang kita na perfect match kami.

Pagdating sa sinehan, namili muna kami ng panunuorin.

“ Mukhang maganda to.” Tinuro ko yung action sci-fi movie. “ Ano sa tingin mo?”

“ Akala ko ba may gusto kang panuoring movie? Bakit mo ko tinatanong ngayon?”

Anak ng tokneneng! Oo nga pala nuh. Grabe naman tong lalaking to. Ang tindi ng memory. “ Aa yun. Hindi na pala showing yung movie na gusto ko. Baka pinalitan na kahapon.” Palusot ko. Pero mukhang hindi sya convinced. Nagdrama na naman ako, “ Aaaw~ Nakakalungkot naman hindi ko napanuod.”

Naglakad-lakad pa ko para basahin ang summary ng ibang movie hanggang sa mapatigil ako sa isang Thai Horror movie, “ Eto na lang ang panoorin natin.”

Excited na excited kong tinuro sa kanya yung poster. Pero sumang-ayon lang sya na parang bored na bored sa nangyayari. Grabe ka naman Eros~ Masyado kang honest. Nakaka-hurt ka na ng konti aa. At speaking of hurt, parang nasakit ang tyan ko. Mahapdi. Aiiish! Ano ba to?! Kainis! Bakit ngayon pa?!

“ Ok.”

Lumapit na kami sa ticket booth. Ang daming nakapila sa booth ng panunuorin namin. Kaya habang nakapila, lumingon sya sakin, “ Ako na lang ang pipila. Umupo ka na muna dun.” Nilingon nya ang bench na hindi na occupy ng apat na babae na mukhang ka-edad lang namin. At pakiramdam ko nagpapa-cute sila sa Eros my loves ko. Tsssh! Wag nyo nga syang tingnan! Akin lang sya nuh!

“ Oy Aya!” pinatigil ni Eros sa pagpatay ko sa mga babaeng yun sa isip ko.

“ Oy Eros!” bigla kong reaksyon.

“ Ano?! Umupo ka na dun.” Utos nya sakin.

Mejo napa-blush naman ako. “ ok sige.” Naglakad na ko papunta sa bench.

Pag-upo ko, narinig ko, as in dinig na dinig ko, ang bulungan ng mga bitches na to.

“ Oh my gash! Don’t tell me girlfriend ng poging yun ang jologs na babaeng yun.” Bitch #1.

“ Well, kung ganun man, madali naman nating maaagaw si cutie sa babaeng yun, diba?” Bitch #2.

Tapos sabay-sabay silang nagtawanan na parang timang. Hay nako ha! Nanggigigil na talaga ko sa kanila. Pag ako talaga napuno, kakalbuhin ko silang lahat. After ng ilang minuto, hindi pa rin sila tumigil sa panglalait sakin at sa pagpapantasya sa prinsipe ko. Kaya napuno na ko~

Tumayo ako para lapitan sila. Pero bago pa ko makalapit sa kanila, eee hinawakan na ni Eros ang braso ko. “ Nakabili na ko ng ticket.” Pinakita nya sakin yung ticket. Dahan-dahan ko namang inalis ang kamay ni Eros sa braso ko saka hinawakan ang kamay nya.

“ Halika na, BABE~” holding hands kaming naglakad lampas sa mga bitches na yun. Ano kayo ngayon?! Mamatay kayo sa ingget! Nag-belat pa ko sa kanilang tatlo para mas lalo silang maasar.

Pagpasok sa sinehan, “ Pwede mo ng biatawan ng kamay ko.” Bulong sakin ni Eros.

Binitawan ko naman agad ang kamay nya. “ Ay sorry.” Umupo na kami sa pinakataas na part ng sinehan at nag-umpisa na kaming manuod.

Grabe! Nakakatakot nga tong movie. Maya’t maya akong tumitili at psimpleng yumayakap sa braso ni Eros. Maya’t maya din nya inaalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Hmpft! Napaka-suplado mo talaga Eros. Kaya mahal na mahal kita ii.

Halos patapos na ang movie ng bigla na namang sumakit ang tyan ko. Ang hapdi. Parang inaatake na naman ako ng acidity ko. Sobrang hapdi ng tyan ko. Hindi ko na ata kaya. “ Ahmmm. E-e-eros.”

Nag-aalala tumingin syang sakin, “ anong problema Aya?”

“ Ha? W-wala. Ahmmm. Punta m-muna akong CR ha.”

“ Ok.”

Pumunta ako sa CR at nagbawas. Pero wala namang nagbago sa pakiramdam ko. Masakit pa rin ang tyan ko. Nakakainis naman! Bakit ngayon paa to nangyari?! Nakakaasaaaar! TT____________TT

Maya-maya, nag-ring ang phone ko. “ h-hello?” feeling ko tunong in-pain ang boses ko. Ang sakit kasi talaga ii.

“ Aya. Nasan ka?”

“ Eros? Pano mo~”

“ Nasan ka na ba?! Tapos na yung movie. Nasa CR ka pa rin ba?!”

“ Ahmm. Oo. Pero lalabas na rin ako.”

“ Ok. Hihintayin kita dito sa labas ng sinehan.”

“ S-sige.”

Dahan-dahan akong tumayo. Mejo humuhupa na rin ang hapdi ng tyan ko kaya kahit papano kinaya kong tumayo. Pagdating ko sa labas ng sinehan, wala naman si Eros. Nasan kaya yun? Tska san naman nya nakuha ang number ko? Don’t tell me~ Yaaaaay! Baka kiligin ako nyaaaaan! =^_________^=

Tinawagan ko na sya. Pero hindi sya nasagot. Kaya hinintay ko nalang sya dito. After ng ilang minuto, nakita ko na si Eros na palapit sakin. “ Eros! San ka ba nagpunta?” sinalubong ko na sya.

“ Eto oh.” Nag-abot sya sakin ng isang paper bag.

“ Aa eh. Ano to?”

“ Gamot sa sakin ng tyan.”

“ Omoooo~ Napansin mo Eros?” overwhelmed kong tanong.

“ Alam ko kasing hindi ka kumaen kanina at puro kape lang ang laman ng tyan mo.”

“ Pano mo nalaman yun Eros? Grabe ka! Masyado mo kong sinosorpresa.” Ang saya-saya ko pero bigla na namang sumakit ang tyan ko. “ Aray.aray.” nakahawak ako sa tyan ko.

“ Inumin mo na kasi yang gamot.” Pinagbuksan nya ko ng mineral water at gamot. Ininom ko na naman yun.

“ S-sorry ha.” Pinaupo nya ko sa bench. “Disaster ang date natin. Sorry talaga.”

Hindi sya sumagot. Hay nako~ kala ko pa man din sasabihin nya ‘bawi ka na lang next time.’ Pero hindi ii. Haaaay~

Grabe~ Nakakaiyak naman to. Ang tagal ko tong pinaghandaan pero wala ii. EPIC FAIL!!

Continue Reading