Class Zero

By Penguin20

7.2M 432K 181K

Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga ka... More

Class Zero
Teaser
Chapter 1: Prominent School
Chapter 2: Exam Result
Chapter 3: Different Treatment
Chapter 4: Class Zero
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: Real mission
Chapter 7: Physical training
Chapter 8: Awakening power
Chapter 9: Against Lawbreakers
Chapter 10: Leaving class zero
Chapter 11: Back to sense
Chapter 12: Back in Class Zero
Chapter 13: First Mission
Chapter 14: Investigating
Chapter 15: Pochi Monster
Chapter 16: Missing Post
Chapter 17: Lockup
Chapter 18: Against Lawbreakers
Chapter 19: Urgent Meeting
Chapter 20: Affected by her Death
Chapter 21: Warning
Chapter 22: Foundation Week
Chapter 23: Winning without cheating
Chapter 24: Change of Plan
Chapter 25: Seven Versus Ace
Chapter 26: Suspended
Chapter 27: Brilliant Plan
Chapter 28: Scouting the Place
Chapter 29: Class Zero VS. Lupin
Chapter 30: Seize the day
Chapter 31: Review
Chapter 32: Phoenix Necklace
Chapter 33: Forgotten
Chapter 34: Aftermath
Chapter 35: Getting better
Chapter 36: The twelve members
Chapter 37: The party
Chapter 38: Servant of Fire
Chapter 39: Servant of Elements
Chapter 40: Mission done
Chapter 41: Zero base
Special: Girly Tapang
Chapter 42: The alliance
Chapter 43: Let's compact!
Chapter 44: Seven's Mission
Chapter 45: The search
Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo
Chapter 47: Enemy in good term
Chapter 48: Saying the truth
Chapter 49: Knowing Vincent
Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams
Chapter 51: Jamie Vs. Evan
Chapter 52: Revenge
Chapter 53: Compact
Chapter 54: Zero equals family
Chapter 55: Shaken Trust
Chapter 56: A New Mission
Chapter 57: The Teacher's Love
Chapter 58: Pressure of Leader
Chapter 59: Guarding her
Chapter 60: Dressing Up
Chapter 61: Leaders plan
Chapter 62: The Blind and The Steel
Chapter 63: Accepting Defeat
Chapter 64: The Greatest Enemy
Chapter 65: Final Exam
Chapter 66: Fun and Terror
Chapter 67: Part of the Society
Chapter 68: Let's Go Training!
Chapter 69: Clash of Leaders
Chapter 70: Decision He Made
Chapter 71: Train hard
Chapter 72: Progress
Chapter 73: Girls Bonding
Chapter 74: Sudden Energy
Chapter 75: Must Protect
Chapter 76: Unexpected Power
Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Chapter 78: Class Magnus
Chapter 79: Royal Blood
Chapter 80: New Semester, New Chance
Chapter 81: New Challenge
Chapter 82: The Competition
Chapter 83: Dodgeball
Chapter 84: Merton VS. Sahandra
Chapter 85: The Good Effect
Chapter 86: Pavilion Date
Special Chapter: Preparation
Chapter 88: Never Abandon
Chapter 89: Her Reason
Chapter 90: The Final Play
Chapter 91: Tears with Pain
Chapter 92: Out of Control
Chapter 93: Monsters
Chapter 94: Mole in the Dark
Chapter 95: His Escape
Chapter 96: Give and Take
Chapter 97: A day before War
Chapter 98: Start of War
Chapter 99: Kiryu Versus Hugo
Chapter 100: Fight until the End
Chapter 101: Preventing the Worst
Chapter 102: We are Class Zero
Epilogue
Last Note
Special Chapter: Black and White
Class Zero Book version!
Class Zero Book Details
BOOK SIGNING (MIBF 2022)
BOOK SIGNING (Grand Fans Day)
Manila International Book Fair 2023

Chapter 87: The Young Glitches

40.2K 2.9K 2.6K
By Penguin20


"SA wakas naging kayo na rin!" Malakas na sigaw ni Jessica sa room namin at nagtatalon silang dalawa ni Mild sa tuwa. "Ako ang napagod maghintay sa inyo sa totoo lang."

Claire just clapped her hand and I smiled to her. "Congrats, Jamie." she said.

"S-Salamat, hindi ba ako nananaginip?" tanong ko sa kanila, matapos kasing mamatay ni Girly... ngayon lang ulit ako naging ganito kasaya. I mean, emotionally happy na parang nakalutang ako sa ere.

"Gaga, hindi," sabi ni Mild habang binibilang ang pera na nasa kanyang kamay. "Tsaka 'wag mong pangarapin na nanaginip ka lang. Ang laki kaya ng kinita namin!"

"Mild!" Hinampas ko siya sa kanyang braso. "Sineryoso ninyo pala nila Teddy 'yong live broadcast ninyo sa buong village! Nakakahiya!"

"Okay lang 'yan, atleast, alam nilang kayo na. Libre na lang kitang Samgyupsal kapag balik natin sa Merton para makabawi ako,"

"Promise 'yan?"

She raised her right hand. "Promise, mabalian man si Teddy." Yumakap sa akin si Mild. "Pero seryoso, masaya ako para sa 'yo. Thank you dahil parehas na kayong sumugal."

Yumakap din sa akin sina Claire at Jessica. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko sa buhay ko para magkaroon ng ganito ka-supportive na kaibigan. Madalas man kaming nagbibiruan at nagbabangayan sa Class Zero pero ramdam ko ang suporta ng bawat isa.

"Sayang nga lang at kailangan ko nang umalis bukas," malungkot na sabi ni Claire.  Jessica pinched her cheeks. "Mashakit, Jesshica."

"Mauuna ka lang naman sa Merton, hindi ka naman kukuhanin ni Lord," Lokong sagot ni Mild sa kanya. "At isa pa, pupunta ka naman sa Fladus Academy para mas palakasin 'yong ability mo."

Tumango si Jessica. "Tsaka magagawa mo 'yong bagay na gusto mong gawin, makakapagturo ka ng mga bata."

"Claire umamin ka nga," she looked at my direction. "Saan mo tinatago 'yong pakpak at halo mo?"

She pouted. "Ayan na naman kayo sa pang-aasar ninyo."

Siya naman ang niyakap namin. "We love you St. Claire!" Sigaw ni Mild.

Saglit pa kaming nagkuwentuhan nila Mild bago namin mapagdesisyunan na matulog dahil nga maaga pa kami bukas. Sayang nga lang at ilang araw na lang kami rito. Naka-close ko na rin kasi ang ibang estudyante ng ibang school. They are also fun to be with.

Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame, hindi talaga ako makatulog dahil iniisip ko na baka panaginip lang ang lahat ng ito. Hindi man sobrang organize noong date na pinag-effort-an ni Seven pero ramdam ko na sincere siya sa mga gusto niyang sabihin at iparamdam.

Masaya naman na ako sa kung ano ang mayroon kami ni Seven noon pero iba ngayon... parang mas malinaw na ang lahat. Parang nagkaroon ako ng assurance sa feelings ko na matagal ko nang pagdududa sa puso ko.

Biglang tumunog ang cellphone ko na mabilis kong kinuha. I read the text message-- galing ito kay Seven.

Seven:
Still awake?

Tumingin ako kanila Mild kung tulog na sila bago ako nagtipa ng reply sa kanya. Hindi ko mapigilan na lumabas ang ngiti sa aking labi habang nagre-reply sa kanya. Klarong-klaro pa rin kasi sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

Jamie:
Oo, hindi ka rin makatulog?

Seven:
I am scared to sleep.

Baka magbago ang sagot mo bukas.

Jamie:
Hindi magbabago ang sagot ko, huwag kang mag-alala :)

Anong balita kay Teddy? Anong parusa ang ginawa mo?

Seven:
Sa labas siya natutulog, silip ka. Silang dalawa ni Ace.

Bumangon ako saglit, nakita ko nga si Teddy at Ace na nasa labas ng bahay nila habang nakahiga sa comforter at nababalutan ng makapal na kumot. Nagsisipaan pa ang dalawa dahil nag-aagawan sila sa kumot, mukhang nahihirapan din silang makatulog.

Ayan, kagaguhan pa.

Jamie:
Sige na matulog ka na. Maaga pa tayo pupunta sa Arena bukas.

Seven:
Ikaw man, matulog ka na.

Good night, I love you.

Saglit akong napatigil noong mabasa ang chat ni Seven, napasilip ako sa bintana ng room nila at nakita kong nakatayo din siya mula roon habang hawak ang kanyang cellphone. He is smiling while he is holding his phone.

Saglit kong ibinaba ang kurtina ng kuwarto namin at nagtatalon sa tuwa.

Seven:
No reply? :(

"Jamie matulog ka na, mahaba pa ang araw bukas para lumandi. Ipagpabukas mo na 'yan," reklamo ni Mild na mukhang naalimpungatan dahil sa mahihinang ingay na nagagawa ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para mapigilan ko ang ang aking kilig. "O-Oo, matutulog na."

Hinarap ko ulit ang aking cellphone.

Jamie:
Good night din, I love you.

Nagdalawang-isip pa ako kung ise-send ko iyon pero ginawa ko pa rin naman. I mean, hindi naman kami sanay ni Seven na sobrang sweet sa isa't isa (since may boundary kaming dalawa noon) pero iba na kasi ngayon lalo na't may label na kaming dalawa.

Siguro ay maninibago ako sa mga changes pero kalaunan ay masasanay din naman ako.

Ipinatong ko na sa mini cabinet ang cellphone ko at natulog na.

***

KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil maaga ang call time namin ngayong araw.

"Hindi ka masyadong nakatulog, 'no?" tanong ni Mild habang tinutulungan niyang mag-ayos ng gamit si Claire. Hindi sasama si Claire papunta ngayon sa arena dahil aalis din silang dalawa ni Ace.

"P-Paano mo nalaman?"

She sighed. "Jamie, kung kikiligin ka next time... huwag ka masyadong magalaw, ako ang katabi mo sa kama. Malamang damay ako!" reklamo niya.

Pumasok si Jessica dala ang breakfast namin, take-out ito galing sa malapit na fast food. "Kain na tayo, maligo na kayo after para makaalis na tayo."

"Claire, ingat ka papunta sa Fladus." I smiled to Claire. "Tsaka ikumusta mo ako sa kapatid ko, ha! Don't give him a special treatment."

Nai-imagine ko pa lang na magiging teacher ko si Claire for a day... naiisip ko na agad na hindi ako gagawa ng kasalanan.

"K-Kayo man, galingan ninyo. Ipagdadasal ko na sana manalo kayo sa mga susunod ninyong game." Nakangiti niyang sabi.

"Wala na, sure-win na. Malapit ka kay Lord, eh." Ayan na naman si Mild sa panunukso niya umagang-umaga.

Matapos naming mag-almusal ay naligo na rin kami para makaalis na kami. Pagkalabas ko pa lang ng bahay ay hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilan ba ang bumati sa akin nang "Congrats" mula sa ibang school.

Kasalanan talaga 'to ng Live na ginawa ni Teddy kahapon!

"Good morning, Jamie!" Nakangiting sabi ni Teddy at bumaling ang tingin niya kay Mild at nilahad ang kanyang kamay. "Hoy gago, nasaan ang parte ko?"

Kinuha ni Mild ang wallet niya. "Naka-6,300 tayo kagabi... Tig-2100 tayo nila Ace."

Grabe! Hindi ko alam na ganoon karami ang nanood ng live na ginawa nila kahapon! Nabalitaan ko rin kay Jessica na naglatag pa talaga sila Ace ng projector sa gitna ng village para mapanood ng lahat. Gosh! Nakakahiya!

"Talagang sa harap ko pa talaga ninyo 'yan ginawa, 'no?" tanong ko.

Tinanggap ni Teddy ang pera at humarap sa akin. "Jamie, hindi mo alam kung ilang kagat ng lamok ang natanggap ko kagabi dahil sa labas ako natulog."

Dumating si Seven at tinulungan niya ako na dalahin ang duffle bag ko kahit na hindi naman ito ganoon kabigat dahil extra shirt at tumbler lang ang laman noon.

"Wala bang morning kiss diyan?" Mild asked.

"Morning exercise, gusto mo?" tanong sa kanya ni Seven.

"Hindi ka naman mabiro, Pinunong Pito. Ang baduy kaya ng morning kiss! Huwag ninyong gagawin 'yon, ha? M-Mauna na ako sa bus." Nagmamadaling maglakad si Mild papasok sa bus namin at nakabuntot sa kanya si Teddy.

Seven looked at my direction and smiled. "Morning."

"G-Good morning din," sagot ko sa kanya.

"Jamie, Seven!" Narinig naming sumigaw si Taki. "Congrats, nice show, kinilig ako."

Namula ako dahil sa hiya at nagmadaling pumasok sa bus namin.

"Yari talaga sa akin si Teddy nito." Dinig kong sabi ni Seven.

***

ACE

PAGKARATING naming dalawa ni Claire sa Fladus Academy ay agad kong binuhay ang camera ko para i-video ang campus nila. Totoo bang mga junior high lang ang nag-aaral sa school na ito? Bakit parang mas maganda pa ang campus nila kaysa sa amin?

"No cam cording inside our campus," isang teacher ang umagaw sa camera ko kung kaya't napatigil ako sa pagbi-video. Badtrip, hanggang dito ba naman ay may masusungit na professor?

Sila na nga 'tong makikita sa vlog ng guwapong si Ace... ayaw pa nila. Choosy pa!

Isa rin sa mga rason kung bakit ako sumama dito kay Claire at makabalik ng mas maaga sa Merton... may mga plates pa akong dapat habulin (Archi problems). As much as I want to stay at the arena... ayoko rin naman magkabagsak.

Architect din si Kiryu pero ang gago... tapos na sa plates niya! Sa tuwing nakikita ko 'yon ay panay lang kain ng matamis tapos mababalitaan kong tapos na siya sa mga plates niya! Hayop naiwan ako. Tinatanggal ko na talaga siya sa Big Four.

"I am Sir Warren, ang adviser ng mga glitches dito sa Fladus Academy." pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

"It's nice meeting you po," Magalang na sabi ni Claire. "Ako po pala si Claire at itong kasama ko po ay si Ace. We are the representatives of Merton Academy who will guide the young glitches here in your school."

Amen.

Hinayaan ko na lang si Claire ang kumausap kay Sir Warren habang ako ay pasimpleng kumukuha ng video gamit ang spare cam ko. Aba! Minsan lang ako mapupunta sa Fladus Academy kung kaya't susulitin ko na.

"I am assuming na ikaw ang makikipag-compact kay Paltia," pagkausap ni Sir Warren kay Claire.

"Opo, sana po ay makuha ko po ang loob niya para makipag-compact sa akin. Sana ay pagkatiwalaan niya ako," Sa bagay, hindi rin naman naging madali ang pakikipag-compact ko kay Kean at ilang beses ko pa siyang pinuntahan sa Northford para hamunin sa isang labanan. Choosy din talaga ang mga servant of elements.

Hindi ko naman din sila masisisi kung bakit sila mapili sa magiging master nila, buhay nila ang nakataya dito at maging ang kakayahan nila.

Pumunta kami sa isang malaking classroom kung saan nandoon ang 27 na glitches na kabataan na nag-aaral dito sa Fladus Academy. Ilang taon lang ang bata nila sa amin (Their age are ranging 12-16 years old) pero ramdam ko nang promising ang mga kabataan na nandito.

"Kaklase ng mga ate ko 'yan!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong lugar at napatingin kami sa direksyon nito-- I assumed that is Jamie's brother; bungol din, eh.

"Jason! Ang ingay mo na naman!" Saway ni Sir Warren, nakikita ko siya bilang si Sir Joseph ng mga estudyante rito sa Merton Academy.

Claire giggled. "Ganyan din ang lagi ninyong ginagawa ninyo kay Sir Joseph,"

Ngayon ko lang na-realize... nakakabadtrip pala talaga ang kakulitan namin.

Sir Warren introduced us to the young glitches at ang mainam naman ay nakinig sila sa mga sinasabi namin ni Claire.

"Hindi ko alam kung kailan matatapos ang pakikidigma natin laban sa mga lawbreakers," pakikipag-usap ko at nakikinig ang mga estudyante sa akin. "Pero gusto kong tandaan ninyo ang mga mukha ng katabi ninyo. Cherish all moments na magkakasama kayo. Aminin na natin, masyado pa kayong mga bata para sa labanang ito pero hindi garantisado ang buhay ng bawat isa."

Isa rin itong rason kung bakit ko gustong magturo sa mga batang glitches. I want them to face the reality. Hindi palaging saya ang dulot ng kapangyarihan. At the young age, they should be responsible on their abilities.

"Tandaan ninyo, hindi palakasan ang pagiging glitch ng society. Hindi ito paramihan ng mapapatay na lawbreakers in the future. Having an ability means you have a power to help your comrades. As a group of young glitches, you need to work as a team para iligtas ang isa't isa. Nakadepende sa inyong grupo ang buhay ng isa't isa." nakikinig lamang ang lahat sa akin habang nagsasalita ako. Puta ang astig ko. "Ayoko rin isipin ninyo na sakit tayo sa mundong ito dahil lang kakaiba tayo... being a glitch, may kakayahan tayong iligtas ang mga mahal natin sa buhay. Hindi natin kailangan nang recognition mula sa ibang tao..."

Tiningnan ko sila ng mata sa mata lahat. "As your kuya, proud na agad ako sa inyo. Sana ay gamitin ninyo ang kapangyarihan sa paraan na alam ninyong makatutulong kayo."

Pumalakpak sila pagkatapos kong magsalita. Nakalimutan kong mag-video, badtrip. Content pa naman 'yon.

Sunod na nagpaliwanag si Claire sa kanila. Ipinaliwanag ni Claire ang kahalagahan na macontrol nila ang kanya-kanya nilang abilities at patuloy na i-develop ito.

She will be a great teacher. Ang galing magpaliwanag ni Claire at madaling naintindihan ng mga batang glitch na hindi siya naging boring.

Kitang-kita ko rin na nag-enjoy si Claire sa pakikipagdiskusyon sa kanila.

***

NATAPOS ang pagpapaliwanag namin sa mga estudyante rito sa Fladus Academy at pinuntahan ni Claire si Paltia para makipag-compact na ito sa kanya.Hindi na rin akong nagtangka na manood sa pakikipag-compact ni Claire.

Paano ba naman, saksakan ng bait ni Claire tapos servant of Holliness si Paltia. Baka makita ko si Lord ng wala sa oras kapag pinanood ko sila.

Binuksan ko na lamang ang laptop ko at umupo sa isang upuan malapit sa stage ng school ng Fladus. I decided na mag-edit na lang ng video pero nabigla ako noong lumapit sa akin ang kapatid ni Jamie.

"Ang cool ninyo  kanina!" Puri niya sa akin. I brushed up my hair, maliit na bagay. He instantly became a fan of mine. Anong magagawa ko? Ang cool naman kasi talaga ng ability ko kahit saang anggulo tingnan.

"Mas cool sa akin ang ate mo kapag nakikipaglaban,"

Napapahanga talaga ako lagi ni Jamie sa tuwing inuutusan niya ang mga lawbreakers. I mean... ibang klase si Jamie kapag seryoso siya sa laban.

"Napanood ko na si ate isang beses noong may sumugod na lawbreakers sa perya malapit sa bahay," paliwanag sa akin ni Jason. "Ramdam ko kanina habang nagpapaliwanag ka na mahal mo talaga ang mga kasama mo,"

Napatigil ako sa pag-e-edit at tumingin sa kanya.

"Ayoko lang na magawa ninyo 'yong mga pagkakamali namin." Ang daming buhay ang nawala dahil sa mga pagkakamali namin. Ayoko lang maranasan nila 'yong sakit sa tuwing may maglalaho silang kasamahan.

"Huwag kang mag-alala, poproktahan ko ang mga kaklase ko kung sakaling malaman ko na ang ability ko." Nakikita ko rin si Jamie sa kanya. Parehas silang desidido na mag-improve.

Ginulo ko ang kanyang buhok.

"So... Kuya Ace, si ate na po ba tsaka si kuya Seven?" tanong niya.

"Kapatid ka nga ni Jamie."

"Ha?"

"Parehas kayong tsismoso." sagot ko.

Nanatili lang si Jason sa tabi ko at pinapakinggan ang kuwento niya sa tuwing nakaka-encounter siya ng mga lawbreakers. Aminado naman siyang noong una siyang maka-encounter ng mga lawbreakers ay natakot siya (sinong hindi?) pero kalaunan ay mas nanaig ang kagustuhan niyang mapatay ito at makatulong sa mga kasama niya.

"Pero ang pinagtataka ko, Kuya Ace, ay kung bakit ginagawa ito ng mga Lawbreakers at Black Organization?" tanong niya.

"Gusto nilang mabuhay si Deathevn, isang malakas na halimaw sa sinaunang panahon na maaaring sumira sa ating mundo. Gusto rin nilang i-expose ang mga kagaya nating glitches sa mga normal na tao para ipakitang mas makapangyarihan tayo sa kanila." paliwanag ko."Pero huwag kang mag-alala, hangga't nasa amin si Mild ay wala kang dapat ipag---"

"Ano po?"

Shit napasarap ang kuwento ko.

"Wala, mag-practice ka na kasama ang mga kaklase mo. Nag-e-edit ako ng vlogs ko, istorbo ka." Napakamot si Jason ng kanyang ulo at naglakad paalis.

Ilang oras na rin ang lumipas noong dumating si Claire.

"Kumusta?" tanong ko. Ipinakita niya ang kanyang palad na may hiwa. Success ang pakikipag-compact niya. "Sabi ko na nga ba... In St. Claire we trust..."

She pouted. "Ang hilig ninyo talaga akong ganyanin!"

"Ang banal-banal mo kasi!"

Parehas kaming natigilan ni Claire noong may maramdaman kaming kakaibang enerhiya sa hindi kalayuan. Papalakas ito nang papalakas sa baqwat segundong lumilipas. Seryoso kong tiningnan si Claire.

"Tumawag ka kay Sir Joseph bago ko paandarin ang devil hour. This will be an emergency." seryoso kong sabi. Claire immediately grabbed her phone at tumawag kay Sir Joseph.

Nagpa-panic ang mga teachers na papasukin ang mga batang glitches sa isang room, mukhang naramdaman na rin nila na may sumusugod patungo rito sa Fladus Academy.

I snapped my finger at tumigil ang pagtakbo ng oras at paggalaw sa buong paligid.

Delikadong sitwasyon ito, kaming dalawa lang ni Claire ang kabataang glitch na nandito ngayon sa Maynila dahil nasa arena ang lahat ng glitches mula sa iba-ibang school. Nasa arena din ang karamihan ng miyembro ng association para bantayan ang nangyayaring palaro.

I am pretty sure that the Black Organization plotted this attack very well. Pero isang malaking move pa rin itong ginagawa ng Black Organization dahil isa pa rin ang Fladus Academy sa mga eskuwelahan na may mataas na depensa.

"Claire magtago ka lang sa likod ko," seryoso kong sabi. Malakas na pagsabog ang narinig namin at nakita na lamang na nawarak ang isang mataas na pader ng Fladus  Academy at isa-isang pumapasok ang lawbreakers.

"H-Hindi ako magtatago sa likod mo sa pagkakataong ito, Ace," napalingon ako kay Claire at seryoso siyang nakatingin sa mga lawbreakers na naglalakad papasok ng campus. "Tayong dalawa lang ang kabataang glitch na nandito ngayon sa Maynila, hindi kita papanoorin lumaban sa pagkakataong ito."

Ipinusod ni Claire ang nakabagsak niyang buhok. This is the first time to see her like this, wala akong takot na nakikita sa mata ni Claire. Paniguradong nagkaroon ng emotional impact sa kanya ang paglalaho ni Girly.

"Hindi ko 'to madalas ginagawa sa babae," I smirked to her. "We are Class Zero," Ni-ready ko ang kamao ko sa pakikipag-fist bump sa kanya.

Ngumiti si Claire at nakipag-fist bump sa akin. "We are family."

Tumakbo kaming dalawa sa direksyon ng mga lawbreakers, hindi kami papayag na magalaw nila ang mga batang glitch dito sa Fladus Academy.

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 1.3K 6
Lost Academy was just the beginning. It was the prelude of something bigger. Academia de Rij was destroyed. All things and all living beings inside...
184K 5.5K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
96.3K 2.8K 48
Highest rank: #69 on Mystery/Thriller Volume 1: Evil Cupid Chad Mendez, Kate Hernandez, and Arthur Santos are fourth year students who are currently...
25.8M 640K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...