Do more of what you love.

By prttysoleil

64 3 0

Angelica Maxine is a student at Calter School in the 10th grade She is a good student and child, which is why... More

chapter 1
chapter 2

chapter 3

7 1 0
By prttysoleil

Mau's POV

Simula ng makita ni Ela yung hindi dapat nya makita ay tulala na sya hanggang ngayon.

Nakatingin lang sya sa malayo ng parang ang daming iniisip.

Dapat pala hindi ko na sinabi sa kanya. Ayan tuloy hindi sya makausap ng maayos.

Hindi ko alam na ganon ang magiging epekto non sa kanya.

"Ela..."

Kanina ko pa sya tinatawag pero parang wala lang. Parang hangin lang ako dito.

" ELAAAAA!"

"Ha?.."

"Kanina pa kita tinatawag!" Inis na singhal ko kanya.

"Ah... Sorry, ano uli yon?"

"Wala... Ano ba kasing nangyayari sayo? Kanina kapa ganyan ah?!"

Hindi ko naman na sya matiis kaya nagtanong narin ako. Kesa naman mukha syang tanga dyan na nakaupo at nakatulala.

"Wala yun, wag mo na lang akong pansinin".

"Anong wag pansinin?!, Tanga kaba?! Ano bang kasing nayayari sayo ha! Simula kanina para kanang ewan jan!".

"Wala, Cr lang ako,"

Bakit ba kasi ayaw nyang sabihin sa akin. Hindi ba sya nagtitiwala sa akin?

"Sige, pero bilisan mo ha. Malapit na mag time. Baka malate ka sa susunod na subject. Mapagalitan ka pa".

At tuluyan na nga syang umalis dala ang bag nya at lumakad na parang zombie na pagewang gewang.

***
Ela's POV

Oh my god ...

Halos masuka ako sa aking nakita, nagtayuan narin ang aking mga balahibo sa takot. Napatakit nalang ako ng bibig sa gulat.

Totoo ba talaga tong nakikita ko? Sino naman tangang gagawa nito dito?

Nahiga ito sa sarili nyang dugo at ang mga laman nito ay nakapalibot sa kanya.

Kagaya don sa panaginip ko. Parang deja vu...

May isa lang namang nakahandusay na daga sa harap ng pinto dito sa isang silid.

Mabilis nalang kaming nakarating kanina ni Mau sa classroom.

Hindi ko alam pero traumang trauma na ako sa ganong eksena.

Kahit ng mga bata palang kami ni Axel ay ayoko na nakakakita ng mga gano o kahit na daga.

"Hey! Angelica Maxine Martinez right?"

Andito na pala ako sa tapat ng cr.

Bakit kasi inaalala ko pa yun. Pinilig ko ang aking ulo bago harapin ang isang lalaking tumawag sakin at alam pa ang aking buo pangalan.

Gwapo ito may matangos na ilong, may mahabang pilik mata at may mamula mulang labi. Siguro kabatch ko rin ito o mas matanda sa akin.

"Oo, ako nga bakit?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.

Kumamot pa ito sa kanyang batok bago may iabot sa akin na isang kulay puting papel.

"May nagpapabigay kasi nito sayo..."

Kinuha ko iyon na nasa kanya parin ang paningin.

Nakatungo parin sya pero mahahalatang namumula ito na animoy nahihiya.

Inalis ko na ang paningin ko sa kanya ng iaangat nya ang paningin sa akin.

Nangunot lalo ang noo ko ng wala akong pangalang nakita sa labas ng papel.

Inaangat ko uli ang aking paningin sa lalaking nasa aking unahan.

"Sigurado kabang sa akin 'to? "

Hindi naman siguro malabo ang mata nya para wala makitang pangalan dito diba?

"Para sayo talaga yan , may nag paabot sa akin nyan kanina nung naglalakad ako papunta sa cafeteria, ngayon lang kita nakita, kaya ngayon ko lang naabot."

So, kilala nya kung kanino galing ,to. Hindi naman siguro sya tatangap ng bagay kung kani-kanino lang.

Beep beep

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa aking bulsa ng tumungog ito.

Si Maurice pala.

Mau my bff<3 :

Asn kna andito na si Ms. Bilisan mo.

Oh! nakalimutan ko may klase pa pala kami. Nagugutom narin ako. Hindi kasi ako nakakain kanina ng afternoon break.

Si Maurice nalang ang pinakain ko kanina nagugutom na daw eh, ako naman ay kumain ng dalawang sandwich kaya busog pa kanina.

Hindi na lang muna ako papasok ngayon, kaya hindi ko na sya nireplyan, last subject narin naman, pupunta nalang ako sa cafeteria.

"Kilala mo kung kanino galing 'to?" Taas kilay pang tanong yan ha. Ewan ko nalang kung may talab.

"Hindi rin eh, Basta nalang inabot tapos sinabi pangalan mo," Hindi nga nya kilala pero tinanggap.

Malay nya bomba yung binigay sa kanya at hindi basta basta papel lang pero tinanggap parin nya, madadala kaya sya?

"Okay? Thank you nalang?" Patanong na sagot ko sa kanya. Hindi ko naman sya kilala.

"Sige, Aalis nako," Ako na ang unang umalis sa aking pwesto at pumasok na nga sa cr.

Ikaw naman titigan ng gwapong nilalang na'yon eh. Kung hindi ka himatayin.

Papasok na ako sa isang cubicle ng makarinig ako ng iyak sa isa pang cubicle.

Kinatok ko ito kung tao ba talaga yung nasa loob, mamaya multo pala yun. Usap-usapan pa naman na may nagpaparamda dito. Saktong walang tao kaya nagsalita narin ako.

"Hey... Are you okay?" Hindi ko na natago ang pagaalala sa aking boses. Narito parin sa akin ang kaba na baka nga hindi tao itong kinakatok ko dito.

Snif snif snif

Naiyak talaga sya. Paano ko kaya sya mapapalabas don.

"Miss, pwede kabang lumabas dyan?" Naroon parin sa aking boses ang pagaalala pero ng buksan nya iyon ay duon lang nawala ang kabang dumadaloy sa aking buong katawan.

"Grace! Are you okay?" Kumuha agad ako ng tissue sa dala kong bag.

Buti nalang talaga ay dala ko ang bag ko.

Bakit ba kasi sya naiyak? Inaway nanaman kaya sya nung mga bruhang yon?

Bwisit talaga yung mga yon. Akala mo naman kung sino eh, wala panga sila sa singit ko!

Joke singit naman eh hahahaha.

"Grace, anong nangyari sayo?"

Bakit ba kasi ayaw nya magsalita? Mabaho ba hininga nya?
pinutulan ba sya ng dila at hindi na nakapagsalita o nilagyan ng sili yung dila nya kaya ayaw nya magsalita?

Eh bakit ako? nakakapagsalita parin kahit nakakakain ng sili?. Weird.

"Grace? hindi kaba talaga magsasalita? Ano bang nangyari sayo? Gusto mo bang dalhin kita sa Clinic?" Sunod sunod na tanong ko, may bahid ng pagaalala ang boses, at alam kong ramdam nya yon.

Sa huli ay hindi parin sya nagsasalita kaya naiisipan kong dalhin nalang sya sa clinic, baka may masakit lang sa kanya kaya sya nagkakaganon.

"Thankyou..." Narinig kong anya habang nakaalalay ako sa kanya papuntang cilinic.

Napalingon ako sa kanya at napangiti. Minsan ko lang marinig ang boses nya, at para kang hinihele non.

"Ano ba kasing nangyari sayo?" tanong ko ulit pag ka pasok namin sa Clinic.

"Sila Mark kasi nilagyan ng buble gum yung buhok ko," Kaya napatingin ako sa buhok nya, totoo nga andami nyang bubble gum sa buhok, nasa lima ata ito o pito.

Napabuntong hininga nalang ako. Isa si Mark sa kaybigan ng kakambal ko.

Paniguradong marami sila kanina kaya hindi nakalaban si Grace sa kanila.

"Anong nalang gagawin mo dyan? Paniguradong mahihirapan ka kung tatanggalin mo yan gamit yang kamay mo," Tanong ko sa kanya pag kaupo nya sa kama sa clinic.

Hindi agad agad sya nakasagot nung makita kami ng nurse na naka bantay don.

"Oh mga iha? Oras ng klase ha? bakit kayo nandito?"

"May bubble gum po kasi sya sa buhok," Mahina kong sagot sa kanya ng magpalipat lipat ang tingin nya samin ni Grace.

Agad agad syang napapunta sa likod ni Grace para tingnan yung buhok nito.

Nangunot ang noo nya, sa pagtataka siguro kung bakit merong bubble gum sa buhok ang isang estudyanteng g10 na.

Hindi nalang sya nagsalita at kinausap nalang ng harapan si Grace at tinatanong kung bakit may bubble gum sya sa buhok.

Nalaman ko na kaninang afternoon break lang nangyari yun at napagdiskitahan lang syang asarin nila Mark kaya meron sya sa ulo non.

Napailing nalang ako sa pagiging isip bata ng mga kaybigan ng kakambal ko.

Lagot ka sakin Axel pag uwi natin mamaya.

Pinaalis nalang ako ng nurse dun at sinabing bumalik nalang ako sa klase namin dahil time na ng last period.

Imbis na dumersto sa classroom dumeresto nalang ako sa cafeteria.

Naglalakad nako papunta cafeteria ng tingnan ko yung phone ko para itext si Mau na hindi nako papasok ng last period ng mabasa ko yung mga text nya sakin

Mau:

Asan kana ela?

Mau:

Hoy Angelica Maxine!! asn kna ba half hour na! wala kapa dinn!!

Napairap nalang ako ng mata sa text nya. hys

Sinabi ko nalang na nasa cafeteria ako para hindi na sya mag alala.

Pagkapasok ko ng Cafeteria ay wala masyadong tao. Paniguradong nasa kanya kanya ng classroom at nakikinig ang nga estudyante.

Napapadpad yung paningin ko sa lalaking nasa pinakadulo na kumakain habang naka earphones, napatingin ako sa kinakain nya.

Softdrinks? Egg sandwich?

Mukha gutom din 'to ah?

Dumiresto nalang ako sa counter at bumili ng dalandan juice at dalawang egg sandwich.

Hindi ko na dinamihan dahil paniguradon kakain nanaman kami ni Mau ng street food bago umuwi.

Pagkarating ng binili ko ay dumiresto ako sa lalaking nag abot ng sulat sakin kanina.

Nakilala ko sya dahil kakaharap nya lang sakin habang naglalakad ako papunta sa kanya.

Parang nagulat pa sya sa presensya ko kaya nginitian ko sya.

"Hi," Bati ko sa kanya pag kababa ko ng order ko sa table nya. "Pwedeng makishare?"

Nilibot nya muna ang kanyang paningin sa buong cafeteria bago ibalik ang tingin sakin.

Nagtataka siguro sya na bakit sa kanya pako makikitable kung marami pa namang bakanteng table.

"Ah yeah.. sure.." napapakamot pa sa ulong sagot nya.

Ang pogi nya talaga hahaha

Umayos nalang ako ng upo at binuksan ang egg sandwich na dala ko at nag simula nalng kumain.

Habang kumakain napabaling sa kanya ang tingin ko, nakatitig kasi sya na parang pinagaaralan yung mukha ko.

"Why?" Naku-curious na tanong ko dahil nakakailang na.

Iniba nya lang ang dereksyon ng kanyang tingin at "Nabasa mo naba yung letter?"

Napaiwas ako ng tingin at umiling ng mabagal.

Hindi ko pa naman talaga nababasa. Kakabigay lang pati nya sakin yun. Siguro pag uwi ko babasahin yun pag naalala ko.

"Hindi pa e, Baka pag uwi ko nalang sa bahay mamaya" Nakangiting sagot ko sa kanya, para naman alam nyang talagang babasahin ko talaga yun.

Napangiti nalang sya sakin at tumango.

"Okay okay, Ako nga pala si- "

Naputol qng sasabihin nya ng dumating si Mau at iba bang estudyante.















Continue Reading

You'll Also Like

51.8K 1.4K 40
¨i dont like her, ok?!¨ ¨oh you definitely do¨ lynn loud is the schools best athlete. shes good at everything, basketball, baseball, soccer, you name...
43K 3.4K 31
Rohan Mehra is a successful famous and a rich businessman. He is a responsible and a very strict big brother. He handles both his siblings and busine...
263K 1K 30
Just some AO3 shots not mine credit to owner ❤️
77.7K 6K 16
𝗦𝗵𝗲 𝗜𝘀 𝗧𝗼𝗼 𝗗𝗲𝗹𝗶𝗰𝗮𝘁𝗲 𝗙𝗼𝗿 His 𝗗𝗲𝘀𝗶𝗿𝗲 "Fuck, whenever you're in my arms, I feel like I might crush you. You're so delicate," he...