chapter 1

35 1 0
                                    

Simula

"Ela, halika mag bike tayo dali!" yaya ng isa batang lalaki sa batang babae na ngayon ay naglalaro magisa sa kanilang bakuran.

Nagliwanag naman ang mukha ng batang babae dahil nandiyan uli ang kanyang kaibigan.

Ngunit bigla syang nalungkot ng maalalang wala ang kanyang mommy."Ah... wala kasi si mommy, baka mapagalitan ako pag lumabas ako" .

Malungkot na ani ng batang babae sa kanyang kaibigan. "ah ganon ba? gusto mo bang samahan nalang kita d'yan?."

Naging maganda ang ngiti ng batang babae sa sinabi ng batang lalaki sa kanya.

"Sige! halika pasok ka dito." Magiliw na ani nito ,dumiresto naman ang batang lalaki Kung saan nagpalaro ang batang babae.

"Ela, pwede magtanong?." nahihiyang ani ng batang lalaki pagkaupo pa lamang nito kung saan nakalagay ang mga  laruan ng batang babae. "Ano yon?" Inosenteng  tanong ng batang babae sa kaibigan."Ah... Nasaan na yong binigay ko sayong bracelet?"

Nahihimigan sa batang lalaki ang kaniyang hiya sa pananalita, hindi agad nakasagot ang batang babae sa kanya " Ah yun ba? ano kasi eh---- )

Booooggsssshhhh

Napabalikwas ako ng bangon sa isang malakas na kalabog sa aking kwarto.

"Ano ba? Dika ba marunong kumatok?!" Inis na singhal ko sa kanya.

"Aba! Kung hindi pako papasok di'ka pa babangon? alam mo ba kung anong petsa na, ha!?" inis nya din na singhal sa'kin.

Do more of what you love.Место, где живут истории. Откройте их для себя